Chapter 26
Truth
"SEE you sa school lovers!!" sigaw ni Trisha mula sa loob ng van.
Sinimangutan ko lang siya at inilingan na tinawanan niya lang.
Saktong pag-alis nila ay siyang pagtigil ng kotse sa harap namin.
"Mang Ben is here, let's go?"
Umiling ako. "I'll just hail a cab, baka out of the way--"
"Kahit saan pa 'yan ihahatid kita..."
Paghila niya sa akin papunta sa backseat pero napahinto siya nang buksan niya ang pinto.
"What are you guys doing here?!"
"I miss youuuuuuu, Klodieeee!" tili mula sa loob at sa pagsilip ko ay bumungad sa akin ang dalawang taong sinisilip din ako.
"I thought you're still in a vacation?"
"Well, as you can see we're not there na like duh we're here na nga in front of you 'eh..."
"Claudine!"
"Do you not like our presence, Kuya?" tila himig nagtatampong saad ng kamukha ni Leighton na may kalong na malaking pusa.
"Of course not, Clarence! Nagulat lang si Kuya..."
Binalingan ako ni Leighton na nasa mukha ang paghingi ng tawad.
"I'll just hail a cab--"
"No! You can ride with us na lang, Alice!!!!" nagulat ako nang bumaba ang kapatid ni Leighton na hindi ko na kailangang alamin kung sino.
Walang iba kung hindi ang makulit na si Claudi.
Umabrisete siya sa akin at naiilang man ay hindi ko magawang alisin ang kamay niya sa braso ko. "Oh to the em to the gee! I can't believe na talagang nakita ka na ng twinnie ko! You're really Alice?"
Hinila ako ni Leighton bago pa ako makasagot sa kanya. "She is. Don't be too touchy Claudine, you're making her uncomfortable..."
"Am I making uncomfortable, Alice?"
Natawa ako sa pagnguso niya na tila isang bata.
"Grow up will you? Para ka pa ring bata."
"Dad says I'm still her baby!"
"You're nineteen, what baby are you talking about? Big baby?"
"I hate you! Isusumbong kita kay Daddy!"
Naaaliw na pinagmasdan ko ang dalawa. They're still the same. Palaging nagtatalo but I can see how Klode adores his sister.
"So you are the girl that Mommy talks about...You look like a...rebel. Anong nagustuhan sa 'yo ng kuya ko? Pati na rin nila Mommy?" Biglang pagsulpot ng isa pang kapatid ni Leighton sa tabi ko.
Doon natigilan ang dalawa sa pagtatalo at nawala ang ngiti sa labi ko.
"Clarence!"
"Leighdrex!"
Magkasabay na sigaw ng dalawa sa kapatid nilang umirap lang sa amin at dumiretso sa harap ng kotse. Padabog niya pa iyong isinara.
"I'm sorry about my brother...mukhang may sumpong lang, don't worry with what he said."
Ngumiti ako. "I won't. Just like him, I'm also asking myself why did you even like me?"
"Ano bang dapat kong gawin para hindi mo na 'yan tanungin sa sarili mo?" He held my hand na aalisin ko na sana dahil nakangangang nakatingin sa amin ang kapatid niya. Pero ipinagsalikop niya pa ang kamay naming dalawa.
"Don't tell me? You two--"
"Meet my girlfriend Claudi, Alice Rhima Carreon." saad ni Leighton sabay halik sa gilid ng noo ko.
Isang tili ang kumawala sa kapatid niya na nagpapadyak.
"Omg, hindi na virgin ang twinnie ko!"
Napanganga ako sa sinabi ni Claudine habang si Leighton naman ay namula.
"Watch your mouth, lady!"
"Ohmygosh, I'm going to tell this to Mom, she needs to hear this!!!" tila walang narinig na saad ng kambal ni Leighton na pumasok sa loob ng kotse habang nasa tainga ang cellphone niya.
"I'm sorry about them!" tila nahihiya niyang saad sa akin.
"Don't be...they're adorable."
"About Clarence--"
"You know it's not the first time na may taong ayaw sa akin. I'm fine. Really."
Nang hindi pa rin siya kumibo ay pinisil ko ang kamay niya at ngumiti ako. "Let's go? Mandys' waiting for me..."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinauna niya akong papasukin katabi si Claudine na panay tili sa cellphone niya. She's still that little girl that I knew.
Nasulyapan ko naman si Clarence na busy sa...pakikipag-usap sa pusa niya.
Yes. He's really talking to his cat.
"What are you looking at?" pagsita niya sa akin.
"Clarence...enough. Respect her will you?"
Hindi nagsalita ang lalaki at hinaplos-haplos na lang ang ulo ng pusang naringgan kong Sasha ang pangalan.
"Who wouldn't look at you? Mukha ka kayang crazy...talking with Sasha? Seriously..." saad ni Claudine matapos niyang maibaba ang cellphone niya.
"Ate!!!"
"What? Nagsasabi lang me ng totoo 'no."
"Oh God! Manong Ben, next time please don't bring them."
MALAPIT na kami sa village nang matanaw ko ang pamilyar na babae sa labas talking to a man.
"Manong, patabi na lang po diyan sa store." turo ko sa convenience store malapit sa kung nasaan si Heaven.
"Are you sure? Puwede naman nating ipasok na lang sa loob?"
"M-May bibilhin pa kasi ako. Thanks for the ride!" mabilis kong saad at akma nang bababa nang hawakan ni Leighton ang kamay ko.
"Text me when you're home..."
"Oops, let me remind you guys no kissing, may bata tayong kasama."
"I really need to go... It was nice meeting you again, Claudine..." sumulyap ako sa harap at nagtagpo ang tingin namin sa mirror ni Clarence. "Nice meeting you too, Clarence."
Nagmamadali akong bumaba at nang tuluyan silang makaalis ay kumunot ang noo ko nang makita si Heaven na umiiyak habang mahigpit siyang hawak sa magkabilang braso ng lalaking kasama niya.
"Kulang pa 'to! Gusto mo bang sa tatay mong hilaw ako manghingi?"
"No! Please, next week magbibigay ako ulit ako!" naiiyak niya nang saad sa lalaking hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang ahas na naka-tattoo sa braso niya.
Tuluyan akong lumapit sa kanila at nang dumako ang tingin sa akin ni Heaven ay nanlaki ang mga mata niya at nakitaan ko ng takot ang tingin niya sa akin.
Takot para saan?
"A-Alice, anong ginagawa mo rito?"
Doon humarap sa akin ang lalaking kausap niya at kumunot ang noo ko nang mabistahan ang mahabang peklat sa pisngi niya pababa sa leeg niya. Napayuko ako at napahawak sa sentido ko nang sumakit bigla ang ulo ko.
I closed my eyes when a glimpse of images flashes on my mind. Someone carrying me with a big scar on his cheek and a tattoo on his arms.
"Wala pa ring pagbabago, maganda pa din pala tong hilaw mong kapatid..."
Napadilat ako nang marinig ang sinabi niya at tiningala siya.
"Kilala mo ako?"
Ngumisi lang siya at makaraan ay tinalikuran kaming dalawa ni Heaven.
Hahabulin ko pa sana siya nang mahigpit na hawakan ni Heaven ang braso ko.
"Where are you going?!"
"I want to talk to him..."
"Are you crazy?! Can't you even see how dangerous he is?"
Pumiksi ako sa pagkakahawak niya sa akin at masama siyang tinitigan.
"Who is he?!"
"It's none of your business!" sigaw niya makaraan ay nagmamadali akong iniwanan.
Hinabol ko siya papasok ng village pero lakad-takbo ang ginawa niya na tila natatakot na maabutan ko siya. Ilang bahay lang ang pagitan mula sa entrance ng village papunta sa bahay namin kaya mabilis siya nakarating doon.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng gate na hindi ako nililingon. Nang makapasok siya sa bahay ay didiretso na sana siya sa hagdan nang buong lakas ko siyang hinila.
"Tell me! Who is that guy?! May itinatago ka ba kaya ganito ka umakto ngayon?"
"Shut up! Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo! Who the hell do you think you are?! Hindi ka na sana bumalik pa rito! No one liked you here! Nakalimutan na nga namin na nag-eexist ang isang katulad mo so why the hell did you come back?! Just go back to the place where you belong!!!" sigaw niya at malakas akong tinulak pero hindi ko hinayaang makawala siya sa akin.
"Bitiwan mo ako!!"
"I won't until you tell who is that guy!"
"Wala siyang kinalaman sa 'yo!"
Umiling ako. "No...He's familiar to me...Hindi ito ang unang beses na nakita niya ako hindi ba?!"
Magkakasunod na tumulo ang mga luha sa mga mata niya. "Stop this Alice! Just leave me alone!"
"What's happening here?!" saglit kong sinulyapan sina Tita Charice at ama kong pababa ng hagdan.
"M-Mommy, help me she's hurting me!"
"Alice, let go of her."
Umiling ako sa sinabi ng ama ko. "No. I won't let go of her not until she answer my question."
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo..."
"Goddamn it! Sagutin mo na lang ako! Iyong lalaki na may peklat sa mukha at tattoo, sino siya?! Kilala niya ako hindi ba? This is not the first time that he saw me, is he?!"
Narinig ko ang pagsinghap ni Tita Charice at nang masulyapan ko siya ay namumutla siyang lumapit sa amin.
"H-Heaven, what is she talking about? Kinikita mo pa rin ba ang lalaking 'yon? Kailan pa?"
Umiling-iling si Heaven at umalingawngaw ang malakas niya hagulgol.
"I-I'm sorry, Mommy! Believe me, I have no choice..."
Binitawan ko si Heaven at hinarap si Tita Charice. "Kilala mo ang tinutukoy ko? Sino siya?"
"I don't understand what's happening here...Sino ba ang lalaking tinutukoy ninyong lahat?"
"He's Fernan. Biological father of Heaven."
Tatay niya ang lalaking 'yon?
Hinarap ko si Heaven na patuloy pa rin sa pag-iyak. "That guy, nandoon siya hindi ba? Noong araw na naaksidente tayo, tama ba ako?"
"H-Heaven, anong ibig sabihin ng kapatid mo?"
"Hindi ko siya kapatid! At hindi rin kita Tatay!"
Lumapit sa amin si Tita Charice at sinampal niya si Heaven.
"How could you say that to your Dad?"
Lumuhod si Heaven habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"K-Kasi kasalanan nila lahat...sa loob ng apat na taon nagpaalipin ako sa demonyo kong ama. Dahil natatakot akong sabihin niya sa inyo ang tunay na nangyari ng gabing 'yon..."
"What are you talking about, H-Heaven?"
"I-I was the one who killed that child. I-I was the one who drove that car. But I'm so scared that Dad will abandon me if he knew it...So I called that man to ask for help...and he did help me kapalit ng perang mahal na mahal niya."
"So y-you told us that my daughter is the one who caused that accident? How could you do this to me, Heaven? Minahal kita na parang tunay kong anak..."
"So just because you want to continue being that perfect daughter to my father nagawa mong isisi sa akin ang bagay na hindi ko ginawa? Alam mo ba kung ano ang nagawa ng pagsisinungaling mo? Isa ka sa mga taong dahilan para mas masira yung buhay ko...Sirang sira na nga ako pero tang@ina mas sinira mo ako eh. D-Dahil sa ginawa mo...itinulak mo ako papunta sa impyerno."
Tumayo siya at nginisian ako na kung wala lang sa harap ko si Tita Charice ay sinampal ko na siya nang malakas.
"Ako ba ang nagpadala sa 'yo sa states? Hindi lang naman 'yon ang dahilan kaya ka ipinatapon doon eh. Because you're starting to act like your bitchy mother. You became a rebel bitch kaya ka inayawan ni Daddy. Pati na rin ni Mommy..."
Kumuyom ang kamao ko pero pinigilan kong saktan siya respeto na lang para sa ina niyang naging mabait sa akin noon. "Bakit nga ba nagbago ka? From the perfect little miss goody shoes...is it because you were raped? Nirape ka ba talaga o baka naman ginusto mo 'yon? Kasi katulad ka ng malandi mong ina?"
"Heaven!" sigaw ni Tita Charice na nanlalaki ang mga mata sa sinabi ng anak niya.
Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko sa sinabi niya. "P-Paanong..."
"Sinabi sa akin ng doktor na sumagip sa 'yo. She came here looking for Dad pero ako ang nakausap niya...nagkataong nasa states sila ni Mommy. I pitied you pero mas lamang ang galit ko sa 'yo. That's what you get for stealing my mother to me!"
I want to fucking hurt her but I turned my back.
I was about to go upstairs when my father grabbed my arms.
"A-Alice, is that true? Are you really...r-raped?"
Pumiksi ako sa pagkakahawak niya sa akin at nang makita ang nangingilid niyang mga mata ay iniwas ko ang tingin sa kanya.
"I'm so tired, right now...let's talk later."
"Alice--"
"Please, Dad...I just wanted to rest."
Tinalikuran ko siya at tila may pumiga sa puso ko nang marinig ko ang pag-iyak niya.
Bakit kasi ngayon mo lang ginustong makausap ako? Bakit hindi noong kailangan na kailangan kita?
If ever someone asked me who was the first man who broke my heart.
It was him.
My father.
Nang makapasok ako sa guest room ay dumiretso ako sa banyo at napagpasyahang maligo.
Habang bumubuhos ang tubig mula sa shower ay tuloy-tuloy din ang pagdaloy ng mga luha ko. Sumigaw ako at paulit-ulit sinuntok ang dibdib ko, umaasang mawala ang paninikip na nararamdaman ko dito.
This is what I want. To know the truth. Umaasa akong kapag napatunayan kong hindi ako ang may kagagawan ng aksidente na iyon mabawasan man lang kahit papaano ang sugat na iniwan sa akin ng nakaraan. Pero ramdam kong walang nagbago. Masakit pa ring isipin na iyong taong inasahan kong paniniwalaan ako, hindi ako nagawang pagkatiwalaan noon.
I looked at my scars. It was healed now but my heart isn't...and I'm afraid that it will never heal.
Nang matapos sa pagligo ay naramdaman ko ang labis na pagkapagod. Pipikit na sana ako nang umalingawngaw ang tunog na nanggagaling sa cellphone ko.
Kinuha ko iyon at nang makitang si Leighton ang tumatawag ay sinagot ko iyon.
"Hi love..."
I told him no endearments but he never listens. Pero hindi ko siya sinaway at pumikit ako nang muli siyang magsalita.
"Why didn't you answered my texts?"
Tila gamot ang boses niya na nagpapawala sa sikip na nararamdaman ko sa dibdib ko.
"Can you sing me a song?"
"Huh?"
"Just one song, Leighton..." saad ko kasabay nang pagtulo ng luha ko.
"Is there a problem?"
"P-please..." umiiyak ko nang saad.
Natahimik sa kabilang linya habang ako ay hindi na napigilan humikbi. Bakit ba lagi ko na lang hindi mapigilan ang emosyon ko sa tuwing kausap ko siya?
What's wrong with me?
(Play-I will be here)
"Tomorrow morning if you wake up and the sun does not appear... Ah ahh I will be here...if in the dark we lose sight of love...hold my hand and have no fear cause I will be here..."
Pinikit ko ang mga mata ko nang mag-umpisa siyang umawit.
"I will be here when you feel like being quiet...when you need to speak your mouth I will listen...and I will be here when the laughter turns to crying...through the winning losing and trying. We'll be together, I will be here."
He's really a good singer. Para akong baliw na ngumingiti sa kabila nang pag-iyak.
"Tomorrow morning if you wake up and the future is unclear... Ah ahh I will be here... just as sure as seasons are made for change...our lifetimes are made for years...I will be here."
"I will be here you can cry on my shoulders...when the mirrors tells us we're older. I will hold you and I will be here to watch you grow in beauty and tell you all the things you are to me. I will be here..."
Unti-unting tumigil ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko kasabay nang paghinto niyang kumanta.
Matapos niyang kumanta ay hindi siya nagsalita. Just like the last time, hindi niya hinihinging sabihin ko sa kanya ang lahat nang tungkol sa akin.
"A-Are you okay, now?"
"Yeah...thank you, love.."
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top