Thank You
And here we are na! Finally, we've reached the end at panibagong story na naman ang aabangan natin!
But before that, of course, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga reader na patuloy na sumusuporta sa mga story ko lalo na sa World Trip Series! I still can't believe na maraming nagbabasa nito. Halo-halo rin ang mga nababasa kong comments, may mga tuwang-tuwa, naloloka na sa mga ganap, mga naiiinis, mga wasak ang puso at iba pa. Sa lahat, maraming salamat!
I posted Falling in Love in London back on December 25, 2020 habang ongoing pa at patapos na ang Night Life in Tokyo no'n. It almost took 2 months for this book 4 na matapos at masulat. Sorry kung natagalan dahil most of the time ay hindi ako nakakapag-update, minsan tinatamad talaga ako o kung kaya naman, walang eksenang pumapasok sa isip ko. Kapag simula talaga ng story, hindi ko pa ramdam 'yong flow pero over the course of the story naman ay ginaganahan na akong magsulat. Though I don't want to promise na mabilis ding matapos ang Rainy Season in Manila. One chapter a day lang tayo o kung hindi man kayanin, at least for a week ay magkakaroon ng updates.
For now, thank you so much sa patuloy na pagsuporta! Kahit matagal-tagal natin narating ang dulo ay hindi niyo binitawan ang story na 'to.
Thank you ulit!
And yes, gaya ng previous stories from the series, magkakaroon din ito ng 5 special chapters once we reached 100k reads o kaya naman may special occasion. So, let's see each other soon again?
And if hindi mo pa na-aadd ang Rainy Season in Manila, you should do it now!
Babalik na tayo sa Pinas at sa Pinas lamang tayo mag-trip sa story na 'to! Kita-kits!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top