Chapter 27: Core Memory
YUKI
Aldrin Gargargle and his friends started pouncing at me. I could feel them touching my most private parts. Akala ko siya lang ang magpapakasasa sa akin but he let other people in. Mas malala pa sa rape itong ginagawa nila. Napakababoy.
They were touching me without my consent. I could feel their nails and veins penetrating my skin as if they would like to peel it off. Ang magagaspang nilang kamay ay nakahawak sa pagitan ng mga hita ko. I could feel the hair in their legs touch against mine.
I wanted to break free pero nakaposas ang mga kamay ko. Gusto kong sumigaw pero may pinainom sa akin ang demonyong si Aldrin. The pill also nullified the pain.
Wala akong magawa kundi ang umiyak. Ganito naman ako lagi. Walang magawa kundi umiyak. Gaya noong nangyari sa akin noong bata pa ako.
***
"Finding the value of x over..." I was studying. I was just a young teenager. Ulila na ako sa nanay. Nag-aaral ako sa isang public school. May libre akong pagkain sa canteen dahil mabait ang guidance counselor namin and she would give me a meal tab everyday. That meal was the only meal I would have for the entire day.
Walang kuwentang tao ang tatay ko.
Inubos niya sa alak ang mga natitira niyang oras sa mundo. He was a Japanese na dito ipinanganak. Nasira ang buhay niya rito sa Pilipinas dahil sa sugal at alkohol.
Nakatira kami sa isang probinsya. Wala kaming kapitbahay. Napapalibutan ang bahay namin ng mga puno at damo. Limang daang metro mula sa bahay naming nasa itaas ng burol ay isang poste ng ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa mga sasakyan at taong dumadaan sa lugar namin.
"Subtracting a, b plus c..."
"Hoy! Ano ba 'yan? Napakaingay mo!" sigaw ng tatay ko.
Nakahilata na siya sa sahig nang datnan ko siya noong dumating ako. Isang kuwarto lamang ang bahay namin. Wala kaming papag. Kasya lang kaming dalawa sa gitna upang matulog. Nasalabas ng bahay ang banyo at kusina. Ang akala ko kasi ay mahimbing na ang tulog niya kaya napagpasyahan kong tabihan na lang siya sa sahig at doon mag-aral.
"Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo. Hahampasin kita!"
Itinakip ko sa mukha ko ang librong hawak ko. Napahina ng makapal na libro ng Algebra ang hambalos ng mabigat niyang kamay.
What could have I done gainst him? Isa lamang akong payatot na bata na wala pang gaanong muwang sa mundo. The only thing I learned from my father was to never become like him. I promised myself na hiding-hindi ako magiging lasingero, mahilig manigarilyo, at sugalero na gaya niya.
That has been my routine. There were times when I had to study for my exams pero lagi siyang nakabalandra sa sahig namin—sumisigaw habang natutulog, lulong sa alkohol.
Isang araw, I had to prepare for the last exam of the school year. Many nights before that, pinapabayaan ko lang si papa habang nasisisigaw sa bahay tuwing natutulog. Sabi ko, "ayos lang, tatay ko naman siya."
May mga gabing hindi siya umuuwi. I liked those nights. Kahit isang gabi lang na wala siya sa bahay ay sapat na sa akin para mag-aral nang maayos.
But the night before my last exam, itinodo niya ang kalasingan niya. Kailangang-kailangan kong mag-aral noong gabing iyon.
Tiniis kong mag-aral kahit sumisigaw siya habang tulog. Katabi ko ang gasera kahit hindi ko mabasang mabuti ang sinusulat ko dahil sa galaw ng apoy.
"Patayin mo nga iyang ilaw! Matulog ka na!" Bigla niya akong binato ng basahan at nadumihan ang notebook ko.
"Pero, Pa. May exam po ako bukas."
"Patayin mo iyan, ang sakit sa mata! Hindi ako makatulog nang maayos!"
Inalis ko ang alikabok na napunta sa notebook ko. Pinatay ko ang gasera.
Minsan, sa buhay ng tao, may mga desisyon tayong lubos nating pinagsisisihan. Marami akong ganoon. But what I did that night was one of those decisions I will eternally regret.
Lumabas ako ng bahay.
Nagpunta ako sa poste ng ilaw sa ibaba ng burol. Tanaw ko ang bahay namin mula sa ilalim ng poste. Kahit malamok ay sinikap kong aralin ang mga nasa notebook ko.
Abala ako sa pag-aaral noong hindi ko namalayan ang paparating na mga lalaking tila may tinirang kakaiba dahil sa amoy nila. Langhap ko sa puwesto ko ang kemikal na kumakapit sa katawan nila.
"Bata, samahan mo naman kami sa kanto. Bibili lang kami ng alak," sabi ng isa. Umalingawngaw ang amoy ng rugby sa kanilang tatlo.
"Baka may barya ka diyan kahit magkano lang, bata," dagdag ng kasama niyang may hawak na telang kanina lang ay sinisinghot niya.
Inisip kong mabuti ang isasagot ko. Mabilis kong binitiwan ang mga notebook ko. Agad akong tumayo.
"Sige, teka lang ho. Kukuha ako ng barya sa bahay."
"Teka lang, huwag ka nang umuwi, baka meron ka sa bulsa mo," giit ng ikatlo sa kanila.
"Nasa bahay ho talaga." Mabilis akong tumalikod. Hindi ako tumakbo pero doble ang kilos ng mga hakbang ko.
"Teka lang bata!"
Agad nila akong hinabol. Doon ako humarurot ng takbo. But my strides were shorter. Half-way through the hill at ilang hakbang na lang ay naabot ko na sana ang bahay namin.
I felt one of them grab my hair.
"Papa!" sigaw ko. Sinubukan ng isa sa kanilang takpan ang bibig ko. "Papa! Tulong, Papa!"
Pero walang reaksyon mula sa bahay namin.
Oo nga pala...
Lasing siya.
Hindi niya ako maririnig.
Tanging malalakas na ungol lang ang nagawa ko nang lagyan ng mga lalaki ng telang amoy rugby ang bibig ko.
I felt one of them punched me in the gut. Nagsimula akong mahilo. Ang huling naalala ko ay dinala nila ako sa malayo. Inihiga nila ako sa damo habang isa-isa silang ibinababa ang mga shorts nila.
Sinimulan nila akong hubaran. Gaya ng ginagawa ngayon sa akin ni Aldrin Gargargle at ng mga kasama niya.
Umiiyak lamang ako.
I was screaming internally, pero lantang gulay ang aking katawan.
Someone came to my rescue that night. Gaya ng lalaking biglang pumasok sa private room ni Aldrin ngayon.
"Papa?" bulong ko noong gabing iyon.
"Ivan?" bulong ko naman sa kasalukuyan.
But the people who rescued me in both circumstances were not the people I expected them to be.
"Yuki! Yuki!" It was Treb's voice. Sa likod niya ay ang mga tauhan niyang pinapalagan ang mga tauhan ni Aldrin Gargargle.
"Uncle Patch?" tugon ko sa pag-aakala kong ang taong naglitas sa akin noong malagim na gabing iyon ang kausap ko ngayon.
I passed out immediately when Treb rescued me.
In my dreams, I could remember clearly what happened that day. Noong muntikan na akong magahasa.
Or nagahasa nga ba ako?
Sometimes, when a memory was too painful, the mind has its way of burying it so deeply that it will only manifest as our personality later in life.
Hindi ko maalala kung natuloy ba ang mga balak nila sa akin noong gabing iyon. But as my body shook in the arms of Treb, my memory became clearer.
***
"Good morning, hijo." It was the voice of a woman. She was pregnant. Abala siya sa paghahain ng mga pagkain sa maliit na lamesa. "Isang linggo ka na rito sa ospital. May masakit pa rin ba sa 'yo? Teka, nilalagnat ka pa rin ba?"
Akmang hahawakan niya ang noo ko ng mabilis akong umiwas. Tinakpan ko ang mga mata ko. I immediately folded my legs to my chest like a shrimp. I started shaking to the point na naalog na maging ang lamesang nakakabit sa kama ko.
I was in the hospital for one week matapos ang nangyari sa tapat ng bahay namin. Ilang araw pa bago ako nakausap ng mga taong nagligtas sa akin.
Mabait si Uncle Patch at Auntie Criselle. Mabubuti silang tao. Napag-alaman nilang pabaya ang tatay ko and with the help of DSWD, sila na ang kumupkop sa akin.
Uncle Patch Flores was the person who rescued me that night. Isa siyang tanod sa barangay namin. Nataong napadaan sila noong gabing iyon. They were coming home from a prenatal visit from a lying-in clinic, kasama ang maybahay niya at ilan pang tanod na sakay ng L300.
Auntie Criselle, on the other hand, was a very mysterious woman. Hindi ko alam ang buong pangalan niya basta ang alam ko lang ay siya ang maybahay ni Uncle Patch.
Kinupkop nila ako. I haven't seen my father since then.
I was never the same after that night outside my house.
Lagi akong tulala.
Uncle Patch would often buy me notebooks from the market para hikayatin ulit akong mag-aral pero ni lumabas ng bahay ay hindi ko magawa.
Auntie Criselle would even cook me her best native tinola pero lagi lang akong nagmumukmok sa kuwarto at nakatingin sa langit.
One day, tinabihan ako ni Auntie Criselle.
"Yuki, puwede bang hawakan mo ang tiyan ko? Sumisipa kasi ang anak ko," sabi niya. Marahan ko siyang nilingon. Hindi talaga siya mukhang probinsyana. Para siyang isa sa mga artistang nanggaling sa TV. Nakadaster siya, basa ng pawis ang noo niya, magulo ang kanyang buhok pero sobrang ganda niya pa rin.
Muli kong ibinaling sa labas ng bintana ang mga mata ko. Sa mga ulap. Sa langit. Sa alapaap na nagbabago sa bawat segundo. How I wished the sun would rise and set so fast everyday. Hiniling ko sa langit na bumilis ang oras at mamatay na lang ako habang natutulog. Para hindi naman na ako maghirap pa. Lisanin ko lang ang mundo na walang sakit ay hindi naman siguro kalabisan kung ihahandog sa akin ng langit kapalit ng mga pinagdaanan ko.
May naramdaman akong inilapag sa papag sa aking tabi. Mga stick na gawa sa kawayan, plastic, glue at rolyo ng pisi.
"Tara, Yuki. Gawa tayo ng saranggola." Uncle Patch's voice was so warm. Paglingon ko sa kanya ay naka-Indian sit na siya sa harapan ko. Sinisimulan na niyang sukatin ang plastic na ididikit niya. Katabi niya si Auntie Criselle na tila gumagawa rin ng sarili niyang saranggola. Panay lang ang lingon nila sa isa't isa habang masayang nagkukwentuhan na parang normal lang ang lahat.
Hindi nila ipinaramdam na iba ako. They never brought up my traumatic experience tuwing magkakasama kaming tatlo.
Uncle Patch was showing Auntie Criselle how to make a kite. Sa muling pagkakataon ay nakarinig ulit ako ng masasayang tawanan. Ilang buwan na rin nila akong sinusubukang kausapin pero palagi akong umiiyak sa sulok. Today, for the first time, I felt the warmth of a loving home. And it came from these two strangers who saved me that night.
"Yuki, nasa labas lang kami ha? Magpapalipad kami ng saranggola." Nginitian ako ni Uncle Patch bago siya naunang lumabas. Sinundan ko siya ng tingin sa labas ng bintana. Sapat lamang ang hanging amihan para mapalipad niyang mag-isa ang saranggola niya.
I felt that a light object was placed on my lap. Ilang araw na akong mabilis manginig sa tuwing may dumidikit sa akin. Pero nang makita ko ang inilapag ni Auntie Criselle sa hita ko ay nawala ang bumabagabag sa dibdib ko.
It was the kite that she made.
"Sa 'yo na ang saranggola na 'yan," saad ni Auntie Criselle. There was the warmth from her smile that radiated a comfortable light way better than a clear sunny day. "Ako gumawa niyan. Sunod ka sa amin sa labas ha?"
She reached for my head. For the first time in three months, I let someone touch me. Hinaplos niya ang buhok ko. I never had a mother; maagang pumanaw sa sakit ang tunay kong ina na dahil sa kapabayaan din ng tatay ko.
Hindi ako tumugon. Noong wala siyang makuhang sagot sa akin, she extended her hand.
"Amin na ang kamay mo... hawakan mo ang kapatid mo." She pointed at her belly.
"Ka–kapatid?" Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko magmula noong gabing iyon.
"Oo. Kami na ang magiging mga magulang mo, Yuki. At magiging kuya ka na. Ayos lang ba sa iyo?'
My eyes felt warm. The nice kind of warmth. I burst into tears. Walang hagulgol, walang emosyon, pero ramdam ko ang pamumuo ng tubig sa likod ng mga mata ko. Iyong uri ng luha na lilinisin lahat ng duming nasaksihan ko. Lahat ng duming naranasan ko. Lahat ng duming ipinakita sa akin ng mundo.
As my hand touched her belly, I felt a kick.
"Gusto ka niya, Yuki. So, okay lang ba sa 'yong maging kuya ng anak namin? Baka pinapangunahan na kita ha? Alam mo naman ako—"
"O-opo," garalgal ko. Humagulgol ako sa harapan niya. Para akong sanggol na umiiyak habang hawak ang sinapupunan niya. Agad niya akong tinabihan at niyakap nang mahigpit.
In that very moment, binawi ko ang mga hiniling ko sa langit.
I wished the sun would rise and set slowly instead.
Gusto kong sulitin ang bawat segundo ng pakiramdam na ito. Iyong yakap-yakap ako ng isang nanay.
Her hair dangled at my ears. I could feel her breathing around my shoulders. Her gentle hands started tapping my back to console me from my tears.
It felt nice.
It felt so nice to finally have people I can call home.
Sabay kaming bumaba sa papag. I was holding her hand as she led me outside the house.
Nakayuko akong lumapit kay Uncle Patch. Ibinigay niya kay Auntie Criselle ang pinapalipad niyang saranggola.
I could still feel the gentle but strong breeze that day. Mabait ngunit malakas na hangin. The wind was like a playful child flying around me. Para ko siyang kaibigan. It felt like a friend, brushing me in the cheeks with its gentle hands, then soaring to the sky only to appear again from a totally different direction.
"Hawakan mong mabuti ang dulo ng tali." Ipinahawak sa akin ni Uncle Patch ang rolyo ng pisi. Hinawakan niya ang saranggola sabay turo sa akin sa malayo. "Tumakbo ka sa kabilang direksyon ng hangin habang pinapahaba ang pisi mo."
The wind whispered to my heart, as if saying that I should trust the man in front of me.
Tinanguan ko si Uncle Patch.
Humarap ako sa direksyon kung saan ako sinasalubong ng malambing na hangin. Going against the flow of the air means I was doing it right. The gentle breeze became mightier, stronger, and more tenacious. Gaya ko. Gaya ng mga pinagdaanan ko. Gaya ng mga pagdadaanan ko pa.
Uncle Patch let go of the kite. "Takbo pa, Yuki! Takbo! Lumilipad na!"
"Ganyan nga, Yuki! Tatagan mo lang!" sigaw ni Auntie Criselle sa tabi ni Uncle Patch.
Oo tama.
Tatagan ko lang.
Kasabay ng mga luha ng kaligayahan ko, hinawi rin ng kaibigan kong hangin ang lahat ng masamang alaala ko.
Tumigil ako at nilingon ang saranggola. I could almost see the playful wind running with it like a child—dancing as if they were almost touching the clouds.
Sinundan ako ni Auntie at Uncle at tatlo na kaming nagpapalipad ng saranggola.
"Ang saya! Sobrang sayang magpalipad ng kite!" Kusang lumabas ang mga salita sa bibig ko. Nilingon ko silang pareho. Sa unang pagkakataon ay nginitian ko sila.
I could still vividly remember how they both cried when they saw how happy I was that day.
"Sa tingin ko ay alam ko na ang ipapangalan ko sa anak ko," saad ni Auntie Criselle. I gave her a curious smile. Silang dalawa na ni Uncle Patch ang nakahawak sa dulo ng saranggola. "Kite is a perfect name."
Kite was a wonderful name.
My brother's name holds the most beautiful memory of my life. The next best thing that happened to me was Ivan Boselli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top