Chapter 13
Mayor
ALICE
"Pangalan."
"Rhima."
"Buong pangalan!"
Napalunok ako at iniwas ang paningin ko sa pulis na nasa harap ko. Napunta ang tingin ko kina Leighton at Migael na nasa gilid at busy sa kanya-kanya nilang cellphone. Pawang may mga kausap sa cellphone nila.
"Rhima, tinatanong ka ni Sir..." kalabit sa akin ni Trisha na nasa tabi ko.
Sina Jace, Fae at Anne ay pinauna ko na kahit ayaw nila.
"Pangalan sabi! Aba't bingi ka ba?"
"Alice Rhima..." Lumunok ako bago sabihin ang apelyido ko. "Carreon..." pabulong kong dugtong.
"Ano?!" muling tanong sa akin ng kaharap ko.
"Alice Rhima Carreon." walang emosyon kong saad.
Natahimik ang pulis at kumunot ang noo niya. "Carreon? Kaanu-ano mo si Mayor?"
Ngumisi ang pulis nang hindi ako sumagot. "Eh kaya naman pala malakas ang loob mambugbog." iiling-iling niyang saad.
"Hayop ka!" malakas na sigaw mula sa likod ko. Naramdaman ko ang malakas na paghila sa buhok ko na ikinatumba ko.
"Kapag may nangyaring masama sa boyfriend ko! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!"
Mabilis na nakalapit sa amin sina Leighton at Migael. Hinihila ng huli ang babae palayo sa akin habang si Leighton naman ay niyayakap ako at sinasalo ang paghampas na para sa akin.
"Tama na ho yan Miss! Kapag hindi mo tinigilan 'yan baka ikaw ang ilagay namin sa selda!"
"Shit! Your lips are bleeding!"
Hindi ito ang oras para ma-amuse ako but I can't help it. It's the first time that I heard him cursed.
"You cursed..." nakangisi kong saad habang tinatayo niya ako.
"Trisha, may panyo ka ba riyan?"
"Maliit na sugat lang 'to, hindi ko ikakamatay..." pagtawa ko habang inaayos niya ang buhok ko.
"Nakikita ba ninyo Sir? Tumatawa pa ang babaeng 'yan!" pagduro sa akin ng babaeng umiiyak. "Alam mo ba kung anong ginawa mo sa boyfriend ko?! Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon!"
"Puwede ba Miss, maupo muna kayo at pag-usapan natin ito nang maayos?"
"Ano pa bang dapat pag-usapan? Sasampahan ko ng kaso ang babaeng 'yan."
Napangisi ako nang makita ang nangingitim na mga mata niya pati na ang putok niyang labi. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang pasang nasa braso niya.
"Bakit mo ko tinitingnan nang ganyan?"
"Kung hindi ako dumating kanina, ikaw ang nasa hospital ngayon hindi ang pinakamamahal mong boyfriend."
Napalunok siya at iniwas ang tingin sa akin. "H-Hindi ko hiningi ang tulong mo..."
"Good evening, I'm Attorney Fajardo...ako ang representative attorney ni Miss Alice Rhima Carreon." saad nang kadarating lang na lalaki.
"Thank you for coming, Tito Mike..." saad ni Leighton.
Ngumiti ang lalaki at tinanguan si Leighton. So siya pala ang tinatawagan kanina ni Leighton.
"Kahit gawin mo pang lima ang Attorney ng babaeng 'yan walang magbabago!"
Humahangos na dumating si Migael na lumabas kanina matapos makatanggap ng tawag.
"Here's a copy of the cctv sa may parking lot. You should watch it..."
Pinisil ni Trisha ang balikat ko na parang sinasabing tapos na ang problema ko but I knew better hindi sasapat ang cctv na 'yan.
I physically assaulted someone.
Pinanood nila ang cctv kung saan nakitang binubugbog nung lalaki iyong babae bago ako dumating at pinagsasapak ko ang lalaki.
Mahabang diskusyon pa ang nangyari pero sa huli ay hindi pa rin pumayag ang babae na makipag-areglo.
Tumayo ako nang lumapit sa akin ang pulis para dalhin ako sa selda. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit sa kamay kong nakaposas.
Tumingin ako kay Leighton at umiling ako nang makitang muli siyang magsasalita.
"Tinulungan ka na nga! Wala kang utang na loob!" sigaw ni Trisha.
Nasa aktong maglalakad na kami papunta ng selda nang may magsalita.
"Sandali lang..." saad ng bagong dating...
Kumunot ang noo ko. Paano niyang nalaman na nandito ako?
"Mayor..." gulat ang mukhang saad ng babaeng nagrereklamo sa akin.
Standing in front of us is the mighty Mayor Alex Gabriel Carreon.
"YOU never failed to disappoint me..." iiling-iling niyang bulong sa akin habang naglalakad kami papalabas ng pulisya.
Papasinag na ang araw at ramdam ko ang pagod sa katawan ko.
"Akala ko nagbago ka na dahil nalaman kong maayos naman ang pag-aaral mo pero hindi pala. Ilang beses mo pa ba akong dadalhin sa sitwasyon na 'to?!" madiin niyang saad sa akin. Ramdam ko ang pagpipigil niya dahil may mga taong nakapaligid sa amin.
"Get in the car." saad niya sa akin nang huminto ang kotse niya sa harap namin.
Walang sali-salitang pumasok ako sa loob. Pinagmasdan ko siyang ngumingiti at nakikipagkamay kay Attorney Fajardo na siyang kumontak pala sa kanya.
Nagtagpo ang tingin naming dalawa ni Leighton.
See, I'm no good for you...
Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at pinagmasdan ko ang mga kamay kong may bahid pa rin ng dugo. Hinawakan ko ang bakas ng posas na inilagay sa akin kanina.
Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa headrest pero hindi pa nga ko tuluyang nakakatulog ay sumakay ang ama ko at sinimulan na ang panenermon sa akin. Pero sanay na ako kaya pasok sa tenga labas sa kabila.
"Kailan ka ba magbabago? Is it a hobby of yours to hurt someone just like your mother--"
"Stop it!" sigaw ko na nakapagpahinto sa kanya. I don't want to hear anything about my mother. I hate hearing her name. Everything about her.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko nang maalala kung anong pagsira ang ginawa niya sa buhay ko. Kung paano niya unti-unting inubos ako.
"Just like my mother? Someone who ruined you? Kaya ba tinapon ninyo ko sa kanya hindi ba?"
"Alice..." wala ng galit na saad niya. "Look I didn't mean everything that I said, I just--"
"Dad, naisip ba ninyo ko sa nakalipas na apat na taon? Kung anong buhay meron ako kapiling ang isang tao na ni sarili niya hindi niya maalagaan..."
"Of course I think about you--"
"No, you don't. You never think about me...kung hindi nga ako kinuha ni Lola sa Davao hahayaan na lang ninyo ko roon hindi ba?"
"Alice, hindi 'yan totoo! Huwag mong baguhin ang usapan natin. Ang pinupunto ko rito hindi mo dapat sinaktan ang lalaking 'yon! Anong napala mo imbes na pasalamatan ka? Kung hindi ako dumating makukulong ka! Hindi ka na menor de edad ngayon katulad noon!"
"Stop the car..."
"Ma'am?"
"I said f*cking stop the car!" malakas kong sigaw.
"Sir?"
"Let her be. Ang tigas ng ulo manang-mana sa ina niya."
"You asked me before kung nasaan ang nanay ko, I'll tell you where she is...she's six feet under the ground. Nabubulok at inuuod na..."
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Sinamantala ko 'yon at mabilis akong bumaba ng kotse. Bumaba siya pero mabilis ang mga paang tumawid ako kaya hindi na siya nakasunod pa.
"Alice! Come back here!"
Nanlalabo ang mga paningin ko habang bumabalik sa isip ko ang araw na 'yon. Ang araw na winakasan niya ang buhay niya sa harap ko mismo.
Napatakip ako sa tenga ko nang marinig ang malakas na pagkidlat. Bumilis ang paghinga ko nang magsunod-sunod ang ingay na nanggagaling sa langit.
Napaupo ako hanggang sa maramdaman ko ang pagbuhos ng ulan. Kasabay ng ulan ay hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.
Just like the old times, I was crying in the rain waiting for someone to save me but I know no one will come for me.
"Alice..."
But someone came today...
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top