Chapter 17: The Bodyguard

YUKI

"Why do you have to transfer schools?" paulit-ulit na tanong ko simula nang dalhin niya ako sa kanyang condo.

Hindi ako pinapansin ni Ivan. I was drying my hair. He let me borrow his biggest yellow hoodie and pants after taking a shower.

"Are you hungry?" tanong ni Ivan. He took off his green coat. He was only wearing his long white sleeves and green slacks. May suot siyang brown na apron na may nakasabit na mini frog stuffed toy sa bandang dibdib.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Boselli." That's right, last name basis. I know how much he hates that. Sumandal ako sa kitchen counter while folding my arms. May nakapila pa akong banat sa kanya sa oras na hindi niya ako sagutin nang maayos.

"Sorry, alam mo namang hindi ako marunong magluto, Yuki." Tangina, first name basis pa rin ang gamit ni loko. Hindi niya ako pinapatulan. He grabbed some onions, then pulled out a knife from the drawer. "Is Omelet okay, Yukihero?"

Halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa inis. I was biting my lips dahil kanina pa niya iniiwasan ang tanong ko. "Sagutin mo ang tanong ko. Why.do.you.have.to.transfer—"

Natigilan ako nang makita ko na baliktad ang pagkakahawak niya ng kutsilyo. Nasa taas ang talim nito habang sinusubukan niyang hiwain ang sibuyas.

"H-hoy!" Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ivan. "Bitawan mo ang kutsilyo."

"But I wanna cook—"

"I said, bitaw."

He let go.

Kinuha ko ang mga kamay niya. Kinandado ko sa mga palad ko. "Tell me, Ivan, why do you have to transfer?"

"Why do you want to know?"

"Because hindi ko matatanggap na ako ang dahilan!"

"No, you're not the reason."

"Then, why?"

Mabilis kaming nakarinig ng katok sa pinto.

Aligaga akong hinila ni Ivan papunta balcony ng kanyang unit.

"Stay there!"

Isinarado niya ang salamin ng balcony. Dahil basa pa ang aking buhok, mabilis akong nilamig nang umihip ang malakas na hangin sa 30'th floor. Isinarado ni Ivan ang kurtina mula sa loob. Gumilid ako sa balcony, nakadikit ang tenga ko sa glass door, habang inuusisa ang mga nangyayari sa loob.

"Where is she?" sigaw ng isang babaeng pumasok.

She?

Nasa loob na ang isang babaeng may slit sa kanyang long red gown. Halos mabasag na ang salamin dahil sa lakas ng boses niya. Naka puson ang kanyang buhok at may chopstick pa na nakatusok. "Where is she, Ivan?"

"Wala siya rito. Umuwi na nga kayo!" Pinipigilan ni Ivan ang babaeng nakapula. Kasunod namang pumasok ang isang babaeng naka silver at may mga dangling earrings pa.

"Camille, I'll check his room. Go scan the bathroom!" sigaw ng pangalawang babae.

"Wala nga siya rito, Ate Jasmine!" rinig kong sigaw ni Ivan. Panay pa ang dabog ng kanyang mga paa na tila naiinis sa mga bisita niya.

"No one is here, ate!" bulyaw noong Camille.

"Baka nasa ilalim ng sink!" sigaw ng Jasmine.

As if I'd fit in there.

Nang wala silang makita roon ay sabay silang lumapit kay Ivan. Pinapanood ko sila sa labas. Mukha silang masusungit. Tila letrang M sa kanilang noo ang maninipis nilang kilay. They were looking in my direction. Nang magtama ang mga tingin namin ay mabilis akong yumuko.

"Aha!" rinig kong sigaw nila pareho.

"No, cuzs, please!"

Sinilip ko sila ulit. Ivan was trying his best to hold the two girls. Malaki ang katawan ni Ivan Boselli. Hindi naman nalalayo sa akin. His strength was enough to stop the ladies from getting near me.

"Ivan! What has gotten into you?"

"Oo nga! Iniwan mo si Emerald doon!"

"Haven't you been pursuing Andi's cousin for a long time now?"

Nakayuko lang si Ivan. Wala siyang reaksyon.

"He did, ate," sabi noong Camille. "But I guess he found someone else in Eastampton."

"Oh. And right before your Kuya Gabriel fixed it all for you." Sinimulang pingutin noong Jasmine ang tenga ni Ivan.

"Aray, aray! Ate."

"Matapos gawin ng kuya mo ang lahat to set you up with your crush, may babae ka na agad?"

"Aw! Aw! Aw!"

Jasmine let Ivan's ear go.

Ivan was holding his ear. Medyo namumula na ito dahil sa kutis niya. When the two girls saw Ivan was busy holding his ear ay agad silang tumakbong dalawa papunta sa salamin ng balcony.

But Ivan immediately ran at hinarangan sila before they could even touch the glass door.

"Teka, mga ate, please! Ibigay no niya sa akin 'to."

"Anong pinagsasabi mo? They already announced your engagement on television. Magagalit ang papa mo. Tsaka pinuputakte na kayo ng mga news reporters ngayon pang kilala ka na sa publiko. You will not be able to take over the corporation and propose your plans kapag naging eskandalo 'to. Bakit ba—"

"I love him."

Natigilan ang dalawang babae sa sinabi ni Ivan.

Tila tumigil naman sa pag-ikot ang mundo ko.

"Him?" sabay na tanong noong dalawa.

"Yes. Him. I really, really love him."

Hindi ko na maramdaman ang malamig na hangin sa 30'th floor. My wet hair suddenly became dry because of the heat that burst from my cheeks. Napaupo akong bigla. Mabilis kong niyakap ang aking mga tuhod. Tila nabingi ako nang paulit-ulit na saibihin iyon ni Ivan. Umi-echo sa tenga ko papunta sa himpapawid. Mas malakas pa sa hanging habagat na dala ng katatapos lang na ulan.

Ilang minuto ako sa ganoong posisyon. I was lost in my thoughts. Nakaupo ako sa simento. Niyayakap ko ang mga tuhod ko. Pinipilit kong itago ang pamumula ng pisngi ko. I was quiet for a few minutes.

Then I heard the glass door open.

"Yuki, it's okay. You can come out now. My cousins want to talk to you."

Nakayuko na sa akin si Ivan. Naka-extend ang kamay niya. He helped me get up. Pagpasok ko sa loob ay nakaupo na sa dalawang magkahiwalay na sofa ang mga pinsan niya.

"Please remove your hoodie," said Jasmine.

Marahan kong inalis ang taklob ko. I slowly raised my head. I saw how the girls' eyes grew bigger.

"Kaya naman pala, Ate!" halakhak noong Camille. "Ang guwapo."

"Ivan, since when are you—"

"Gay?" Ivan said, sounding sarcastic.

Nakahalukipkip siya habang nakatalikod sa harap ko. Saglit niya akong tinignan. Nginitian niya ako bago muling bumalik sa mga kausap niya. He pointed his thumb towards me.

"I'm only gay for him."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mukha akong basang sisiw na nahihiya sa magaganda nilang porma. Worse, Ivan's words made me shiver more.

"What's your name?" tanong noong Jasmine.

"His name is Yukihero."

"Can't he speak for himself, Ivan?"

"No one gets to ask him questions in my place except for me."

"You do realize that this will be a big scandal, right, second son of Dante So?"

"I don't care."

"Your father will be so mad at you when he finds out about this."

"I don't care."

"He will even take you back to Italy once he finds out."

"I don't fucking —"

"I care," singit ko sa sinasabi ni Ivan. Natigilan silang tatlo. Napaharap sa akin ang mga pinsan niya. Pinipigilan ko ang susunod kong sasabihin.

I knew this would break Ivan's heart. But seeing him getting dragged by my name would pulverize my soul.

"Hindi ko po gusto ang pinsan ninyo. Siya lang ang may gusto sa akin."

Napataas ang kilay ng mga pinsan niya.

Hindi ko magawang tingnan si Ivan, but I could see from my peripheral vision na nanlilisik ang mga mata niya sa akin at namumugto ang mga ito dahil sa sinabi ko.

I ran to the bathroom. Kinuha ko ang pinaghubadan ko. In my back pocket are the documents from Kite's school.

Bumalik ako kay Ivan at inilatag sa lamesa sa gitna nilang tatlo ang brown envelope.

"Here are Kite's transfer records," I said habang hindi ko pa rin magawang titigan si Ivan. "I will pull him out of your expensive school at ililipat ko siya sa public school. Ako na ang magpapaaral sa kanya."

I saw a smile grow on Jasmine's face. "Ivan, did you help his brother?"

"Yes," ako na ang sumagot.

"You like this guy this much?" tanong ulit noong Camille kay Ivan.

Ivan kept quiet. Umiwas naman ako ng tingin.

I could feel Ivan shaking beside me. Napatingin ako sa mga kamao niya.

"Easy, easy!" biglang sabi ni Jasmine. Itinaas niya ang mga kamay niya as if she was surrendering to something. "I think we understand. Ivan, calm down."

"In the fucking history of telling someone to calm down, no one has ever calmed down!" bulalas ni Ivan. Ang sama ng tingin nito sa mga pinsan niya. Pareho silang napatayo. I could feel Ivan suddenly grabbing my hoodie by the neck. "And you—"

Mabilis akong napatingin sa kanya. His hands were shaking. His eyes were darting and I could see them pierce through my soul.

I composed myself. Nilambingan ko lang ang tingin ko sa kanya.

Ivan looked sad whenever he was angry.

Gustong-gusto kong patagin ang magkasalubong niyang kilay. I want to touch his cheeks to tell him it was okay. Pero hindi ako kumilos.

"Ivan," I whispered calmly instead.

He stopped shaking when I said his name. His eyes slowly closed like a flower, preparing for the night. He exhaled. Kusang naghiwalay ang mga kilay niya. I saw how his hands stopped squeezing me. He opened his eyes again habang iniiwasan ang mga titig ko.

He let go of me.

"What do I have to do for you to keep Kite in that school?" mahinahon niyang tanong.

"Stay in Eastampton."

Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko. He stared back at me. Kita ko kung paano siya napalunok ng laway.

"Don't transfer schools," dagdag ko pa. "Promise me we will graduate together."

His face, which was once filled with wrath, suddenly became soft like a cotton ball. He bit his lips. Nakapalobo pa ang mga pisngi niya.

Ivan shook his head. "Pero, hindi na ako puwede doon. Pagkakaguluhan ako ng mga tao dahil alam na nilang anak ako ni Dante So—"

"I think we have a way for it to work," biglang sabi noong Jasmine. She had that kind of surprised look on her face when she saw how Ivan suddenly became calm.

"Ate? Paano kung dumugin siya."

"It's fine, Camille," saway niya sa kapatid niya. Tingnan ulit ako ni Jasmine. "Your name is Yuki, right?"

I nodded my head.

"I saw you working as a maskot habang hinahabol namin kayo kanina," dagdag pa ni Jasmine. "Wanna be the bodyguard of the son of a billionaire? Will you risk your life for Ivan Boselli?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top