Chapter 31

Because of you

"MAY problema ba?"

Mula sa pagkakatitig sa cellphone ko ay bumaling ako kay Leighton na nakabalik na pala mula sa paliligo nang hindi ko namamalayan. We're in the condo na ibinigay sa kanya ng parents niya. It's a modern condominium style. Bagama't naikuwento niya na isang beses niya lang nagamit 'to simula nang ibigay sa kanya last year. Well-maintained ang unit dahil na rin daw sa housemaid na inuupahan ng Mommy niya.

"Terrence still doesn't reply with my messages. It's been almost a week. Kinda worried..."

"Terrence? That guy, again."

Binalingan ko siya at napagtanto kong nagkamali ako na sabihin sa kanya ang bagay na pinag-aalala ko.

"Let's eat first bago ka matulog--"

"Who is he in your life?"

"Or better yet, matulog ka na lang. I'll go now nang makapahinga ka."

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. "Bakit palaging tila ang hirap sa 'yo na sabihin sa akin kung sino siya sa buhay mo."

"Ayokong inuulit ang sinasabi ko. Hindi ba nasagot ko na ang tanong mong 'yan?" walang emosyon na sagot ko sa kanya.

"Pero hindi pa rin maliwanag sa akin ang lahat, bakit gabi-gabi mo siyang kailangan kausapin? When you won't call me unless I told you to."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I know he's tired. Baka iyon ang rason kaya siya ganito. Pero hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig niya.

"It became my habit. Calling him every night especially now na malayo siya sa akin."

"I-Is he really just a bestfriend to you?"

"Leighton!"

Pumikit siya at sumandal sa sofa. "I'm sorry...It just frustrates me...thinking na siya ang iniisip mo gayong ako ang kasama mo."

"Hindi 'yan totoo...If only I could tell you everything a-about Terrence and I, maybe you'll understand why I am worried that he doesn't call me..."

I'm scared na baka may ginawang masama sa kanya ang lalaking 'yon...

"Then tell me."

Umiling ako. "I can't. Not now."

"Why not now?"

"Leighton, can we stop this?"

Bumuntong-hininga siya at hindi na nagsalita pa. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at nahiga sa hita ko.

"Your hairs still wet ..."

"Dry it for me." saad niya sabay abot sa akin ng towel na hawak niya kanina.

Dahan-dahan kong pinunasan ang buhok niya habang unti-unting pumipikit ang mga mata niya. "Don't sleep..."

"Why?"

"Masama. Basa pa buhok mo."

Napahinto ako sa pagpupunas sa buhok niya nang hawakan niya ang kamay at halikan ang likod ng palad ko. "Sorry..."

"Para saan?"

"Sa mga sinabi ko...sa mga tinanong ko. Sa pagseselos ko..."

Ngumiti ako at dinampian ng halik ang noo niya. "I understand..."

"I shouldn't doubt you...I'm just scared."

"Scared of what?"

"Of you leaving me for him..."

Pinitik ko ang noo niya sa sinabi niya. "Erase those thoughts, Leighton. Andito ako sa tabi mo. Ikaw ang boyfriend ko. He's my bestfriend and he's important to me, too. But I won't go...I can't go."

Ngumiti siya at dumilat. "Because of me?"

"Because of you..."

Bumaba ang tingin niya sa leeg ko at hinawakan ang kuwintas na ibinigay niya sa akin. "It suits you..." Hinawakan niya ang pendant sa kuwintas. "You're my past...present and my future. You're mine Alice Rhima Carreon..." saad niya sabay angat at gawad ng halik sa labi ko na agad kong tinugunan.

Ngumiti ako sa pagitan ng halik na pinagsasaluhan namin nang mapagtanto ang ibig sabihin ng kuwintas na ibinigay niya sa akin. 

NAGISING ako na ramdam ko ang pangangalay ng leeg ko. Inaantok kong niyuko si Leighton na tulog pa rin at hawak ang kamay ko. Bumaling ang tingin ko sa labas at nakitang pababa na ang araw.

Dahan-dahan kong inalis si Leighton sa hita ko na mahimbing pa rin ang tulog. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ko siya ng litrato. Nang makuntento sa shots ay nagtungo ako sa kusina nang makaramdam ng gutom.

Dumako ang tingin ko sa pasta at pizza na binili namin kanina. Inilabas ko iyon at ininit sa microwave.

Ilang oras lang ang naitulog ko but it's the first time that I don't have a nightmare. I feel safe.

Saktong pagtunog ng microwave ay ang pagpulupot ng mga braso sa bewang ko at hindi ko na kailangan lumingon pa para alamin kung sino ang yumayakap sa akin. He's too close with me. Pero walang kaba akong nararamdaman. Mali. I'm nervous. My heart is beating fast. But not because I'm scared.

Isang kabang hindi ko mapaliwanag.

"W-What are you doing?"

"Hugging my girlfriend..."

Hinawakan ko ang mga kamay niya para alisin pero mas lalo niya lang ako hinapit.

"Leighton..."

"Give me a minute..."

"Y-you're being too touchy lately Mister Monteciara..."

"Sorry...I just can't help it." Akala ko lalayo na siya pero tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang labi niya sa batok ko.

"Hey!" sigaw ko at malakas siyang itinulak. Kinakapos ako ng hininga at ramdam ko ang pamumula ng buo kong mukha.

Tumawa siya na mas ikinainis ko pa. "You're blushing..."

Hinampas ko ang kamay niya nang umangat 'yon para hawakan ako. "You're ban from touching me..."

Itinaas niya ang kamay niya at kahit na hindi na tumatawa ay kita ko pa rin ang pinipigilan niyang pagngiti.

"I'm sorry...Forgive me, please?"

Pinagkrus ko ang kamay ko at masama siyang tinitigan.

This guy. He's acting like an expert when it comes to relationship. Not that I got another boyfriend to compare from him.

"Pang-ilang girlfriend mo na ako?"

Nawala ang ngiti sa labi niya at natigilan sa out of nowhere kong tanong.

"You're hungry right? You should take a sit, ako nang bahala--"

"Don't change the topic here. I said ilan na ang naging girlfriend mo bago ako?"

"Don't laugh at me."

Kumunot ang noo ko. "Why would I laugh at you?"

"Y-You're my first."

Umismid ako. "Pinagloloko mo ba ako?"

Umiling siya at pinigilan kong matawa sa pamumula ng buong mukha niya. Now it's his turn to blush.

"I'm not! You're my first! First girlfriend. First kiss--" Napahinto siya sa sasabihin niya nang tumingkayad ako at halikan siya nang mabilis sa labi.

"I'm hungry." saad ko sabay talikod sa kanya.

Kumawala ang ngiting pinipigilan ko. Damn, his cuteness.

"Does this mean I'm no longer ban from touching you?"

Liningon ko siya at binato nang nahagip kong disposable spoon.

"Klode Leighton Monteciara!"

"Just kidding..." pagtawa niya at mabilis na nagtungo sa microwave.

Mabibilis ang kilos na pineprepara niya ang kakainin namin.

Kukuha na sana ako ng pizza nang iumang niya sa akin ang tinidor na may pasta.

"What are you doing?"

"Feeding my girlfriend."

"Hindi ako imbalido or bata. Kaya kong kumain mag-isa."

Nginuso niya ang kamay kong nakabenda. "You're injured."

"I still have my other hand." pagwagayway ko sa kaliwa kong kamay.

Napailing siya at natawa. "I give up..."

"Good. Don't be too sweet, Leighton. Mahilig ako sa matamis pero madali akong maumay pag sobrang tamis."

Sumimangot siya sa sinabi ko. "I don't like that joke of yours."

"It's not a joke."

"Alice!"

Ngumisi ako. "What?"

"Let's just eat."

Tahimik kaming nagsimulang kumain pero nabasag ang katahimikan na 'yon ng cellphone niya.

Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala nang mabilis niyang sagutin iyon.

"Claudi, is there a problem?"

"..."

"I see. Just give me an hour. Babalik na ko diyan."

Nang maibaba niya ang tawag ay malakas siyang bumuntong-hininga.

"Is there a problem?"

"Nahirapan na namang makahinga ang Mommy... That's why she needs an urgent operation. They scheduled it three days from now."

Inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon.

"Don't worry. It's going to be fine. We just have to trust Him."

Tumango siya at pilit na ngumiti. Bakas sa mga mata niya ang labis na pag-alala.

"Thank you for being with me, Alice."

"I'm your girlfriend. You don't have to thank me..."

He looked at me. Tila may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya. "Can you..."

"What?"

"Nothing. Let's just finish eating. Kailangan ko nang bumalik ng hospital."

Aalisin niya na sana ang pagkakahawak sa kamay ko nang higpitan ko 'yon.

"Can I stay here? Hanggang sa magpasukan..."

Tinitigan niya ako at napangiti ako nang malamang tama ang iniisip kong gusto niyang sabihin.

"I'll stay with you until the operation."

Tumayo siya at hinalikan ang noo ko. "I love you..."

Muli, hindi ko siya sinagot. Ngumiti lang ako at niyakap siya.

TBC


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top