Her
After that day, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako gagapang papunta sa kanya. Hinding-hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mahalin siya sa kabila ng lahat.
Papalayain ko na ang sarili sa sakit... sa pagmamahal ko sa kanya.
Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa isang tabi sa tuwing naaalala ko ang mga matatamis niyang salita. Hinayaan kong matulala ang sarili ko sa tuwing naiisip siya. Hinayaan ko ang sarili ko na damhin ang sakit. By this, alam kong masasanay na lang ng bigla ang puso ko sa sakit. Maybe it will leave scar, but this scar will help me remember everything I've done for him.
Isang peklat na hindi na kailan man kikirot.
And after three long years, nakalimutan ko ng mahalin siya. Nakalimutan na ng puso ko ang pakiramdam sa tuwing andiyan siya. Nakakangiti na ako sa tuwing binabanggit ng iba ang pangalan niya. Hindi ko na maramdaman iyong sakit na pinaranas niya sa'kin.
I finally moved on.
Pakiramdam ko nawala ang isang mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko. I can finally breathe. I'm free from everything. And I know this is the start of my new life. Totoo nga talaga ang kasabihan ng iba na "mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba."
Nagsumikap ako na magkaroon ng magandang trabaho and little by little naging maganda ulit ang takbo ng buhay ko.
Maraming nakapansin ng pagbabago ko in a good way. Hindi tulad noon, nagkaroon na ako ng maraming kaibigan.
Siguro nga may parte sa puso ko na mananatili siya at hahayan ko ito. Dahil ang parte na 'yon ang nagturo sa'kin ng magandang aral.
To let go and move on.
Then one day, after a long years... muli kaming pinagtagpo ng tadhana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top