Chapter 22
Fall
"Still angry with me?"
Hindi ako sumagot at ibinalik ko ang tingin ko sa papalubog na araw.
It's a beautiful view.
It's been hours since we arrived in this place.
An island.
As much as I want to protest sa pagpilit niya pa ring sumama ako sa kanya. Napatahimik ako nang makarating kami sa isla.
Isla na pagmamay-ari ng lalaking katabi ko na iniregalo raw sa kanya ng grandparents niya.
What a lucky man.
Kung meron lang akong ganito, mas nanaisin kong tumira rito. Tahimik at payapa. Sa lugar na walang makakapanakit sa 'yo. Malayo sa lahat.
"I'm sorry...if you really don't want to be here. I can call Manong Jun to pick us up."
Humiga ako sa maputing buhanginan at iniunan ang braso ko.
"Naiinis ako sa 'yo pero hindi sa lugar na pinagdalhan mo sa akin."
"Is there a way para hindi ka na mainis sa akin?"
"Siguro kung titigilan mo na ang pagbabawal sa akin sa mga bagay na gusto kong gawin."
Napailing siya. "I just want what's good for you..."
"I know...pero hindi ko kayang baguhin ang mga nakagawian ko para sa 'yo o para sa iba."
"Hindi mo naman iyon gagawin 'yon para sa akin kung hindi para sa 'yo."
Ngumisi ako. "Kung sana ganoon kadali, sana matagal ko nang itinigil..."
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
"You're disappointed with me right?"
Umiling siya. "I'm not."
"I told you that I'm a difficult person. Hindi mo kayang baguhin ako."
"Hindi kita binabago. Tanggap kita sa kung ano ka."
Unti-unting dumilim nang tuluyang lumubog na ang araw.
"How can you say that kung hindi mo pa nga alam lahat ng tungkol sa akin. Do you think paninigarilyo lang ang bisyo ko? I've tried everything, Leighton..."
Umupo ako at hinarap siya. "Everything...including alcohols and drugs."
You need to know every bad things about me...habang maaga pa. Habang kaya ko pang lumayo ka...
"Alice..."
Yumuko ako at ngumisi. "And even sex...with different guys..."
Kinuyom ko ang kamao ko nang makitang wala siyang naging reaksyon sa mga sinabi ko.
"You hate dirty things...so how can you be with someone like me?"
Tumayo ako nang hindi pa rin siya nagsalita.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang hawakan niya ang kamay ko.
"Y-You're lying. You're just saying that to push me away. Do you really hate the idea of me falling for you?"
Malakas kong hinila ang kamay ko sa kanya. Galit ko siyang tiningnan.
"Tang-ina! Masama ako pero puta hindi ako sinungaling!!" sigaw ko sa kanya.
Kung may isang bagay akong pinakaayaw na sabihin sa akin. Iyon ay ang akusahan ako na sinungaling.
"Alice...I-I'm sorry, it's not what I meant--"
"You can call me any names you want but I'm not a fucking liar!"
Nang makita ang frustration sa mukha niya ngumisi ako. "Nagsasabi ako ng totoo. Ganito akong klase ng babae, Leighton! Ito ba ang babaeng kaya mong m-mahalin? Ang klase ng babaeng maipagmamalaki mo sa pamilya mo at sa ibang tao?!"
"I-I don't care about your past! Ang mahalaga iyong ngayon!"
Tumawa ako nang mapait. "You don't know what you're saying, Leighton. You shouldn't fall for a filthy woman like me! Hindi ako ang babaeng nararapat sa 'yo!"
"Stop saying that! You are not filthy!"
Umiling ako. "Madumi ako. Sobrang dumi na a-ako mismo nandidiri sa sarili ko."
Napayuko ako at unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Lalapit sana siya nang umiling ako at umatras palayo sa kanya.
"Don't touch me..."
Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay nagtatakbo akong pumasok papunta sa loob ng bahay para makatakas sa kanya.
Hindi ko na dapat sinabi sa kanya ang mga 'yon. Sana hinayaan ko muna ang sarili kong makasama siya kahit ilang araw lang. Ang makatakas sa reyalidad na walang sinumang lalaki ang may kakayahang tanggapin ako.
IT was past midnight when I woke up from a nightmare. Again.
Hingal na hingal ako at kahit malamig sa kuwartong kinaroroonan ko ay ramdam ko ang tagaktak ng pawis sa noo ko.
Uhaw na uhaw ako kaya lumabas ako ng kuwarto. Napasulyap ako sa kabilang kuwarto na nakapinid.
Hindi ko alam kung gaano siya katagal naghintay para pagbuksan ko siya ng pinto kanina pero ano mang pakiusap niya ay tinigasan ko ang loob ko at hindi ko siya kinausap pa.
Bugso ng damdamin ang nag-udyok sa akin para sabihin ang mga 'yon sa kanya. Iyon ang tama. Pero nakaramdam ako ng hiya sa kanya kaya hindi ko alam kung paano siya muling haharapin.
Napabuntong-hininga ako at tinungo ang kusina. Binuksan ko ang ref na punong-puno ng laman. Kumuha ako ng bottled water at mabilis iyong inubos.
Babalik na sana ako sa kuwarto kahit hindi na ako inaantok nang magawi ang tingin ko sa isang cabinet na naglalaman ng maraming alak.
I need a drink.
Bago ko mapigilang pakialaman ang cabinet ay binuksan ko iyon at kumuha ng isang bote ng alak.
Bacardi 151.
Iyon ang napili kong inumin. This is what I need right now.
Isang alak na makakapagpaalis sa mga tumatakbo sa isip ko. Something that can help me ease the nagging feeling in my heart.
Matapos kong kumuha ng shot glass ay napagpasyahan kong lumabas ng bahay.
Sanay na ako sa lamig kaya balewala sa akin ang malakas na ihip ng hangin. Dumiretso ako sa buhanginan at naupo roon.
Gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan ko sa unang shot na ininom ko.
Masyadong matapang pero tila tubig na magkakasunod kong ininom iyon hanggang sa makalahati ko ang bote ng alak.
Nag-umpisang gumaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nasa alapaap ako. Tila ineengganyo rin ako ng alon kaya hinubad ko ang mga suot ko at ang tanging itinira ko ay ang panloob ko.
Tumatawang tumakbo ako patungo sa dagat. Nasa kasarapan ako nang paglubog sa malamig na tubig nang may mga kamay na humawak sa bewang ko at hinila ako.
"What the hell are you doing?!"
Tumawa ako nang bumungad sa akin si Leighton. "Just swimming!"
"You're drunk..."
Tinulak ko siya at hindi ko na naman mapigilang matawa. "I'm not..."
"Let's go--"
"I'm just having fun, Leighton...what's wrong with you?"
"Alice, let's just go. You can take a swim by tomorrow..."
Pumalatak ako at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Hayaan mo na lang ako--"
"It's dangerous!"
"I k-know how to swim, anong dangerous pinagsasabi mo?"
Tila nauubusan ng pasensyang tiningnan niya ako. "Malakas ang alon--"
"I won't die...May agimat yata ako..." saad ko sabay tawa. "Trust me 'cause I tried several times, sinubukan ko na mawala na lang. It was my last resort to escape hell b-but they won't let me...He won't let me. I'm still here...and I don't know if I should be thankful to Him."
"Alice..."
Realizing what I just said. I badly want to hurt myself.
Bakit ba palagi ko na lang nasasabi sa kanya ang mga bagay na isang tao lang ang pinagsasabihan ko?
Maybe he's right.
I'm drunk.
Tinalikuran ko siya at lumangoy ako papunta sa pampang.
Not caring if he saw my back.
My back full of scars.
Tila nanlalambot ang tuhod ko marahil sa nainom ko kaya sa pagkagewang ko ay siyang pagbagsak ko sa buhanginan.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa tabi ko at nang sulyapan ko siya ay nasa likod ko ang tingin niya.
"Is it ugly?"
Ngumisi ako at hinarap siya.
"My back, its ugly isn't it?"
"Who did this to you?"
Nasa mga mata niya ang pagkaawa na hindi ko kailanman gustong makita sa mga mata niya.
Umiling ako at tinangkang tumayo pero muli akong bumagsak nang makaramdam ng pagkahilo.
Inalalayan niya ako pero inalis ko ang mga kamay niyang humawak sa braso ko.
"W-Why did you bring me here? Tayo lang ang tao rito, katulad ka rin ba nila? Gustong angkinin ako...ang babuyin ako."
Lumarawan ang pagkagulat sa mukha niya sa sinabi ko. Pero nagdilim iyon at ikinagulat ko nang suntukin niya ang buhanginan nang paulit-ulit.
"Damn it!" sigaw niya at napaurong ako nang lumapit siya sa akin at hawakan ang magkabila kong braso.
Naramdaman ko ang malakas na kabog ng puso ko. Tila unti-unti akong nakakaramdam ng takot sa lalaking nasa harap ko.
"D-Don't hurt me, please..."
Kasabay nang mga sinabi ko ang pagtulo ng mga luha ko. Mahigpit niya akong niyakap at nakita ko ang pag-alog ng mga balikat niya.
"Sino sila?! Sino ang mga hayop na gumawa sa 'yo nito?"
Tila nakahanap ng kakampi na niyakap ko siya pagbalik. Ang pagkatakot na naramdaman ko kanina ay nawala.
MATAAS na sinag ng araw ang gumising sa akin. Tila mabibiyak ang ulo ko sa sakit. Isinusumpa ko na talaga ang bacardi.
Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Good morning!" masiglang pagbati sa akin ni Leighton na may hawak na tray na naglalaman ng pagkain.
Si Leighton na nakashades na itim.
Napalunok ako nang maalala ang mga pinaggagawa ko kanina. I was drunk but I remember it. All of it.
Dahan-dahan akong umupo habang siya ay nilapag ang tray at umupo sa paanan ng kama.
"Eat first before you drink the meds." saad niya nang damputin ko ang tableta na nasa tray.
Tumikhim ako. "Kumain ka na rin ba?"
Tumango siya at nginitian ako.
"Stop smiling. Stop acting na para bang hindi mo narinig ang mga sinabi ko sa 'yo. I was drunk but I remember it. All of it. Matalino ka, siguro naman alam mo kung ano ang ibig sabihin nang mga sinabi ko...do you realize now how broken I am? That I am impossible to love?"
Inalis niya ang salamin niya at bumungad sa akin ang namamaga niyang mga mata.
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "You are not impossible to love Alice because if that's true then why did I fall for you?" Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. "Hindi nagbago ang nararamdaman ko. Hindi ko sasabihin na wala akong pake sa nakaraan mo kasi meron. Gusto kong malaman..." Lumunok siya na tila nahihirapan. "...kung sino ang mga taong nanakit sa 'yo. Pero nirerespeto kita at hindi ko ipipilit na sabihin mo sa akin lahat. You are broken and I'm willing to embrace it. I still love you despite of everything...I can't promise to fix you but I'll be with you while you fix yourself. You don't need to face everything alone because I'm here. I'll always be here and I won't let anyone hurt you again..."
"You know you're scaring me..."
"Why?"
"Because you keep on making my heart beat so fast...and you know what it means right?"
Ngumiti siya at doon ko na hindi pinigilan ang sarili ko. Tinawid ko ang distansya naming dalawa at mariin ko siyang hinalikan.
I don't want to hurt this guy that's why I don't want to fall but what to do? I can't help myself...from falling for him.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top