Chapter 34
Butterflies
"ARE you sure that you're going to sleep here tonight?" pangalawang ulit ko ng tanong sa kanya.
It's getting dark but here we are sitting under a tree in our school.
"Hey, ayaw mo ba akong nandito?"
"How about Tita Sky? Hindi ka ba niya hahanapin?"
Umiling siya. "I already talked to Dad, ipagpabukas ko na lang daw ang pagpunta ko roon."
"Sorry, dahil sakin--"
"It's not your fault. I came here because I want to, Mom actually wanted me to come. Thank you raw sa flowers..." saad niya sabay hawi sa buhok kong nililipad ng malakas na hangin.
"Hindi dapat ako umalis... o dapat nagpaalam man lang ako ng personal sa kanya."
"Don't worry about it...maraming oras para magkita ulit kayo ni Mommy."
Tumango ako sa sinabi niya. "I guess so..."
Katahimikan ang namayani sa amin. Nang lingunin ko siya ay ngiting-ngiti siya habang ang tingin ay nasa papalubog na araw.
"Why are you smiling like that?"
Nilingon niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "'Coz I'm happy? Successful ang operation ni Mommy and..."
Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. "And what?"
"The person I love told me that she loves me..."
Naramdaman ko ang pag-iinit nang magkabila kong pisngi sa sinabi niya. Ang maalala ang nangyari kanina ang siyang unti-unting nagpapabilis ulit ng tibok ng puso ko. Pilit kong pinapakalma ang nararamdaman ko pero mas lalong naghuramentado ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko at ipagsalikop 'yon sa kanya.
"Y-You're being touchy, Leighton..."
"You don't like it?" tanong niya na tila isang bata na kapag sinabi kong oo ay hindi niya masasaktan ko siya.
Hindi ako nagsalita at iniwas na lang ang tingin sa kanya. Sanay ako na kalmado ako. Walang taong hinahayaan kong makita kung ano talaga ang tunay na estado ng emosyon ko. I learned how to hide it. Pero hindi ko alam kung bakit pagdating kay Leighton ay hirap ako.
He's still smiling while holding my hands. What did I do to deserve someone like him?
"Bakit ako?"
"Hmmmm? Anong bakit ikaw?"
"Why did you love me?"
Ngumiti siya at ibinagsak ang ulo sa kandungan ko.
"There's no reason, Alice. Hindi dahil ikaw ang batang nakilala ko noon. Hindi dahil maganda ka o kung anong dahilan pa.. I fell in love with you. There's no logic behind it. I just fell. Hard. I think...Ikaw ba may dahilan ba kung bakit mo nasabing mahal mo ako?"
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay kong hindi niya hawak. "I don't know....I don't even believe in love until I m-met you. Those fast heartbeats...Butterflies in stomach?" Tumawa ako at natawa rin siya..."Tingin ko sa mga 'yon kalokohan lang until I started feeling those things everytime I'm with you..."
"I'm glad I made you feel that way, hindi lang pala ako..."
Natawa ako. "Butterflies in stomach?"
Tumango siya at hinalikan ang kamay ko. "Butterflies in my stomach."
"Hindi mo ba ulit itatanong sa akin kung bakit ako nagkaganoon kanina?"
Hindi siya nagsalita at pinaglaruan lang ang kamay ko.
"I-I met--"
"You don't have to tell me if it's hard for you."
Umiling ako. "But I want to. Hindi man lahat maikukuwento ko sa 'yo pero alam ko darating yung panahon na masasabi ko lahat. Lahat ng tungkol sa akin...all those nightmares that keeps on haunting me."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinaplos ang pisngi ko na hindi ko namalayang may tumulong luha na pala.
"I met him Leighton, iyong taong naging bahagi ng pagkasira ng buhay ko."
Naramdaman ko ang tensiyon sa katawan niya sa sinabi ko. Gusto kong hindi na ipagpatuloy pa pero si Leighton 'to. Wala akong dapat ikatakot.
"I was fifteen years old when my grandmother died. Ang lungkot-lungkot ko kasi siya na lang iyong pakiramdam kong nagmamahal sa akin. I don't know why but I always felt that I don't belong sa bagong pamilya ng Daddy. Pero mabait si Tita Charice sa akin. One time, maybe to pacify me because I'm so lonely. Nangako si Tita na magdi-dinner kaming dalawa sa favorite restaurant ko. Dumating ako ng gabing 'yon but she never came...She forgot about it." Pumikit ako at tila kahapon lang na naalala ko ang nangyari ng gabing 'yon. "Maaga pa lang dapat umuwi na ako at hindi naghintay p-pero ang tigas ng ulo ko, umasa kong darating siya. And t-then while walking on the road, may dalawang lalaking kumuha sa akin. A-And then I woke up h-he was--"
"Ssshhhh, you don't have to tell me."
Bumangon siya at mahigpit akong niyakap.
"Diring-diring ako sa sarili ko, Leighton. Gusto kong sabihin pero wala akong masabihan. Nanguna iyong takot na muli ko silang makaharap...at iyong hiya sa mga taong makakaalam na marumi na ako."
"You're n-not dirty love...Hindi mo 'yon ginusto..."
"Pero alam mo bang mas lalo kong nilubog 'yung sarili ko dahil sa nangyari sa akin. I felt so alone. G-Ginusto kong mapansin ni Daddy. Ginusto kong makita niyang nahihirapan ako. P-Pero nagkamali pa rin ako Leighton."
Humiwalay ako sa kanya at huminga nang malalim. "I committed terrible things. Nagrebelde ako. And then an accident happened, lasing ako at walang maalala. Nagising akong nasa likod ng manibela at sa labas ng kotse ay isang duguang bata. H-He's dead on arrival to the hospital." nilingon ko siya at pilit niya mang itago ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya sa sinabi ko. "Katabi ko ay ang duguang step-sister ko. My father sent me to the states after that incident even when I beg him not to."
"It's all in the past, Alice--"
"Kahit nasa nakaraan na ay mananatili sa isip ko ang gabing iyon Leighton. K-Kahit na hindi pa ako ang talagang nakasagasa sa batang iyon."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero hindi siya nagsalita kaya muli akong nagpatuloy sa pagkukuwento.
"I found out na si Heaven pala ang t-talagang nagmaneho ng gabing 'yon..."
"A-and she blamed you? How could she do that?!" larawan ang galit sa mga mata niyang saad.
"Maybe she was scared...just like me."
"Is that the reason kung bakit ka umalis sa bahay ng Daddy mo? Because of her?"
"Not really. I don't belong in that place. I was angry with her at first. Hindi ako santo. Pero nakita ko rin ang sarili ko sa kanya. Alone and scared. Hindi ko rin kayang tagalan ang awa sa mga mata ni Daddy at Tita Charice..." mapait akong ngumiti at nilingon siya. "They found out what happened to me...that I was abused and raped by someone...and t-today I met him."
"W-What do you mean? You met him?"
"In the hospital. I met him. He's a doctor, now."
Tumayo siya pero hinila ko ang kamay niya. "Where are you going?"
"I-I'm going to kill him--"
"You don't even know him. How would you do that?"
Nagtatagis pa rin ang bagang niya at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. "Just sit down, Leighton." Hinila ko siya at sa pagkakataong ito ay ako naman ang umunan sa hita niya. Hinaplos ko ang pisngi niya. "I talked to him, he cried. He kneeled at me asking me to forgive him. He's having a perfect life as I see it. May anak at asawa siya at isa na siyang doktor. I wanted to ruin him p-pero hindi ko kaya."
"You can, I'm here. I'll help you--"
"Gawin ko man 'yon mas mahihirapan ako. Maaapektuhan ang buhay ng ama ko. Everyone will find out my secret. H-Hindi ko kayang ikuwento ang bagay na 'yon sa ibang tao. Ayoko, Leighton."
"Alice...anong dapat kong gawin? Sa paanong paraan kita matutulungan?"
Ngumiti ako. "Sapat na sa aking minahal mo ako. Na mahal mo pa rin ako sa kabila nang mga nalaman mo...But if you really want to help me...then do me a favor."
"I'll do anything for you. Just tell me."
"Help me create new memories. Happy memories. So that I can forget those bad memories, those nightmares..."
Yumuko siya at dinampian ng halik ang labi ko. "I will gladly do that, love..." bulong niya at muli akong hinalikan.
Tumulo ang mga luha ko kasabay nang pagguhit ng ngiti sa labi ko.
Realizing how I really love this man.
The man who accepted me despite of my past. Despite of my broken soul and tainted heart.
TBC
16 Chapters to go. Thank you for reading pasensya na kung natagalan. Bibilisan ko na po ito so kindly wait for another update by this week 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top