Falling Into You

Excited na ako. Ito na ‘yon. Ito na ‘yong matagal kong hinihintay.

“Tara na kasi, pare! Parang gago ‘to!” sabi ni Harold sa akin. Mukhang nagmamadali siya.

“Hoy, sinong may sabing murahin mo ako?! Kupal!” sigaw ko sa kanya. Tumawa naman siya saka ako inakbayan.

“Ang banal mo naman, p’re. Hindi na kita mareach,” he clutched his shirt near his chest. “Ang hirap-hirap mong abutin. Ang hirap mong mahalin,” sabi niya sa akin.

Binatukan ko naman siya.

“Ang lakas ng sapak mo sa utak!”

“Joke lang! Masyado ka namang seryoso!”

I just punched his arm. “Alis! Magbibihis muna ako!” pagtataboy ko. Nginisian niya naman ako. Ah, putek! Pambihira talaga ‘to si Harold!

“Magbihis ka na, nakita ko naman na ‘yan,” kumindat pa siya sa akin na siyang kinainis ko.

“Gusto mo lang talagang tingnan! Mas malaki pa ‘to kaysa iyang sa ‘yo!”

Sumama iyong tingin niya sa akin. “Wala namang ganyanan, brad,” inis niyang sagot. “Ilang inches ‘yang sa ‘yo?”

“Putek, Harold! Magtino ka nga!” binato ko sa kanya iyong tuwalyang nakapalupot sa bewang ko kanina lang. Ngumuso naman siya noong nakita niya akong nakaboxer.

“Awtsu, nakabox—sabi ko nga tatahimik na ako,” ang sabi niya no’ng nakita niya nang sumeryoso iyong mukha ko.

He went outside my room afterwards. Alam ko namang once na nagseryoso na ako, titiklop na talaga ‘yong taong ‘yon. Alam niya kasing kapag nagseryoso ako, hindi ko siya papansinin buong araw.

By the way, I really fixed my well-being thoroughly. Nagsimula ako sa pag-aayos ng buhok ko. Kailangan magmukha akong matino ngayon. Because really, ayokong makita ako ng kadate ko na hindi gwapo sa paningin niya.

Also, I chose the best clothes I have. I settled myself with a light blue, long-sleeved polo. Nanginginig pa nga ako habang nagbubutones ako kasi kinakabahan talaga ako para mamaya! Putek talaga!

Sinuot ko rin iyong matino kong pantalon at sapatos. Halatang-halata pa nga na nagmamadali ako kasi hindi na maayos iyong pagkakasintas ko.

Bahala na.

“Hindi ka ba tapos dyan?!” sigaw ni Harold mula sa baba.

Huminga ako nang malalim. Shit. Sobrang kinakabahan, at the same time, sobrang excited ako.

Narinig kong bumukas ulit iyong pinto. Mukhang si Harold na naman ‘yan. Ang kulit talaga ng kupal na ‘yon!

“Oh, Ford, tapos ka na pala, eh!” he chirped. I gazed at him. Nakanganga siya nang sobra habang tinitingnan ako. “Wow! Ang gwapo mo ngayon, brad! Pakiss!” atsaka siya lumapit saka ako niyakap.

Pilit kong inalis iyong yakap niya. “H-huy! Ano ba—aray! H-hindi na ako makahinga!” protesta ko. He’s choking me to death!

Ngumuso pa ang loko. At ngayon ko talaga napapatunayan iyong mga pagdududa ko sa gender niya. “Ito naman, ang sungit,” sabi niya sa akin sabay upo sa tabi ko. “By the way, sino ba talaga ‘yang kadate mo?”

Napangiti ako nang palihim. Ayoko talaga kasing sabihin sa kanya kung sino. Malalaman niya rin naman mamaya, eh. Pero sige, bibigyan ko siya ng clue.

“Ngayon ko lang siya unang maeencounter. Pero alam ko, una pa lang, may tama na sa akin ‘yon, eh.” pagmamayabang ko. Totoo naman kasi! Kinuwento kasi siya ng Kuya ko sa akin.

Naiinis nga ako kasi kailan niya lang ako pinakilala doon! Basta sabi sa akin ni Kuya, matagal na pala akong hinihintay no’n. Amidst of my broken heart, matiyaga pa rin itong naghintay sa akin para makamove on.

I was once involved in a relationship. Her name’s Kristine. Halos tatlong taon rin kaming magkarelasyon. But as always, some teenage relationship doesn’t work out. So are we. She explained that she’s just tired of everything. Bigla na lang daw siyang nagsawa.

A bullshit reason, right? But still, I let her go. Kasi alam kong hindi siya worth it ipaglaban. Maybe her love for me was just shallow.

Kaya siguro, tinanggap ko rin iyong pag-aaya ni Kuya sa akin na makipagdate sa nirereto niya sa akin. There's this desire inside me which I can’t really decipher. It’s something raw. Bagong feeling pero parang pamilyar.

“Wow, Ford, medyo ang hangin mo doon,” tinapik-tapik pa ng loko iyong balikat ko. I shooed his hand away. “Oo nga. Maniwala ka sa akin. Kuya ko na mismo nagsabi,” pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Baka tinotokis ka lang ng Kuya mo! Kilala ko na ‘yan si Kuya Chris! Hindi mapagkakatiwal—” binatukan ko na agad siya bago niya pa matapos iyong sasabihin niya. “—aray naman! Makabatok naman agad ‘to!” His tone laced with annoyance.

“Eh, walanghiya ka rin, eh! Kung anu-ano sinasabi mo sa Kuya ko! At sa mismong harapan ko pa!”

Nagpeace sign na lang siya sa akin. Weak talaga ‘to. Ang daling matakot sa pagseseryoso ko.

Inakbayan niya ako. “Oh, dali, pagpatuloy mo na ‘yang kwento mo. Maganda raw ba?” He wiggled his eyebrows. Natawa naman ako saglit sa sinabi niya.

“Hindi.”

“Eh, bakit mo idadate?!”

I just shrugged. Hindi ko pa nga nakikita, eh. And I doubt it if I can see that someone.

“Hay nako, ang labo mo naman, Ford.” lumungkot pa iyong mukha niya. “Ano na lang daw iyong ugali?” kuryosong tanong niya.

“Mabai—”

“Ay, hindi kayo bagay niyan!”

Batok ang inabot niya sa akin. “Aray naman! Biro lang!” reklamo niya habang hinihimas iyong ulo niya. “Continue,” and then he chuckled.

“Mabait raw siya, sabi ni Kuya. So, kung ang basehan ng mabait ay siya, isipin mo na lang kung ano ka.”

“Demonyo?”

“Ikaw nagsabi niyan, ah!”

At doon na kami nagtawanan. Hindi ko na nga sinabi sa kanya, eh. Ayoko rin naman kasi siyang ma-offend. Pero, naisip ko, si Harold ‘yan. He offends himself just to make me laugh. Bromance.

“Ano pa, Ford? Bukod sa mabait?”

I smiled reminiscently. Naalala ko na naman kasi iyong mga description ni Kuya tungkol sa makakadate ko.

“Mahal daw talaga ako no’n simula una pa lang. Hinihintay nga lang akong magbalik-loob sa kanya.”

“Magbalik-loob? Akala ko ba, hindi kayo magkakilala no’n?”

I pursed my lips. “Sabi ni Kuya, bata pa lang ako, kilala ko na ‘yon. Tapos, no’ng lumaki na raw ako, biglang nakalimutan ko na raw siya,” after that, I smiled. “Totoo naman. Nakalimutan ko na nga talaga siya. Kaya siguro, pinakilala siya ulit sa akin ni Kuya.”

He patted my back. “Ang angas! Magkakilala pala kayo no’ng bata ka pa! Hanep! Matagal nga talagang naghintay ‘yon!” he said, amusement written in his face.

“Oo nga, eh. Saka no’ng bata pa raw ako, lagi akong binabantayan no'n.”

“Ano ‘yon, guardian angel?”

Tumawa ako. “Siguro nga...” Huminga ako nang malalim. “Kinakabahan ako kasi ang sabi ni Kuya, nireject ko na raw iyon nang ilang beses, eh.”

“Seryoso?!” tinakpan ko iyong bibig niya dahil sa sigaw niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang lakas ng boses niya! “Grabe, pare, ang lakas talaga ng tama mo,” puna niya pagkaalis ng kamay ko sa bibig niya sabay tawa.

“Kaya nga kinakabahan ako. Kasi baka hindi na ako tanggapin. Ilang beses ko nang tinakbuhan, eh.”

“Sigurado ka bang hindi mo kilala ‘yan?”

“Sa tingin ko, kilala ko na nga rin siya, eh. Kaya lang siguro sinabi ni Kuya sa akin ‘yon kasi baka akala niya, sa tinagal-tagal kong hindi binanggit iyong nirereto niya sa akin, feeling niya nakalimutan ko na.”

He ruffled his hair. “Aish. Medyo magulo nga. Pero excited na ako para sa ‘yo, Ford. After how many months, finally, nagdesisyon ka nang humakbang paabante.”

I smiled a bit. Hanggang ngayon, masakit pa rin kasi. I genuinely loved Kristine. Kaya siguro, sobra akong nagtiwala sa pagmamahal na meron siya para sa akin. But then, we failed.

Ngayon, kahit papaano, gusto ko na ring makaalis. Kahit paunti-unti lang. Para man lang magkaroon ng progress.

“Ang gwapo mo talaga ngayon,” he remarked. “Parang na-i-inlove na yata ako sa ‘yo,” pang-aasar ng ugok. Tumawa kami parehas.

I just needed to be loved. Right now. Right at this night. And I know that that someone Kuya has referred to me could help me move forward.

Hindi ako madaling mapaniwala sa isang bagay. Pero, no’ng sinabi sa akin iyon ni Kuya, agad akong naniwala. Curiosity strike me in any way possible.

“Kapag hindi kayo nag-work, sa akin mo na lang ipasa, Ford, ah,” Harold said, wiggling his eyebrows, as if telling me that his idea was tempting.

I shrugged. “Gusto mo, tayong dalawa na lang idate niya, eh,” I pursed my lips, trying to suppress the laughter.

Nanlaki naman iyong mata niya.

“Seryoso?! Pwede?!” masaya niyang tanong. I nodded. “Sabi rin naman ni Kuya, pwede akong magsama ng kaibigan ko. And you—” I poked his forehead. “Ikaw lang naman kaibigan ko, pare.”

“Ayiieeee. Kilig naman ako doon.”

Sabay kaming nagtawanan. Ang loko-loko talaga ni Harold. In the end, nag-insist na rin siyang sumama. At dahil gusto ko ring makilala niya iyong kadate ko, I willingly agreed. He’s my best man, after all.

Ilang minuto rin iyong lumipas, bumalik siya sa bahay namin na nakaayos na siya. At ang ugok, suot-suot pa iyong relo kong ang tagal nang nawawala! Ginagamit niya palang pamporma. Ibang klase. Tsk.

“Tara na!” excited na aya ni Harold. Psh. Mas naging excited na siya sa akin.

“Teka nga, aburido ka masyado...” Kuya Chris remarked. “May inaayos pa ako, oh,” sabay turo sa compartment ng sasakyan.

Si Kuya Chris iyong maghahatid sa amin sa place ng romantic date ko with my special someone. Hassle lang na may sabit ako. Tsk, pambihira.

“Kuya Chris, maganda ba talaga iyong kadate mamaya ni Ford?” tanong ni Harold, a glint of hope in his eyes. “Nakakaexcite. Magkakaroon na ulit ng lovelife iyong tigang kong bestfriend,” diretsahang sabi niya.

Napatingin nang masama sa kanya si Kuya. Ayaw kasi ni Kuya ng mga words na hindi kaaya-aya. And being his little brother, he wanted me to be like him. And then this. Naging katulaf niya na rin ako. Kaso mas malala lang talaga si Kuya.

“Joke lang, Kuya Chris,” he showed a peace sign and let out a nervous chuckle.

Nang matapos nang ayusin ni Kuya iyong gamit sa compartment (which I don’t really know what are the things inside it), we decided to arrive already.

Habang nasa biyahe, the mixture of curiosity, nervousness and excitement's building up inside me. Pinagpapawisan na nga iyong noo ko atsaka iyong mga palad ko.

“Don’t tremble, baby. I got your back,” Harold whispered to my ear. Tinulak ko naman iyong mukha niyang malapit sa mukha ko. “Aray! Nilamutak mo naman iyong mukha ko!” nakanguso niyang reklamo.

“Wala kang naitutulong, eh! Mas lalo mo lang akong pinapakaba!”

Narinig kong tumawa si Kuya. After all, he’s the one who really knows what I feel right know. Napagdaanan niya na rin, eh.

Pagkarating na pagkarating sa mall na mismong paggaganapan ng date namin, lalo akong binalot ng kaba. Pero ang bwisit na Harold, chill na chill. Because as usual, almost of the people who passes right beside him was mesmerized by his charm.

Pero mas gwapo pa rin ako sa kanya.

I heard him chuckle. “Excited na ako,” he mumbled. Napatawa na rin ako nang mahina saka bumaling ang tingin kay Kuya.

“Maiwan ko na kayo, ah,” he winked at us, and then his gaze landed upon me. “You know what to do,” he stated.

I nodded. Inaya ko agad si Harold pumunta sa mismong lugar ng date namin. Medyo malapit na kasi iyong call time. 7:00PM ang napag-usapan, at ngayon, 6:55PM na.

After the long arrival, finally, we got into the romantic place which I was talking about.

Party lights were on, lighting the whole theater. Parang nasa isang bar pero ang kaibahan, halatang mababait ang mga tao. Walang alak. Walang nagaanuhan sa tabi.

It was just the tranquil atmosphere that caught me.

“Nasaan iyong kadate mo dito?” bulong ni Harold, nagtataka na rin siya dahil sa mga naririnig niyang music.

Definitely, it’s not the kind of mainstream music. It’s kind of soothing the ears and relaxing the heart.

Sasagot na sana ako kay Harold no’ng biglang may lumabas na tao mula sa stage, smiling to everyone. “Good evening, royalties!”

Agad kaming umupo sa mga monobloc chairs. Harold looks really confused. Ako rin naman. Kinakabahan nga rin ako. Apparently, this is my first time in a place like this.

“Let’s all stand up!” sabi nung emcee.

Harold leaned closer to me. “Ford, anong meron?” medyo malakas iyong pagkakasabi niya dahil sa malakas na tugtog.

I patted his shoulder. “Trust me, brad. Kahit ngayon lang,” I kidded. His stiffened body became relaxed.

Kinakabahan ang ugok. Parehas lang kami. Nahihiya rin kasi ako sa dami ng tao.

Nagulat ako no’ng nagsalita ulit iyong mga nasa stage. “Ngayong February, let’s feel the love of the Lord. And by this song of praises, let us show the love we had for Him.”

A solemn hymn was played.

“Ngayon, may mga heartbreaks tayo. We are focused on the people who left us. But we didn’t realize, that there’s still left in you. And that is the Lord. Hindi ka niya binitawan. Hindi siya nagkulang. And yet, you walked away from the real meaning of love.”

Nararamdaman kong bumibigat iyong dibdib ko.

“But really, this Valentines, let us feel the love we have forsaken and the love we had at first. Let us always remember that the Lord keeps falling into you.”

Nung nagsimula nang tumugtog iyong kanta, hudyat na ‘yon ng pagbagsak ng luha ko. My heart felt heavy. I don’t know but the feeling was really overwhelming. I also felt the shiver ran through me.

Amazing grace

How sweet the sound

That saved a wretched like me

I was once lost, but now I’m found

Was blind, but now I see

Oh, I can see you now~~

Oh, I can see the love in your eyes.

My eyes welled up in tears. As the song continued, the raw feeling was becoming more familiar.

“Ito na ba ‘yong date na sinasabi mo?” Harold whispered again. I heard him sniffed. “Putek, pinapaiyak ako.” pero hindi siya kumakanta. Ako rin naman. Parehas lang kaming medyo nahihiya pa.

This date has creeping into my heart. And this was the memorable I’ve had.

May mga nagtataas ng kamay habang kumakanta. Meron ring talagang umiiyak habang kumakanta. Iyong katabi ko nga, nagpupunas na ng sipon na tumutulo mula sa ilong niya. But still, I shooed away the thought as a sign of respect.

Mabilis na lumipas iyong ilang minuto. Hanggang sa nag-p-preach na iyong Pastor yata iyon. Harold was murmuring unintelligible words beside me. No'ng tiningnan ko naman siya, basang-basa iyong mata niya.

“For Romans 5:8 says, “And God demonstrates his own love for us; while we were still sinners, Christ died for us,” sabi no’ng Pastor.

And then it hit a nerve.

“Bago mo pa maisipang magbalik-loob, namatay na si Hesus para sa ‘yo. Makasalanan ka pa no’n, pero hindi na siya nagdalawang isip na iligtas ka. Kasi mahal ka niya, eh.”

Another nerve.

“Basic lang naman kasi ‘yan. Amidst of the many arguments in Jesus’ crucifixion, the context is just simple. And that is because He loves you, He cares for you, and He wants eternal life for you.”

I felt a lump inside my throat.

“Huwag ka nang tumakbo. Magpahinga ka na. Lord has always wanted to comfort you and to give you rest.”

Natapos iyong preaching nang maayos. Though, I am not really familiar with those verses and the people around us, the feeling’s still familiar. It was like it’s a sort of feeling from the past.

“Oh, ano, nag-enjoy ka naman sa date natin?” tanong ko kay Harold. Nasa isang tabi lang kami ng church. He was eating a donut as given by the consolidation team.

He munched. “Grabe! Kaya naman pala hindi mo mabanggit-banggit nang maayos iyong description sa kanya! Si Lord pala ‘yon!”

I laughed. Masaya ako na alam kong nagstrike rin sa kanya lahat ng sinabi ng Pastor.

“Grabe, pre! Ngayon pa lang, sorry na! Minura pa naman kita kanina!” and then he pouted. Tumingin siya sa taas.  “Lord, sorry. Hehehe.”

Really, I was not really a believer. Si Kuya, oo. Kaya nga siya iyong sinasabi kong nagsabi sa akin na mahal na mahal ako ng kadate ko ngayon.

This day was like a calling from Him. And I’m really beyond overwhelmed.

In the end, I realized that people, have the sad tendency to forget the basics. Including me. And really, this was my wake up call. It has taught me the basic meaning of love.

Iyong love na lagi mong hinahanap sa iba, meron naman kasing basic niyan. The basic meaning of love is the love of Jesus towards people. Minsan kasi, mas humahanap tayo ng komplikado when Jesus itself made it basic for you, for us.

“Lord, I'm sorry,” I uttered in nowhere. I know He can hear my thoughts right now.

Napangiti ako nang malawak no’ng pagkadilat ko, nakita kong nagppray si Harold sa tabi ko. My best buddy’s praying. I’m really happy that we both grew our realizations.

“Thank you, pare,” he remarked. “It was a really great date.”

I chuckled. “Kay Kuya ka mag-thank you!” sabi ko naman sa kanya. Sakto namang nakita namin si Kuya sa hindi kalayuan habang naglalakad.

“Kuya Chris, thank you! Lord, thank you! I love you! Mwahugs!” sigaw niya na ikinatawa ng halos karamihan sa loob ng church na ito.

Nakakahiya si Harold kasama!

Kuya just waved his hand towards us and smiled. He winked at me. I mouthed my thank you to him.

And above all, I thank God for this realizations. This time, I think I started falling into you, Lord.

I love you because you loved me first. 

I’m falling into you and I have the assurance that you’ll catch me.

And most importantly, I will always be grateful because you have waited so long for me to come back in your loving arms.

I’m falling into you, Lord. I think I really started it. I’ll never plan of an escape. Never.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top