Chapter 28: Ylang-ylang
YUKI
"Itigil n'yo 'yan!" bulalas ni Mama Tess. Kasunod niyang pumasok ang mga naglalakihan niyang tauhan.
Pinakawalan ng mga tauhan ni Treb si Aldrin. Agad naman akong sinaklolohan ng mga katrabaho ko. Kumuha si Treb ng kumot at itinakip sa akin. Akmang itatayo na ako ni Treb upang dalhin sa labas.
"Saan n'yo siya dadalhin? Naka-duty pa 'yan sa akin!" bulalas ng duguang si Aldrin. May pasa ang kanyang kanang mata mula sa suntok ni Treb.
"Hindi na, gago! Binaboy ninyo siya! Wala kayong respeto!" sigaw ng katabi ko.
"Tangina mo, Alarcon! Nasa kontrata 'yan na pinirmahan niya."
"Gago! Wala sa kontrata ang gangrape na gagawin mo, tarantado!"
Panay lang ang bangayan nina Aldrin at Treb. Wala pa rin ako sa wisyo dahil sa pinainom sa akin. Ang huli kong naalala ay inalalayan ako ng mga kaibigan ko sa isang private room at doon pinalipas ang epekto ng gamot.
***
"Ayos ka lang?" Nasa kuwarto ako ni Treb. Nandoon rin si Mommy Tess kasama ang iba kong katrabaho.
"Oo, medyo." Nakabihis na ako paggising ko.
"I will buy you out." Tumayo si Treb at lumapit kay Mommy Tess. "Magkano po ba para ma null and void ang kontrata niya?"
"Wala naman na pong bisa ang contract niya kasi may boyfriend na siya," singit ni Luis, isa sa mga katrabaho ko.
"His boyfriend will be wed next week to a girl." Sobrang lamig ng pagkakasabi ni Treb. Gumuhit sa lalamunan ko ang natuyong laway na nilunok ko.
"How did you know?" I asked.
"It doesn't matter," he answered.
"Gustong ipa-acution ni Mr. Aldrin Gargargle si Yuki dahil nabasa na niyang mauuwi sa ganito ang lahat," paliwanag ni Mommy Tess. "Kung sinong mas mataas ang bid sa inyo, sa kanya mapupunta si Yuki."
Napatakip na lang ng mukha niya si Treb. "Wala na siyang karapatang mag-bid! Binaboy niya ang staff ninyo!"
"I understand that you are upset, Mr. Alarcon. Pero matagal nang investor ng M.I.C.E.S. si Aldrin Gargargle and losing him would have a huge impact on us."
"Fine! Kelan ba iyang bidding na iyan at nang matapos na ito?"
"In two hours po, Mr. Alarcon. Sa Grand Phoenix Hotel."
***
Matapos ang dalawang oras ay nasa Grand Phoenix Hotel na kami. Hinatid ako ng mga tauhan ng M.I.C.E.S. Ang lugar na pinagdalhan sa akin ay tila isang theater room. Sobrang laki nito na daig pa ang isang sinehan. Madilim. Pinaupo nila ako sa gitna ng entablado. Hindi ko maaninag ang mga upuan sa harapan ko pero ramdam kong maraming nakatingin sa akin.
The spotlight shone on me.
I heard Mama Tess' voice beside me. May kaunti siyang paliwanag sa mga nanonood. Matapos pa ang ilang minuto ay binalikan na niya ako.
"Bidding starts at one million pesos!"
Napalunok ko ng laway. I was familiar with their bidding system. Matagal nang pinapangarap ito ng mg tauhan ng agency namin. Isang gabing pagpapaubaya at kapalit ay magandang buhay pagkatapos. Ito ang pinaka-gist ng kontrata. One of the ways to overrule it was when two or more clients fight over you and buy you from the company. Ang kapalit nga lang noon ay kailangan mo silang pagsilbihan ng isang gabi. Half of the total bid would go to me. The rest will go to the corporation.
Kahit may pasa pa sa tagiliran ko, inisip ko na lang na mapag-aaral ko na si Kite hanggang kolehiyo sa perang makukuha ko. Hindi ko na kailangang pagsilbihan si Ivan matapos nito. Hindi ko na kailangang magpanggap na hindi ako nasaktan sa ginawa niya. Hindi ko na kailangang makita si Ivan Boselli.
"Two million!" Nakita ko kung paano tumayo si Aldrin Gargargle. May bandage na ang mata nito.
"Four million!" sigaw naman ni Treb.
"Eight million!" bulalas ni Aldrin.
My heart was pounding so hard, hindi ko na ramdam ang lamig ng kuwarto. Ganito ata talaga siya ka-obsess sa akin. Halimaw si Aldrin Gargargle. Sa tuwing may natitipuhan siya, ginagawa niya ang lahat para makuha iyon.
"Eight million, five hundred thousand!" May pag-aalangan sa boses ni Treb.
My heart grew heavy. Para akong dinaganan ng mabigat na bagay. Nahihirapan akong huminga. Higit na mas mayaman si Aldrin kesa kay Treb. Sa patutunguhan ng bidding na ito ay siguradong masahol pa sa impyerno ang sasapitin ko sa mga kamay ni Aldrin.
"Nine Million!" Humahalakhak pa si Aldrin. Tinatawanan niya si Treb na hindi na kayang tapatan ang offer niya.
Hinanda ko na ang sarili ko. Nagsimulang kumirot muli ang mga pasang natamo ko kanina.
I closed my eyes.
Inisip ko si Kite. Ang mga pangako ko sa mga magulang namin bago sila pumanaw. Bago kami balikan ng mga pinakulong nilang nambaboy sa akin. Naalala ko pa kung paano nila sinugod kami habang natutulog. Sampu silang katao. Kakapanganak lamang kay Kite noon nang may maamoy akong usok. Binalandrahan nila ang bawat lagusan ng bahay namin at binuhusan ng gas bago silaban at agad silang tumakas. Tanging kami lang ng batang dala ko ang nakalusot sa maliit na butas sa dingding na ginawa ni Uncle Patch. Huli na noong saklolohan kami ng pinakamalapit naming kapitbahay. Uncle Patch and Auntie Criselle had already died of suffocation. In time, muling nahuli ang mga masasamang taong iyon. I heard there was a big corporation who took care of it at siniguradong magbabayad sila sa Bilibid. Dinala ko si Kite sa Maynila at doon sa squatter's area, kinupkop kami ng mabubuting tao.
Naalala ko ang mukha ni Auntie Criselle noong gabing iyon bago niya iniabot sa akin si Kite. Ang pangako ko sa kanya na aalagaan ko ang anak niya. Ang pangako ko sa sarili ko. Ang buhay na kailangan kong ibigay sa kanya dahil sa pagsagip ng mga magulang niya sa buhay at kaluluwa ko.
Tumigil na sa pag-bid si Treb. Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Napayuko na lang ako. I could feel every drop of sweat from my face as it dripped down to the wooden floor. Basang-basa ako ng pawis kahit naka todo ang AC.
Tanging matinis na halakhak ni Aldrin Gargargle ang umaalingawngaw sa hangin. "Wala ka palang sinabi, Alarcon!"
Biglang bumukas ang pinto ng auditiorium.
"One Billion!"
Napalingon kaming lahat. Kahit nanlalabo ang mata ko at hindi ko siya maaninag ay kilalang kilala ko pa rin kung kanino galing ang sigaw na iyon. I will always know his voice.
Malalim na malambing.
Whenever he spoke, it was as if he was humming to the sound of music from his Bluetooth earphones. Mahinahon pero mas malakas pa sa kulog tuwing nagagalit siya gaya nito.
"Ivan?"
I saw him dash towards the stage. Napatayo sina Treb at Aldrin nang akyatin ako ni Ivan.
Magsasalita na ulit sana si Aldrin, "One Billion and—"
"Tigilan mo ako, Aldrin Gargargle!" sabi ni Ivan sa mikroponong inagaw niya kay Mommy Tess. "Wala kang ganoong kalaking pera!"
The bidding was done with Ivan as the winner.
Niyuko niya akong bigla. "Sumama ka sa akin, isusugod kita sa ospital."
Mabilis akong tumayo at naglakad palayo.
"Yuki, sandali." Akmang hahawakan ni Ivan ang kamay ko nang bigla kong tinabig ito. Eyes from the crowd were following us pero si Ivan lang ang naglakas loob na habulin ako.
Naglakad ako nang matulin patungong hallway ng hotel. I could feel his footsteps getting closer from behind.
"Yukihero!" Iniharang ni Ivan ang katawan niya sa dadaanan ko. "Let me explain!"
Hinablot ko ang kuwelyo ng tuxedo na suot niya. Itinaas ko siya at isinandig sa pader. Bumubulusok ang bawat butil ng luha mula sa mga mata ko. Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sumasabay ang mga hikbi ko sa galit ko sa kanya.
"B-bakit mo g-ginawa iyon?" garalgal ko.
"Treble Alarcon called me. Humingi siya ng tulong. Sinabi niya sa akin kung ano ang ginawa sa iyo ni Aldrin Gargargle. Siyempre tutulungan kita agad kahit magkano pa—"
"Hindi iyon ang tinutukoy ko!" Binitiwan ko siya. Napaupo siya sa sahig. "Bakit mo sinabing mahal mo ako pero iniwan mo lang ako ng ganon-ganon lang?"
Mabilis siyang tumayo. Tinangka niya akong yakapin pero paulit-ulit kong inaalis ang mga kamay niya sa mga balikat ko. I could see the glitters of regret in his eyes. Namumugto rin ang mga iyon. Nakakunot ang noo niya as tried to reach for my hands multiple times. I dodged it every time.
Nakaramdam ako ng sakit dahil sa sobrang pagkikilos. He stopped moving nang mapansin niyang namimilipit ako sa sakit.
Napaluhod ako sa sahig. Mabilis akong napayuko at niyakap ang sarili ko. I felt him trying to touch me to comfort me pero agad ko siyang tiningnan. Nilisikan ko siya ng mga mata kahit panay ang agos ng mga luha ko.
"I'm sorry, Yuki..." Napaluhod si Ivan sa harapan ko. Napdantay ang mga kamay niya sa carpet ng hallway habang nakayuko. Sinimulan niyang sapakin ang carpet creating that muffled sound that echoed in the marble walls around us. "Mahal na mahal kita kaya hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo kung bakit ko ginawa iyon."
"H-hindi. Hindi mo ako mahal."
Mabilis niyang inangat ang ulo niya. His eyes softened even more! I witnessed the river of tears gushing from the stars in his eyes.
"Hindi mo ako mahal, Ivan Boselli. Hindi mo ko sasaktan ng ganoon kung mahal mo 'ko."
I averted my gaze. Hindi ko na kayang magpanggap na matapang habang umiiyak siya sa harap ko.
"Yuki, I'm sorry."
Muli ko siyang nilingon. Sinigurado kong mababasa niya maging ang galaw ng mga mata ko habang binubuhos ko ang lahat ng himutok ko sa kalawakan ko. Sa kalawakang nagngangalang Ivan Boselli.
"Ayos lang. Naiintindihan ko. Hindi mo talaga ako gusto. Siguro nga, I'm just too big of a risk para sa reputasyon ng pamilya mo. Ako, mamahalin ng isang Ivan Boselli-So? Pathetic. Ako na hindi lang isang bakla kundi isang baklang may HIV? Nakakatawa 'di ba? Pero alam mo, hindi mo naman kasalanan, Ivan. Kasalanan ko. Umasa ako. Tsaka ako rin ang may kagagawan nito. Tanginang buhay 'to! Kung hindi siguro ganitong trabaho ang pinasok ko, hindi sana ako magkakaroon nitong virus. Ni hindi ko nga alam kung kanino ko nakuha ito dahil sa dinami-rami nila. Putangina! Hindi ako galit sa 'yo, Ivan. Naiintindihan kita. Kung ako rin lang siguro ang nasa posisyon mo, I'd probably make the same choice. Uulitin ko, hinding-hindi ako magagalit sa 'yo. Mahal kita, e. Totoo 'yon. Mahal na mahal kita. Pero kasi ang sakit. Para sa isang kagaya kong pinagmalupitan ng tadhana, hirap na hirap akong umaming mahal kita, e. Alam ko naman kasi, hindi ako nararapat sa 'yo. Langit ka, Ivan. Hindi lang ako lupa. Imburnal ang pinanggalingan ko. Kaya galit ako ngayon pero hindi sa 'yo. I fucking hate myself. Galit ako sa sarili ko. Kasi umasa ako. Naniwala ako, Ivan Boselli. Naniwala ako na minahal mo ako kahit ganito ako. Malaking sampal sa akin noong hindi mo ako nilingon noong kasama mo si Emerald. Sinampal ako ng katotohanang malayo ang agwat natin. Sobrang layo mo! And I hate the fact that I have no right to force myself into your life. Nasusuklam ako. Hindi sa 'yo. Sa akin! At sa kung anong meron ako. Kaya kitang ipaglaban, Ivan kung estado lang buhay ay nakaharang sa ating dalawa. Kaya kong pagsumikapan iyon. Tangina, pero hindi lang iyon, e. Itong putanginang HIV na 'to na walang lunas! You know what is the most painful thing noong iniwan mo ako sa Batangas? It wasn't the way you set aside how much we opened our hearts to each other the night before that. Kahit na saksi natin ang buwan, hangin at ang dagat. Hindi iyon ang pinakamasakit. It was when I realized that what you did was the right thing: ang iwan ako. Ang ganda ng kinabukasan mo. I will not be the one to keep you from embracing your dreams."
I was heaving. I could feel my chest rising and falling. Pero kahit na inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko, bakit sobrang sikip pa rin ng dibdib ko?
Ivan bit his lips. Umiiling siya. Tila may gusto siyang sabihin sa akin pero pinipigilan niya.
"Hindi ko tatanggapin ang bid mo," dagdag ko. Nanlaki ang mga mata niya. "You can keep your money."
"Please, Yuki."
"Sasama ako kay, Treb." Umatras ako ng hakbang. "Kalimutan mo na ako. Hindi ako ang nababagay sa isang Ivan Boselli-So."
Pinunasan ko ang mga luha ko. I forced a smile. One last big fake smile for the love of my life.
Ang imahe ni Ivan na nakaluhod habang nakatingin sa sahig ang huli kong alaala sa kanya. I remember how his beautiful eyes bawled as he looked away when he saw that smile on my face.
Para siyang bulaklak ng ylang-ylang. Iyong dilaw na bulaklak na laging nakaharap sa lupa, baliko ang mga talulot habang nakaturo pababa. Iyon ang itsura ni Ivan. He looked as depressing as an ylang-ylang. His hands were on his sides; his back was bent forward as he knelt. His sobs continuously echoed the marble halls.
Tama lang iyon ginawa ko sa 'yo.
Para sa ating dalawa naman 'to.
As I reached the fire exit, para mahimasmasan ang sarili ko, hindi ko napigilang umubo. Sinalo ko ang plema ko.
Lasang kalawang.
In the palm of my hand was a blood-tinged sputum.
May punto naman lahat ng sinabi ko sa kanya. I hope I made it sound like it was never his fault. Sana maintindihan ni Ivan na wala siyang mapapala sa akin.
May taning naman na ang buhay ko.
My viral load was so high and my CD4 count had been low in the past few months.
Tama lang na kay Treb ako sumama. Paniguradong aalagaan naman niya si Kite kapag wala na ako.
Pero ang sakit.
Oh, God.
I will forever miss you, Ivan Boselli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top