Chapter 40 (Part Two)
Awaken
Retograde Amnesia,
Loss of memory-access to events that occurred, or information that was learned in the past.
Iyon ang pinaliwanag sa akin ni Doctor Jones. Epekto raw ng malalang injury ko sa utak o posibleng psychologically na binura ko iyon sa isipan ko.
Ang araw na naaksidente ako at ang nakalipas na apat na buwan bago ang pangyayaring 'yon ay nabura sa alaala ko. It might be temporary or permanent.
Isang buwan na ang nakakalipas noong araw na magising ako. Nakakagalaw na ako kumpara noon. Tuwid na rin ang salita ko dahil sa mga therapy na pinagdaanan ko. Pero hindi pa rin lubos na matanggap ng isipan ko na apat na taon mahigit na ang lumipas.
I'm no longer that 20 years old Alice...I'm 24, now.
Minsan pakiramdam ko nandoon pa rin ako sa huling araw na kasama ko si Leighton. Sa tuwing gigising ako ay siya ang hinahanap ng mga mata ko. I missed him. Iniisip ko kung anong nangyari sa kanya matapos ko siyang iwan. Kung anong buhay na ang meron siya ngayon. Pero gusto ko mang alamin ay pinipigilan ko ang magtanong kay Daddy o kay Rence. Wala rin naman akong naririnig sa kanila tungkol kay Leighton siguro dahil wala rin silang alam.
Walang alam si Daddy sa nangyari sa akin sa Maryland ayon kay Rence. Hindi niya ikinuwento ang impyernong pinagdaanan ko sa kamay ni X dahil iniisip niyang baka hindi ko iyon magustuhan at hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan sa ginawa niya.
Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko para mawala ang guilt ni Daddy dahil sa nangyari sa akin. Sinisisi niya ang sarili niya. Sana raw ay hindi niya ako hinayaang umalis ng Pilipinas. Ayon sa kanya ay nasa airport na ako nang tumawag ako sa kanya para ipaalam na aalis ako ng bansa. Pagkatapos daw noon ay hindi niya na ako makontak pa. Ipinahanap niya ako sa Los Angeles dahil iyon pala ang alam niyang kinaroroonan ko 'pagkat ayon ang sinabi ng ina ko noong huli niyang nakausap ang huli. Hanggang sa makatanggap na lang daw siya ng tawag kay Rence na nasa hospital ako at malala na ang lagay.
"Hey, why are you still not eating?"
"Not hungry..."
Sinulyapan ko lang ang pagkain na nasa harap ko at muli akong nahiga.
"Alice, you need to eat, you're going to drink your meds in just an hour,"
Napipilitang bumangon ako at pilit na kinain ang pagkain na binili ni Rence. Ang laki nang ipinayat ko na halos humumpak na ang pisngi ko kaya naman sila Daddy ay walang ibang ginawa kung hindi pakainin ako.
"Nag-cut ka na naman ba ng classes mo?" Pananagalog ko dahil hindi man fluent si Rence sa tagalog ay nakakaintindi na siya.
Ayon sa kanya ay may Filipina siyang nakilala sa school na pinapasukan niya at doon siya nagpapaturo.
"Not really, I can just copy some notes from Agnes, she won't let me fail my subject, she'll teach me what I missed."
Ngumiti ako. "Why? Because she likes you?"
Napahinto siya sa pagbabalat sa mansanas sa sinabi ko.
"You like her too, don't you?"
Nakita ko ang guilt sa mga mata niya at hindi nagawang sagutin ang tanong ko.
"I-I'm sorry Alice..."
"Para saan na naman?"
"Because I-I like her...You were lying here almost lifeless and I am living a normal life. Liking someone, studying in a good university, pursuing my degree when all of this happened because of me..."
Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. "It wasn't because of you, Rence. I might not remember how I ended up here but I know it's not your fault. He found me even though you didn't tell him where I am...I chose to leave Philippines not just because of you but because I wanted to protect my family and Leighton from him,"
Namayani ang katahimikan sa amin bago siya ngumiti at itinuloy ang pagbabalat sa mansanas.
"You missed him?"
"Leighton?"
Tumango siya. "Do you want me to contact him?"
Umiling ako. "Ayoko na siyang guluhin pa...Masyadong mahaba ang apat na taon, siguro ngayon masaya na siya at baka n-nga meron na siyang ibang minamahal,"
Tila may mga karayom na tumusok sa puso ko sa namutawing mga salita sa akin. Napahawak ako sa leeg ko at nakaramdam ng labis na pagkalungkot nang hindi ko mahawakan ang kuwintas na ibinigay niya sa akin. Ayon kay Terrence ay hindi niya kailanman nakitang may suot akong kuwintas noong bumalik ako.
"But what if he still loves you? What if he's waiting for you?"
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya pero may umusbong na pag-asa sa akin na baka tama si Terrence. What if ako pa rin after all these years?
Napangiti ako nang mapait at pinatay ang ideyang iyon sa isip at puso ko. That's impossible. I might not remember how I left him but I doubt that he can still love me after I left him.
"Let's not talk about him...How about you tell me what really happened to X? How d-did he die?"
Sumeryoso si Terrence at tumayo na. "Your Dad texted me, he's on his way...I need to go--"
"Why can't you tell me?!"
"What for? Alice, it's all in the past. It won't do you any good if you know what happened with that devil! He's now buried six feet under the ground and he f*cking deserve it!"
Napayuko ako at pinagmasdan ang nag-uumpisang manginig na mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman kung anong nangyari kay X gayong sa tuwing mapag-uusapan siya ay nanginginig ang mga kamay ko dahil sa hindi ko maunawaang takot kahit na sinabi na ni Terrence na patay na siya.
Hinawakan ni Rence ang mga kamay ko at niyakap ako. "I-I'm sorry for shouting...I'll tell you when you get better...I promise,"
"N-No, don't tell me. Siguro nga tama ka walang maidudulot na maganda sa akin ang tungkol sa kanya. Baka kaya ako nakalimot ay dahil iyon ang gusto ko...This is my second life, kakalimutan ko ang nakaraan at magsisimula muli ako. Lalo pa't wala na siya, I'm finally free."
***
Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport--
Idinilat ko ang mga mata ko at napangiti nang makita ang labas. I'm finally back.
"Are you okay, anak?"
Nilingon ko si Daddy na naghahanda nang alalayan ako. Umabrisete ako sa kanya at nakangiting tumango.
It's been six months since I woke up, sa wakas ay nakumbinsi ko na rin ang ama kong bumalik na kami ng Pilipinas. I'm still healing. Kailangan ko pa rin mag-PT dahil hindi pa ako ganap na nakakapaglakad nang walang aalalay sa akin o walker.
Luckily, walang nakitang masama sa mga tests na isinagawa sa akin. Aside sa mga pasumpong-sumpong na headaches at mga paa ko ay wala na akong iniinda.
"Wait for me here, kukunin ko lang ang mga luggages natin. You stay here--"
"Dad relax, I'll stay here. You should stop treating me like a kid,"
"Can't help it,"
Napailing na lang ako at natawa sa ama ko. "Go and do your business Dad, I promise I'll stay here,"
Habang naglalakad si Daddy papunta sa luggage area ay nililingon-lingon niya pa ako kaya hindi ko mapigilang matawa sa kanya.
Nang maging busy na sa paghihintay sa luggage namin si Daddy ay kinuha ko ang cellphone ko at napangiti nang wala pang ilang minuto ay tumatawag na si Terrence sa akin.
"Hey, missed me already?"
"Yes, I am..."
"Terrence, I told you so many times huwag mong iwanan---oops you talking to Alice?"
"Alice! Diyan na kayo ni Tito?"
"Hey! I'm talking to her..."
Natawa ako nang magtalo pa ang dalawa sa pagkausap sa akin. Bagay na bagay talaga ang dalawa. Sa unang pagkikita pa lang namin ni Agnes ay nakagaangan ko na siya ng loob. If I am the old Alice baka hindi ko siya pinansin at tinarayan ko na dahil sa kadaldalan niya. But I'm not the one I used to be. I decided to create a new me.
"Oh come on Jules! Simpleng instructions hindi mo makuha?! Goddamn it!"
Leighton...
Naibaba ko ang cellphone ko nang marinig ang pamilyar na boses. Lumingon ako sa gilid ko at nasulyapan ko ang lalaking naglalakad papunta sa luggage area.
He was holding his phone talking to someone with his angry voice at kahit na ilang dipa na ang layo niya ay dinig na dinig ko pa rin ang sigaw niya.
He looks so different. Hindi ganito ang Leighton na naaalala ko.
Pinagmasdan ko siya mula sa malayo, iniisip kung tatawagin ko siya o kung lalapit ako sa kanya.
Tatayo na sana ako nang may lumapit sa kanyang babae na may karga-kargang bata.
Tila napako ako sa kinauupuan ko nang kargahin niya ang bata at halikan sa pisngi. Habang ang babae naman ay yumakap sa bewang niya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad habang ako ay paulit-ulit na lumunok para maalis ang namumuong bikig sa lalamunan ko.
Inaasahan ko na ito...it's been five long years. What do I expect?
Siguro ang hindi ko lang inaasahan ay ang babaeng sumalubong sa kanya na may bitbit na bata.
It's Trisha.
My old friend.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top