Chapter 32
Past
PINIPILIT kong idilat ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na tunog na nanggagaling sa tabi ko. Sa labis na kaantukan ay kinapa ko na lang iyon. Saktong pagkuha ko ay ang siyang pagtigil ng tunog mula roon.
Itutuloy ko na sana ang pagtulog ko nang may maalala.
Agad akong napabalikwas at binalingan ang ibaba ng sofa na kinahihigaan ko. Malinis na ang carpet at wala na roon ang nilalatag na comforter ni Leighton tuwing matutulog kami.
Sinilip ko ang oras sa cellphone ko pero napunta ang atensyon ko sa notification na nakita ko.
After weeks he finally contacted me.
Terrence.
Agad akong nag-facetime sa kanya at pigil ko ang hininga ko habang hinihintay kung sasagutin niya ang tawag ko.
In just five seconds he answered it.
Kumunot ang noo ko nang mabistahan ang ayos niya. He's wearing a sunglasses and his lips is bruised. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang noo niyang may benda.
"Good morning, sleepyhead..."
Ngumiti siya sa akin na tila ba kahapon ko lang siya nakausap at hindi ko nakikita ang sugat sa mukha niya.
"W-What happened to you?"
"I fought with someone."
"Who?"
Umiling siya. "You don't know him."
Inilibot ko ang tingin sa kinaroroonan niya at may namuong kaba sa akin nang makitang hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan niya.
"Where are you? Why can't I contact you since last week?"
Tumawa siya. "Easy babe. One question at a time, please."
"Terrence! I'm worried about you...what happened to you?"
He removed his sunglasses and I gasped when I saw his left eyes that he can't open. "D-Did he do that--"
"No. This is the reason why I didn't contacted you. I'm f-fine, Rhima. I fought with someone from a club. I'm almost healed. There's nothing for you to worry about...I'm with Aunt Thalia and she's taking care of me."
"Why did you fought--"
"Hey, I missed you let's stop talking about me. Why don't you tell me where you are now? Seems like it's not your dorm nor your fathers' house?"
Tila napipi ako sa tanong niya at kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ako makakapagsalita muli. "I'm staying with him...in the mean time."
"Don't you think you're being too fast?" He said with his teasing smile.
Pero pakiramdam ko may mali sa ngiti niya.
"It's not what you think. A-Are you still mad at me?"
"I'm not mad with you. I'll never be mad at you. If you're happy being with him then I'm happy too. No matter what happen I want you to choose those things or people that can make you happy. F-Forget everything, Rhima...I-I won't let him hurt you. Never."
"Rence--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may sumingit na boses sa pag-uusap namin.
"You're taking too long...they'll be here any minute now. Hang up--"
Kasabay nang pagkawala ng boses na narinig ko ay ang pagkaputol ng tawag ko sa kanya.
Sinubukan ko muli siyang tawagan pero hindi niya na sinasagot ang tawag ko.
Napatigil ako sa muling pagtawag sa kanya nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.
I'm sorry, Rhima...Aunt wants me to rest. Won't be able to contact you in the meantime...Don't worry about me...Love you :)
I'm not feeling at ease. I feel like may hindi siya sinasabi sa akin. Hindi maalis sa isip ko ang boses na narinig ko. Parang pamilyar pero hindi ko maisip kung saan ko narinig ang boses na 'yon.
Susubukan ko sana siyang muling tawagan pero nang makita ang oras sa cellphone ko ay napatayo ako.
Today is Tita Skyleigh operation.
PALAISIPAN pa rin sa akin ang naging pag-uusap namin ni Terrence habang naglalakad ako papunta sa hospital. Masama ang kutob ko pero panghahawakan ko ang pangako namin sa isa't-isa na wala kaming itatagong sekreto.
Napapitlag ako ng may kamay akong naramdaman sa braso ko. Aalisin ko na sana iyon pero napahinto ako nang makita ang pamilyar na bracelet.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa taas ka?"
"I bought coffees. Tinatawag kita at kinakawayan sa entrance pero dinaanan mo lang ako. May problema ba?"
Mabilis akong umiling. "No...I was just thinking about something..."
Tumango-tango siya habang pinagmamasdan ako nang maigi. Eto ang isang ekspresyon na hindi ko gusto sa isang tao. Isang tingin na tila ba binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko kaya mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.
"Let's go...Bakit hindi mo ko ginising kanina?" tanong ko sabay abot nang nilahad niyang kape.
"I woke up too early. I don't want to disturb your sleep."
Binalingan ko siya nang makapasok kami sa elevator. He's not okay. I wonder kung nakatulog ba siya.
Inabot ko ang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. No words needed. We just look at each other.
"Is Tita Sky okay?"
"She's fine...but we're not. I don't why I'm getting scared. Inassure naman nila kami that she's going to be okay. I just can't imagine her on that operating table...I never imagined that this will happen."
"Then don't imagine that. Close your eyes and imagine two months from now...Magaling na si Tita Sky...she's smiling and she's happy because she'll be on a trip with you guys..."
Pumikit siya at napangiti rin ako nang ngumiti siya.
"And you're also there...with us."
Dumilat siya. "Thank y--"
"Hep, hindi ko na mabilang kung pang-ilan na 'yang thank you mo. Enough, Leighton. Wala ka na bang ibang masabi?" saad ko at hinila siya palabas ng elevator.
"I love you..."
Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi niya. He said it with too much sincerity that I don't know how to reply.
"They're waiting for us..." saad niya nang titigan ko lang siya. Hinila niya ako at sa isip ko na lang nasabi ang gusto kong isagot sa kanya..
I love you, too...
MALALIM akong napabuntong-hininga nang mamatay ang ilaw sa signage ng operating room makalipas ang mahabang oras senyales na tapos na ang operasyon
Tinapik ko si Leighton na nakatulog na sa balikat ko. Mabilis siyang tumayo at hinintay ang paglabas ng doktor.
Puno nang pag-aalala ang mukha nilang tatlo nila Claudi at Tito Cloud maging ako ay nanlalamig ang mga kamay sa nerbyos habang hinihintay ang sasabihin ng doktor.
"It's successful. She's stable at ililipat na namin siya sa recovery room. Wala na kayong dapat ipagalala pa."
Napabuga ako nang hininga sa sinabi ng doktor.
Thank you...
"Thank you, Doc Mike." paulit-ulit na sabi ni Tito Cloud sa doktor maging sa dalawang doktor din na kalalabas lang.
Pero tila naestatwa ko sa kinatatayuan ko nang tumagal ang tingin ko sa lalaking kaaalis lang ng mask.
His face. I know him. Matagal na panahon na at bagama't tumanda siya. Alam ko na siya 'yon.
Isa siya sa taong nagbigay bangungot sa buhay ko.
Nagtagpo ang tingin naming dalawa. Napaatras ako kahit na ilang dipa ang layo niya sa akin.
Kumunot ang noo niya. Nasa tingin niya na kinikilala niya ako. Ilang segundo ay napalitan ng gulat at takot ang mga mata niya. Mabilis siyang yumuko at nagpaalam habang ako ay nanghihinang napaupo.
"Alice, are you okay?"
Kinuyom ko ang kamao ko sa takot na makita ni Leighton ang panginginig non.
"I-I'm fine...I'll just go to the restroom. Mauna na kayo sa kuwarto ni Tita. S-Susunod na lang ako."
"Alice..."
Nagtagpo ang tingin namin. Pinilit kong ngumiti at tumango. "I'm fine...really."
"Klode, call your brother Clarence. Tatawagan ko muna ang Tito Thunder mo..."
Sinamantala ko na inutusan siya ni Tito Cloud at inipon ko ang buong lakas ko para maglakad palayo.
Bawat hakbang ko ay bumabalik sa isipan ko kung sino ang nakita ko kanina. Bumabalik sa isip ko ang nakaraan na tinatakbuhan ko.
Bakit ngayon pa? Bakit kailangan ko pa siyang makita?
Bumagal ang lakad ko nang maramdaman ko ang pangangapos ng hininga ko. Isa pang hakbang ay naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ko kasabay nang pagdilim ng paningin ko.
...TUMULO ang mga luha sa mga mata ko habang unti-unti nilang hinuhubad ang suot kong mga damit. Umaasa akong may tutulong sa akin pero tanging pagtangis lang ang nagawa ko habang unti-unti nila akong binababoy.
Lango sila sa alak at alam kong pati rin sa hawak-hawak nila na sinisinghot nila ng salitan. Droga marahil.
Napasigaw ako nang tila may humiwa sa pang-ibabang parte ng katawan ko. Tila may pumasok doon habang nakapatong sa akin ang lalaki at alam ko kung ano iyon kaya mas lalong lumakas ang pagtangis ko. Patuloy sila sa pagtawa at hindi pinapakinggan ang sigaw at pagmamakaawa ko.
"Ang sarap moooo!" sigaw ng lalaking hinahalikan pa ang leeg ko.
"Sandali lang pre, naubosh na pala 'tong gamit natin. Kukuha lang ako saglit kay Mike...pagbalik ko ako naman ah!"
"S-Sige lang pre, bilisan mo lang ahhhh!"
Habang patuloy siya sa pag-indayog sa ibabaw ko ay nahagip ng tingin ko ang bote sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Hirap man ay inabot ko iyon at nagdadasal na magtagumpay ang plano ko. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at hinugot ang natitira kong lakas para maihampas iyon sa lalaking nakaibabaw sa akin....
"Alice, wake up!"
Napabalikwas ako ng bangon at malakas na itinulak ang lalaking hawak ang balikat ko. Pero ayaw niya kong bitawan. Sumigaw ako at pilit siyang tinutulak pero niyayakap niya lang.
"Don't touch me!!!" naghihisterikal kong pagtangis pero humihigpit lang ang kapit niya sa akin.
Ayoko na. Pagod na ko.
"Please!!! Just let me go!"
"Alice, it's me...Leighton. Look at me please?"
"L-Leighton?"
Humiwalay siya sa akin at dahan-dahang pinunasan ang magkabila kong pisngi.
"It's me, Leighton. It's just a nightmare, love..."
Umikot ang paningin ko sa kinaroroonan ko at sa kamay kong may nakakabit na suwero.
"What am I doing here?"
"You passed out. Don't you remember?"
Umiling ako. "I-I'm sorry. Mukhang napagod lang ako. "
Hindi ko siya matingnan dahil sa hiya sa nakita niyang sitwasyon ko kanina.
"You should have told me na masama ang pakiramdam mo. Buti na lang nakilala ka ng nurse kaya nahanap niya ko."
Tumango ako. "I'm fine, now. Hindi ko kailangan 'to." tukoy ko sa swerong nasa kamay ko.
"No. They'll check up on you. Titingnan muna natin ang result ng tests sayo then you're free to go."
Umiling ako. "Just tell them I'm fine, please. Hindi ka nga dapat nandito. You should stay with Tita Sky pero andito ka at binantayan pa ko. I didn't stay just to be a burden to you."
"You're thinking too much. Nandoon si Dad to take care of Mom..."
"Leighton...Nandoon ka pa rin dapat. Just go there...ako nang bahala sa sarili ko."
"Still--"
"Please. I'll rest. Promise. "
"You won't leave?"
Umiling ako. "I won't."
Tumango siya at hinaplos ang buhok ko. "I'll be back..."
"Sorry again..."
"There's no reason for you to say sorry."
Tinitigan niya ako na tila may nais siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"Alice, you can tell me everything...if you're ready."
Tumango ako at sa pag-alis niya ay kumawala muli ang luhang pinalis niya kanina. Tinakpan ko ang bibig ko habang pinipigilan ang paglakas ng iyak ko.
I tried to hold it in...but I just can't. I cried because it's too much. Why did I have to see someone who reminds me of my horrible past?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top