Chapter 21

Teasing

IT was almost two hours when we arrived at the airport in Davao City. Paglabas namin ng airport ay naramdaman ko kaagad ang init sa lugar. Tirik na tirik ang araw kaya napapikit ako sa sinag na tumatama sa mga mata ko.

I was about to open my bag para kunin ang shades ko roon nang may maglagay na ng salamin sa mga mata ko.

Sino pa nga ba kung hindi ang pilyong kasama ko na si Leighton.

Pagbaling ko ay nakangiti siya sa akin na parang proud na proud siya sa paglalagay ng shades sa mga mata ko.

Napailing ako. This is not the Leighton that I knew when we were young.

Parang nagkapalit kami ng personality noong mga bata kami.

He's now the always happy one and I am the grumpiest one.

"Sir Klode!"

Isang sigaw ang nakaagaw ng pansin namin.

"Welcome back to Davao, Ser..."

"Good to see you again, Manong Jun," nakangiti niyang pagbati sa medyo ay edad na lalaking lumapit sa amin.

Umakbay siya sa akin at ngani-ngani kong sikuhin ang tagiliran niya pero pinigilan ko ang sarili ko. "This is Alice--I mean Rhima, Manong Jun. My very close friend." pagdiin niya sa salitang close.

Tumikhim ako. "Kailan pa tayo naging close?" bulong ko sa kanya pero tinawanan niya lang ang sinabi ko.

"Si Manong Jun nga pala Alice, he will be our driver."

"Magandang umaga hija..." pagbati sa akin ni Manong Jun.

"Magandang umaga rin ho." tugon ko at bahagyang yumukod.

"Halika na at mahaba-haba pa ang biyahe ninyo..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki. Saan ba ang punta namin?

"Mananghalian muna tayo, Manong at baka kainin na ko nitong kasama natin."

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko at siniko siya.

Umaktong tila nasasaktan ang lalaki kaya naiirita ko siyang iniwan at dumiretso sa nakaparadang kotse sa amin na hinihinala kong sasakyan namin.

NAKARAMDAM ako ng antok pagkatapos naming kumain. Masyado akong nabusog sa kinainan naming restaurant. Minsan ko lang mahiligan kumain pero kapag nagustuhan ko ang putahe ay hindi ko mapigilang maparami ang kain.

Iniling-iling ko ang ulo ko para mawala ang antok ko. Ipinusod ko ang buhok ko nang makaramdam ng init. Saglit lang kaming naglakad mula sa restaurant hanggang parking lot pero tagaktak na ang pawis ko.

Napahinto ako sa pag-ayos ng buhok nang mapansin na tila natulala ang lalaki sa tabi ko.

He's looking at my neck intently na tila may ibang tumatakbo sa isip niya.

"Why are you staring at my neck like that?"

Tila nagising na ibinalik niya ang tingin sa mga mata ko pero nang masalubong ang matalim kong tingin ay itinuon niya ang tingin sa labas.

"L-Like what?"

"Na para kang bampira at gustong kagatin ang leeg ko."

Tumikhim siya at umiling. "I'm n-not." utal niyang tugon at napangisi ako nang makita ang pamumula ng tenga niya.

"Hindi pala ah. Bakit ka namumula?"

"It's hot."

Ngumisi ako at napagpasyahang mang-asar. "It's hot or I'm hot?"

Mabilis siyang bumaling sa akin at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Don't play a game with me, Alice."

Tumaas ang kilay ko. "What game?"

"You're teasing me..."

Tumawa ako. "I'm not--"

Napahinto ako sa sasabihin ko nang bigla niyang inilapit sarili niya sa akin. Napalunok ako at napasiksik sa pinto ng kotse, "What a-are you doing?"

Bakit ba ang tagal mag-cr ni manong Jun?!

"I'm giving you the consequence of your action, lady..."

Bago pa ko makapagsalita ay yumuko siya at nagtaasan ang balahibo ko nang dampian niya ng halik ang leeg ko.

Saktong humiwalay siya sa akin ay ang pagdating ni Manong Jun.

Tuluyan nang nawala ang antok ko.

Damn you, Monteciara.

Tila napipi na namayani ang katahimikan sa pagitan namin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

Buwisit talaga itong lalaki na 'to.

Sinong mag-aakala na ang isnaberong bata na kilala ko noon ay lalaking ganito kalandi.

Kung patuloy niyang gagawin ang mga ginagawa niya, baka tuluyang mawala ang pader na inilagay ko sa sarili ko palayo sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko.

Tuluyan pa nga ba o nawala na ang pader na 'yon?

Napabuntong-hininga ako at napapikit. Kaysa mag-isip nang kung ano ay pinili kong matulog na lamang dahil narinig ko ang sabi ni Manong Jun na mahigit dalawang oras pa ang lalakbayin namin.

"Hindi ba sinabi kong ayokong nakikita kang lumapit sa lalaking iyon! "

"Mabait na tao si Terrence hindi katulad mo!"

Ngumisi siya at nagpatuloy sa paglapit sa akin. Sinampal niya ako nang malakas pero hindi ito ang unang beses na sinaktan niya ako kaya tila nasanay na ang katawan ko at mabilis ko siyang binalingan at sinamaan ng tingin.

"Iyan ang gusto ko sa 'yo! Palaban!" pagtawa niya at malakas naman akong sinuntok sa sikmura.

Hindi pa nakuntento ay pinaulanan niya ng sampal ang mukha ko.

Ubos na ubos na ang luha ko kaya kahit ramdam ko ang sakit ay walang tumulong mga luha sa mata ko. Kahit na nang turukan niya ako ng gamot na alam kong isa sa produktong ibinebenta nila ay nanatili akong walang kagalaw-galaw.

Alam kong walang magbabago kahit paulit-ulit akong sumigaw. Walang makakarinig sa akin. Wala ang ina ko. Wala rin ang mga katulong.

Akala ko iba ang lalaking nasa harap ko. Hindi siya ang 'matinong' lalaki na ipinakilala sa akin ng ina ko dalawang taon na ang nakakalipas.

Isang taong inakala kong magiging magiging para maging normal ang buhay ko. Na makakalimutan ko ang lahat nang naganap sa Pilipinas pero nagkamali ako mas bangungot pala ang mangyayari sa akin dito.

At katulad noon, walang makakatulong sa akin.

Tila hinehele ako at lumulutang ako sa ere pero naramdaman ko ang hapdi sa likod ko nang tila may gumuhit doong matulis.

"You are mine, Alice. You'll always remember it because of this mark, darling."

Tumulo ang luhang hindi pa rin pala nauubos sa mga mata ko. Ilang tao pa ba ang bababuyin ako?

Hanggang kailan ba matatapos ang paghihirap ko?

NAGISING ako sa haplos na naramdaman ko sa pisngi ko.

Umayos ako ng upo nang mapagtantong nakahilig pala ako sa balikat ni Leighton. Pinunasan ko ang pisngi ko na basa na pala.

What a pathetic girl I am.

Umiiyak habang natutulog.

"Are you okay?" may pag-aalala sa boses niyang tanong.

Tumikhim ako at hindi siya sinagot bagkus ay lumabas ako nang mapagtantong nakarating na kami sa destinasyon namin.

Bumungad sa akin ang amoy ng dagat. May mga bangka at barko na nakapaligid sa amin.

Nanginginig ang mga kamay kong kinapa ang bulsa ng pantalon ko. Sisindihan ko na sana ang sigarilyong nabili ko nang patago kanina nang mabilis na nawala sa kamay ko 'yon.

"What the hell!"

"This is not good for your health."

"I don't fūcking care so fūcking give it back to me!" naiinis ko nang sigaw sa kanya.

"No." nakatiim ang labing tugon niya.

"Then mag-isa kang pumunta sa pupuntahan mo!" sigaw ko at kinuha sa loob ng sasakyan ang bag ko.

"Where are you going? You promised to be with me."

"Forget that promise! I hate you!"

"Come on Alice! Don't act like a brat. Ibibigay ko kahit anong gusto mo pero hindi ang bagay na makakasama sa 'yo."

Hinarap ko siya at nakita kong kababakasan na rin nang pagkapikon ang hitsura niya. "Alam mo kung anong problema sa 'yo?! Masyado kang pakialamero!"

"Hindi pakikialam ang tawag sa ginagawa ko Alice! Pag-aalala! Do you even know kung anong pwedeng idulot ng paninigarilyo sa katawan mo?"

"Oh stop with your lecture, Monteciara. Hindi iyan ang kailangan ko ngayon. Stop caring about me! Kung mamatay eh di mamatay! I don't fûcking even care about myself so don't bother yourself caring for me!"

Tumalikod ako pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"You'll go with me. And I'll do everything para matigil ka diyan sa bisyo mo."

"You can't force me, Monteciara."

"I can and I will."

Isang sigaw ang kumawala sa akin nang lumutang ako sa ere nang tila isang sako ng bigas na ipinasan niya ako sa balikat niya.

What the hell--from being a gentleman to this?!

Pagbabayaran mo 'to, Leighton!

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top