Chapter 33
First fight
HABANG pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko nagbalik ako sa gabing 'yon. Iyong gabing nagpabago ng buhay ko.
Maputlang mukha. Matang nagpapakita ng pagsuko, ng takot at pagod.
Umiling ako at naghilamos. Hindi puwedeng makita ako ni Leighton na ganito.
Marami na kong pinagdaanan. Hindi ito ang magpapabagsak sa akin. Hindi siya.
He can't hurt me. I won't let him. I'm stronger, now. Hindi na ako ang batang sinira nila.
Nang kumalma ako ay lumabas na ako ng banyo para lang mapatda sa lalaking pumasok sa loob ng kwarto ko.
Nagtagpo ang paningin naming dalawa at mahigpit akong napakapit sa doorknob. Tila may sariling buhay ang paa ko na umatras ako kahit na ilang dipa pa lang ang layo niya sa akin.
"W-What are you doing here?"
"I'm Doctor P-Paul Villarama, I--"
"Wala akong pake kung sino ka pa! Just get out of my room!" nanginginig ang boses kong sigaw sa kanya.
"I just need a minute...P-Please don't shout...I won't go near you. I'll just stay here. Please, hear me out..."
Umiling ako. "No, j-just go--"
Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumuhod. He removed his glasses and looked at me.
"W-What are you doing?"
"I-I'm sorry."
Mapait akong ngumiti. "For what?"
"Para sa nagawa ko sa 'yo noon..."
"S-So you still remember me?"
Yumuko siya at napakuyom ako sa kamao ko nang makita ang pag-alog ng balikat niya. "Pinagsisisihan ko ang gabing 'yon maniwala ka man o hindi. I was drunk and under the influence of drugs...B-But I was not the one w-who, who..." May mga luhang saad niya.
"Who raped me?" pagpatuloy ko sa mga katagang hindi niya mabigkas. "You didn't raped me but y-you touched me...with those filthy hands! You abused me! Kayo ng kaibigan mo! A-At kahit anong pagmamakaawa ko nagpatuloy pa rin kayo...K-Kung hindi ako nakatakas ng gabing 'yon, gagawin mo rin sa akin ang kahayupang ginawa ng kaibigan mo, tama ako hindi ba?"
Natahimik siya at hindi nakaimik sa tanong ko.
"Just get out! Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi niyan maibabalik ang kinuha ninyo sa akin. Hindi niyan mababago ang buhay ko. Ang buhay kong sinira ninyo..."
"I-I know...but I'm begging you please don't ruin what I have right now. I-I can't lose this job! I have a family now. My daughter and my wife needs me..."
Pagak akong tumawa. "You think I care about your reputation and your family? W-What I want right now is to make you suffer. G-Gusto kong makitang nahihirapan ka, k-kayo ng lalaking 'yon."
"Please don't. I won't ask you to forgive me...I'll do anything what you want. J-Just don't expose this to my family..."
"E-Enough. Just get out of my room."
Hindi pa rin siya tumayo at umiiyak pa rin akong tinitigan.
"I won't do it. P-Pero hindi para sa 'yo kung hindi para sa sarili ko..."
"S-Salamat."
Tumayo siya at sa paghakbang niya ay muli akong napaurong.
"You don't have to worry about Charles...He's now in prison. Life imprisonment..."
Nang makalabas siya ay nanghihina akong napaupo. Does he expect me to be happy? Dahil nakulong din naman iyong lalaking isa sa kinamumuhian ko?
I'm not happy. It's like another old wound is opened again.
"NAG-dedeliver ba kayo?" tanong ko sa taong nagbabantay sa flower shop na pinasukan ko sa tapat ng hospital.tt
"Yes po Ma'am...pakisulat lang po iyong address dito." saad niya sabay abot ng notepad.
Matapos kong maisulat ang address ng hospital at room number kung nasaan si Tita Skyleigh ay sunod ko namang sinulatan ang card na kasama sa mga bulaklak na binibili ko.
"Parehas po ba itong ide-deliver?"
Umiling ako. "Just this one..." turo ko sa bouquet of roses.
Nang mabayaran ay umalis ako kipkip ang bouquet of tulips na paboritong bulaklak ni Nanay.
Saktong nakarating ako sa condo ni Leighton ay ang pagtawag niya sa akin.
"Where are you? Why did you left--"
"I'm fine. Matutuluyan akong magkasakit kung nandiyan ako. I don't need to be confined, Leighton."
Malalim na buntong-hininga ang sagot niya sa akin. "Then where are you now?" tanong niya makalipas ang ilang segundo.
"In your condo..."
"That's good to hear. Take a rest--"
"I'm packing my things. I'm leaving first. Doon na ako sa dorm tutuloy hanggang sa magpasukan...Send my regards to Tita Sky..."
"But I thought sabay tayong babalik ng dorm--"
"Just take care of Tita Sky, Leighton." saad ko at binaba na ang tawag nang hindi na hinihintay ang sagot niya.
Malalim akong napabuntong-hininga at tinawagan si Rence pero hindi ko na siya makontak.
Puno ng frustration kong hinawi ang buhok ko. I don't know what to do right now.
I'm starting to feel guilty for treating Leighton that way. I became cold again, to him. Gusto ko siyang tawagan muli pero hindi ko kaya.
Hindi pa ako handa at hindi ko alam kung kailan ako magiging handang sabihin lahat sa kanya. Ang lahat-lahat.
Kaya nang muli siyang tumawag ay mariin akong pumikit at pinatay ang cellphone ko.
Isang tao lang ang matatakbuhan ko ngayon kahit na hindi ko na siya makakausap pa.
Si Nanay.
"Kumusta ka na, Nay?" ngumiti ako nang malakas na umihip ang hangin.
Iniisip kong siya iyon at niyayakap ako.
Ipinatong ko ang tulips na mga paborito niya at hinaplos ang puntod niya.
"It's been a month since you left...Masaya ka na ba diyan? I miss you..."
Ilang oras na ang lumipas nang mapagpasyahan ko nang umalis. Tatayo na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.
"Alice?"
Paglingon ko ay bumungad sa akin ang ama kong may dala ring bulaklak.
"I was in the area so I decided to visit, didn't expect that you'll be here."
"Kanina pa ko nandito, paalis na rin ho ako."
"Can you stay? Kahit saglit lang then sabay na tayong umalis..."
Hindi ako nagsalita at kinuha na lang sa kanya ang dala-dala niyang bulaklak.
Naupo siya sa tabi ko at tila may sariling buhay na naman ang katawan ko na umurong ako palayo sa kanya.
Nakita ko ang sakit sa mga mata niya pero hindi ko pinansin iyon.
"So, where did you stay? I was calling but you didn't answer my calls. I thought we're okay?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya bago ako sumagot. "We're okay, I was just busy. Natataon na pag tumawag ka may g-ginagawa ako."
"I see...so where did you stay?"
"Sa dorm..."
"I actually went there."
Napalunok ako at malalim na napabuntong-hininga. "I'm with Leighton."
"Klode Leighton Monteciara?"
Tumango ako. "He's actually my boyfriend, now."
"A-Are you staying with him?" tiim ang labi niyang tanong sa akin.
He was careful with his words but I knew what he's thinking right now.
"It's not what you think. I did stay with him. His mother is in the hospital. We were always in the hospital. Hindi namin ginawa ang iniisip mo."
"I'm sorry. Wala akong masamang iniisip sa inyo."
"Tell that to the marines, Dad. Your eyes always tells what you're thinking."
Natahimik siya at sa pagkakataong ito ay siya naman ang umiwas ng tingin sa akin.
"I'm just worried about you. In the first place hindi kita dapat hinayaan umalis sa bahay."
"Hawak ko na ang mga desisyon ko sa buhay. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Aalis pa rin ako kahit pigilan ninyo ako. I don't belong there. Ever since Lola died, that place is just a house. It's not my home..." Umiling ako at napangiti nang mapait. "Actually, s-simula nung naghiwalay kayo ng Mommy, I feel like I lost my home..."
"I'm sorry, anak."
Bumuntong-hininga ako bago itanong kung totoo ba ang sinabi sa akin ng ina ko noong unang taon na mapunta ko sa poder niya.
"I-Is it true na nakikipagbalikan sa inyo ang Mommy bago siya umalis papuntang US?"
"Did she say that?"
Tumango ako. "She blamed you...sinabi niyang naging buong pamilya ulit sana tayo kung hindi naging matigas ang puso mo na patawarin siya."
"S-She's right but I was so mad at her kaya hindi ako pumayag sa gusto niya...and I regret it. Baka sakaling hindi kita napabayaan kung nagkabalikan kami, baka hindi nangyari sana ang bagay na 'yon--"
"Don't...hindi ninyo dapat pagsisihan ang desisyon na 'yon. Kasi naging masaya naman kayo hindi ba? You love Tita Charice...nagkaroon ako ng kapatid. You're happy..."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ko ang sarili kong hilahin iyon. "But you're not happy...I failed to protect you, Alice."
"I will be happy too...Daddy." I assured him even when I doubt if it's going to happen.
His face lit up when I called him Daddy. I said it like how I called him when I was young.
Hindi na ko umiwas nang yakapin niya ako. Sa nangyari ngayon hindi ko akalaing ang yakap mula sa kanya ang kahit papaano ay mag-aalis ng bigat sa dibdib ko.
"ARE you sure you won't come?" tanong sa akin ni Daddy nang huminto kami sa restaurant kung saan sila mag-di-dinner nila Tita Charice.
"I really need a lot of sleep...Maybe next time."
"I see...take care and please answer my calls, Alice."
"I will...Enjoy your night, Dad."
"Caloy, drive safely. Balikan mo na lang kami kapag nahatid mo na si Alice." pagbilin niya sa driver bago tuluyang lumabas ng kotse.
I looked at him from afar. Masaya siyang sinalubong ni Tita Charice at mabilis niyang kinarga si Mandy. Napangiti ako sa nakitang senaryo.
This time, I'm genuinely happy for my father.
Pumikit ako at nakatulog pero nagising ako sa pag-alog sa akin ng driver.
"Ma'am, nandito na po tayo...okay lang po ba kayo?"
Napalunok ako at napahawak sa dibdib kong malakas ang kabog dahil sa napanaginipan ko.
Nightmare. Again.
"I-I'm fine. Thank you."
Mabilis akong bumaba ng kotse habang pinupunasan ang pawis na namuo sa noo ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal ko na namang pagdaraanan 'to. It's been weeks since the last time I had a nightmare. Pero ngayon ay bumabalik iyon.
Damn. I need those medicines again.
Pero hindi ko alam kung paano ko mabibili iyon ngayon.
Napatda ako sa kinatatayuan ko nang makita ang pigura ng tao na nasa labas ng dormitoryo.
Nagtagpo ang paningin naming dalawa at mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ako.
"Saan ka ba nagpunta? Bakit nakapatay ang phone mo?"
Napahawak ako sa sentido ko habang pinagmamasdan si Leighton. Magulo ang buhok niya at nanlalalim ang mga mata niya.
"What are you doing here?"
"I was waiting for you. Sabi mo pupunta ka rito so I--"
"My gahd Klode Leighton! Can you please stop treating me like a child?! Boyfriend kita hindi tatay! I told you to take care of your mother. Bakit ka pa ba nagpunta rito?!"
Kumunot ang noo niya. "Bakit ako nagpunta rito?! You hung up on me! I'm worried about you...You are sick--"
"I am not sick. Iyong mama mo ang may sakit hindi ako!"
"But you've been acting strange kaya ako nag-aalala sa 'yo!"
"You're just thinking too much! I'm perfectly fine!"
Umiling siya. "You're not hindi iyon ang nakikita ko!"
"M-Masyado mong pinaiikot ang buhay mo sa akin Leighton! Hindi ako ang dapat mong priority ngayon...Jus please leave me alone."
"I just can't help it. I'm your boyfriend now. Kaya kong maghintay kung kailan mo handang sabihin sa akin ang nangyayari sa 'yo pero huwag mo naman akong itulak palayo sa tuwing nahihirapan. You can just lean on me. Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang lahat. Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala para sa 'yo kasi mahal kita."
Nanginig ang mga labi ko sa pagpipigil na kumawala ang luha mula sa mga mata ko.
Yumuko siya at humakbang palayo sa akin. "Pero kung gusto mo talagang mapag-isa. Ibibigay ko 'yun sa 'yo. I'm sorry kung masyado na kitang nasasakal."
Tumalikod siya at iniwan ako. Habang pinagmamasdan ko ang likod niya ay tumulo ang mga luha sa pisngi ko na kanina ko pa pinipigilan.
I'm being so unfair and I hate myself for being this way sa taong nagmamahal at nag-aalala para sa akin.
I am a f#cking fool for hurting the person I love.
Nang mapagtanto ang katangahang pinaggagawa ko
Kaya tumakbo ako at niyakap siya mula sa likod.
"Sorry...h-hindi ko naman gustong itulak ka palayo. H-Hindi 'yon ang gusto kong gawin...I don't want to tell my painful stories to you...it doesn't mean that I don't trust you. Because I'm ashamed. I'm ashamed of how tainted I am, of how broken I am."
Hinarap niya ako at pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pagtulo. "Never be ashamed of yourself Alice, because I will always love you no matter how broken or tainted you are. I love you for who you are even with your broken pieces and scars."
He kissed my tears away before he gently kissed my lips. As he moves away from me, I uttered those three words to him, "I love you..."
I said it. Finally.
I love you, Klode Leighton Monteciara.
TBC
Kanina pa dapat 'to pero nagloloko ang aming internet. Sorry. Enjoy reading. Keep safe, everyone :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top