Chapter 23

Mine

HINDI ko alam kung dapat kong itulak si Leighton nang tumugon siya sa halik na iginawad ko. It was supposed to be a peck. Not like this. But I don't want him to stop. I don't want us to stop.

This is the first time that I didn't feel disgusted kissing someone.

Naramdaman ko ang kamay niya na yumakap na sa bewang ko habang ako ay mahigpit na napakapit sa balikat niya. Kasabay nang pangangapos ng hininga ko sa paglalim ng halik na namamagitan sa amin ay ang sunod-sunod na katok na pumailanlang mula sa labas.

Sa gulat ay malakas ko siyang naitulak na naging dahilan para malaglag siya sa kama.

Napangiwi ako nang makita na nasaktan siya sa pagkakabagsak niya.

"A-Are you okay?"

Tumingin siya sa akin na nakangiwi pero mabilis iyong naglaho at gumuhit ang isang malawak na ngiti sa labi niya. "Very okay..." saad niya na ang tingin ay nasa labi kong ramdam ko ang pangangapal.

Mabilis akong tumayo nang muling marinig ang katok na umistorbo sa amin.

The hell? Umistorbo? Talagang nasisiraan na ako ng bait!

Tila wala sa sarili na binuksan ko ang pinto sa labas na ikinagulat ko nang makita kung sino ang kumatok.

Mukhang hindi lang ako nagulat kung hindi maging sila na ang tingin ay nasa suot-suot ko.

It's Leighton polo na natandaan kong isinuot niya sa akin bago ako makatulog.

"We didn't do anything...bad." saad ko kay Trisha na nakangisi na at nakahuma sa pagkagulat.

"Talaga lang ah..." may himig panunudyo niyang saad.

"Nandito na pala kayo."

Nandito na pala kayo...so ine-expect niyang darating sina Trisha, Migael, Anne, Fae at Jace dito without even informing me?!

"Pre naman pinapunta mo ko talaga rito para makita kong wala na talaga akong pag-asa?" pagdadrama ni Gael na ikinatawa nilang lahat.

"They're coming and you didn't bother telling me? Really, Leighton?"

"I forgot."

"Mukhang nakalimutan kasi busy kayo sa ibang bagay..." bungisngis ni Fae kaya tinalikuran ko sila at malakas na ibinagsak ang pinto sa inis.

Nang makita ko ang hitsura ko sa harap ng salamin ay nasabunutan ko ang sarili ko. Humarap ako sa kanila na tila may milagro kaming ginawa ni Leighton kagabi?

Wala ba?

Pinakatitigan ko ang labi kong hindi na kakailanganin ng lipstick para mamula.

Hindi ko napigilang hawakan iyon at tingnan ang kama kung saan naganap ang halik na pinagsaluhan namin ni Leighton.

Humiga ako roon at napapikit. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang malakas na kabog ng puso ko nang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Ang mga sinabi niya sa akin.

Napadilat ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa side table.

My father is calling me. I was about to decline his call but I stop when I think of Leighton.

I...want to fix myself. I want to heal for him.

Your purpose in life is to find your purpose and give your whole heart and soul to it...

And I think I found my purpose...why I'm still here. Alive after all those times I've tried to give up.

It's him.

And I want to give my whole to him. Not a broken pieces that can hurt him.

"Hello..."

Tumikhim ang nasa kabilang linya na tila nagulat na sinagot ko ang tawag niya.

"W-Where are you?"

"In a vacation."

"With whom?"

"Leighton...and our friends."

I heard his sigh of relief. Maybe he's afraid na may ginagawa na naman akong mga bagay na maaaring makasira sa kanya. Napailing ako sa negatibong pumasok na naman sa isipan ko.

"I see. I called because it's Mandys' birthday next week and she wants you to come..."

"I'll go then..."

Tumahimik sa kabilang linya. "Iyon lang ba?"

"I wanted to talk to you--"

"Let's talk when I get back, is it okay for me na diyan dumiretso sa bahay?"

"Of course...see you, anak."

"Bye...Dad."

"BADTRIP ka ba dahil dumating kami at inistorbo namin ang loving time ninyo ni Klode?"

Napahinto ako sa pagpaypay sa iniihaw ko. Bago pa ako nakapagpigil ay tinuktok ko ang pamaypay sa ulo ni Trisha na kanina pa nang-iinis.

"Aray! Napakabrutal naman nito. Binibiro lang eh..." nakanguso niyang saad at kung makahimas sa ulo niya akala mo naman malakas ang pagkakahampas ko.

"Ikaw iihawin ko rito 'pag di ka pa nanahimik." walang bahid ng pagbibiro kong saad sa kanya.

Napalunok siya at napangiwi nang dumako ang tingin niya sa mga manok na iniihaw ko.

"Fine! Fine, titigil na. Napakasama talaga nito."

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Makaalis na nga at nandiyan na ang lover boy mo..."

Bago ko pa siya muling mahampas ay nakatakbo na siya kina Fae at Anne na kanina pa nagkukuhaan ng litrato sa tabing dagat.

"Ako na riyan..."

"Ako na..." saad ko at hindi binitawan ang pamaypay na kinukuha niya sa akin.

"Let me handle this. You should go with them and take some pictures."

Sumimangot ako. "Hindi ko hilig mag-pictures."

May isang asungot na naman ang dumating at inagaw sa akin ang pamaypay.

"Ako na rito, lumayo kayong dalawa at naiinis pa rin ako sa inyo..." nakasimangot na saad ni Migael.

Natawa sina Jace at Leighton samantalang ako ay hindi napigilang batukan ang lalaki sa hindi na natapos niyang pagdadrama mula kanina.

"Ouch! Labs--" Huminto siya nang makita ang panlalaki ng mata ko. "I mean Rhims naman it hurts you know. Sinaktan mo na nga ang puso ko pati ba naman katawan ko?"

"Isa pang pag-iinarte mo tuluyan kang masasaktan."

Tumawa ang mokong. "I'm just kidding, chill."

Napailing ako at napagpasyahang maglakad-lakad na lang. Nas-stress lang ako sa pambubuska nila sa akin.

Gusto kong i-enjoy ang katahimikan pero nangingibabaw ang ingay nila.

Pero hindi ako naiinis na nandito sila. I knew they're doing this to comfort me.

"Sorry for not informing you that they're coming..." saad ni Leighton na sumunod sa akin.

Napapikit ako nang maalala ang panghuhusga ko sa kanya kagabi. Talagang pinaghinalaan ko pa siya nang masama.

"Don't be. Ako dapat ang mag-sorry dahil sa sinabi ko kagabi. I knew that you did this to comfort me. Kayong lahat..." Ngumiti ako at naupo sa batuhan.

Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasang mapangiti nang dumako ang tingin ko kina Trisha.

Nawala ang ngiting iyon nang mapansing kinuhanan na naman ako ng litrato ni Leighton gamit ang dslr niya.

"Tigilan mo nga kakapicture sakin..."

"My camera loves you..."

Tinakpan ko ang mukha ko nang magpatuloy siya sa pagkuha sa akin.

"Stop!"

Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko na inihaharang ko sa mukha ko.

"You're more beautiful when you smile...why do you keep on making me fall deeper for you?" saad niya habang tila nilalaro ang kamay ko.

Hihilahin ko na sana iyon nang iangat niya iyon at dalhin sa labi niya.

"Leighton!" pagsita ko at mabilis na dumako ang tingin ko kina Trisha na naglalangoy na sa dagat.

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi nila nakita ang ginawa ni Leighton.

Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at hinampas siya sa kalokohan niya.

"You're the cheesiest guy that I ever known...anyare sa batang pinakamasungit sa klase?"

Ngumiti siya. Iyong ngiti niyang nakakapanghalina.

"Sa'yo lang ako ganito...only you."

There it is again. My fast heartbeats.

Monteciara, don't smile like that...

"Are you really sure that you won't regret falling for me, Monteciara?"

"How many times do I have to tell you that I like you? That I love you enough to be sure that I'll never regret falling in love with you?"

"Baka masaktan kita..."

Ngumiti siya at inayos ang buhok kong tinatangay nang malakas na hangin. "Walang nagmahal na hindi nasaktan...Kasi hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. It's a part of loving someone..."

Matagal akong hindi nakaimik sa sinabi niya at ang tangi ko na lang nagawa ay pagmasdan siya.

"Do you want me to be your girlfriend?"

Tila nagulat siya sa tanong ko na bumukas sara ang bibig niya at hindi malaman ang isasagot sa tanong ko.

"I know you're still not ready--"

"Just a yes or no..."

Lumunok siya at sumigaw siyang sumagot na akala mo ang layo ng kausap niya. "Of course it's a yes!"

"I'll be your girlfriend, then."

Kumurap-kurap siya na tila hindi mapaniwalaan ang sinabi ko.

"Are you s-sure?"

"Ayaw mo ba--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako at mahigpit na yakapin.

"Hoy! Bitiwan mo na nga ako! Pumayag akong maging girlfriend mo pero ngayon pa lang sinasabi ko na
sa'yo ayoko nang masyadong touchy, Leighton."

Binitiwan niya ako pero hinuli naman ang kamay ko. "Masusunod babe--"

"And no endearments."

Ngumiti siya at sinaluduhan pa ako na tila sundalo. "Yes, Ma'am."

Ayan ka na naman Alice, sa mga padalos-dalos mong desisyon...nababaliw ka na, sa tingin mo ba kaya mong panindigan iyang desisyon mo? Kaya mo ba siyang protektahan?! Sasaktan mo lang siya!

Ipinilig ko ang ulo ko sa boses na narinig ko sa utak ko.

"Tigilan na ninyong dalawa ang paglalandian diyan! Kakain na tayo!" sigaw ni Trisha sa amin na naging dahilan para mawala sa isip ko ang boses na tila bumulong sa akin.

Tinangka kong hilahin ang kamay ko mula kay Leighton pero ipinagsalikop niya lang iyon at nakangiting itinaas ang mga kamay namin kina Trisha na nagsigawan.

"She's now mine! Alice Rhima Carreon is mine!" sigaw niya kaya napapikit na lang ako sa hiya.

Kailangan ko nang masanay sa ugali ng lalaking nasa tabi ko...after all, he's my boyfriend now. Leighton Klode Monteciara is mine...only mine.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top