Chapter 37

Reality

I was sixteen years old when I met Xenon Davis Johnson. Isang fil-am na pinakasalan ng ina ko. Ayon sa kuwento ng ina ko, nakilala niya sa isang party si Xenon noong nagbakasyon ang huli sa Pilipinas. Masyadong nahibang ang ina ko sa kanya kaya nang hindi siya magtagumpay sa pakikipagbalikan sa ama ko, nagdesisyon siyang sundan si Xenon sa Los Angeles. They got married and decided to settle down in Maryland.

He's my stepfather. Unang beses ko pa lang siyang nakita ay may kabang lumukob sa akin. I don't like the way he looks at me. Nakakapangilabot. Tila tumatagos sa katawan ko ang tingin niya. But I was too depressed to give attention to him.

"So, do you like your room? Talagang ipinaayos pa ito ni Tito X mo nang malaman niyang dito ka na titira." nakangiting saad ni Mommy habang nakaabrisete siya sa asawa niya.

He was smiling at me but I avoided his gaze. There's something odd about him.

"I have something to do, honey. Feel at home, sweetie." He said then he left.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mommy. "Hey Alice, try to be grateful with your Tito X. You don't even look at him..." nakaismid na saad ng ina ko at tinungo ang maleta ko para isa-isang ilabas ang mga gamit ko.

"Why X?"

"His name is Xenon. He likes to be called that way...X."

I looked at my mother while she's fixing my things. I still can't believe that I'm here with her. Ever since she left, mabibilang sa daliri ang komunikasyon namin...She is my mother. Siya ang nagsilang sa akin, malabo man ang mga alaala ay alam kong naging isang mabuti rin naman siyang ina sa akin habang pinapalaki ako. Pero hindi ako komportable sa kanya. I don't feel good.

"Alice, I heard what happened, please kung anuman ang pag-uugali na meron ka sa Pilipinas huwag mong dalhin 'yon dito. I want you to behave..."

Kinuyom ko ang kamao ko. "Hindi man lang ba ninyo ko tatanungin kung anong nangyari sa akin doon?"

Tumawa siya. "Naikuwento na sa akin ng ama mo, wala nang dapat pang tanungin sa 'yo. Turns out namana mo pala ang pagkabaliw ko... Mag-ina nga tayo." matapos sabihin iyon ay iniwan niya na ako.

Buong summer akong nagmukmok lang sa kuwarto ko, every night is a nightmare. Nagigising ako sa gitna ng gabi dahil sa mga bangungot at ang tangi ko na lang magagawa ay umiyak at hilingin na sana panaginip na lang ang lahat.

Sa kalagitnaan ng gabi habang umiiyak ako biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Iniluwa non si X, may bitbit siyang baso ng gatas.

Umurong ako hanggang bumangga ang likod ko sa headboard. Ngumiti siya at ipinatong ang gatas sa side table ko.

"I know that you're uncomfortable with me...But I'm the husband of your mother, technically I am your father. You can always talk to me, don't be scared, sweetie."

Napalunok ako nang yumuko siya at tapikin ang balikat ko. Unti-unti kong pinagkatiwalaan ang lalaki. Inisip ko na wala akong dapat ikatakot sa kanya.

Nagkaroon ako ng pag-asa na baka sa lugar na ito ay magiging masaya na ako. Ipinasok nila ako sa school na malapit sa bahay. Nahirapan akong mag-adjust dahil tila kakaiba ako sa paningin nang mga naroroon. Pero muli akong inencourage ni Tito X nang makita niyang nahihirapan ako.

He acted like my father. Kahit ilang pa rin ay unti-unti akong naging komportable sa kanya.

Nakikita ko rin na masaya sila ng ina ko. Minsan sa isang buwan ay umaalis sila at naiiwan ako kasama ang mga pinakilala niyang tauhan niya. Isa raw siyang negosyante. Pero wala akong alam sa negosyong pinapatakbo niya at hindi ko na rin inusisa kung ano pa.

Makalipas ang halos isang taon, ay hindi ko inaakalang magbabago ang lahat...

Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan nang mapadaan ako sa kuwarto ng ina ko at ni Tito X. Napapitlag ako nang marinig ang kalabog at malakas na pagkabasag ng isang bagay.

Dahil nakaawang ang pinto ay sumilip ako at napasinghap ako sa nakitang ayos ng ina ko. Puno ng pasa ang katawan niya, putok din ang labi niya. Nakaluhod siya habang nakayakap sa binti ni Tito X.

"Please forgive me h-honey, hindi ko naman alam na a-agent ang mga 'yon!"

Muli akong napapitlag nang malakas siyang sampalin ni Tito X.

Nanginginig ako sa mga nakikita ko. Wala akong maintindihan pero nakaramdam ako ng matinding awa para sa ina ko at matinding galit para sa asawa niya. I knew it. May mali sa kanya.

"Because you're so fucking dumb! Do you even know kung magkano ang nawala sa akin dahil sa katangahan mo?! Nagawa mong tumakbo pero iniwan mo 'yung kontrabando! Those drugs costs half a million dollar bitch!"

"S-Sorry honey, promise hindi ko na uulitin--"

"Talagang hindi na mauulit because you're fucking out of my business!"

"W-What do you mean?!"

"Right now, they're doing their best to trace you. I won't let them see you...They can't fucking see you!"

Lumakas ang kabog ng puso ko nang makita kong tutukan niya ng baril ang ina ko. Natatakot man ako ay tumakbo ko papasok at niyakap si Mommy.

"A-Alice!"

Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ni Tito nang nakita ako. Pero saglit lang 'yon at naging matalim ang tingin niya sa akin.

"Go back to your room!"

"No! I won't let you kill my mother!"

"You don't fucking shout at me!" sigaw niya at malakas akong sinampal.

Lumakas ang iyak ng ina ko at nagmamakaawang nangunyapit kay Tito X.

"Please Xenon! Ako na lang huwag mong idamay si Alice!"

Kahit nasaktan ay hindi ako umiyak at balewalang pinahid ang dugo sa gilid ng labi ko. Lumapit ako sa kanila at hinila ang ina ko patayo.

"Let's go, Mommy! We're leaving--" Napaigik ako at pakiramdam ko masusuka ako nang malakas akong suntukin sa sikmura ni T-- X.

Hindi siya karapat-dapat na tawagin kong Tito.

"Alice!"

Nahihirapang huminga na napahawak ako sa sikmura ko kaya napaluhod ako pero tumingala ako at sinalubong ng matalim na tingin si X.

Natigilan siya sa tangkang pagsampal na naman sa akin. Ngumisi siya at tila may nakitang nakakapagpasaya sa kanya na tumawa nang malakas.

Ang tingin ay nasa akin pa rin. Tila may naisip na nakapagpasaya sa kanya.

"D-Do you want her to replace me, Xenon?"

Muling tumawa si X at iniwan kaming dalawa.

"Talk to your daughter if you want to live, my lovely wife..."

"H-Halika na Mommy, umalis na tayo--"

"Makinig ka sa akin, Alice. He's going to kill me!" lumuluha niyang saad pahigpit nang pahigpit ang kapit sa kamay ko.

"We can call the police--"

"No! Hindi siya pwede makulong! Asawa ko siya! A-ama mo na rin siya!"

Umiling-iling ako. "Asawa?! He wants to kill you! Wake up, Mom!"

"K-Kasalanan ko naman kasi! Please Alice, save me! I don't want to die but I can't lose him!"

Napahilamos ako sa mukha ko at unti-unting tumulo ang mga luha ko. "What do you want me to do?"

"I want you to replace me. Be an asset in his business."

That night changes everything...ang isang normal na buhay na inaakala ko ay isa ring bangungot pala. Isang impyerno at delikadong buhay ang kinasadlakan ko sa Maryland.

"Why don't we just tell this to the police?" saad ni Terrence habang nilalagyan ng gamot ang balikat ko.

Umiling ako habang napapangiwi sa sugat na tinamo ko. It's my 18th birthday tonight but I'm celebrating it with a bruise face and wounds in my shoulder and back.

"I don't understand! Your mother did this to you! She's abusing you while his husband keeps on using you in those illegal transactions! You're eighteen now, I'll help you. We can leave Maryland--"

"Don't involve yourself in my problem, Rence. It's dangerous."

Huminga siya nang malalim. Pity. Frustration. Ayon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Terrence.

He's my best friend. My confidant. He wants to save me but I don't want him to. Hindi siya pwedeng madamay sa gulo ng buhay ko. Pero hindi ko siya magawang layuan. Siya na lang ang taong malalapitan ko.

He's my classmate. Mabait si Terrence, akala ko ay isa siyang karaniwang jock na ang tanging gusto lang ay ikama ako kaya nang una niyang tangkain makipagkaibigan ay hindi ko siya pinansin. But he keeps on helping me everytime I'm in trouble in our school. Napagod na kong tanggihan ang kabaitan niya. I realize na nakakapagod din pa lang mag-isa.

He became someone na natatakbuhan ko sa mga sitwasyong ganito. Sa mga panahong nalalasing ang ina ko na magwawala at masasaktan ako. He knew everything about me.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at nilagok ang alak na nasa harap namin. It's three am in the morning. Bago lumiwanag ay kailangan kong makabalik sa bahay.

I'm eighteen now...it's been two years since I left the Philippines.

Isang taon matapos akong maging asset sa negosyo ni Xenon Davis.

Asset?

More like a pawn.

Hindi pala isang simpleng negosyo ang hawak ni X. Illegal ang negosyo niya.

He's smuggling illegal goods. Drugs and guns.

Kahit ayoko at gusto kong tumakas ay nainvolve ako sa illegal na gawain na iyon. Para sa ina ko...

Sa una ay nakahinga siyang maluwag dahil hindi na siya papatayin ni X. Hindi rin siya hihiwalayan dahil nagamit niya ako.

Pero nang lumaon ay nagselos siya. Sa amin ng asawa niya. Hindi ko mapaniwalaan iyon noong una pero nang malasing siya ay galit niya akong inakusahan. Kinukuha ko raw ang atensyon ni X.

Ngayon ay pinagsasampal niya ako nang umalis si X dahil niregaluhan ako ng mamahaling kuwintas ng asawa niya. Hindi pa siya nakuntento ay tinulak niya ako kaya bumagsak ako sa basag basag na bote kaya nasugatan ang likod at balikat ko.

X has been good to me these past few months. Dahil siguro nagagawa ko ng ayos ang mga pinagagawa niya. He trained me in a harsh way para maging perfect asset niya, ilang sampal, suntok ang natanggap ko mula sa kanya. Hindi na ako natatakot sa pisikal na pananakit niya.

But lately, hindi ko maiwasang matakot kay X. Iba na ang tingin niya sa akin ngayon, minsan ay tila ba hinuhubaran niya ako. Ayaw niya ring nakikisama ako kay Terrence. Nagiging bantay-sarado siya.

"Alice, please let me help you-"

"You're my friend. I can't let them hurt you."

PINIGILAN kong kumawala ang singhap sa akin nang makita ang hinagis na litrato ni X sa lamesa.

Is this the reason kung bakit hindi ko na makontak si Rence?

Duguan ang mukha niya sa litrato. Mahaba na rin ang buhok niya at madungis na rin siya. They captured him!

"Anong ginawa mo sa kanya?!"

Ngumisi siya at humithit sa sigarilyong hawak niya. "Pinarusahan pero 'wag kang mag-alala hindi pa naman patay 'yan."

"Pakawalan mo siya X, wala siyang kinalaman sa akin!"

"You fucking escape! At hindi ako naniniwala na hindi ka tinulungan ng tarantadong 'yan." puno ng galit ang mga mata niya.

Nagkamali ako hindi ko na dapat talaga dapat hinayaang tulungan ako ni Terrence na makatakas.

Nagsisisi ka bang bumalik ng Pilipinas?

Gusto kong sabihing oo pero hindi. Naging masaya ako sa pagbabalik ko, pero hindi ko kayang masikmura na dahil sa akin ay nangyayari ito ngayon kay Terrence.

He's innocent.

"Please X. Don't do this. You won't get away with this, hahanapin siya ng pamilya niya--"

"Don't make me laugh, alam mo kung anong kakayahan ko. Kaya nga kahit na gusto mo akong isumbong sa mga pulis ay hindi mo nagawa hindi ba? I can always get away with anything, Alice."

Gustong-gusto kong saktan ang lalaking nasa harap ko. Gusto kong maranasan niya ang lahat ng hirap na ibinigay niya sa akin. Pero hindi ko pwedeng unahin ang emosyon ko.

Hawak niya ang buhay ni Terrence. Nakasisiguro rin akong pati ang mga malalapit sa akin ngayon ay pupuntiryahin niya rin isang maling galaw ko lang.

"What do you want me to do?" tanong ko kahit alam ko naman kung anong gusto niya.

"Go back with me. You're my greatest asset, Alice."

Napalunok ako sa sinabi niya. I can't go.

"Why? You can't? Dahil ba sa boyfriend mo?" matapos niyang sabihin 'yon ay naghagis na naman siya ng mga larawan sa mesa.

Si Leighton iyon.

"Huwag mo siyang pakialaman, X!"

"Alam mong madali akong kausap. This is a win-win deal. You'll go back with me. Maliligtas mo ang lampa mong kaibigan at hindi ko papakialaman ang pamilya at boyfriend mo."

This is it...My reality sucks. I made myself believe that I can finally be happy pero hindi pa rin pala. .

"D-Don't hurt Terrence. Lalong-lalo na ang pamilya ko at si Leighton. Sasama ako sa 'yo."

Ngumiti siya. "Good choice, sweetie."

"Can you just give me a week?"

Nawala ang ngiti niya. "No."

Lumuhod ako. "I promise. Hindi ako tatakas, X. Pagbalik natin sa Maryland gagawin ko lahat ng gusto mo."

Tuso si X. Hindi rin siya marunong maawa. So I made a daring move. Kinuha ko ang kutsilyo na nasa plato niya. Itinutok ko iyon sa leeg ko.

"I'll kill myself, X. Wala kang mapapakinabangan sa akin."

"Tinatakot mo ba ako?"

Diniinan ko lalo ang kapit ko sa kutsilyo at naramdaman ko ang pagkahiwa non. I can do this.

"You can't get away with this. Papatayin ko ang sarili ko. Kung noon nagawa mo akong iligtas sa pagpapakamatay ko. Sisiguraduhin kong hindi ngayon..." Tumayo siya kaya mabilis rin akong tumayo at lumayo sa kanya.  "Nasa Pilipinas tayo, X. Kahit papaano ay may sinasabi sa buhay ang ama ko. He'll be interested with you, masasangkot ka sa isang eskandalo. Kakayanin ba ng kapangyarihan mong makalusot?"

"Don't you fucking threatened me! Do you want them to die?"

Lumunok ako pero tinatagan ko ang loob ko. "Anong mapapala mo kung papatayin mo sila eh mawawala rin naman ako." Iginalaw ko ang kamay ko para ipakitang desidido ako sa gagawin ko nang malakas siyang sumigaw.

"Damn you, bitch! One week is enough. Huwag mo kong sagarin."

Binitawan ko ang kutsilyo at may pagmamadali kong kinuha ang bag ko sa sofa.

"This is the reason why I like you... You're fucking unbelievable. You're hot and I want to have you again..."

Ngumisi ako kahit na ang gusto ko na lang gawin ay sampalin siya.

"Too bad. You can't do it. You're incapable..." nang-iinsulto kong saad at bumaba ang tingin ko sa gitnang bahagi ng katawan niya.

"This is all because of your mother! That fucking bitch!" sigaw niya habang galit na galit na pinagbabato ang mahawakan niya.

He lost his composure. Kahit maliit na bagay ay nakaganti ako sa kanya.

Kahit malaki ang galit ko sa ina ko ay pinagpasalamat ko ang ginawa niya kay X. Bago niya kitlin ang buhay niya ay inalis niya ang kaligayahan ng asawa niya.

Pinakawalan ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Takot para kay Terrence. Pero nangingibabaw ang sakit dahil kailangan kong iwan ang lalaking mahal ko.

Napahigpit ang kapit ko sa kuwintas na suot-suot ko. Masasaktan ko siya nakasisiguro ako. Kung anumang sakit ang mararanasan niya, mas higit pa roon ang mangyayari sa akin.

I don't want to leave him, but leaving was better than destroying him.

I can't believe how cruel the world to me. But I have to accept it.

"Leighton, sana makahanap ka ng babaeng para sa 'yo. Iyong walang hahadlang sa inyong dalawa...dahil hindi ako 'yon. Hindi kailanman."

One week is all I have to be with him. Sisiguraduhin kong susulitin ko ang mga oras na 'yon.

TBC

Comments below will be highly appreciated. 13 chapters to go :)

#FallingRelentlesslyWP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top