Chapter 7: Hero

IVAN

He was an idiot. Tinuloy niya ang suggestion na binawi ko.

Pinanindigan ni Yuki ang pag-ako sa pagiging anak ng mga So. Ilang beses ko siyang kinausap upang bawiin ang sinabi ko, pero nang maranasan niyang may mapapala siya mula roon, sinakyan na lang niya ang mga akala ng mga tao. He was allowed to take the class despite his absences because of it. And this was all my idea.

Hanggang sa isang araw, I saw his back while he was walking a few meters in front of me.

"Yuki, saan ka pupunta?"

Hindi niya ako pinansin habang lalapitan ko sana siya sa corridor. Nakayuko lang siya na tila nakatulala sa kawalan habang naglalakad sa malayo. He looked upset.

He was like this again, malayong-malayo sa masayahing ugali niya noong nakaraan.

"Yuki?" Kinawayan ko pa siya. Pero mukhang hindi niya ako narinig kahit sobrang lakas ng boses ko.

Mabilis siyang naglakad papunta sa isang pamilyar na direksyon sa labas ng Eastampton. I could see a few college students running in the same direction. It was as if may shooting ng pelikulang magaganap. There was this one student who was about to run past me, but I grabbed his bag strap upang tanungin, "Anong meron? Saan kayo pupunta?"

"Hindi mo ba alam? Hinamon si Yuki ng one-on-one basket ball ng grupo ni Greg!"

"Ha? Bakit daw?"

"Hindi rin namin alam."

Kilala sa campus si Greg. May itsura siya, mukhang artistahin. Pero kung anong gwinapo niya, ganoon namang kasama ang ugali niya. Siya ang typical bully sa mga Japanese anime na hindi nakabutones ang itaas ng uniform at tadtad ng hairspray ang buhok. Miyembro siya ng isang gang. Tatlo lang sila actually, mga almost drop-out at palaging naghahanap ng mapagtritripan sa loob ng klase.

Mayabang si Greg. Anak kasi ng barangay chairman sa isang lugar malapit dito kaya naghahari-harian sa labas ng campus. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya ni Yuki.

Pero habang tumatakbo ako ngayon kasama ng ibang estudyante, hindi ko mapigilang kabahan para sa kaklase ko.

I reached the basketball court. I froze.

Mali ako, hindi ito one-on-one. It was three-on-one. Lahat sila ay nakasando, nasagitna si Yuki habang pinagpapasahan ng tatlo ang bola.

"O! Walang tutulong diyan ha!" sigaw ni Greg. Dinuro niya kaming mga nanonood bago muling itinuro si Yuki. "Mayabang 'to kahapon, e. Sabi niya kaya niya kaming tatlo."

Nakatulala lang ako sa puwesto ko. Mahigpit na bilin ng tatay ko na huwag akong sasali sa kung anumang gulo sa campus dahil paniguradong ipu-pull out niya ako sa Eastampton sa oras na mapatawag siya sa Dean's office.

I was just there. Biting my lips. I was staring at the three students as they toyed with Yuki. Yuki was trying his best to score, and he was not a bad player. Mabilis niyang nahahabol ang mga kalaban niya at dahil sa tangkad niya, he could either steal the ball while they were dribbling.

But his height was not enough. And there were three of them. Wala pang dalawampung minuto at basang-basa na ng pawis si Yuki pero parang wala lang ang lahat sa mga kalaro niya.

"O, asan na ang yabang mo?" bulyaw ni Greg. "Akala ko ba anak ka ng mga So?"

Tahimik lang si Yuki. Nakayuko siya sa gitna ng court habang hinahabol ang hininga niya.

"Wala pala 'to, e! Nakalulusot sa school tardiness niya dahil akala ng mga tao, may impluwensya siya, trapo naman pala!"

Hindi sumasagot si Yuki. Narinig kong nagbubulungan ang mga taong nasa likod ko.

"Bakit ba nila siya pinagtutulungan?" I heard a girl ask.

"Pumayag kasi si Yuki sa 3-on-1 nila para hindi na raw magreklamo ang tatlong iyan na napepenalty sa lagi sa school dahil sa absences nila. Si Yuki raw kasi, nakalusot," another student from behind me answered.

My tatay used to scold me for my bad temper. Mahilig akong makipagbasag-ulo mula noong iwan kami ni nanay. Hindi ko sigurado, but there was this anger within me na natabunan na ng ibang alaala. I can no longer remember why I was always angry when my mother left, but tatay disciplined me enough to suppress all the bad memories.

Still, no matter how hard we try to forget our bad experiences, the emotions that were born with them will always flood to the surface.

May pinuntahan ako saglit sa likod ng mga tao. Naghanap ako ng medyo tagong lugar.

Then, I came back topless.

"Game, 3-on-1!" sigaw ko.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na maghubad ng polo at maging ang sando ko ay inalis ko na rin. My body felt hot. So darn hot. There was this boiling emotion inside me. I turned my sando into a head mask na parang sa mga construction worker upang hindi ako makilala ng mga nakapalibot sa amin.

Nakatulala lahat ng tao sa katawan ko. I could even hear girls scream from the side. Masama ang tingin sa akin ng mga kalaro ni Yuki as if they were trying to identify me pero hindi ko sila pinansin.

Hinawakan ko ang balikat ni Yuki. He felt so cold. He was panting like someone with asthma while trying to catch his breath.

"Ikaw, bakit ka nandito?" he said. I knew that he recognized me. "I don't need your help. Bumalik ka roon, madamay ka pa rito."

"Ayoko nga!" Alam kong alam niya na kahit may takip ang mukha ko ay nginingitian ko siya.

I tapped his shoulder. Sabay lingon sa mga kalaro niya, "O! Sub muna siya ha?"

Tinawanan lang ako ng tatlo. They passed me the ball, and I dribbled it to the other side of the court, para hindi agad ako mahabol at pigilan ni Yuki.

One of them jumped in front of me. He was about to steal the ball when I dribbled it between his legs. I circled behind him, then ran near the ring. Bigla akong hinarangan ng isa pa. I was about to do a layup shot using my right hand when he tried to smack the ball in midair, pero inikot ko ang bola sa likod ko ang tossed it to my left hand. Everything was in slow motion when I finally dunked the ball and made the score.

Nagpalakpakan ang lahat. The girls were even screaming when I returned to the ground.

Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Greg at ng mga kaibigan niya. Now it was their turn to shoot the ball.

Nasa gitna si Greg habang todo guwardyado ako ng dalawa niyang kasama. Greg was dribbling the ball carelessly in front of me.

"Wag kang masyadong mayabang, tatlo kami, isa ka lang."

"Kaya nga ako mayabang, tatlo kayo, isa lang ako."

"Angas mo ha?" sabi ng isa sa kanila na halos kadikit ko na.

"Pare, lakas mo makabantay sa 'kin ha? Para kayong wings ng napkin nitong kasama mo."

That was enough to throw them off the game. I seldom trash talk people, but when I do, I dump the entire landfill.

My tatay hated that about me. It always triggered some trouble sa trabaho niya. One time, sinama niya 'ko sa trabaho at niyayabangan siya ng isa sa mga kaibigan niya noong binanatan ko ng kakaibang humor ko ang mga nagpaparinig sa kanya: Si tatay po kasi, kaya matagumpay, ang lagi niyang topic sa ibang tao ay tungkol sa trabaho, kayo puro buhay ng tao ang topic ninyo.

God, my tatay has never been so proud and pissed with me at the same time.

He liked something else about me, though—I know how to read trends. I have a natural talent for reading graphs. Alam ko kung anong ang mabenta sa palengke sa mga susunod na buwan at kung ang ang mga magiging presyo ng isang bilihin base sa galaw ng iba pang datos sa paligid ko.

Gaya ngayon, I was studying the movements of this bwakananginang Greg. Right there, I could immediately tell where he was going with the ball, base sa galaw ng mga kamay at buwelo ng mga paa niya.

Bago pa siya humakbang pakanan ay tumakbo na ako pakaliwa to steal the ball right after he dribbled it.

Sa bilis kong iyon, nakatulala na lang silang tatlo habang sinusupalpal ko ang bola sa ring.

Umikot ulit ang palakpakan sa paligid ko. I could feel my chest rising and falling. Grabe, ang tagal kong hindi nakapaglaro nang ganito. Palagi na kasing nakabantay si tatay kaya minsan na lang ako makapaglaro sa mga liga.

Napalingon ako kay Yuki. I was smiling at him habang marahan siyang tumatayo. Naglalakad ako patungo sa direksyon niya nang may mapansin akong kakaiba. Hindi siya sa akin nakatingin. He was suddenly running towards something behind me. Bigla niya akong nilampasanan.

Nakita ko na lang siyang biglang napahiga sa gilid ko dahil sinalo niya ang suntok ni Greg na dapat ay para sa akin.

His blood stained the ground. Nagdurugo ang labi ni Yukihero Azukawa.

Napalingon ako kay Greg. Naalala ko ulit ang boses ni tatay na paulit-ulit niyang itinatanim sa kokote ko: Sa oras na masangkot ka sa gulo gaya ng ginagawa mo noong mas bata-bata ka pa, papauwiin kita rito.

I felt something warm rising from my chest. Sumisikip ang dibdib ko at alam kong kailangan kong ilabas ito.

I guess this will be the last time I'll see Yukihero Azukawa.

Right now, I couldn't see anything clearly. Tila dumidilim ang paningin ko. My hands started moving on their own toward Greg. Isang sapak ang ibinigay ko tapos naging dalawa, na naging tatlo na nauwi sa bente sa loob ng isang minuto. They were like fist-size invisible bullets aiming for every part of his body. Nakahiga siya sa aspalto habang nakapatong ako sa kanya. My legs were caging his arms. Hindi ako magawang lapitan ng mga kasama niya because of the hard blows I gave to their stomachs too.

Sa mga oras na ito, ginagamit ko ang lahat ng natutunan ko sa mga boxing class na pinasalihan sa akin ni Kuya mula nang tumuntong ako ako sa edad na sampu.

I stood up to gain my momentum.

Panay ang sugod sa akin ng tatlo. But I was owning them. Damn, I own them hard.

I was dodging punches like the wind. But I was giving blows like a volcano.

Ang alam ko lang, inis na inis ako. Yuki's beaten up because of me. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Bawat suntok ko, sinigurado kong tatama sa bawat buto sa ilalim ng mga laman nila. I did not stop until I heard a bone crack. And when I did, that was the only time my vision became clear.

Next thing I knew, I could hear whistles from school guards and other teachers na papunta na sa direksyon namin.

Yuki grabbed my hand at hinatak ako patakbo. He already has our things habang tinatahak namin ang direksyon papuntang palengke para mailigaw namin ang mga humahabol.

We ran to the side of a church. There was this beautiful garden na walang tao. May fountain sa gitna at napapalibutan ng mga bulaklak. The grass was so green at maririnig pa ang mga huni ng ibon sa mga orchid tree.

Isinandal ako ni Yuki sa pader. Ramdam ko ang lamig ng semento sa hubad na likod ko. Idinantay niya ang mga kamay niya sa pagitan ng mga ulo ko. He was still panting. He caged me between his arms.

"Never do that again, Ivan!"

"Hindi ako si, Ivan," biro ko behind my mask. Nilaliman ko pa ang boses ko para hindi niya ako makilala.

"Kilala kita, Ivan!"

"Ako si hero. Idol ko kasi si Yukihero."

He blushed. I like it when his face turns pink.

"Not funny," he said.

Marahan kong inaalis ang takip sa mukha ko. Unveiling that huge smile on my face. "E, bakit mo ba kasi pinatulan ang hamon ng mga 'yon, Yuki?'

Hindi siya nakasagot agad. He looked down. "E, ikaw, bakit mo ba kasi ako pinapakailaman?'

"Because this is all my fault," bulong ko. Hindi ko sigurado kung narinig niya. Napayuko ako. I saw blood dripping in the green grass na nagmumula sa labi niya.

I slowly raised my hand to touch his lips.

When he saw my hand inching closer, mabilis siyang napalayo.

"No!" bulalas niya sa pagmumukha ko.

He covered the blood on his lips using the back of his hand as he backed slowly.

Gusto ko siyang lapitan, but there was something about the way he looked at me as if he were begging me to leave him alone.

I will remember the look in Yuki's eyes that day before he left me at that garden. He was glaring at me with resentment. His eyebrows looked like a valley. Both pointing downward to the bridge of his nose. His eyes were darting. His facial expression was filled with disgust.

But deep down, I knew they were not for me. For the first time, I saw the lonely stars within the eyes of Yukihero Azukawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top