Chapter 24: M.I.C.E.S.
YUKI
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa kuwarto ng boyfriend ko?"
I woke up to the voice of a girl. Ang matinis niyang boses ay mas maingay pa sa alarm clock. Unit-unti ko siyang naaninag. Nakasuot siya ng pink na tank top at itim na fatigue cargo jeans. May suot pa siyang sumbrero at halatang hinihingal siya na tila galing sa work out. Nakatayo siya sa side ko ng kama. She was tapping her left feet to the floor, habang naka-cross arms, at nakataas ang isang manipis na kilay.
Agad na bumalikwas si Ivan at inikot ang kama malapitan lamang siya.
"Emerald! Tara, let's have breakfast downstairs." He held Emerald's hand. Ivan was still wearing his shorts at sinimulang hatakin si Emerald palabas ng kuwarto.
"Sino siya, babe? Bakit tabi kayo matulog?"
"Wala kasi akong master key ng ibang bedrooms. Dito lang siya pwedeng matulog kasi mainit sa sala."
Akmang tatayo na ako. Ayokong makahalata si Emerald sa namamagitan sa amin ni Ivan. Isinantabi ko ang mga napag-usapan namin kagabi. Hindi pa panahon para malaman ng fiancee niya ang meron sa amin. Paniguradong eskandalo ito. Sa kanya, sa mga So. Nakakahiya sa Daddy niya at sa iba pa nilang kamaganak.
Agad kong inayos ang sarili ko. Nagtatalo na silang dalawa when I approached them. Iniisip ko na ang sasabihin ko. I will just tell her that I was a bodyguard who has to make sure of his fiance's safety. Hindi ko muna uunahin ang sarili ko. Babalewalain ko muna ang mga pagtatapat namin kagabi sa isa't isa.
Tama. Sa ngayon, isa lamang akong...
"He's just my silly bodyguard, babe. Kailangan niya lang akong bantayan," bulalas ni Ivan. Pero panay tanong pa rin si Emerald. I was about to open my mouth when Ivan started kissing Emerald's lips to shut her up.
Para akong biglang naubusan ng lakas.
Sumikip ang dibdib ko. Ang mga halik niya sa babaeng ito ay nauwi sa mainit na laplapan. Kitang-kita ko na may emosyon ang bawat paggalaw ng mga kamay ni Ivan sa mukha ng kasintahan nito.
May parang napunit sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.
Bakit ganoon?
All of those words last night evaporated in an instant. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. He's just my silly bodyguard. Para akong naging bato ng marinig iyon sa bibig ni Ivan Boselli.
Panaginip lang ba lahat ng mga sinabi niya kagabi? Panaginip lang ba ang mga magagadang salitang lumabas sa malalambot niyang labi? Kahit ang mahagkan ko ang mga labing iyon, pawang ilusyon lang ba ang lahat? Panaginip lang ba ang pagpupuyat namin kanina? O baka naman ay napasarap ang tulog kaya ganoon na lamang kaganda ang panaginip ko?
Habang kumakalas sila sa paghahalikan, kusang pumatag ang kilay ni Emerald. She then looked at me and gave me a smile.
Pero, ni matingnan ako ay hindi kaya ni Ivan Boselli. Sa pintuan siya humarap.
Gusto kong lumuhod. I was like playing tag-of-war with my tears. Gusto kong lumuha pero alam kong wala akong karapatang makaramdam ng ganito. Namimilipit ang bawat hibla ng kalamnan ko.
Para akong nalulunod.
My heart started squeezing. May masakit na bahagi nito na lalong kumikirot sa bawat pagtibok. Lalong sumasakit habang pinapanood ko sila.
I wanna grip my heart and pull it out of my chest. That was the only way I could stop the pain.
Gusto kong yakapin ang sarili ko sa mga oras na ito habang marahan silang tumatalikod. Nakatayo lang ako habang isinasandal na ng babae ang ulo niya sa hubad na balikat ni Ivan bago sila magtungo sa pinto.
"Ivan!" Nilakasan ko ang loob ko. Tinawag ko siya bago pa sila makalabas.
Pareho silang napahinto.
Nilingon ako ni Emerald pero hindi nagpatinag si Ivan. Humakbang ulit siya palayo.
"Ivan Boselli!"
Sa pagkakataong ito, hinigpitan ni Ivan ang hawak kay Emerald at mas mabilis silang naglakad.
"Ivan, kapag hindi mo ako nilingon, hindi mo na ako makikita kahit kelan!"
Bigla siyang huminto. Kahit nasa labas na siya ng pinto ramdam ko ang panginginig niya.
Hinintay ko siyang lumingon. God knows, naghintay ako. Bilang ko ang bawat segundo. Gusto kong panindigan niya ang mga sinabi niya kagabi. Lingunin niya lang ako ay sapat na kahit hindi niya ako ipaglaban sa mundo.
But he didn't. Hindi niya ako nilingon.
"Em, tara, let's go back to Manila." He grabbed the door without even looking at me, pushed it, and then shut it closed.
***
Naiwan ako sa kuwarto. Nakabihis na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang kinukusot ang mga mata.
Siguro nga ay guni-guni ko lang ang mga narinig ko mula sa kanya kagabi. Iyong mga napag-usapan namin. Hindi siguro totoo lahat ng iyon.
I started caressing my lips. Sinikap kong alalahanin ang mga bahagi ng balat ko na dinapuan ng mga labi ni Ivan.
Siguro nga, panaginip lang ang lahat.
Minsan ang tao ay humahanap ng mga dahilan para maprotektahan ang sarili nila. Sa mga oras na ito ay humahanap ako ng rason. Ng bakit. Ng kelan pa. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi naman talaga ako mahal ni Ivan Boselli. Hindi niya ako sasaktan nang ganoon kung totoo ang mga sinabi niya sa akin kagabi.
Oo, tama, Yukihero. Nananaginip ka lang kagabi. Kaya hindi niya ako nilingon kanina kasi hindi niya sinabi ang mga iyon sa ilalim ng buwan. Sa harap ng apoy. Sa gilid ng dagat. Sa harapan ko.
Sa pagmumuni-muni ko ay nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Sumakay na si Sir Ivan sa kotse ni Emerald pauwing Maynila. Pinapahatid ka na niya sa akin sa inyo," alok ni Rohan. Pinatuloy ko siya sa kuwarto. Hindi ako makasagot. Nakatitig lang siya sa akin na tila inaaral ang itsura ko. May inabot siyang panyo.
"Para saan 'to?"
"Punasan mo ang mga luha mo."
Napahawak ako sa pisngi ko. My tears were pouring like a faucet. Minsan, siguro, kapag masyadong kinikimkim ang isang bagay, at pinipilit huwag pansinin, nawawalan ng kontrol ang katawan ng tao.
"Naku, Rohan. Okay lang ako."
Hindi ko kinuha ang panyo niya. Tutal panaginip lang naman siguro pati ang mga itinuro sa akin ni Ivan Boselli tungkol sa kondisyon ko kagabi. At baka pati itong si Rohan ay mailang sa akin sa oras na malaman niya kung anong meron ako at pinahiram pa niya ako ng panyo.
I wiped my tears with the back of my hand. Rohan returned his hankie to his pocket.
"Tara, pinapahatid ka na sa akin ni Sir Ivan sa Maynila."
Sumisinghot pa ako bako ako umiling.
"Hindi muna ako didiretso roon." Ramdam kong tuyo na ang ilong at pinsgi ko. "Puwede bang isabay mo ako pero ibaba mo ako sa kalapit bayan?"
May alam akong lugar sa Batangas. Nandoon ang ilan sa mga kakilala ko. I didn't wanna face my little brother when I wasmemotionally unwell. Baka mas lalong hindi ko siya maasikaso.
Pumayag naman si Rohan. Pero may sinaglit lang siya at babalikan daw niya ako matapos ang kalahating oras.
Nagpunta ako sa beach sa likod ng mansyon. The scorching heat of the sun had no effect on my numbing skin. Manhid na ako sa sakit ngayong araw.
"Araw ka lang. Mas mahapdi ang ginawa sa akin kanina ng taong mahal ko," bulong ko.
I wanted to see something before I left this place kaya ako nagpunta sa beach. May gusto akong patunayan sa sarili ko kung totoo nga ba ang mga nagyari kagabi o panaginip lang.
Nasa harapan na ako ng malaking drum, which was supposed to be last night's bonfire. Dumungaw ako sa loob. I started reaching for the ashes.
Kahit isang pilas lamang ng papel na naiwan mula sa mga sinunog niya kahapon, para makumbinsi kong totoo ang mga nangyari sa harapan ng apoy.
Kahit isang ebidensya lang mula sa mga drawing ng mga estudyante, para mapatunayan ko na tapat siya sa mga sinabi niya habang sinisilip kami ng usiserong buwan sa kuwarto magdamag.
Kahit isang pilas lang ng katotohanan mula sa mga sinabi niya habang dumadampi ang maalat na hangin sa mga pisngi namin magdamag.
Marahan akong napaatras. May nahanap akong piraso ng papel. Itinaas ko sa langit. I let the sun shine on it para mas makita ko.
Kilalang-kilala ko na ang mga drawing niya. Minsan na niya akong binilinan ng sketchpad niya.
Guhit niya mismo ng mukha ko ang hawak ko. A piece of paper with burnt edges of my face.
Perhaps this was the universe's way of telling me that everything was real last night. Na totoo ang mga sinabi sa akin ni Ivan Boselli. Na talagang nagtapat siya ng nararamdaman niya para sa isang tulad ko.
But as I slowly held on that piece of paper, mas lalong nanaig ang sakit sa dibdib ko.
Sana hindi ko na lang nahanap 'yong papel.
Sana puro abo na lang ang nakita ko.
Sana ay panaginip na nga lang ang lahat ng sinabi namin sa isa't isa kagabi kasi mas madaling tanggapin iyon. Na hindi niya talaga ako mahal. Na hindi talaga niya ako pinaasa. Na hindi niya ako tinalikuran kaninang umaga.
I let the piece of paper go.
I let the strong wind carry it to the sea. I watched it dance above the waves, slowly vanishing into the blue horizon. Doon sa malayo. Sa kung anumang lugar upang hindi ko na maalala ang mga nangyari sa dalampasigang ito.
***
Nasa passenger seat ako at si Rohan ang nagmamaneho. Tinawagan ko agad si Aling Alice at kinausap ko si Kite na mag-behave dahil bukas pa ako makakauwi. Ayos naman iyon sa kabitbahay ko dahil sanay na siya sa pagbabantay kay Kite.
Napatingin ako sa cell phone ko matapos ko silang tawagan. Binuksan ko ang mga madalas naming conversation ni Ivan. Wala man lang siyang mensahe o missed call ngayon araw na ito.
Napabuntong-hininga na lang ako. I was facing the car window and my breath caused it to smudge.
Marahil ay pampalipas oras niya lang din ako. Iba siguro nga talaga ang gusto niya.
I started squeezing my phone. I could't help but feel mad at myself for this self-pity. Sabi nila, kasalanan daw ang kaawaan mo ang sarili mo. Na kasalanan daw na iparamdam mo sa sarili mo na wala kang kalaban-laban. Isang pagkakamali raw na madali kang sumuko at tanggapin na lang ang kapalaran mo.
Pero, paano naman ang mga taong gaya ko?
Na matagal nang sumusubok pero laging dehado sa buhay?
"Ayos ka lang?" sabi ni Rohan nang mapansin niya sigurong kanina ko pa pinapahamog ang salamin ng sasakyan.
"Oo naman, Rohan. Mukha bang hindi?" Natawa ako kunwari.
"Kanina pa kasi tinatanong pero hindi ka sumasagot."
"Naku, sorry. Iniisip ko lang si Kite. Ano nga ulit iyong tanong mo?"
"Ang sabi ko, nakausap mo ba si Sir Gabriel kaninang umaga?"
"Sir Gabriel? Iyong kuya ni Ivan?"
"Oo. Sumaglit siya kaninang umaga sa manyson doon sa inyo. Kasama ako sa mga naghatid sa kanya. Hindi mo siya napansin?"
"Hindi , e."
Hindi ko na inintindi ang tungkol sa kuya ni Ivan. My head was somewhere else. I was already planning stuff in my head to escape the life of Ivan Boselli.
"Isa pa, Yuki. Sir Ivan will be out of the country for a week. So baka sa mga pinsan ka muna niya mag-report for your job."
Umiling ako. "Actually, baka mag leave din ako. Si Ivan lang naman ang dahilan kung paano ako napasok sa trabahong ito."
"Sigurado ka? Sayang ang sahod mo."
"Oo, ayos lang. Baka bumalik na ako sa dati kong trabaho. Okay din naman ang sahod doon. Tsaka nahihiya na ako kay Ate Jasmine at sa pamilya ni Ivan."
"Sige, just email me your leave letter para ako na ang magsabi kay Ma'am Jasmine."
Ibinaba ako ni Rohan sa sakayan ng tricycle. Isang sakay lang mula roon at papunta sa mga kakilala kong taga Batangas.
"Are you sure you'll be okay?" sigaw sa akin ni Rohan mula sa bintana ng kotse. He was examining the place like he wanted to remember it.
"Oo, ayos lang lang ako. Sige na, mauna ka na."
Iniwan niya ako roon. Lumapit ako sa pila ng tricycle. Nag-aalangan akong sumakay. Gusto ko sanang magbakasyon ng isang linggo at nang mawala sa utak ko ang mga nangyari sa akin. Pero napalunok ako ng laway, walang kakainin ang kapatid ko kung magmumukmok ako sa malayo. Huminga ako nang malalim. Hindi ko inalintana ang usok ng mga tambutso at amoy ng katabi kong basurahan.
Then I made a decision.
Sasayangin ko lang ang natitirang pagmamahal sa puso ko sa tuwing makikita ko si Ivan na kasama si Emerald. Isa pa, wala naman talaga akong karapatang magselos.
When the person we enjoy our present with and look forward to spending our future with turns their back on us, we tend to run back to our past, no matter how dark a place it was.
I knew it was wrong. But I really can't move forward without Ivan Boselli. The only place left for me was that empty shell na pinanggalingan ko. Tumalikod ako sa pila ng tricyle at sinakyan ang pinakaunang bus na pabalik ng Pasay. Sa biyahe ay panay ako kuyakoy. Nag-aalangan ako habang binibilang ang mga posteng aming dinadaanan. Hindi ko sigurado kung tama ba ang babalikan kong buhay.
Hapon na nang makarating ako sa dati kong trabaho. Isa itong tagong bar sa Ermita na may makukulay na poster sa labas.
Dito nagsimula ang lahat.
Dito rin halos nasira ang buhay ko.
Ngunit mas kakayanin ko na ang ganito kesa ang talikuran ulit ako ng taong mahal ko. I'd rather live with it than die every day seeing Ivan with someone else.
"Yuki! Long time, no see!" bati sa akin ni Mama Tess. "Babalik ka na? Nami-miss mo na ba kami?"
Siya ang halos kinalakhan na naming magulang sa trabahong ito kaya Mama na ang tawag namin sa kanya. Mabait naman siya, pero tagapamahala lamang siya at sinusunod niya lamang ang utos ng pinakamay-ari ng ganitong business.
"Opo, kung tatanggapin ninyo ulit ako."
"Ay! May bumalik na ibon," sigaw ng dati kong katrabahong si Luis. Sa aming lahat siya ang pinakamalaki ang katawan na tila pang-construction worker. "Guys, o. Si Yuki!"
"Pare, na-miss ka ng mga kliyente mo, lalo na ni Mr. Alarcon!" bati ni Carlito. He had a sleeve tattoo from his right arm going to his right muscular chest.
"Pakshet, pare. Andito na si Hapon. Mawawalan na naman tayo ng malalaking tip!" biro naman ni Pierre. Nakasalamin ito, may malaking ipin, at sapat lang ang laki ng katawan.
Kinawayan ko ang mga dati kong kaibigan bago nila ako palibutan
"Puwede po bang panandalian lang na trabaho?" tanong ko kay Mama Tess.
"Naku, hindi na puwede. You either sign another contract or hindi ka na puwedeng bumalik."
May inabot sa aking papel si Mama Tess. Hindi ko gaanong mabasa dahil madilim sa loob ng club.
Nakita ko kung paano magtinginan ang mga katrabaho ko. Nakita ko kung paano umiling si Luis. Napakamot naman ng ulo si Carlito at napaalis ng antipara niya si Pierre.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na binasa ang kontrata. Wala naman na akong balak bumalik sa mga So. Ito lang kasi ang alam kong malaking kita kesa sa iba kong side-job.
I grabbed a pen.
I signed my name.
"Welcome back to M.I.C.E.S., Yuki!" halakhak ni Mama Tess bago ako inabutan ng karaniwan naming isinusuot sa ganitong trabaho.
I went back to the contract. Nakita ko ang pangalan ng propesyong ito.
"Men In Corset Escort Service"
Nagpunta ako sa locker room. Kumuha ako ng tight pants, at isinuot ko ang panglalaking corset vest na binigay ni Mama Tess. Pumunta ako sa tinatawag naming aquarium. Nakayuko ako dahil naiilang na ako sa ganitong itsura ko. Tinabihan ko si Luis para mas piliin siya ng mga kliyente kesa sakin.
Ito ang trabaho ko dati. Bayaran akong lalaki. Dito ko nakuha ang kondisyon ko.
Nakatulala lang ako sa kawalan habang tinitingnan ng mga kliyente sa labas ng aquarium.
Ayos na 'to. Kesa madurog ulit ang puso ko tuwing tatalikuran ako ng isang Ivan Boselli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top