Chapter 22: His Lips
IVAN
I was waiting for him to kiss me at the bonfire. But his lips were elusive. Sa tuwing nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya, mabilis siyang lumilingon sa dagat.
I was not ashamed. I was asexual. Mahal ko si Yuki at hindi iyon dahil sa tawag ng laman o dahil sa itsura niya. Mahal ko siya dahil mabuti siyang tao. As the fire conflagrated behind us, as the water filled the entire sea, and as the fine earth embraced our feet, I let the air witness this special moment and let the stars hear the thing that I was about to say...
"I wanna kiss you, Yukihero."
His pupils dilated. His skin color started to have more ember than the flame. I saw again the fire reflected on his bashful eyes. I saw him gulp. His lips made a straight line. Kitang-kita ko kung paano niya binasa ang mga iyon.
There were a few seconds of motionlessness. Marahan kong tinungkuran ang mga kamay ko para mas lalong makalapit sa kanya.
But he was very still. I imagined that there was a transparent wall between us. Huminto ako sa paggalaw dahil sa isip ko, narating ko na ang bahagi ko ng pader na iyon. I did not want to cross my boundaries. Alam kong ito rin ang iniisip niya.
But at that moment, kung sinubukan niya lang lumapit sa bahagi niya ng pader, I would have jumped my entire body to his side of the wall.
Still, Yuki did not move. He was just looking at me. It was as if he was holding his tears. The water in his eyes made the light from the flame shine brighter. He looked up to the stars.
"So, kelan ang kasal mo?" The way he said it was so civil. Tila para siyang news reporter nang tanungin niya ako nang ganoon.
I felt my arms shake. Napahakot ang mga kamay ko ng buhangin—mga walang labang buhangin na sinisimulang panggigilan ng mga daliri ko.
"Bukas na kung gusto mo. Excited ka naman ata masyado," nabuburyo kong sagot. Ibinalik ko ang buhangin sa dapat nitong kalagyan. Mabilis akong tumayo. Inihagis ko sa kanya ang polo niya. "Ayan na ang polo mo, baka ma-late ka pa sa interview mo. Namoka!"
"Interview?"
Hindi ko na siya pinansin. Pinulot ko ang mga hinubad kong uniform at dumiretso sa mansyon. He followed me afterwards.
I was only wearing my shorts. Pareho kaming pumasok sa mansyong walang ibang tao.
"Nasaan ang CR ninyo?"
"Sa kuwarto ko sa taas."
"E, 'yong ibang banyo?"
"Naka-lock kasi ang ibang room. Wala kasi akong pasabi na uuwi ako at nakabakasyon ang mga caretaker ng mansyon. Ang banyo ko lang sa taas ang may tubig."
"Sige, sa labas na lang ako iihi."
"Bakit sa labas pa?"
"Basta."
Then it hit me. May bigla akong naalala. Iyong conference na dinaluhan ko. Mabilis ko siyang hinabol bago pa siya makapunta sa pinto.
"Yuki, sino ang gumaganito sa 'yo?"
"Anong gumaganito?"
"Sino ang nagsasabi sa 'yong hindi ka puwedeng gumamit ng banyo ng ibang tao?"
Hindi niya ako sinagot. Mukhang tama nga ang hinala ko. Kagaya ito ng diskriminasyon na naranasan niya sa gym.
Pumunta ako sa likod niya. Kahit malaki siyang tao, pinilit ko siyang itinulak pataas ng hagdan. "Doon ka sa taas magbanyo, mag-uusap tayo pagkatapos mo."
"Hindi puwede!"
"Anong hindi puwede? Magwawala ako rito, sige!"
Ilang segundo siyang nag-isip. Nilisikan ko siya ng mata. Parang bata siyang sumunod paakyat sa kuwarto ko at gumamit ng banyo. I quietly followed him and waited for him in my bed.
I heard him flush.
Then I heard him scrub something in the toilet.
Napabuntong-hininga ako. "You don't have to scrub it, Yuki!"
The sound stopped. I heard him wash his hands bago siya marahang lumabas. Nakapagpalit na rin ako ng damit nang datnan niya.
"Halika rito. Umupo ka sa tabi ko."
He did, pero para kaming naka two seats apart during a final exam. Hindi na ako nakipagtalo. Ako na ang kusang lumapit. I think now was the best time to lecture him about the things I learned in that seminar.
"Alam mo ba kung bakit ako biglang nawala when I went viral after kitang tulungan sa sayaw mo noon?"
Napahawak siya sa kobrekama. He squeezed the bedsheet. "Dahil, you have to save yourself from the media and paparazzi?"
"No." Umurong ako ng puwesto. Halos magkadikit na kami.
"Then why?"
"That's also the day you told me that you have HIV, Yuki."
"You left me because of that?" He sheepishly looked at me. My genuine smile was waiting for him.
"Hindi rin. I told you before that I needed more time, right?"
"Oo." Napayuko siyang bigla.
"I spent an entire week learning about HIV. Marami akong inaral, Yukihero. I want to be fully knowledgeable the next time I stand by your side and protect you from the world."
He almost snapped his head noong lingunin niya ulit ako. Nagtubig ang mga mata niya. His mouth was almost open. Umayos ako ng puwesto. Nag-Indian seat ako sa kama at humarap sa kanya. Hinatak ko ang kamay niya para gayahin niya ang upo ko.
"It's a very complicated topic, Yuki. Napakaraming misconception. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon mag-isip ang ibang tao para sa mga taong may HIV. Someday, isasama kita sa conference na pinunthan ko. There's a good speaker there, si Miss Gloria. Pero sa ngayon ito lang ang masasabi ko." I reached out for his face. I held his cheeks para sa akin lahat ng atensyon niya. "There is not enough study to confirm that HIV can be transferred through sweat and urine. HIV cannot survive in them."
He had a blank reaction.
"But most people don't think that way, Ivan."
"I don't care what most people think. I care about facts. And I will always stand with science and evidence-based-research that promotes kindness, compassion, and humanity. Madaling maging basher, Yuki. Pero mahirap magpakato. Most of the time, those who have a lot to say have only researched one side of a story, or sometimes, nakiki-bash lang, which is much worse."
He was quiet. Nakatitig lang siya sa akin.
"Na-gets mo ba ang mga sinabi ko?"
"I'm still absorbing them, Ivan."
Sapat na iyon para ngitian ko siya. "Sige na, matulog na tayo."
Marahan siyang tumayo, akmang lalabas ng kuwarto.
"Saan ka pupunta?"
"Sa sala. Matutulog."
"May multo d'on." Masyado na kasi siyang seryoso. Biniro ko siya para maiba naman ang timpla.
"Ito naman, ginawa pa akong bata."
"Azukawa," I hissed, making it sound silly. He paused. I saw him smile a little, finally. "May mumu 'don!"
"Walang mumu!" Ganito kami maglambingan minsan.
"Mewon!"
"Wawa nga!" He kept on smiling. I liked it more when he smiled. Genuine smile hindi 'yong pagpapangap niyang happy-go-lucky sa classroom.
Hinagisan ko siya ng unan na mabilis niyang sinalo. Tumayo ako sa kama at kinuha ang kumot at isa ko pang unan.
"Saan ka rin pupunta?" Nakatayo pa rin si Yuki sa pinto.
"Hindi na ko makikipagtalo sa 'yo. Susundan kita kung saan mo gustong matulog."
"Pambihira ka naman, o, Ivan!" Napakamot na lang siya ng ulo.
"So, ano? Maghahabulan ba tayo sa buong bahay the whole night?"
Marahan siyang pumunta sa malaki kong aparador. Tila may hinahanap siyang kung ano.
"Walang extrang sapin diyan, Yuki."
Para siyang batang nalugi sa laro. Unti-unti ko na siyang nakikilala sa tagal na lagi kaming magkasama. Nilingon niya ako habang nakasimangot.
"Napakalaki ng kama ko. Kasyang-kasya tayo."
Nauna akong humiga . Inayos ko ang aking puwesto habang inuunanan ko pa ang aking mga braso. I pointed to the empty space beside me gamit ang nguso ko.
"Badtrip talaga," bulalas na lang niya. Marahan niya akong tinabihan.
Nakatihaya siyang matulog, just like how he always did in his house.
"Is it okay if I turn off the lights?" tanong ko.
"Okay lang."
Medyo maliwanag sa labas dahil na rin sa bilog ang buwan. Sa bahagi niya ng kama ay nagliliwanag ang labas dahil nandoon ang bintana. In the darkness, I was just watching him as he tried his hardest to sleep.
"Ivan, hindi ako makakatulog niyan kung madamag mo akong tititigan," he said with his eyes still closed.
May mahinang tawang lumabas sa bibig ko. "Ikaw nga, lagi mo rin akong tinititigan bago ka matulog sa bahay ninyo," ganti ko.
Mabilis siyang napamulat. Hinarap niya akong bigla. "Ha? Imposible 'yon. Lagi kang sa sahig natutulog. Paano kita tititigan?"
"Silly, Yuki." Pinisil ko ang ilong niya. Then I let go. Ako naman ang humarap sa kisame. "I know you have some pictures of me na nakatago sa ilalim ng kutson ni Kite sa double deck ninyo."
Agad siyang napaupo. "How did you know?"
"Noong akala mo tulog na ko, nakita kong kinakalikot mo iyon habang alas tres ng madaling araw."
Humiga siya ulit at itinakip ang unan sa mukha niya. Nagtititili siya sa likod ng unan. Nang matapos na siya sa kahihiyan niya, sinilip na niya ako.
"Hi," malambing kong bigkas. Nakatagilid na ako, habang nakaharap sa kanya. "Bakit hindi mo titigan ang totoong tao, hindi lang puro drawing ng mukha ko, Yukihero?"
Nagtago siya ulit sa unan. Nagsisigaw ulit siya sa likod. Hinablot ko bigla sa kanya ang unan. Napatikom siya ng bibig.
I moved closer to Yuki.
"Aside from urine and sweat, you know where else HIV cannot be transferred through?"
Madilim, but I heard him swallow that lump of doubt in his throat. Nilapit ko lalo ang mukha ko. I could feel every breath that passed through his nostrils.
"A-ano p-pa?" Sobrang hina ng boses ni Yuki. Nauutal pa.
"It cannot be transferred through kissing, Yukihero," I said slowly, making sure that every syllable was loud and clear.
At that moment, I prayed that Yuki would reach for my face. Kahit haplusin lang ni Yuki ang mga labi ko, masaya na ako. I felt a warm air come closer to my skin. Akala ko ay ang hangin iyon mula sa labas ng bintana.
But it was Yuki.
Kasabay ng tunog mga alon sa labas ay ang pagdampi ng palad ni Yukihero Azukawa sa pisngi ko. His hand moved to the back of my head. He pulled my head closer. He was very gentle. Rinig ko ang sabay na pagtibok ng mga puso namin.
The banging in our chests covered the sound of the ocean. It was followed by a deafening silence. Then I heard the most beautiful sound when his soft lips started brushing against mine.
Kissing him felt like eating ripe mangoes. Kasing tamis at lambot ng bunga ng mangga ang mga labi niya. Then he hugged me. I also embraced him tight. Being in his arms felt like falling asleep under the mango tree. Napakaaliwalas niyang kayakap. Ganito sana kami palagi. I will always feel at home in the arms of Yukihero Azukawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top