Chapter 38

Future

"MAY date na naman kayo?"

Hindi ko nilingon si Trisha na basta na lang pumasok sa kuwarto ko. Dire-diretso siya sa kama ko at doon nahiga. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko.

Simula nang naging kami ni Leighton ay bihira na akong mag-make up. Sanay na ako sa powder at lipstick lang. Pero hindi ngayon, namamaga ang mga mata ko at halatang wala akong tulog. Maputla rin ang mukha ko.

Kung hindi nga lang tumawag ang ama ko kaninang umaga ay mawawala sa isip ko na magkikita kami mamaya kasama si Leighton.

"Hay, bakit pa ba ako nagtanong? Nakakainggit! Gusto ko na rin mag-boyfriend!" saad niya at lumapit sa akin.

Pinakawalan niya ang naka-bun kong buhok at marahang sinuklay iyon.

"Bakit ba hindi mo na lang sagutin si Jace?"

Sumimangot siya at sinimulang i-braid ang buhok ko. Hindi na rin ako tumutol pa, nasanay na ako kay Trisha. Hilig niya talagang makialam ng buhok namin nila Fae.

"Iyon? Sasagutin ko? Hindi na! Ayokong pumatol sa malanding lalaki."

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi 'yon pero iba naman ang nakikita ko sa mga mata niya sa tuwing tinitingnan niya si Jace.

"But you like him..."

Napangiwi ako at sinamaan siya ng tingin nang humigpit ang pagkakabuhol niya sa buhok ko.

"Sorry, ikaw naman kasi huwag mo na ngang banggitin ang lalaking 'yon. Hindi ko siya gusto."

Ngumisi ako. "Hindi iyon ang nakikita ko, you know kung anuman ang nangyari sa inyo. Give him a chance. Huwag mong hayaan na manaig iyong takot mo na masaktan kaysa doon sa tunay mong nararamdaman..."

Hindi siya nagsalita at sumeryoso lang siya waring hinihintay kung may sasabihin pa ako. "It feels so good to be in love and be loved back...Even though it might not be forever..."

"You've changed. Noong una kitang nakilala, you're too distant...You look like someone na hindi naniniwala diyan sa love na 'yan."

Ngumiti ako at tumayo nang matapos siya sa pag-aayos sa buhok ko. "It's because of him...he made me believe in love. He made me believe in the impossible..."

Tinitigan niya ako at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "M-May problema ka ba Rhima?"

I'm leaving...that's my problem.

Umiling ako. "Wala...ano namang magiging problema ko bukod sa pagpasok mo sa kuwarto ko at pakikialam mo sa buhok ko?" tonong nagsusungit ko ng saad sa kanya sabay kuha ng bag ko sa kama.

Tumalikod ako at naglakad paalis pero napatigil sa sinabi niya.

"I'm not just your roommate. I'm your friend, Rhima...you can always count on me."

Bumalik ako at hinarap siya. Naramdaman ko ang tensyon sa katawan niya nang mabilis ko siyang yakapin.

"Thank you..." bulong ko at nagmamadaling iniwan siya.

Magdamag kong iniisip kung bakit ako pa. Kung bakit kailangan maging ganito ang buhay ko. Puno ng komplikasyon at kapaitan. Napupuno ng galit ang puso ko para sa Kanya.

Pero sa tuwing naiisip ko ang mga taong naging parte ng buhay ko sa pagbabalik ko. Naiisip kong mahal Niya pa rin ako. Kasi kahit onting panahon lang ay pinaramdam niya sa akin kung paano maging masaya.

Nabigyan din ako ng pagkakataon para magmahal. 

Pero habang pinagmamasdan ko si Leighton ngayon, naisip kong sana hindi na lang pala. Dahil tama nga ako masasaktan ko lang siya.

Hindi ka raw nagmahal kung hindi ka nasaktan.

Sana iyon na lang ang maisip ni Leighton sa pag-alis ko. We're still young. Siguro naman makakatagpo pa siya nang mamahalin niya ulit. Iyong babaeng hindi siya iiwan at mapapasaya siya.

Pero habang iniisip ko na may ibang babaeng hahawak sa mga kamay niya. Ibang babaeng yayakap sa kanya. Hahalik sa kanya. Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko.

Gusto kong maging masaya siya pero bakit ang hirap tanggapin na hindi ako kasama roon? Bakit hindi pwedeng maging ako?

"Do I look that handsome that you can't stop yourself from staring at me?" nagbibiro niyang saad nang makalapit sa akin.

Doon ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya.

"Conceited..."

Tumawa siya at inakbayan ako. "What's with the make up?"

Tumaas ang kilay ko. "Why? You don't like me wearing one?"

"I just like you simple."

"So hindi mo ako gusto ngayon, ganoon?" masungit kong saad nang makarating kami sa parking lot. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at mabilis na pumasok sa loob ng kotse niya.

"Silly. Why would you think that way? With make-up or not, I still like you... Even if you grow old, even if your hair turns into white, even if you have those wrinkles in your face, I'll still find you beautiful...Because I fell in love with you not with your physical appearance," saad niya bago tuluyang nagmaneho. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "How about you? Would you still love me when I grow old?"

My heart melt with what he said. Ayon na naman ang namumuong bikig sa lalamunan ko. Nanginig ang labi ko at itinuon ko ang tingin sa labas. Takot na makita niya ang mga mata ko.

He's imagining our future! Iniisip niyang tatanda kaming magkasama.

"Concentrate on your driving, ayan ka na naman sa mga banat mo. H-How are you even sure na tatanda tayong magkasama?"

"What are you talking about? Are you implying that we're going to break up?"

Minsan lang mainis sa akin si Leighton. O mas tamang sabihin na magalit. Ngayon iyon, sa tingin ko.

Nang lingunin ko siya ay salubong ang kilay niya habang mahigpit ang kapit sa manibela. Doon ko lang namalayan na binitawan niya na pala ang kamay ko.

I sighed as I looked at him. "I'm just being realistic here. I'm only 20 and you're 21...Kung iyon ngang mga sampung taon na magkakarelasyon nagkakahiwalay, tayo pa kaya?"

"Enough. Hindi ko maintindihan kung ano na namang problema at nagkakaganyan ka!" nagpipigil niyang sigaw. Humihingal siya na tila kinokontrol niya ang sarili niyang tuluyang magalit sa akin.

"What's wrong with me?!"

Itinabi niya ang kotse at dinig ko ang malalim niyang paghinga. "You're being pessimistic, I'm thinking about growing old with you but you're thinking that just like other couples, we're going to part our ways too...Why Alice? Why would you think that way?" wala ng galit sa boses niya kung hindi lungkot.

Heto pa nga lang. Hindi pa nangyayari, ganito na siya. Papaano pa kapag tuluyan na akong umalis? Makakaya ko bang magpaalam sa kanya?

Hindi ko kaya.

"A-Am I not enough? Don't you see your future with me?"

There's this sadness in his eyes along with his fears. He's holding his breath waiting for my answer afraid that I might say yes.

Bakit ko ba patatagalin? Kung pwedeng ngayon na ay magpaalam na ako. Ang papaniwalain siyang ayoko na. Tapos na ko sa kanya.

Ang sabihin sa kanyang, sinubukan ko lang. Pero sa huli ay hindi pa rin pala siya sapat para manatili ako.

Kung sa gagawin kong pananakit sa kanya, mapapalitan ng poot ang pagmamahal niya. Baka mas madali para sa kanya ang makalimutan ako.

Pero nang magsalubong ang tingin naming dalawa ay tila may sumuntok sa dibdib ko. Hindi ko pa kaya.

Gusto ko pa ring maging masaya sa piling niya kahit ilang araw lang. Gusto kong maparamdam na mahal ko siya. Mahal na mahal.

Am I being selfish?

Umiling ako at hindi na napigilan ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Mabilis na naglaho ang takot sa mga mata niya at napalitan nang pag-aalala.

Tinanggal niya ang seatbelt niya at niyapos ako ng yakap. Sa pagyakap niya ay tuluyan na kong napaiyak. "Ssshhhh, don't cry love. I-I'm sorry--"

"No, I-I'm sorry. I'm sorry if I made you feel that you're not enough...I'm sorry Leighton..."

Humiwalay ako sa yakap niya at hinaplos ang pisngi niya. "I love you and I want to grow old with you...I w-want you to be part of my future. Honestly, I didn't think about my future...All I know about it is I want you to be in it." I cupped his face and gently kissed him.

"Is there a problem, love?" saad niya nang humiwalay ako sa kanya.

"W-Wala, I just feel bad about hurting you--"

"Tell me the truth, Alice...You're scaring me."

Lumukob ang kaba sa akin sa takot na mapaamin niya ako kaya pinunasan ko ang luha ko at yumuko, iniisip kung ano ang dapat kong sabihin.

"Alice..."

"I had a nightmare. It was so bad that I woke up in the middle of night. I'm so scared because in my dream I saw you but no matter how much I want to hold you, there's this force that kept me from holding you..."

Partly, what I said was true. I had a nightmare and soon I won't be able to hold him like I want to. He'll be my beautiful dream.

Pinakatitigan niya ako na tila naninigurong walang kasinungalingan sa sinasabi ko.

Nang makuntento ay hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako.

"It's just a nightmare. It won't happen.  I'll always be here with you no matter what happen..."

Sana nga...

***

"ATE!!!!" matinis na sigaw ni Mandy nang makita kami sa malayuan.

Kumawala siya sa pagkakahawak sa kamay ni Daddy at nagtatakbo palapit sa amin. Kung anuman ang lungkot na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawala iyon nang makita si Mandy.

Muntik na siyang madapa kung hindi lang siya agad nayakap ni Leighton. Agad namang kumarga ang bata sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"I miss you, Kuya Prince!"

Pinagkrus ko ang mga kamay ko at tinaasan ng kilay ang kapatid ko. "Si Ate ba hindi mo na-miss? Where's my kiss little Mandy?"

Agad naman siyang yumakap sa leeg ko kaya tuluyan ko na siyang kinarga. "I miss you too, Ate..."

Napapikit ako at mahigpit na niyakap si Mandy knowing that it might be the last time I'm going to see her.

"You're crushing me, Ate!"

Natawa ako at ibinaba na siya. Mabilis naman siyang nagpakarga kay Leighton.

"Mandy, malaki ka na para magpakarga pa." saad ng ama ko nang makalapit siya sa amin.

"Sorry kung na-late kami Dad, medyo traffic." pagdadahilan ko kahit ang totoo'y natagalan kami dahil sa pag-iyak ko.

Tumaas ang kilay niya at natagalan ang tingin sa mga mata ko na alam kong namumula. "Is that so?"

"Good afternoon Sir," pagbati ni Leighton kaya nakahinga ako nang maluwag nang mapunta sa kanya ang tingin ni Daddy.

"Call me Tito Alex, young man."

Bago pa makasalita si Leighton ay bumaba si Mandy at hinila siya paalis. Lumingon lang siya sa amin at nagpakaladkad na sa kapatid ko.

"Kuya, do you know where I can see a penguin?" pangungulit ni Mandy nang makapasok kami sa loob ng mall.

"Nag-away ba kayo?" tanong sa akin ni Daddy.

Maigi na lang at busy si Leighton sagutin ang mga tanong ni Mandy kaya hindi niya narinig ang tanong ni Daddy.

"Of course not, D-Dad. Kung nag-away kami eh di hindi ko na siya sinama pa rito..."

"Then why did you cry?"

Tumikhim ako at napakamot sa ilong ko.

"You still have that mannerism,"

Kumunot ang noo ko at nilingon ang ama kong nangingiti. "Scratching your nose everytime you don't know what to say..."

Pinagmasdan ko ang ama ko. Sa edad na limampu't-apat, may nakikita na akong puti sa buhok niya. Pero kahit na ganoon ay makisig pa rin ito. He's still that dashingly handsome Alex Gabriel Carreon my mother loved.

Katunayan ay may mangilan-ngilang kumukuha ng litrato namin. He's the famous Mayor Alex Gabriel Carreon- a  good public servant. Hinahangaan nang marami dahil tapat sa serbisyo.

"Just tell me kung papaiyakin ka ulit niyan, I don't care how powerful his family, makakatikim siya ng kamao ko..."

"Stop it. Hindi niya ako pinaiyak. Para namang hindi ninyo siya kilala...He was with me when Nanay Celing died, he's a good man, Dad. I'll never find someone as good as him."

Inakbayan niya ako at mahinang tumawa. "In love na nga talaga ang dalaga ko..."

Pinamulahan ako ng pisngi nang mapagtantong tila isa akong teenager na titig na titig sa crush niya.

"Dad, aren't you aware that people are taking picture of us? Baka kung anong iniisip nila?"

Kumunot ang noo niya. "Ano namang iisipin nila? You're my daughter."

"I am pero all these years sila Mandy lang ang kilala nila, baka isipin nilang may anak kayo sa labas. Why don't we go to some other place?"

"No. Let them think what they want. Next month na ang birthday mo, why don't we have a party? Nang sa ganoon ay mapakilala na kita--"

"Dad, I really don't like socializing...baka mapahiya lang kita." pagpuputol ko sa sinasabi niya.

What I said was partly true. Hindi ko hilig ang mga party. Kaya nga kahit anong pagpupumilit ng abuela ko na isama ako sa party o mag-party tuwing kaarawan ay lubos ang pagtanggi ko. Iyon din ang rason kung bakit marami ang hindi nakakaalam na ako ang panganay na anak ng ama ko. Mas napagkakamalan pa nila si Heaven kumpara sa akin.

Isa pa ay sa susunod na buwan ay wala na ako sa Pilipinas. Pero hindi ko muna sinabi iyon sa ama ko. I don't want to ruin our day. Hindi ko ring gugustuhin na malaman ni Leighton.

Nagpasalamat ako nang tumakbo palapit sa amin si Mandy at nagyaya papasok sa isang fast-food chain. Maraming gustong ipabili kaya naman si Daddy na ang hinila niya. Hindi na tuloy natuloy ng huli ang sasabihin sa akin.

"Kumakain ka ba rito?" tanong ko kay Leighton na umakbay sa akin habang papasok kami.

"Of course, actually place is special to our family. Paborito namin ni Claudi pati na rin ni Clarence at ng kambal."

Nakangiti siya na tila ba tuwang-tuwa sa mga naaalala niya. Napangiti na rin ako habang pinagmamasdan. Wishing for this moment to freeze.

O kahit man lang bumagal ang oras. Ayokong matapos ang linggong ito.

Napalingon ako nang makaramdam ng kakaiba. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko nang ilang dipa ang layo sa amin ay nakita ko si X. Nagmamatyag sa amin at may matalim na tingin kay Leighton.

Itinuro niya ang relo niya at mala-demonyong ngumisi bago umalis, tila pinapaalala na onti na lang ang oras ko kasama ang lalaking mahal ko.

Damn you, X...mailigtas ko lang si Terrence, mas pipiliin kong mamatay kaysa matali sa 'yo...

TBC

#FallingRelentlesslyWPCh38

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top