Chapter 10

Scars

ALICE

"Ano pang hinihintay mo?" paglingon ko kay Leighton nang makitang hindi niya pala ako sinundan papasok sa dorm ko.

Tumikhim siya at iniwas ang tingin sa akin. He looks like a shy little boy.

"C'mon, wala akong masamang gagawin sa 'yo."

Nang hindi pa rin siya kumilos sa kinatatayuan niya ay napapabuntong-hininga ko siyang nilapitan at hinila.

Dahil nga sa sira ang lock ng kuwarto ko ay itinulak ko lang 'yon.

"W-What happened to your door?" saad niya habang tila balisa na hawak ang batok niya.

Nagkibit-balikat ako at itinuro ang kama ko.

"Just sit down. Hubarin mo iyang damit mo."

"What?" tila hindi makapaniwala niyang tanong sa sinabi ko.

Natawa ako lalo na nang makita kong namula ang magkabila niyang tenga. "What the hell are you thinking?" pang-aasar ko sa kanya.

Tumikhim siya. "N-Nothing..."

"Silly. I'll just treat your scratches." saad ko sabay labas ng mga binili kong gamot para sa mga sugat niya.

Nang mapansing hindi pa rin siya kumikilos ay napailing ako. "Don't tell me gusto mong ako pa maghubad ng damit mo, Monteciara?"

Napangiti ako nang nagmamadali niyang hinubad ang jacket niya. Natira ang tshirt niyang puti at napangisi ako nang mabagal niyang hubarin iyon.

Pero nawala ang ngisi sa labi ko nang makita ang pulang-pula niyang balat at mga sugat. Doon ko lang din napansin ang mangila-ngilang peklat sa katawan niya.

It reminds me of someone.

A reflection of me covered with wounds and bruises.

"It's ugly right?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sinabi niya.

"It's not..." sagot ko sabay lapit sa kanya.

I've seen worse than his scars...'her' body and mine.

"Talikod." saad ko at napagpasyahang unahin ang mga mangilan-ngilan niyang sugat sa likod.

Sanay na sanay ako sa ginagawa ko dahil hindi lang naman ito ang unang beses kong gumamot ng mga sugat.

There was a silence between us but its not awkward.

Sa likod niya ay may mga napansin akong mga peklat na mukhang matagal na. Made me realize na hindi lang ito ang unang beses na nagawa niyang saktan ang sarili niya.

"I'm not suicidal if that's what you think..." pagbasag niya sa katahimikan kaya napahinto ako sa ginagawa ko.

Hindi ako kumibo at muli kong pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"I was ten years old when I got bullied by my schoolmates...They're older than me...at sa lahat ng bata sa school ako ang napaginteresan nila."

Those devils...

"I can't even remember how they bullied me everyday. Pero may isang pangyayaring hindi kailanman mawala sa isip ko. Kinulong nila ko sa cubicle sa restroom and then...tinapunan nila ako ng iba't-ibang basura. I-I became a freak since then...I don't mean to hurt myself but everytime I feel so dirty...this happens."

Kinuyom ko ang kamao ko nang matapos siyang magsalita.

"Sorry, kung hindi dahil sa nangyari kanina hindi sana mangyayari 'to."

"Don't be...ginusto kong iligtas ka sa kanila. I made a promise, remember?"

Kinalabit ko siya senyales na humarap siya sa akin. Hindi ito ang unang beses na nakakita ko ng hubad baro na lalaki, nakita ko na rin siya kanina pero bakit tila nag-iinit ang magkabilang pisngi ko ngayon?

"W-what promise?"

The fudge, why am I stattering?

"To be there for you everytime you needed me..."

Tumikhim ako at iniwas ang tingin ko sa kanya. "I-I can't remember..."

Nabitawan ko ang bulak na may alcohol nang hawakan niya ang kamay ko.

"Under that tree in our school backyard...you made me promise that..."

"Why can't you just forget that girl just like everybody else?"

"I can't..."

Hinila ko ang kamay ko sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Do you even see that kid in me?"

Tinitigan ko siya nang hindi siya makasagot. "Hindi na di ba? Kasi iyong batang nakilala mo noon. Wala na siya...Iyong bata na pinangakuan mo noon na hindi mo iiwanan, na palagi mong poprotektahan, she's gone. I-I'm not that kid anymore, sanay na kong maiwanan, sanay na kong masaktan. Y-you don't need to fulfill that promise--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. "But I want to so please let me, Alice."

Nanlamig ang mga kamay ko at pakiramdam ko maririnig niya ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas non.

I hate it when someones touching me. Even more when it comes to hugging. But I don't have the will to push him away for the reason that I can't comprehend.

"What the hell?" Malakas kong naitulak si Klode nang makarinig nang malakas na sigaw.

Paglingon ko ay bumungad sa akin si Migael kasama sina Trisha at Fae.

Nakasimangot si Migael samantalang nanlalaki ang mga mata ni Fae at ngising ngisi naman si Trisha.

Mabilis akong nakabawi at nagmamadali akong pumunta sa kanila para matakpan si Leighton. They can't see him like this.

"Woah, kaya naman pala ayaw sa 'yo Migs eh. " tumatawang saad ni Trisha.

"Shut up." inis na tugon ni Migael.

"Ever heard guys of the word privacy?" pagdidiin ko sa huling salita sabay malakas kong ibinagsak ang pinto sa kanila not minding kung matamaan ang matangos na ilong ni Migael.

Hindi pa ko nakuntento ay iniharang ko ang silya ko roon. Pagbaling ko ay bumungad sa akin si Leighton na isinusuot na ang jacket niya.

"I'm not yet done. Remove your shirt, Monteciara."

"Leighton. Call me Leighton..." ngiti niya pero ipinagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng jacket niya.

"Leighton, I said remove your shirt."

"I'm fine. Baka kung ano pang isipin nila."

"I don't f*cking care what they think about me."

"Your words, lady."

"Masanay ka na sa bibig ko. I won't change for you or for someone else."

"So does that mean you're letting me be your friend, again?"

Sumimangot ako. "Don't twist my words Leighton. Just remove your jacket and shirt nang matapos na tayo."

"Do you really like my body that much?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Excuse me?!"

Umalingawngaw ang malakas niyang tawa nang batuhin ko siya ng suklay ko na nahagip ko sa tokador.

"Easy easy..." pagtawa niya at sinimulang hubarin ang damit niya.

Tumalikod ako para ikubli ang ngiting sumilay sa labi ko. Nang maalala ang tanong niya sa akin kanina ay hinarap ko siya.

"One more thing Leighton. I don't make friends."

"Then, will you be my girl?" seryoso niyang saad.

Napipi ako at hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Bago pa ko makapagsalita ay muli siyang tumawa nang malakas na hindi ko alam kung bakit ko ikinainis.

"Just kidding...then I can be your companion. Or whatever you want to call me...Just don't ignore me again and let me be someone you can lean on."

Ngumiti siya at ayon na naman ang tila pagpitik sa puso ko.

Damn you, Monteciara!

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top