Chapter 36
X
NAKAPAKO ang tingin ko sa unregistered number sa cellphone ko nasa missed call. Palaisipan pa rin kung sino ang tumatawag sa akin kanina. Saglit na nabura sa isip ko ang tawag dahil sa naging busy ako sa mga klase pero nang muling tumunog ang cellphone ko at makita na naman ang hindi nakarehistrong numero ay hindi ko mapigilang mabagabag.
Hindi lalampas sa sampu ang numero na nakarehistro sa cellphone ko. Wala rin akong natatandaan na may pinagbigyan ako ng number.
"Is there a problem?"
Mabilis kong naibaba ang cellphone ko nang narinig ang boses mula sa likod. Paglingon ko ay bumungad sa akin si Leighton na may hawak na tray na puno ng pagkain. Tumayo ako at kinuha ang dala-dala niya.
Sa lalim nang iniisip ko ay hindi ko na namalayang nakabili na pala siya ng pagkain naming dalawa. Sa isip-isip ko ay sa susunod ay ako naman ang bibili ng pagkain naming dalawa.
"Hay, sana all may boyfriend. Nakakangalay na nga pumila. Nakakangalay pa magbitbit ng tray."
"Sabi ko naman sa 'yo ako na o-order para sa 'yo." saad ni Jace kay Trisha na umismid lang.
Ewan ko kung anong meron at bigla na lang ay naging masungit si Trisha kay Jace.
"Boyfriend ba kita?"
"Hoy, Trish tigilan mo pagmamaldita baka magsawa 'yan sa 'yo, 'wag kang iiyak--"
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Migs. Just shut up."
Tumawa lang si Gael at naupo na sa harap ko. Ilang sandali lang ay dumating na rin sina Fae at Anne.
Kumpleto kami ngayong araw dahil friday. Pare-parehas ang oras ng mga break namin. Nakasanayan ko na rin ang presensya nilang lahat.
"May problema ba?" pag-uulit na tanong sa akin ni Leighton sabay abot sa akin nang binuksan niyang soda.
Umiling ako. "Wala naman...bakit mo natanong?"
"I called you pero tutok na tutok ka sa cellphone mo."
Walang mali sa sinabi niya kaya kumunot ang noo ko nang magtawanan sila Trisha.
"Someone is jealous..." pang-aasar ni Gael na sinamaan ko ng tingin.
"I'm not." Leighton with a grim look on his face.
Mas lalo tuloy tumawa ang siraulong Gael. Tumikhim ako at binalingan si Trisha.
"Oy, may binigyan ka na naman ba ng number ko?"
Naubo siya at mabilis na inabot ni Jace ang inumin nito at ibinigay sa kanya. "W-Wala ah! Takot ko na lang sa 'yo. Wala rin akong planong maging invisible sa paningin mo ulit."
"Siguraduhin mo lang..."
Two months ago, bigla na lang may tumawag sa akin. Hindi ko sinagot dahil nga sa hindi nakarehistro ang numero. Pero masyadong makulit at tawag nang tawag. Sa pag-iisip ko na importante ay sinagot ko ang tawag only to find out na kaklase pala namin 'yon sa Accounting ni Leighton.
A guy named Yuan.
Tarantado at akala niya naman ay papatulan ko siya.
"Rhima gurl, sorry na akala ko ba forget mo na 'yon. Nagoyo lang naman ako ng Yuan na 'yon. Lasing ako non at nalansi akong ibigay number mo!"
Sa nangyari ay pinalitan ko ng bago ang numero ko dahil sa pesteng lalaking 'yon. Mabuti na lang at biglang nawala 'yon sa klase namin. I don't what happened with him basta bigla na lang nag-drop out.
Samantalang si Trisha naman ay ilang linggo kong hindi pinansin. Kung hindi dahil kina Fae baka nakatikim na siya sa akin.
"Bakit? May tumatawag na naman ba sa 'yo?"
Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkain bago sagutin si Leighton. "Baka wrong number lang siguro hindi na naman tumawag." pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay nakakatatlong missed call na ako mula sa numerong iyon.
Ngumiti ako at hinarap siya assuring him that everything is alright.
Tama. Baka kung ano lang ang tumatakbo sa isip ko. Imposible rin namang siya iyon. Hindi international call ang natanggap ko.
Huminga ako nang malalim at sinabi sa sariling sasagutin ko ang tawag sakaling tawagan ulit ako para mapanatag na ang isipan ko.
"It's saturday tomorrow, do you have some plans?" tanong ko kay Leighton habang patungo kami sa susunod naming subject.
"Nothing...I'm done with my reports last night. Why? You want to take me out on a date?"
Umiling ako at hinampas siya. "Asa."
Tumawa siya at nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang may kumuha ng litrato niya. Sinamaan ko ng tingin ang babae at mabilis naman siyang naglakad palayo.
"So why are you asking?" tanong ni Leighton na mukhang hindi naman napansin ang ginawa ko.
"Dad called. Nangungulit daw si Mandy na makita ako. I just wanted to ask if you want to go with us?"
Natigilan siya sa paglalakad sa sinabi ko. "Are you going to introduce me to your Dad?" himig na may kabang tanong niya sa akin.
"Are you nervous?"
Natawa ako nang hindi siya sumagot. "It's not as if first time mong makikita ang Daddy."
"It's different now, I'm your boyfriend."
"And so?"
"He's your father."
Hindi ko mapigilang matawa sa kanya. "It's okay if you don't want--"
"No. Of course I'm going with you." pagputol niya sa sinasabi ko.
"Great. I'll call him later."
Saktong papasok na kami sa klase nang tumunog ang cellphone ko. Liningon ko si Leighton. "Mauna ka na. I'll just answer this."
Tumango siya at kinuha ang mga gamit ko. Nilingon niya pa ako ulit bago tuluyang pumasok sa loob.
Huminga ako nang malalim bago sagutin ang tawag. Kunot ang noong sinagot ko iyon.
"Hello? Who's this--"
"Finally, you answered sweetie..."
Napasandal ako sa pader nang marinig ang boses sa kabilang linya. I will never forget his voice.
He's here. He found me.
Nanginginig ang kamay kong naglakad ako paalis habang naririnig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
The demon is here.
"Oh how I miss the sound of your breath..."
"How the f*ck did you find me?"
"Money works. Natagalan nga lang malayo sa inaasahan ko...Miss me?"
Tinatagan ko ang loob ko at pinilit na hindi manginig ang boses ko. Hindi niya pwedeng marinig ang takot sa boses ko.
"Kung anuman ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy! Stay away from me X!"
Napapikit ako nang umalingawngaw ang tawa niya. "And what will you do, my lovely Alice?"
"Hindi mo teritoryo ang Pilipinas! Wala kang kakayahang saktan ako!"
"Easy. I'm not going to hurt you. Masyado mo naman akong pinag-iisipan ng masama. Let's meet up. Hindi mo ba ako i-wewelcome?"
"No! Hinding-hindi ako makikipagkita--"
"Your sister is so cute... Her name is Mandy right?"
Nilukob ng kaba ang dibdib ko sa sinabi niya. "D-Don't you dare X!"
"You know me Alice, hindi mo gugustuhing galitin ako. I'll text you my place. I'll see you tonight. May klase ka pa hindi ba?" pagtawa niya na ipinapaalam sa aking alam niya ang lahat ng tungkol sa akin.
Nang maputol ang linya ay nanghihina akong napaupo sa lapag. Nang maramdaman ang tila paghalukay sa sikmura ko ay nagtatakbo akong pumasok sa loob ng banyo at inilabas ang lahat nang nakain ko kanina.
Nanginginig ako sa galit at higit sa lahat ay sa takot. Kumawala ang hikbi sa akin at isinubsob ko ang sarili sa tuhod ko.
He found me. What will happen now?
Gustuhin ko mang tumakbo at magpakalayo-layo. Hindi ko magagawa, dahil maraming taong maaaring madamay. I can't let him hurt them. Kaya kong masaktan pero hindi ko kakayanin kung ang mga mahal ko ang pahihirapan niya.
Tumunog ang cellphone ko at sa nanlalabong paningin ay binasa ko ang message mula sa kanya.
**** Hotel room 501...See you later, sweetie.
Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko. May isa pa uling mensaheng dumating pero mula iyon kay Leighton.
Love, where are you? Magsisimula na ang klase.
Pinahid ko ang luha ko at lumabas. Nanginginig na naghilamos ako. Paulit-ulit akong huminga nang malalim at pinakalma ang sarili ko.
Hindi maaaring makita akong ganito ni Leighton. Wala siyang dapat malaman.
"SO, I'll see you tomorrow?"
Tumango ako at pinilit ang sariling ngumiti. "Pick me up before lunch."
"Are you sure you're okay? Namumutla ka pa rin."
"I'm fine. Inaantok lang talaga ako."
Pinakatitigan niya muna ako bago ngumiti. "Then, take a rest."
Aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya.
I promise I won't leave you...
Nang maalala ang mga salitang 'yon ay may namuong bikig sa lalamunan ko. Bago pa niya makita ang pangingilid ng luha ko ay mahigpit akong yumakap sa kanya.
Tila hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya sandali siyang hindi nakahuma. Pero ginantihan din naman ang yakap ko.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil sa ilang buwan naming relasyon ay laging siya ang nagi-initiate sa amin pagdating sa pisikal na interaksyon.
But not today, I badly need his warm hug. Kailangan kong sulitin ang mga araw na mayayakap ko siya. Dahil walang kasiguraduhan kung magagawa ko pa ito.
Kumawala ako sa kanya at ngumiti. May pagtataka pa rin sa tingin niya kaya naman tumalikod na ako at iniwan siya. Ni hindi ko tinangkang lumingon dahil baka makita niya ang pagtakas ng mga luha ko. Dumiretso ako sa banyo at paulit-ulit na bumuntong-hininga. Naghilamos ako at kinalma ang sarili ko.
Ipinusod ko ang mahabang buhok ko at inumpisahang ilagay ang makapal na kolorete sa mukha ko. Simula nang naging kami ni Leighton ay tinigilan ko na ang paglalagay ng makakapal na kolorete. Hindi ko kailangang takpan ang kahinaan ko sa harap niya. Pero ngayon ay kailangan kong ipakita na malakas ako at hindi ko hahayaan na muling bumalik sa impyernong buhay na tinakasan ko.
Ngumiti ako nang mapait at pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pilit ko mang isinisiksik sa utak ko na muli akong makakatakas sa kamay ni X ay alam kong maaaring hindi mangyari iyon.
Nagawa kong makatakas sa kanya dahil wala siyang hawak laban sa akin. Wala akong kailangan protektahan maliban kay Terrence. Pero ngayon ay hindi lang iisa ang kahinaan ko. Marami sila at kung kinakailangan kong isakripisyo ang sarili ko para sa kanila, gagawin ko.
Malakas ang kabog ng puso ko habang papunta sa kanya. Kuyom ang mga kamao ko nang huminto ako sa kinaroroonan niya. Ni hindi ko magawang iangat ang kamay ko para kumatok.
Nang makakuha ng lakas ay kumatok ako. Sinigurado kong wala siyang emosyon na makikita mula sa akin.
Bumukas ang pinto at bumungad ang pinaka-kinasusuklaman kong tao. Kabaliktaran ng blanko kong mukha tila galak na galak siyang makita ako.
Ngising-ngisi siya at tinangka akong yakapin pero mabilis akong umiwas at pumasok sa loob.
Paglingon ko ay wala nakasunod na siya sa akin. Wala na ang galak sa mga mata niya at ang ngisi sa labi niya.
Inihanda ko ang sarili ko nang umangat ang kamay niya at malakas akong sampalin.
Isa pang sampal ang ibinigay niya sa akin pero hindi ako nagpakita ng emosyon. Nalasahan ko ang dugo pero balewala lang sa akin iyon. Sanay na ako. Totoo nga pala talaga ang lahat. Hindi ito isang bangungot.
My reality is here. Tapos na ang isang magandang panaginip.
Ang lalaking nasa harap ko ang magpapatunay.
Xenon Davis Johnson.
TBC
Please don't forget to follow, vote and comment. More comments, more updates.
Xoxo
#FallingRelentlesslyWP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top