Chapter 9: Happy Thoughts
IVAN
Nasaloob kami ng bahay ni Yuki. Maliit lamang ito. Hindi nalalayo sa itsura ng apartment ko. Nakapalibot kami sa isang pabilog na lamesa, habang mga monoblock lang ang aming inuupuan. Ilang kembot lamang sa puwesto namin ang banyo. Sa gilid namin ay may isang double deck na tila kinakalawang na. May mga laruan ng bata sa itaas na higaan. Samantalang halatang si Yuki ang natutulog sa lower bed dahil nakita ko roon ang mga pamilyar na Trigonometry book ng Eastampton.
Alam kong pinapanood ako ni Yuki habang sinusuyod ko ng tingin ang buong bahay. Marahang umiikot ang mata ko, hindi ko napigilang mapangiti kahit kaunti nang may nakita akong kumpol ng damit na nakasampay sa bintana.
"Cute," I mouthed.
Nakasabit sa desipit na hanger ang mga brief niya. Uraurada siyang tumayo nang mapagtanto niya ang tinitingnan ko.
"Pambihira, ano ba kasing ginagawa ninyo rito?" Siya pa ang may ganang magreklamo habang itinatago sa kung saan ang sinampay niya.
"May ibibigay kasi sa iyo si Ivan," sagot ni Andi. Abala siya sa paglatag ng mga pagkaing fried chicken at spaghetti na inorder ko sa fast food at idiniliber sa bahay ni Yuki.
Nginuso ako ni Andi. She was looking at me as if she wanted me to hand Yuki the module. But I was not in the mood to talk to the guy. Kanina pa ko nagpipigil ng mga sasabihin ko. Nakakamao pa rin ang kaliwang kamay ko. I squeezed it harder when I suddenly felt a small hand touching mine.
"Puwede na po akong kumain?" The clouds in my head were blown away by a soft voice. Kite was holding me. Magaspang ang kamay niya, pero malambot. Andi and I took care of his knee. We even wiped Kite's face na sobrang dungis kanina at ngayon ay bagong bihis na rin siya.
"Oo, naman. Para sa atin iyan." I smiled at him. Panay ang yuko niya. "Nahihiya ka ba, Kite?"
"Ngayon lang po ako makakatikim ng spaghetti. Minsan pinapanood ko lang ang mga kapitbahay ko na kumain niyan sa bintana nila, e."
Minsan ang galit ko sa mundo ay parang isang blackhole na palagi akong hinihigop. Isang maitim na vortex patungo sa kawalan na alam kong hindi ko kayang pigilan. But when Kite said that, all the images of the end of the universe in my mind vanished in a snap.
Pero alam kong babalik ang mga imaheng iyon sa utak ko. Alam kong babalik ang mga galit na naipon sa puso ko. Pero ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi...awa at lungkot para sa batang nanghihingi pa ng permiso kung puwede siyang kumain ng masarap.
I didn't know what had gotten into me. Umalis ako sa upuan ko at yumuko sa harapan ni Kite. Niyakap ko siya. I felt my throat thremble. Naramdaman kong napupuno ng tubig ang sinuses ko hanggang sa umagos ang lahat ng luha ko. I was just there, letting those fucking emotions flow out of my eyes na hindi ko ma-figure out kung saan nanggagaling.
I remembered something. One painful night many years ago. I remembered my pet birds. Noong gabing inabanduna ko sila. Noong gabing inabanduna rin ako.
"Ivan." I felt Yuki's hand on my shoulder. May mga bandage na rin ang galos sa kamay niya. "Okay ka lang?"
Aligaga akong tumayo. Pinunasan ko ang mga pisngi ko. Kaharap ko si Yuki na tila nagulat sa aking naging reaksyon. My tears won't stop falling.
Tumingin ako sa itaas. I was trying my best to stop the water from betraying my eyes. Natatawa na lang ako habang nakatingala at sinisipon dahil bumabalik na sa ilong ko ang mga luha ko. Sa tagal ko siguro sa ganoong posisyon, nabilang ko na ang mga butas sa bubong ng bahay ni Yuki.
"23," ani ko.
"Ano 'yon?" tanong ni Yuki.
"Wala," I said as I sat down.
Ako, si Andi at si Kite ay nagsimula nang kumain. Mabait na bata si Kite. Napakalambing din. I separated the chicken meat from the bones at nillitan ko ang paghimay ko bago inilagay sa plato ni Kite. My nanay used to do that to me when I was little. Isang bagay na gustong-gusto ko. Kite was smiling at me as I prepared his food. I could tell that he was happy dahil panay ang duyan niya ng kanyang mga paa sa ilalim ng lamesa habang kumakain kami.
Kite looked like Yuki from a certain angle. Pero may mga angulo siyang pamilyar sa akin na nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko mapunto kung ano. Sa tuwing tinititigan ko si Kite, naalala ko sa kanya ang Kuya Gabriel ko. Ganito rin kasi kadungis si kuya dati tuwing naglalaro kami.
Minsan, dinala kami ni tatay sa park. Mas pinili kong umupo sa sandbox at maglaro ng mga laruang sasakyan kesa makisali sa patintero kasama ang kuya ko. Ganitong-ganito si Kuya Gabriel, parang si Kite na batang labas dati.
"Ilang taon ka na, Kite?" usisa ko habang nilalagyan ko ng spaghetti ang plato niya. Nakatitig lang siya sa bawat hibla ng pasta na inililipat ko sa harapan niya.
"Anim po!" nakangiti niyang tugon.
Mabilis niyang sinunggaban ang spaghetti. I liked watching him eat. It calmed the demons in my head. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga bata na tipong exempted sila sa kalupitan ng kalawakan. Kasi kahit anong pagdaanan nila, nagagawa pa rin nilang ngumiti.
Napatingin ako sa bakanteng bangko sa harapan ko. Wala si Yuki. Hindi pa pala siya umuupo mula kanina nang magsimula kaming kumain. Nakaupo siya sa kama. Nakayuko na tila may iniisip.
Tatawagin ko sana siya pero, naalala kong medyo inis pa pala ako sa kanya.
I kicked Andi under the table instead.
"Aray! Ano ba?"
"Tawagin mo ang crush mo."
"Wala ka bang bibig, Ivan Boselli? Tawagin mo siya. Mag-usap kayo."
"Ayoko. May kasalanan pa sa 'kin 'yan. Kapatid niya, hindi niya maasikaso."
Inirapan ako ni Andi. Marahan siyang tumayo at lumapit kay Yuki.
"Yuki, tara, kain tayo."
"Busog pa ako, Andi."
"Hindi ka mukhang busog," I finally butted in. Hindi ako nakatingin sa kanila at ngumunguya pa rin ako ng fried chicken. "Mukha kang nangayayat since last time na nagkita tayo."
"Ayeee, concerned siya," hagikgik ni Andi. Hindi ko magawang maging seryoso hanggat nandito itong babaeng ito. Tinignan ko siya nang masama which somehow shut her up.
"I'll go make my own food later," rinig kong banat naman ni Yuki.
Mabilis akong tumayo. Nagtungo ako sa kalan niya. Wala silang ref. Nakasalansan ang mga supplies sa gilid. Kumuha ako ng itlog, ilang sibuyas at may nakita rin akong spring beans sa sulok.
"Anong gagawin mo?" I could feel Yuki standing up from the bed.
"You. Go to the table. Now. I'll make you food." Nakabusangot ako habang mahigpit ang hawak sa sandok.
"Hindi nga ako gutom."
"I don't care. You should eat. Kapag niyaya kang kumain ng bisita mo, saluhan mo, unggoy!"
Pinipigilan kong magdabog. Hindi ko naman bahay 'to. Sinusubukan kong paandarin ang kalan pero ayaw umandar.
"Ako na rito," I felt Yuki's hand grab the frying pan from me.
"Ako na nga, e!"
"Ivan," he said sheepishly. I dunno what's with his voice na mabilis nagpapapatag sa magkasalubong kong kilay. "Let me do it."
Natulala lang ako sa tapat ng kalan. Marahan niya akong inusog papunta sa gilid. I watched him grab a match at marahang sinindihan ang kalan. Kakaiba ang mga gamit ni Yuki. Walang ganito sa bahay ni tatay.
Pinapanood ko lang siya habang nagsisimula siyang magluto. Nagpainit muna siya ng mantika bago siya naggisa ng bawang at sibuyas.
"Do you want me to teach you how to cook?" he said out of nowhere. Nakataas ang isang kilay niya. Nakakurba ang isang bahagi ng kanyang labi.
"I know how to cook," I hissed. I looked at him from the side of my eye.
"No, you don't." He smiled completely. It was the first time I saw him smile for days. I finally saw his gummy smile na lalong nagpapasingkit sa mata niya habang nakatagilid sa akin. "Noong nakitulog ako sa dorm mo, puro pancit canton lang ang laman ng drawers mo."
Sinimangutan ko siya. Umirap ako then, I walked away. I decided to join Kite with his meal kesa madagdagan pa ang asar ko sa kuya niya.
"Tara, Kite," I said in a loud voice. "Ubusin na natin 'tong fried chicken at huwag natin titirahan ang kuya mo na marunong magluto."
I heard a laugh from Yuki's direction. Mahinang halakhak na tila natutuwa at hindi natatawa.
Masungit ang itsura ko sa harap ni Andi at ni Kite but deep down, I was smiling because it has been awhile since I heard Yukihero Azukawa laugh.
A few minutes later, he came to the table with two plates of adobong sitaw.
"This big plate is for you guys and this small one is mine," saad niya.
Pakshet, kung hindi lang ako tinotopak ngayon, kanina pa siguro ako pumalakpak. Paborito kong ulam ang niluto niya.
His plate was made of plastic. The fork he was using was disposable too habang metal naman ang samin. Hindi ko na lang pinansin dahil kusang gumagalaw ang katawan ko papunta sa sitaw na naliligo sa toyo at mantika.
***
I dunno what happened at that dinner dahil nakangiti lang ako habang pauwi kami ni Andi. Magkaiba kami ng direksyon pauwi mula sa bahay ni Yuki so we immediately parted ways.
I was walking with a clear head. The only thing that has been running in my mind ay ang pagpipigil sa akin ni Kite kanina na umuwi at ang lasa ng ulam ni Yuki. Dahil sa dalawang iyon, napilitan tuloy akong mangako sa bata na babalik ako sa kanila kapag may oras ako. I honestly didn't mind going back next week, the next month or kahit bukas pa. Heck, I had my reasons. One was to play with him. Pangalawa ay ang matikman ulit ang adobong sitaw ng kuya niyang laging nagamit ng disposable utensils.
As I was about to exit their neighborhood, I couldn't help but think of a way to pay back Yuki for the delicious meal. Gladly, I passed by a gym. The facility was huge. Kumpleto at mukhang maayos naman ang mga gamit.
"Aha! Gym membership!" ani ko. Kuya Gabriel gave me a gym membership on my birthday at paniguradong magugustuhan din ni Yuki ito dahil mukha naman siyang nagbubuhat.
I entered the gym. Halatang malinis ang buong paligid at desente ang mga tao. Lumapit ako sa cashier. Sakto, may isang lalaking naka-polo shirt na itim na may nametag na "Manager" and nakausap ko.
"Isang gym membership nga po," nakangiti kong saad na parang bumibili lang ng suka sa tindahan.
He gave me a form. I filled it up using Yuki's information that I am familiar with.
"Para po kasi ito sa kakilala ko. Ireregalo ko sana," I explained because I stopped on the part where I had to write down Yuki's birthday. "Puwede po bang siya na lang ang kumumpleto ng ibang details in his first day?"
"Sure po, Sir."
There was something about this manager. Magalang siyang magsalita but there was something in the way he moved and his facial expression. Parang hindi siya makapaniwalang afford kong bayaran ang gym membership for a year.
Inalog ko na lang ang ulo ko. Ayoko ng issue.
Inabot ko sa kanya ang form. He saw Yuki's name. He frowned.
Then, that's how it started.
The sudden shift in his facial expression was the fastest thing I saw today. Even faster than how I jumped after I stepped on the dog poop this afternoon. At sa ekspresyon niya, mukhang mas maiinis ako sa kanya kesa sa pagtapak ko sa tae ng aso.
"Bawal na po itong taong ito rito, Sir."
Well, that was new. Agad na napataas ang kilay ko. Kung ano-ano na agad ang pumasok sa utak ko thinking why Yuki would not be allowed to a place like this. Hindi naman siya basagulero. Tampulan siya ng gulo oo pero sa aming dalawa, ako iyon, as proven by what happened with Greg and his friends and the incident in Almasen. Hindi naman siya dugyot, malinis nga siyang tao at napaka conscious sa ginagamit.
"Bakit naman po?"
"Basta po, Sir. Sa ibang gym na lang po ninyo siya isali."
Ang sabi ni tatay, may mga tao talagang mapili pagdating sa mga kliyente, empleyado at mga makakatrabaho nila. May mga kumpanyang iniiwasang tanggapin ang isang empleyado dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil sa kwalipikasyon. Their educational background or experience, or attitude may not be enough for the job position. Ikalawa, they have a bad reputation. Some companies review the backgrounds of candidates based on their previous employers to see if they would hire them or not.
At ang ikatlo...
"Hulaan ko," sabi ko sa manager. "Naging dating member na si Yuki rito, ano?" People have been in that institution and they had a bad track record.
Tinanguan lang ako ng manager. That was enough for me to take back the application form and put it in my bag.
Naunawaan ko. Hindi nila gusto si Yuki. And I guess that was okay.
I was about to leave when I heard the manager whisper to another employee something that made me fume, "Kadiri. Madikitan pa tayo ng pawis noong Yuki."
There were things I couldn't remember whenever I went berserk. Something from that statement made me stop moving. It was as if the blackhole in my head that Kite happily vanquished was starting to form again. And I could feel myself getting trapped inside.
Almost. But I remembered Kite's face, ang masayahin niyang mukha. I thought of happy thoughts before my vision turns red.
"There are 23 holes in the roof of Yukihero Azukawa," I whispered as I took one step towards the door of the gym.
I needed to think of happy things before I might do something bad.
"Yuki has an adorable brother named Kite."
I took another step. I felt my entire body shaking. It took me a tremendous effort to leave that hell of a gym and burn it to the ground.
"Kite has a very handsome brother named Yukihero," I finally said while running away from the gym before I dragged that entire place to the black hole with me.
After-images of Yuki getting insulted in that place played in my head like a filmstrip.
Gaano kaya nila kinawawa si Yukihero Azukawa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top