Chapter 19
Need me
ALICE
"90 over 60..." saad ni Migael habang inaalis ang kinabit niyang aparato sa braso ko.
"I'm fine." saad ko at babangon na sana nang hawakan ni Leighton ang braso ko.
"Mababa ang bp mo. You should take a rest."
Umiling ako. "I already told you I'm fine. Nahilo lang ako sa gutom, probably."
"Kami nang bahala sa labas Rhima, dumito ka na muna at magpahinga." saad ni Trisha na kapapasok lang sa kuwarto na hindi ko alam na meron pala dito sa funeral homes na inupahan ng ama ko.
Inilapag niya ang tray na naglalaman nang umuusok pang sopas at inumin.
"Masyado kang maputla. Walang masama kung magpapahinga ka muna kahit ilang oras. Hindi matutuwa ang Nanay Celing mo kapag tuluyan kang nagkasakit." segunda ni Anne nang tututol pa rin ako.
Hindi na ako nagtangkang bumangon at napabuntong-hininga na lang.
Hinawakan ni Migael ang buhok ko at marahang ginulo iyon. "Just take a rest. Huwag nang matigas ang ulo."
Isa-isa silang naglabasan hanggang sa kami na lang ni Leighton ang natira.
Kumunot ang noo ko nang kunin niya ang sopas at hipan iyon.
"May kamay pa rin ako, kaya kong kumain mag-isa."
"Masyadong mainit, baka mapaso ka pa."
Napailing ako. "I hate this."
"Hate what?"
"The way you guys are treating me. I'm not weak, Leighton."
Iniumang niya sa akin ang kutsara na tila ba hindi narinig ang sinabi ko.
"Kaya ko na sinabi, eh." inis kong saad pero isinubo ko rin ang ibinibigay niya dahil mukhang nangangalay na siya.
"Hindi ka mahina sa paningin ko at alam kong pati rin sa kanila. You're the strongest woman that I've known. Pero kaibigan mo kami, at hindi mo maiaalis sa amin ang mag-alala sa'yo...ang tulungan ka sa tuwing kailangan mo. "
"Hanggang kailan?"
Napatigil siya sa pagpapakain sa akin sa tanong kong hindi malinaw. Inabot ko ang hawak niya at kahit na mainit pa iyon ay sunod-sunod kong isinubo iyon.
Tila nagulat siya sa ginawa ko at balak niya sanang agawin sa akin ang hawak ko nang iiwas ko iyon at ilapag sa tabi ko.
Inabot ko ang tubig at dire-diretsong ininom 'yon.
"Hanggang kailan kayo mananatili sa tabi ko?" Yumuko ako at malungkot na ngumiti. "A-Ayokong masanay na nandiyan kayo kasi alam ko aalis din kayo. Mawawala rin kayo sa buhay ko."
Hinawakan niya ang pisngi ko at inuutos ng utak kong alisin ang kamay niya sa balat ko pero gusto ko ang init na nanggagaling sa kamay niya. Hinaplos niya ang labi kong ramdam ko ang pamamaga.
"Hindi ko alam kung sino sila...ang mga taong nanakit sa 'yo para lagyan mo ng harang ang sarili mo mula sa mga taong gustong makapasok sa buhay mo. Pero hindi kami sila. Hindi nila ako katulad..."
"How can you be so sure? Kung sasabihin ko ba lahat-lahat ng tungkol sa akin, magagawa mo pa kayang sabihin sa akin 'yan? Huwag kang magsalita ng mga bagay na baka hindi mo kayang panindigan, Leighton."
Inalis ko ang kamay niya pero hindi ko iyon binitawan. "I'm thankful to you, palagi ko mang tinutulak kang palayo pero nagpapasalamat ako kasi nandiyan ka pero please lang huwag mo kong sanayin na palagi kang nandiyan kasi baka mahirapan ako kapag nawala ka. Sanay na kong mag-isa pero sa pinapakita mo natatakot akong baka hanap-hanapin ko ang presensiya mo."
"I'll be glad if that happens. Because I want you to need me like I'm something you can't lose. I want you to get used being with me...I won't go, Alice. I'll always be here for you. I promise..."
Napapikit ako nang tumungo siya at gawaran ng halik ang noo ko.
Pero paano kung ako ang kailangang lumayo?
"IS he your boyfriend?"
Napasulyap ako sa ama ko na dumating pala sa huling lamay ni Nanay Celing. Ibinalik ko ang tingin ko kay Leighton na nakikipagkuwentuhan sa mga matatandang kaibigan ni Nanay Celing.
Sa nakalipas na mga araw ay nanatili siya sa burol at umuuwi lamang kapag maliligo. Kinakailangan ko pa siyang pilitin para matulog lang.
"He's Klode Leighton Monteciara. Heir of Monteciara's Empire."
Kumunot ang noo ko. "He's not my boyfriend. Don't tell me nag-investigate pa kayo tungkol sa kanya?"
"He seems familiar when I first saw him kaya hindi ko naiwasang alamin
kung bakit siya pamilyar sa paningin ko. Then I remembered na hindi sa pulisya ang una naming pagkikita. Sa isang party kasama ang mga magulang niya. So is he courting you?"
Hindi ako nagsalita at napagpasyahang tumayo na lang pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"I'm trying to have a conversation with you, Alice. "
Ngumisi ako at hinila ang kamay ko. "Don't you think you're way too late for that conversation? Because I still remember kung gaano kayong madaling-madali na maipasok ako sa Clinton University para makalayo sa inyo. You can't stand my presence, Dad. Kayong lahat, kaya nga binibigyan ko kayo ng pabor. Ako na mismo ang lumalayo para hindi ko madungisan ang pamilya at reputasyong pinangangalagaan ninyo. If only I have a choice, hinding hindi na ko magpapakita sa inyo but you have something that I badly need. Money. Iyan lang ang kailangan ko sa inyo. Hindi ang peke ninyong pag-aalala sa akin."
I saw the hurt in his eyes but I don't care. Kasi kung nakita niya lang sa mga mata ko iyan noon, sana kahit paano nakaligtas ako sa mapait na ibinato sa akin ng tadhana. Sa mga taong dinurog at binaboy ang pagkatao ko.
"I'm trying my best to understand you...I wanted to know what happened to you when you're gone--"
"Bakit ngayon pa? Ngayong pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa inyo? I grew tired of waiting for you." Napasulyap ako sa likod at nakita si Heaven at Tita Cha na nakatingin sa amin pero muli kong ibinalik ang tingin sa ama ko. "I-I thought I lost you when you sent me away but I realized that I lost you way before that. Nawalan ako ng ama noong piliin mong iwanan kami ng Mommy at kahit na kinuha ako ni Lola para makasama ka, hindi ko naramdaman na nasa tabi pa rin kita. Anak ninyo ko pero ang hirap hirap ninyong abutin noon. Nasa harap ninyo ko pero hindi ninyo ko kailanman tiningnan. Is it because of my mother? Nakikita ba ninyo sa akin ang babaeng nanakit sa inyo?"
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at dali-dali akong tumalikod.
Alam ko ang lahat. Bata man ako noon at hindi ko naiintindihan ang lahat. Pero tandang-tanda ko nang umuwi kami ni Daddy at nahuli namin si Mommy sa kuwarto na may ibang kasamang lalaki. Umalis siya at iniwan niya ako kapiling ang ina kong mas piniling magpakalulong sa mga bisyo niya. I was only ten years old when my mother left me.
Akala ko babalikan ako ni Daddy pero tanging mga regalo lang ang natatanggap ko mula sa kanya. Paminsan sa isang taon ay lumuluwas siya ng Davao pero hindi ko na nakitang tiningnan niya ako na tila ba ako ang nag-iisang prinsesa sa buhay niya. Kasi meron na palang iba.
May pamilya na siyang iba pero hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Inisip kong karapatan niya ang lumigaya. At magiging masaya rin ako kung makikitang masaya siya.
"Hindi mo dapat pinagsalitaan nang ganoon ang Daddy."
Napabuntong-hininga ako at marahas na ginulo ang buhok ko.
"Tigilan mo ko, Heaven at baka hindi kita matansya." matalim ang mga matang baling ko sa kanya.
Napalunok siya at iniiwas ang tingin sa akin. "Hindi ka na sana bumalik pa."
Napangisi ako. "Then sorry kung hindi nangyari ang gusto mo. Masyado ka bang nasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na akin?"
Hiniklat ko ang kuwintas na suot-suot niya dahil tandang-tanda kong iyon ang ibinigay sa akin na kuwintas ng lola ko noong ika labing-anim kong kaarawan.
Lumarawan ang gulat sa mga mata niya. "What did you do?!" paghawak niya sa leeg niya.
"This is mine. Hindi ba naituro sa 'yo na huwag kang kukuha ng gamit na hindi sa 'yo?"
Nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. "I hate you!"
"And I hate you, too."
"Sana nakulong ka na lang talaga!"
Luminga-linga ko sa paligid at nang makitang walang ibang tao ay kinuwelyuhan ko siya. Nanginginig ang mga kamay kong napapikit ako nang maalala ang gabing iyon.
I was the one in the drivers seat. Pero malabong makarating ako sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. I know how to drive pero sa kondisyon ko ng gabing 'yon hindi ko kakayahing magmaneho ng humigit-kumulang tatlumpung minuto mula sa party na pinagdausan ng mutual friend namin ni Heaven. Kaya nga nandoon din siya ng gabing iyon dahil iisa lang ang circle of friends namin kahit mas matanda ako sa kanya ng isang taon.
Ayon sa kanya, ipinagpilitan kong kunin ang susi ng driver namin sa kamay niya nang umalis saglit ang itinalagang driver sa amin ng gabing iyon. And then I drove our car. Pero wala akong matandaang ganoon.
But I remember something... A guy carrying me, hindi malinaw ang hitsura niya. Pero nararamdaman ko hindi lang kaming dalawa ang nasa sasakyan ng gabing iyon.
"Y-You're hurting me!"
"That night...tell me the truth. Hindi lang tayong dalawa ang nasa kotse hindi ba?"
Lumarawan ang takot sa mga mata niya na tila may nasabi akong kinatatakutan niya. "D-Do you remember what happened that night?"
Nang hindi ako makapagsalita ay itinulak niya ako. "S-Sinabi ko na ang totoo kina Daddy ng gabing 'yon! Tanggapin mo na lang na isang buhay ang kinuha mo at pangarap ko ang sinira mo dahil sa pagrerebelde mo!"
Matapos sabihin iyon ay nagmamadali siyang tinalikuran ako na tila may tinatakbuhan.
Siguraduhin mo lang nagsasabi ka ng totoo, Heaven...
ISA-isa nang nag-alisan ang dumalo sa libing ni Nanay Celing. Nagpaalam na rin sila Trisha pero nagpaiwan si Leighton na hindi umalis sa tabi ko.
Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang pinaglibingan sa kanya. I still can't believe that she's gone.
"She's happy where she is, now." pag-akbay sa akin ni Leighton.
"Sa lugar kung saan wala ng sakit...at paghihirap." pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
Napasulyap ako sa tabi ko nang may humawak sa kamay ko. Napangiti ako nang makita si Mandy na nakanguso sa akin.
For the past few days, kung merong isang taong nagpapagaan ng loob ko. Si Mandy iyon. She's my sister. She's only three years old pero matatas na siyang magsalita at kahit na gumawa ako ng distansya sa kanila, hindi naman namin mapigilan si Mandy sa paglapit sa akin.
"Hey Mandy..."
"Di ka sama amin, Ate?"
Sumulyap ako sa likod niya at nakita sina Tita Charice at Daddy. Wala si Heaven.
Umiling ako at hindi pinigilang yakapin ang inosenteng bata. "Nope, I need to go back to school?"
"Dadalawin mo ba si Mandy sa bahay? Will you play with me?"
"Yes...now be a good girl and go home." saad ko sabay hiwalay sa kanya.
"Promise?"
I can't promise, baby.
Hindi ako nagsalita at hinalikan na lang ang noo niya.
"Thank you for taking care of my daughter, Klode. Till we meet again." saad ng ama ko kay Leighton.
Sumulyap siya sa akin. "Mag-iingat kayo..." saad ko sabay balik ng tingin kay Mandy.
"Bye bye, Ate..."
"Bye, Mandy."
Nang makaalis sila ay umupo ako at hinaplos ang picture frame ni Nanay Celing.
"You'll always be missed, Nanay. I will never ever forget you." niyakap ko iyon at ang kanina ko pa pinipigilang luha ay nag-umpisa nang pumatak.
Naupo si Leighton sa tabi ko at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.
"In another time, in a happier place...you and her will meet again, Alice."
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top