Chapter 16
Tears
ALICE
NAPALUNOK ako habang inaalis ang pagkakabuhol ng robang suot-suot ni Leighton. I have no choice but to do this. And it's not like this will be the first time na makikita ko ang katawan niya.
Tuluyan ko nang naalis ang pagkakatali ng roba niya nang hawakan niya ang kamay ko.
"W-What are you doing?" paos ang boses na tanong niya sa akin.
"Bibihisan ka." tugon ko sabay kapit sa balikat niya para alisin ang robang suot niya.
May lagnat na rin ba ako? Bakit pakiramdam ko umaapoy ang mukha ko sa init?
Sa isip-isip ko nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha ko sa kanya.
"I-I can manage..." saad niya at tatangkain pa sanang tumayo nang pigilan ko siya.
"Huwag mong pilitin ang sarili mo. Just... let me take care of you."
"Thank y-you..." saad niya at unti-unting pumikit.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ko siyang bihisan. Ininit ko ang soup na nasa lamesa na hindi namin nakain kanina. Nang maiprepara ko 'yon ay kumuha ako ng gamot sa lagnat na nasa medicine kit ng hotel room.
Naabutan ko siya sa kuwarto na balot na balot ng kumot. Paghipo ko sa noo niya ay wala pa ring pagbabago ang init niya. Nahampas ko ang noo ko nang may makalimutan ako.
Kumuha ako ng ice cubes sa fridge na nasa dining area at inilagay iyon sa ice bag na nakita ko sa medicine kit. This will be one of the best way para ma-reduce ang fever niya aside from the medicine na ipapainom ko sa kanya.
Kakalapag ko pa lang sa noo niya 'yon nang kumunot ang noo niya at hawakan ang palapulsuhan ko.
"I-It's cold..." saad niya sabay dilat ng mga mata niyang mapungay.
"You need it...Masyadong mataas ang lagnat mo." saad ko nang tangkain niyang alisin iyon.
Naupo ako sa gilid ng kama at pinatungan pa ng unan ang likod ng ulo niya para makasandal siya.
"You need to eat first bago ka uminom ng gamot." saad ko at kinuha ang soup na nasa bedside table.
Kumunot ang noo ko nang makita ang pagngiti niya habang hinihipan ko ang kutsarang may laman na soup.
"Why are you smiling?"
"It's the first time...that I'm happy of getting sick."
Ngumanga siya nang iumang ko sa kanya ang kutsara. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya nang maisubo niya iyon.
"Are you crazy?"
"I'm happy because you're taking care of me..."
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya. "Huwag kang mag-isip nang iba. Ginagawa ko 'to dahil kasalanan ko kaya ka nagkasakit. See? Ito lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. Problema at sakit..."
"Don't talk like that..." Napalunok ako nang hawiin niya ang tumakas kong buhok at ipitin iyon sa gilid ng tenga ko. "It's not your fault... that I'm sick."
"Nabasa ka ng ulan dahil sa akin, paanong hindi ko kasalanan?" saad ko sabay muling subo sa kanya ng soup.
"It's my choice...to get drench in the rain, not yours. I told you right? That I'll always stay by your side everytime you needed me." puno ng sinseridad ang mga matang saad niya sa akin.
Kahit masama ang pakiramdam ay nagagawa niya pa ring ngumiti.
"You'll regret it Leighton, falling for me..."
Umiling siya. "I won't regret it. I will never regret loving the person who makes me happy..."
PINAGMASDAN ko ang natutulog na si Leighton at tila may sariling buhay ang kamay ko na hinaplos ang pisngi niya.
It makes me wonder, ano bang pakiramdam ang magmahal? Paano siya nakasigurado na gusto niya ako?
Tila may pumitik sa puso ko nang dumako ang tingin ko sa labi niya at maalala ang ginawa niya kanina.
"Will you still love me if you'll know everything about me? Will you still be able to hold me or...kiss me if you'll know how dirty I am?"
Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pisngi niya nang gumalaw siya. Doon ko namalayang may pumatak na palang luha sa pisngi ko.
Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at naghilamos sa kuwarto. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at muli tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Patuloy iyon sa pagtulo habang tila may karayom na tumutusok sa puso ko. I don't even like him. Why am I feeling this way?
Why does everytime I reject his feelings for me, I want to hurt myself. I want to take back every hurt words that I've said to him. But I can't. Kasi baka umasa siya sa wala. Hindi ba mas masakit 'yon?
I snapped back from my reverie when I heard a loud sound coming from outside. Hinanap ko ang tunog na 'yon at natagpuan ang cellphone ni Leighton sa center table.
Mommy...
Iyon ang nakarehistrong pangalan nang tumatawag. Hindi ko sana iyon sasagutin pero patuloy iyon sa pagtunog kaya pikit-mata ko iyong sinagot.
"Leighton Klode! Oh God! Bakit ba kanina ka pa hindi makontak na bata ka?"
Nagpatuloy sa pagsasalita ang nasa kabilang linya kaya tumikhim ako.
"Klode?"
"Ma'am, I'll check po kung gising na si Klode--"
"Who is this?!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang tonong nasisiyahan sa kabilang linya. Hindi ba dapat matakot siya dahil ibang tao ang sumagot sa cellphone ng anak niya?
"It's his classmate po...Rhima."
"Are you with him? At this hour? Are you his girlfriend?" sunod-sunod niyang tanong.
"Wife...hinay-hinay lang ang dami mong tanong..."
"Cloud, mukhang may girlfriend na ang baby ko!"
"No Ma'am, I'm not his girlfriend po. I'm just his friend."
"A girl...friend staying with him at two o'clock am in the morning..." may pagdududa sa boses niyang saad.
Tumikhim ako dahil hindi ko malaman ang isasagot ko sa kanya. "It's not what you think po Ma'am, we're staying in a hotel--"
"A hotel?"
Oh crap. May pagmamadali sa boses kong ipinaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit kami magkasama ng anak niya sa hotel.
"Klode is sick po. That's why I'm still here." dugtong ko matapos kong ipaliwanag ang dahilan kung bakit kami napadpad sa hotel.
"What? Is he okay?" may pag-aalala na sa boses niyang tanong.
"Napainom ko na po siya ng gamot. I'll check on him kung bumaba na po ang lagnat niya."
"Please take care of him. May I ask kung nasaan kayo?"
Sinagot ko ang tanong niya at ilang saglit pa ay nagpaalam na rin siya.
Ibababa ko na sana ang cellphone niya nang makita kung sino ang nasa wallpaper niya.
It's me.
It's a picture of me smiling. A rare picture of mine, I must say.
Bumuntong-hininga ako at napagdesisyunan na tingnan ang kalagayan ni Leighton.
Pagpasok ko sa kuwarto ay naabutan ko siyang pabiling-biling sa higaan. Hinawakan ko ang noo niya at hindi katulad kanina na sobrang init niya.
"A-anong masakit sa 'yo?" tanong ko nang makita ang pagkunot ng noo niya.
"It's c-cold..." nanginginig ang boses niyang saad.
Huminga ko nang malalim bago gawin ang naisip kong paraan para mabawasan ang lamig na nararamdaman niya.
Inalis ko ang nakataklob na kumot sa kanya at tinabihan siya sa kama. Inayos ko ang pagkakakumot sa kanya matapos ay tumagilid ako ng higa at niyakap siya. Mahigpit ko siyang niyakap hanggang sa unti-unting nawala ang panginginig niya.
Babangon na sana ako nang maramdaman na niyakap niya ako pabalik.
"It's s-still cold...don't leave me? Hmmm...let's sleep, Alice."
At hindi ko alam kung anong meron sa boses niya at unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
NAGISING ako na tila may mga matang nakatingin sa akin. Dumilat ako at kinusot ang mga mata ko nang maaninag na tila may mga tao sa gilid ng puwesto ni Leighton sa kama. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa amin ni Leighton.
"Good morning..." nakangiting bati sa akin ng pamilyar na babae.
Sa tabi niya ay ngiting-ngiti rin ang isang lalaki.
"Mommy! I want to see Kuya!"
"Me too Mommy!"
Malakas na kalabog mula sa pinto ang narinig ko kaya dali-dali akong napatayo at inayos ang sarili ko.
"Oh God, those two! Labasin mo nga ang dalawang 'yon, at baka lagnatin ulit si Klode kapag ginulo siya ng dalawang 'yon. "
"Kids! I told you walang mag-iingay hindi ba?" saad ng lalaking kahawig ni Leighton na nahihinuha kong Daddy niya.
Sumilip ang dalawang ulo sa pinto at namangha ako nang makitang magkamukhang-magkamukha ang dalawa.
"Keeran and Kiegan, samahan ninyo si Daddy na bumili ng breakfast sa baba."
"We can just order Mommy--"
"Aegeus!"
Ngumuso ang bata at nakasimangot na sumunod sa ama niyang hawak-hawak na sila sa magkabilang kamay.
"Ma, w-why are you here?" nagulat na tanong ni Leighton na mukhang nagising sa ingay ng mga kapatid niya.
"Well, I found out that my baby is sick so I'm here...Pero mukhang nakaistorbo lang yata ako 'eh." pagtawa ng ina ni Leighton sabay tingin sa akin.
Ramdam ko ang pamumula nang magkabila kong pisngi sa hiya na nararamdaman ko ngayon.
"I-I think I should go na po. N-nice meeting you, Ma'am."
Yumukod ako at tatalikod na sana nang tumayo si Leighton at hawakan ang kamay ko.
"Don't go. Sabay na tayo..."
Iniharap niya ako sa kanyang ina na nakangiti kaming pinagmamasdan.
"Ma, this is Alice...Alice Rhima Carreon."
Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng gulat. "Alice? That Alice?"
"She's Alice, Ma. Do you still remember her?"
Lumapit sa amin ang ginang at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Oh my God! You found her...it's nice seeing you again, Alice. This is what you called destiny."
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top