Chapter 2: The Exhibitionist and the Racist
IVAN
The hand is always the hardest to draw. It's so complicated. Any deviation in the angle of the finger can totally change the meaning of the entire hand. Also, unlike any part of the body, the hands have been known to be a symbol of communication. Kung nakataas ang hintuturo at hinlalato, it would be making a peace sign. Kapag hinlalato lang ang nakataas, it's instigating a fight.
"Naliligaw ka na naman sa mundo mo?" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Yuki sa harapan ko.
"Anong ginagawa mo rito, Exhibitionist?"
"I'll pretend I didn't hear that." Yuki rolled his eyes. He looks silly. Nakasuot siya ng male corset vest. Walang siyang inner shirt. "Bigyan mo 'ko dalawang tequila, saka isang espresso martini."
Pinagsalubong ko ang mga kilay ko. Itinago ko ang drawing ko sa ilalim ng counter sabay balik sa cabinet ng mga alak at itinimpla ang gusto niya.
"Since when have you been working here in Almasen, Boselli?"
"It's none of your fucking business, Azukawa."
Kahit maingay sa bar, I can hear his distinct laugh. Pinipigilan ko siyang lingunin habang inaabot ko ang bote ng tequila sa bandang taas.
Nakatingkayad na ako pero hindi ko pa rin maabot ang dulo. Kung bakit pa kasi may nakasira noong stepping stool last week. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito.
Naririnig kong gumagalaw si Yuki sa likod ko. "You need help?"
"Kaya ko 'to."
I am now jumping at napapagalaw ko na pababa ang bote. Kakatalon ko, I dragged it so hard that it went flying down, almost hitting my face.
I closed my eyes bago pa ko magka-black eye dahil sa katigasan ng ulo ko.
"Oops!" sabi ng boses ni Yuki na ngayon ay halos nasa mukha ko na. I slowly opened my eyes. Yakap niya ko habang hawak sa itaas ng ulo ko ang bote sinalo niya. "Muntikan na. We don't want your pretty face bruised, do we?"
In the darkness of the Almasen bar, the flashing lights were enough for me to see how white his teeth are. His military brushed, undercut hair enhances his porceleine skin. Sa laki ng ngiti niya, parang nakapikit na ang chinito niyang mga mata.
Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko. "Thanks," naiirita kong tugon sabay bawi sa boteng hawak niya. Napalingon ako sa counter. "How did you get here so fast?"
"Tinalon ko ang lamesa."
So that's where the sound earlier came from.
Ngayon ko lang napansin na mas matangkad siya sa akin ng ilang inches. Lagi kaming magkatabi sa classroom in some of our subjects pero ngayon lang kami nagdikit nang ganito.
"What are you looking at?" he asked then he jumped right back to the other side of the counter.
"Anong height mo?"
"Six-flat. Why?"
I was thinking of my drawing. I'm sizing him up. Siyempre hindi ko pwedeng sabihin iyon sa kanya kaya I thought of something else, "'Di ba, most asians are... you know... short."
"You are so racist."
"No, I'm not. It's a fact. I'm just wondering lang kung bakit ang tangkad mo, Azukawa."
"Inggit ka lang kasi hindi ka nag Star margarine at Milo noong bata ka."
Tanginang 'to. "Hoy, for your information. I'm five-nine. Decent size for a half Italian like me."
Kinuha niya ang alak na inihanda ko. He took one sip at the martini then gave me a funny look.
"Racist," he said again.
"Hindi ako racist."
"Racist ka, Boselli."
"Unggoy. Kung racist ako, sinabi ko na sanang maliit 'yang ano mo."
Nasamid siya sa iniinom niya. Naaligaga si gago, "You've seen it? When? How?"
"Huwag ka ngang OA." I was honestly thinking of how to draw his man part para mabigay ko na kay Andi. "I've never seen it, nakita ko lang sa drawing ng iba kong classmate."
"And is it too big for a Japanese?"
"I dunno. Doon ka nga! Iniistorbo mo ang trabaho ko."
Inilapag niya ang iniinom niya. "My girls can wait. I like it here, you're more fun to talk to."
Hindi ko siya pinansin. He really grabbed a table stool at umupo sa harapan ko.
"Come one Boselli, am I too big for a Japanese size?"
Napapikit ako. I looked down at my drawing behind the counter sabay hinga nang malalim.
"Hindi ko alam, Mr. A-zu-ka-wa."
"What do you mean you don't know? Haven't you watched any Japanese Porn?"
Actually I have. And hindi naman kami ganoong ka-close ng unggoy na 'to for me to share it.
"Birhen ka pa ata—"
"Nakapanood na 'ko," bulalas ko just to shut him up.
"Then how come you don't know the size."
"Kasi." I gulped.
"Kasi ano?"
"They're all pixelated."
I swear, sobrang lakas ng naging tawa ni unggoy. Napatingin na sa kanya halos ang mga sumasayw sa gitna. Pati ang DJ ay medyo hinanaan ang music dahil sa nagtatampisaw na siya sa harapan ko.
"Oh, God. Pixelated," hinihikang saad ni Yuki. "Grabe, I've never laughed like this in a long time."
"Tapos ka na? Pwede mo na akong tantanan?"
Pinupunasan na nya ang luha mula sa katatawa. "Tara sa banyo."
"Unggoy, anong gagawin ko roon?"
"Ipapakita ko sa'yo."
"Tarantadong 'to."
"Ayaw mo ba ng reference para sa pinapagawa ni Andi sa'yo?"
"You know? How the fuck did you know?"
"Dami mong tanong," maangas niyang tugon. Tumalon ulit siya papunta sa puwesto ko. "Tara na."
"Nakita ko na nga 'yan sa mga drawing."
"And how was it?"
"Average size."
"Excuse me? That's an insult to my good freaking genes, Boselli."
"It's a compliment. Bumalik ka na sa mga chicks mo and leave me in peace."
He was quiet for a few seconds. He was just staring at me. May kakaiba sa mga titig niya.
"Fine." Mukhang napagod na rin siya sa pakikipagtalo sa akin. "But just so you know—" Kala ko sumuko na siya. Hindi pa pala siya tapos. He's holding the tequila in his right hand and his martini in the other. "Some artist might see it as small when I pose for them pero kapag sa'yo, lalaki 'to."
"What the hell does that even mean, unggoy?"
He just sipped at his martini sabay talikod. Tumatawa siyang naglakad palayo.
I followed him with my eyes as he bumped shoulders with his peers, one table to another. Umakyat siya sa VIP room na may veranda overseeing the bar and dance floor. Umiiling ako habang pinapanood siyang halikan ng dalawang babae habang sumasayaw. Even one of the girls was kissing his chest and unbottoning the rest of it. The other girl behind him pulled it away making him totally topless up there.
"Exhibitionist," bulong ko while raising my middle finger at him.
"Sinong pinapakyu mo?" Sa sobrang sabaw ko, hindi ko napansin na katabi ko na pala si Sir Rollo. He's a middle aged man na kulay puti na ang buhok pero batak pa rin ang katawan. Also, he's my boss and the owner of Almasen Bar.
"Ah, wala po, Sir, pasensya na."
He started tapping my shoulder. "Ivan, if anyone is bothering you, just let me know at ipapakaladkad ko sa bouncers. But never raise your finger at someone at baka iba ang makakita sa'yo, akalain pa nila para sa kanila 'yan. Mapag-initan ka pa."
"Opo, Sir. Pasensya na po," aniko bago ako iwan ng boss ko.
Napatingin ako sa taas at Yuki who is now just wearing just his Calvin Klein trunks.
"Putanginamo talaga, Yukihero Azukawa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top