Chapter 17
His family
ALICE
"Girlfriend ka po ba ni Kuya?"
"Look Kieran, she has lots of piercing in her ear... Daddy, I want to have some piercing too!"
Hindi ko napigilang matawa sa kakulitan ng mga kapatid ni Leighton na nasa magkabila kong gilid.
"Kieran and Keegan, huwag ninyo ngang kulitin si Alice."
"We're not making kulit kaya. We're just asking her question..." turan ng batang nakaasul na jacket na napagtanto kong si Kieran.
"Look Kuya, he's being so conyo again just like Ate Claudi!" matinis naman na saad ni Keegan na ang atensyon ay nasa kaliwang tenga ko pa rin.
Kakamot-kamot sa batok na lumapit sa amin si Leighton na nagpapasensya ang tingin na ibinibigay sa akin.
"Kids, maupo na kayo rito. We're done preparing!"
"Pancakes!" magkasabay na sigaw ng dalawa at mabilis na nagtatakbo.
"Sorry about my brothers, they're kinda annoying..." bulong niya habang papalapit kami sa dining area.
Ngumiti ako. "They're not annoying. They're cute... You're lucky to have them as your brothers."
Tumawa siya. "Hindi mo na masasabi 'yan kapag nakasama mo sila sa iisang bahay."
"Wala ka na bang lagnat?"
Umiling siya. "Thanks to you...I appreciate what you did last night especially for that hug."
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya.
"Here, Alice sit here." nakangiting saad sa akin ng ina ni Leighton at tinapik ang upuan sa tabi niya.
"Thank you po, Ma'am."
"You can call me Tita, Alice...katulad nang tawag mo sa akin noong mga bata pa kayo ni Klode."
"You already knew her?" takang tanong ng ama ni Leighton.
Tumawa ang ina ni Leighton at inakbayan ako. Naiilang akong ngumiti habang si Leighton naman ay busy sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.
"I forgot to introduce you to my husband, Alice. Hon, this is Alice... Remember, first crush ng panganay natin."
Napahinto si Leighton sa pagsasalin ng juice sa baso ko. "Ma, ano bang sinasabi mo?"
Humalakhak nang malakas ang ama ni Leighton. "She's that Alice?" tila may naalalang nakakatawang alaala.
"Dad!"
"Remember Claudi, Alice? Kakambal ni Klode?"
"Yes po..." tumatango kong saad nang maalala si Claudi na isa sa mga playmate ko noong bata ako.
"Mommy!"
Takang-taka kong tiningnan si Leighton dahil pulang-pula ang mukha niya.
Nagtawanan ang magulang niya sa naging reaksyon niya na mas lalo kong ikina-curious.
"Hay nako Cloud, kumain na lang tayo at baka magalit na ang baby ko..."
Baby...pfft--
Hindi ako tatawa pero hindi ko napigilan.
"Ma, stop calling me baby!"
"Oo nga naman wife, binata na 'yang anak mo. Ako na lang tawagin mong baby..."
"Daddy, ako lang ang baby ni Mommy!" magkasabay na saad ng kambal na kanina pa busy sa pagkain ng pancakes.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila.
How I wish that I grew up in a family like this.
"Pasensya ka na hija sa ingay namin, by the way you can call me, Tito." nakangiting saad sa akin ng ama ni Leighton.
"You should visit our house, Alice. I'm sure Claudi will be glad to see you."
Alanganin akong ngumiti at tumango na lang dahil alam kong hindi mangyayari 'yon.
"You'll witness kung gaano kaingay ang bahay namin hindi lang dahil sa dalawang 'yan kung hindi dahil sa mga pets nila. Lately, nagpabili na naman ang mga 'yan ng bagong aso. And their new dog walang ginawa kung hindi habulin si Sasha, Clarence cat by the way..." tuloy-tuloy na pagkukuwento ni Tita Skyleigh.
"Ma naman hindi na makakain si Alice sa 'yo eh..." saad ni Leighton sa ina niya.
"Oh, I'm sorry Alice minsan talaga hindi ko mapigilan ang pagkukuwento... Must be my age. You know tumatanda na."
"It's okay po, Tita. Sino nga po pala si Clarence?"
"Oh, that's my third child. Sumunod kina Claudi at Klode..."
Ang isang simpleng almusal ay umabot ng ilang oras dahil sa pagkukuwento ni Tita Skyleigh. But I don't mind, na-enjoy ko mga pagkukuwento niya sa akin tungkol sa mga anak niya especially kay Leighton.
"THANK you po Tita and Tito..." saad ko pagkababa namin sa kotse ni Leighton.
Bumaba rin sila sa kotse at hindi na ako nagulat nang yakapin ako ni Tita Skyleigh.
"I should be the one to say thank you for taking care of my son. For listening to my non-stop stories. I hope this will not be the last time na makikita kita...and Alice," Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko at hindi ko pa rin maiwasang mapahanga sa taglay niyang ganda. "You can always talk to me...everytime you needed someone to talk to."
How I wish na naging ganito rin sa akin ang ina ko..
We're here in Clinton University. Luckily, it's Sunday kaya halos walang mga estudyante. Kung nandito sila ay baka masunog na ako sa mga tingin nila.
Tuluyan lang kaming lumakad ni Leighton papunta sa dorm nang makaalis ang kotse ng magulang niya. Wala kaming imik sa isa't-isa habang naglalakad. I was hoping na hindi niya na i-open up pa ang mga sinabi niya sa akin kahapon kasi ayoko nang magsalita ng mga bagay na maaaring makasakit sa kanya.
"I'm sorry about my family..." Imik niya nang medyo malapit na kami sa dorm ko.
"Para saan ang sorry mo?"
"I know you hate noisy people..."
Umiling ako at ngumiti. "Not them...your parents are nice, your siblings, they're adorable. You have a wonderful family."
"They can be your family, too." saad niya saktong nasa tapat na kami ng dorm.
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko natagalan ang ngiting nakapaskil sa labi niya kaya iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
"I'll go inside...you should take a rest."
Lalakad na sana ako papasok nang hawakan niya ang kamay ko.
"Alice, about what I said yesterday..."
Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko at hinarap siya. "Can we not talk about that anymore? Please, Leighton do not cross that line between us."
Tumango siya at kahit na ngumiti siya ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanya. "I understand...hindi ko na ipipilit pa pero sana hayaan mo pa rin akong manatili sa tabi mo..."
"Hindi ba mas maigi kung lalayo ka na lang? Hindi ba mas magiging madali para sa 'yo 'yon? Matalino kang tao Leighton, huwag mong pahirapan ang sarili mo para sa akin."
"Mas mahihirapan ako kung lalayo ako sa 'yo..." Ngumiti siya at ayan na naman ang tila pagpitik sa puso ko. "Take a rest, I'll pick you up tomorrow. Sabay na tayong pumasok."
Tila wala ako sa sarili habang naglalakad papasok. Ang kamay ko ay nasa dibdib ko. Hindi naman ako tumakbo pero ang lakas-lakas ng tibok non.
"Rhima!" gulat na salubong sa akin ni Trisha na kalalabas lang ng pinto. "I was about to call you again, bakit ba hindi kita makontak?"
"Dead batt..." sagot ko at nagtuloy-tuloy papasok pero napahinto ako nang makita ang bulto ng isang lalaki sa loob.
"Alice...bakit ba hindi kita makontak?" salubong sa akin ng ama ko. May pag-aalala sa mukha niya pero hindi ko pinansin 'yon.
"Anong ginagawa ninyo rito?"
"You need to go home."
Tinalikuran ko siya dahil wala akong balak sundin ang sinasabi niya pero napahinto ako sa sinabi niya.
"Your Nanay Celing, she's gone."
Kumunot ang noo ko at mabilis siyang hinarap. "W-What do you mean by gone?"
"She's dead."
Umiling ako at tila magdidilim ang paningin ko kaya napakapit ako sa mesa na malapit sa akin.
"You're lying...this can't be happening."
"She died in her sleep...Sabi ng mga doktor atake raw sa puso."
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang bracelet na ginawa para sa akin ni Nanay Celing before I went to the states. Nanlabo ang mga paningin ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.
Tila may pumipiga sa puso ko sa sobrang sakit. May pumipilipit sa sikmura ko kaya dali-dali akong nagtatakbo sa banyo. Inilabas ko ang kinain ko kanina matapos ay nanghihina akong napaupo sa lapag. Pinagmasdan ko ang bracelet na suot ko at bumalik sa alaala ko ang masayang mukha ni Nanay Celing.
Nay, bakit naman ganito? Ang daya-daya mo naman...
Pumikit ako at hindi ko na pinigilan ang pagpapakawala ng tangis ko.
"Alice, buksan mo 'tong pinto, anak."
The pain is too much. It's unbearable. Pero gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon. I know she's waiting for me.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
"Where is s-she?" tanong ko sa ama ko na tinangkang hawakan ako pero mabilis akong umiwas.
"They already brought her to the funeral home. Doon siya nakaburol."
Tumango-tango ako. "Let's go, then."
Nasa pinto sila Trisha na may awa sa mga mata nila. They knew Nanay Celing, isang beses siya ang nagdala ng mga supplies ko rito kaya kilala nila siya. I didn't even know na iyon na ang magiging huling kita ko sa taong itinuring kong parang tunay ko ng ina.
"C-Can we go to her wake?"
Tumango ako. "She'll like it. Mahilig sa maraming tao si Nanay eh, I'm sure matutuwa siya."
Umiyak si Trisha at niyakap ako. "I'm sorry for your loss, Rhima."
Tumango ako. "We have to go. I'll just text you the address." pagtapik ko sa balikat niya.
I badly wish that this is all just a dream...then I'll wake up and Nanay Celing will still be there for me.
TBC
More votes. More comments. More update. Thank you for reading Falling Relentlessly 😊 Don't forget to votes and comments para sa tuloy-tuloy na updates 😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top