Chapter 20
Say yes
MALALAKAS na katok ang nagpagising sa akin at gusto ko mang hindi pansinin iyon ay tila walang kapaguran ang kamao ng taong kumakatok. Banas akong tumayo at dire-diretsong lumabas. Hindi naka-lock ang pinto ko dahil ako lang naman nag-iisa dito sa dorm sa nakalipas na dalawang araw.
Niyaya ako nila Trisha sumama sa kanila sa uuwian nilang probinsya pero mas pinili kong matulog nang matulog.
At kung sino man ang umistorbo sa akin ngayon, may kalalagyan siya.
"Ano bang kailangan--"
"Good morning!"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumungad sa akin si Leighton. He looks so fresh na napahawak ako sa buhok kong ilang araw ng walang suklay.
He's wearing a simple white polo matched in a black maong shorts. Simple lang pero papasa na para sa isang photo shoot. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang bago niyang gupit na buhok.
Bago pa tumulo ang laway ko sa pagtitig sa kanya ay tumalikod na ako at dumiretso sa lamesa. Nakakatamad kumuha ng baso kaya sa pitsel na ko uminom. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't may family vacation kayo?" tanong ko matapos malakas na dumighay sa kabusugan sa tubig.
Oh yeah. I don't like pretending that I am a prim and proper lady because I'm not and I will never be.
"Nauna na ako sa kanila..." saad niya at tinabihan ako sa sofa.
"And why is that?" tanong ko sabay kuha nang naiwang tsitsirya sa lamesa ni Trisha.
Bubuksan ko pa lamang iyon nang mabilis na nawala iyon sa kamay ko. "It's 9 o'clock in the morning...tapos ito lang ang kakainin mo. It's not healthy. Fix yourself and your things. Let's go on a trip."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Sino namang nagsabi sa 'yo na sasama ko?"
Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napalunok ako at pilit iniwas ang tingin sa kanya pero hinawakan niya ang baba ko at bumaba ang mata niya sa labi ko.
"Don't you dare, Leighton!" mariin kong saad.
"Dare what?" nakangiti niyang saad.
"Kung anuman ang nasa isip mo, huwag mong gawin."
"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko ngayon?" mapaglaro niyang tanong na naman sa akin.
"G-Gusto kong matulog pa kaya puwede ba tantanan mo ko!"
Tinulak ko siya at nagmamadali akong tumayo pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"It's my birthday. Puwede bang itong trip na lang na 'to ang iregalo mo sa akin?"
I looked at him and how can I fucking say no when he's looking at me with those pleading eyes.
Nabubugnot kong ginulo ang buhok ko. "Bakit ba ako? Birthday mo hindi ba dapat pamilya mo ang kasama mo ngayon?!"
"I want to spend my birthday this time with one of the most special woman in my life aside from my mother and sister."
Ayan na naman ang tila malakas na kalabog sa puso ko kaya dali-dali ko siyang tinalikuran at dumiretso sa banyo.
He won.
"HINDI pa rin ako kumakain."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Leighton habang busy ako sa pagkain sa mga inorder namin sa drive-thru.
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero base sa tinatahak niyang daan, mukhang papunta kami sa airport.
"I'm hungry..." pag-uulit niya habang tutok pa rin ang atensyon niya sa pagmamaneho.
Napabuntong-hininga ko nang maintindihan ang gusto niyang mangyari. Binuksan ko ang burger na inorder niya at iniumang sa kanya 'yon.
Lumitaw ang magkabilang biloy sa pisngi niya sa malawak na ngiting gumuhit sa labi niya matapos niyang kagatan ang burger na hawak ko.
"Para kang timang, kung makangiti wagas."
Saglit siyang sumulyap sa akin bago niya ibinalik ang tingin sa kalsada. "I'm just happy."
"Ganyan ka na kasaya nakakain ka lang. Babaw ah."
"Silly..."
Sumimangot ako. "Anong silly ka diyan?"
"I'm happy not because of the food...but because of you. You're here beside me, having you near me is something that will always make me happy."
Natulala ako sa sinabi niya at napahampas sa dibdib ko nang tila may kumalabog doon.
"Are you okay?"
"N-Nabulunan lang sa mga pinagsasabi mo..."
Tumawa siya. "Paano ka mabubulunan kung wala namang laman 'yang bibig mo?"
"Kumain ka na nga lang!" sigaw ko at padaskol na iniumang sa kanya ang burger.
"Drink please."
Umismid ako pero kinuha ko rin ang inumin niya at pinainom siya.
Saktong naubos namin ang mga binili niyang pagkain ay huminto kami sa airport. I knew it.
"Where are we going?" tanong ko at kukunin ko na sana ang duffel bag ko sa backseat nang unahan niya ako.
"To paradise..." nakangiti niyang saad at bago pa ko makaiwas ay ipinagsalikop niya ang mga kamay namin.
"Hoy, Monteciara sumosobra ka na ah!" paninita ko pero tumawa lang siya at hinila ako.
Dumiretso kami sa check-in area at doon ko lang nalaman kung saan kami papunta.
We're on our way to Davao City.
Hindi ako nakapagsalita nang makita kung saan ang destinasyon namin. It's been seven years since I last went to that place. Ang lugar kung saan ako lumaki.
"Are you okay?"
Doon ko lang napansin na kanina pa pala nagsasalita sa tabi ko si Leighton pero hindi ko siya naririnig.
"Don't you want to go to Davao?"
Hindi ako nagsalita at ngumiti siya sa akin. "If you don't want to, then we can go to other place."
Pinakatitigan ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang kagustuhang sundin ang nais ko.
"No, we can go to Davao. Sayang ang pamasahe at mukhang naplano mo na rin ang gagawin natin doon eh." pagnguso ko sa planner na kanina niya pa hawak at binabasa kung saan kami pupunta.
Napakamot siya sa batok niya at hindi ko napigilang mapangiti dahil tila siya bata sa harap ko.
"Let's go, birthday boy?"
Nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. "I have a confession to make."
"Spill it."
"Actually, hindi ko birthday today."
Unti-unting lumalim ang gatla ng noo ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kinuha ko ang planner na hawak niya at hinampas ko iyon sa braso niya.
"Buwisit ka!"
Tumawa siya at mas lalo akong nainis sa kanya kaya napalakas ang hampas ko sa kanya. Napayukyok siya habang umaaray sa sakit ng braso niya. Tila naman naawa ako sa lagay niya kaya umupo ako at sinipat ang namula niyang braso.
Hahawakan ko na sana iyon nang kunin niya ang kamay ko. "But even if it's not my birthday, you'll still go with me right?" he lovingly asked me.
Hope is visible in his eyes.
Sa kanya lang ako naging ganito. Madali para sa akin ang tumanggi pero bakit pagdating sa kanya, hirap ako?
Tumayo ako pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil para siyang ewan na nakaluhod ang isang tuhod at hawak hawak ang kamay ko.
"Umoo ka na, Miss!"
May sumigaw pa sa amin kaya hinila ko si Leighton patayo pero nagmatigas siya at nagpabigat lang.
"Tumayo ka nga diyan!" mariin kong bulong.
"Just say that you'll be with for the rest of this week and I'll stand."
Pinigilan kong sipain siya sa sinabi niya. Kung may nakarinig non ay iba na talaga ang iisipin sa aming dalawa.
"Fine! I'll go with you! Just stand up will you?!" mariin kong bulong sabay hila sa kanya pero sa lakas ng puwersa ay babagsak sana ako kung di niya lang maagap na nahawakan ang bewang ko.
Akala ko ay bibitawan niya ako pero imbes na gawin 'yon ay tuluyan niya akong niyakap.
"She said yes!!!" sigaw niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Naghiyawan ang ilan kaya malakas ko siyang hinampas sa likod.
"Pinagsasabi mo riyan?!"
"Hayaan mo na ko. It's just a joke pero kung magiging totoo, why not?"
"In your dreams!" saad ko sabay hiwalay sa kanya at dali-dali akong naglakad palayo. Tumawa siya at mabilis akong sinundan.
"In my dreams, you are there and you are mine." bulong niya at sa hindi ko mabilang kung ilang beses na, muli kong naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko.
Oh God, this is not good.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top