Chapter 14: 0302
YUKI
Pinagmamasdan ko lamang si Ivan para sa kanyang magiging reaksyon. Nakatayo siya sa harapan ko na tila pinoproseso ang lahat. I watched as his chest rose and fell. Tanging kaming dalawa lamang sa lugar na iyon. Siya, ako at malamig na hangin na hudyat na paparating na ang gabi. I could see the strands of his beautiful hair dangle on his forehead as the afternoon wind passed by. I loved his eyes. His amber eyes shone like the golden surface of a pond as the sun hid below the horizon.
I guess he was in his own universe again. Wala siyang reaksyon. Nakatulala lang siya sa akin na tila naliligaw na naman siya sa kawalan. Lagi siyang ganito. There were times in class that he would not bother to talk to anyone because he was busy with his own world. Malalim na tao si Ivan Boselli. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya. He would process a thought before opening his mouth, para hindi makasakit ng damdamin ng iba. Sometimes, kung alam niyang wala namang kabuluhan ang lalabas sa kanyang bibig, panananatilihin na lamang niyang nakasarado ito.
Sa mga oras na ito, alam ko...pinipili niyang mabuti ang mga salitang ihahandog niya sa 'kin.
"I should go now, Ivan." Hindi ko na siya hinintay bumalik sa realidad. Hindi ko na siya hinawakan pang muli. Iniwan ko siya sa hardin habang nakatayo at sinusundan lang ako ng tingin.
I went back to school and packed my things. May mga taong nagbubulungan sa paligid ko, habang naglalakad ako patungong gymnasium. Hindi na bago sa akin ang mga bulungan.
I have come to peace with the fact that people love to gossip about things that they think they understood.
Everyone was just a sinner who questions another person's sin.
"Yuki!" It was Andi. She was running towards me from the soccer field. Hawak niya ang ibang gamit ni Ivan. "Have you seen Ivan?"
Tinalikuran ko siya agad. But she kept running past me, hanggang sa harangan niya ang dinadaanan ko.
"You guys are going viral!" She showed me her phone. Students from the gymnasium recorded us on video while we were dancing on the stage.
I walked past her. Hindi naman na bigdeal sa akin ang maging trending. Madalas ko nang nirerecord ang sarili ko para sa iba kong trabaho.
"Yuki, teka lang." Hinahabol pa rin ako ni Andi. "Hindi puwedeng mag-viral si Ivan—"
"Pabalik na si Ivan," saad ko habang naglalakad palayo. Sa mga oras na ito, tila naiwan din sa garden ang utak ko. "Hintayin mo na lang siya riyan."
***
I was back at my house. Nakahiga ako sa lower bed ng double deck namin ni Kite. Kite was busy playing outside. Nakatulala ako sa mga singit-singit ng ilalim ng mga higaan ni Kite. Doon ko iniipit ang mga piraso ng papel ng drawing ko ng mga mukha ni Ivan. My adopted mother taught me how to draw when I was young. At dahil rin sa kanya, ay pinili ko ang kursong gusto ko.
In the small pieces of drawings on top of me were Ivan's beautiful, detailed face. Karamihan sa mga ito ay naka side-lying pose. Mga palihim kong guhit ng mukha niya habang lumalawlaw ang maganda niyang buhok sa maamo niyang mga mata sa classroom.
I would sometimes talk to him in a lively way. Gaya ng mga paraan ng pakikipag-usap ko sa ibang tao sa classroom. But that kind of approach did not seem to work for him.
Isang araw, napagtano ko na hindi ko kailangang magpanggap na masayahin sa harap ni Ivan Boselli.
Hindi ko siya kliyente.
Hindi siya gaya ng mga iba kong classmate na I had to offer my services so I could earn money for my tuition. Oo tama, hindi ganoon si Ivan. So I opened up to him one day after getting punched at Alamasen Bar. I showed him how vulnerable I was. Damn, that was a first. Hindi ko lang inakalang mas pakikisamahan niya ako when I showed him the weak, fragile, sheepish Yuki. The real Yukihero Azukawa.
"Yuki! Yuki! Si Kite!" Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang kalampagin ako ni Aling Alice.
"Ho? Ano pong nangyari?"
"Andoon malapit sa playground, kamuntikan na raw masagasaan!"
Nakasuot lang ako ng boxer shorts at itim na sando. Hindi ako nagdalawang isip na sumugod sa labas upang puntahan ang kapatid ko. Naputikputikan pa ang paa ko kakatakbo. Madaling bumaha sa amin dahil sa mga baradong kanal. Sa sobrang dami ng iniisip ko kanina, hindi ko na naisip si Kite na nasa labas pa pala at anong oras na.
"Kite!" sigaw ko.
Nakita ko ang isang malaking itim na kotse malapit sa playground.
Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko. Kadalasang ay ganito ang mga sasakyan ng mga kliyente ko tuwing gabi.
May ilang mga tao na nakapalibot sa kotse. Mabilis ko silang hinawi hanggang sa mapunta ako sa tapat ng headlight kung saan nakita ko ang isa sa mga tsinelas ni Kite.
Pero wala roon ang kapatid ko.
"Ang kapatid ko!" sigaw ko sa mga taong nag-uusisyoso. "Saang ospital dinala ang kapatid ko?"
Mabilis akong nakatangap ng malakas na batok.
"Umayos ka nga!" bulyaw ni Mang Piping. Nasa likod niya ang mga nakahubad niyang kainuman na palaging nakatambay sa tapat ng bilyaran. "Walang nangyari sa kapatid mo."
"E, sabi po ni Aling Alice, may muntikan nang nasagasaan daw na bata?"
"Wala ba?" Hinihingal na tanong ni Aling Alice na kasunod ko lang. "Sabi nila may bata raw na sumalubong sa kotseng itim."
"Wala, Alice. Ano ka ba?" giit naman ni Mang Paknoy na bantay sa piso net sa kanto. Ako naman ang hinarap niya. "Naku, kausapin mo ang driver ng kotse. Nagkakagulo ang mga tao rito, kala mo ngayon lang nakakita ng lemo."
Hinawi nina Mang Piping at Mang Paknoy ang mga tao. "O! Uwian na. Darating na naman daw bukas ang electric company. 'Yong mga naka-jumper diyan, itigil ninyo na yan!"
Agad-agad silang nawala sa kalsada nang sigawan sila noon ni Mang Piping.
Nakaadar pa rin ang kotse. Lumapit ako sa driver's seat. Sinienyasan ko ang driver na ibaba ang bintana.
"Sir, nasaan po ang kapatid ko?" tanong ko sa driver ng mamahaling sasakyan. "Bata po na maputi, at makapal ang kilay."
Gabing-gabi na pero naka shades pa rin ang driver. May suot siyang parang earphone sa isa niyang tenga na madalas kong makita sa mga bodyguard sa pelikula. He was wearing a black tuxedo with a white necktie.
May niradyo siya sa parang mikropono sa kanyang kuwelyo sabay senyas sa akin. "Doon po sa playground. Nandoon ang kapatid ninyo."
Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko na ang nag-iisang poste ng ilaw sa playground. Sa may swing ay nakita kong iniilawan ng poste ang mukha ng kapatid ko. Hindi siya nakaupo sa swing. Nakatayo siya sa harapan ng duyan habang kausap ang isang lalaki na tila nakaupo sa swing.
Marahan ko silang nilapitan. Kinakamot ko pa ang ulo ko. Kinakabahan ako na baka isa ito sa mga naging kliyente ko at may gusto ulit na ipagawa sa akin.
I was just a few meters away from them nang mapansin ko ang bagong sapatos na suot ni Kite. Hindi ko makita ang kausap niya dahil hindi ito naiilawan ng poste.
But I could see that Kite was so comfortable with him, to the point na pinipisil pa niya ang pisngi ng estranghero.
"Kite, sino ang kausap mo?" tanong ko.
Kite suddenly ran towards me. Mabilis ko siyang binuhat. Itinaas niya ang paa niya. "Kuya Yuki, tingnan mo, bigay ni Kuya Ivan."
Para akong nabuhusan nang malamig na tubig. Marahan kong nilingon ang lalaking nasa duyan. He stepped out of the shadow. Una kong nakita ang leather shoes niya na supistikado ang pagkakagawa. I then noticed his black pants, na may gold keychain design na nakasabit sa isang bulsa. Lumitaw sa liwanag ang suot niyang itim na tuxedo na may mga butones na tila yari sa ginto. Then his unbuttoned shirt inside his tux showed more skin around his neck, na mandalas kong titigan sa class room.
"Ivan?"
He was smiling when he stepped into the light. Naka brush up na ang brown niyang buhok na malayong-malayo sa pawisang itsura nito kanina. His amber eyes were shining, but I could tell that he was about to tell me something na pareho naming hindi gusto.
"Yukihero, I will be transferring schools."
I could feel a lump go down in my throat. Sa pangungusap na binitawan niya, may naramdaman akong sumikip sa dibdib ko.
"Ha? W-why? S-saan? B-bakit?"
"I can't tell you." Marahang napayuko si Ivan.
"Teka lang. May ginawa ba ako?"
"Wala, wala kang ginawa, Yuki. It's just that—"
"Nandidiri ka ba sa akin kaya—"
"No!"
Kadalasan, kapag tinatanong ko sa ibang tao iyon, nag-aalangan silang sumagot. Pero iba si Ivan Boselli. Hindi niya ako pinatapos.
Mabilis siyang napaangat ng ulo. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "It's something about me."
"Sinsabi mo lang 'yan Ivan pero alam ko namang gusto mo lang akong layuan dahil sa kung anong meron ako."
"Yuki, hindi ako ganoon. But I need you to give me more time."
"Pathetic."
Ibinaba ko na si Kite. Sinenyasan ko siya na pumunta muna sa padulasan at umupo kung saan makikita ko siya habang nag-uusap kami nitong... taong mahal—ah, hindi. Hindi ko na siya puwedeng mahalin kasi nga hindi naman niya ako mamahalin din.
"Sabihin mo na lang sa akin Ivan, kung huhusgahan mo rin ako gaya ng iba para hindi na ganoon kasakit!" I was sobbing as I lashed out those words. Kusang kumakawala ang mga luha sa mata ko habang panay ang bulyaw ko sa kanya. "Ang daya-daya mo! Lilipat ka ng school para lang—"
Bigla niya akong nilapitan. Niyakap niya ako nang mahigpit.
Then I felt my blood stop boiling. Naging normal ang paghinga ko. Even the retarded beat of my heart started to form a stable pattern. Mabilis pa rin ang tibok nito, pero hindi na nagwawala.
Sometimes, all we need is a hug. Not lectures. Not words. Not even a miracle to mend a broken soul.
"Give me time, babalik ako sa 'yo pangako," he whispered in my ear. Pinisil niya ako ng yakap before letting me go.
Hindi na niya ako tinignan matapos niya akong yakapin.
Kumawala siya sa katawan ko sabay takbo sa kotseng itim kanina.
I heard their car's engine vanished from the streets.
Ngayon ako naman ang tulala. Lumulutang ang diwa ko sa huling sinabi ni Ivan Boselli. Nakaharap ako sa duyan na inupuan niya. Marahan ko na lang naramdaman ang maliit na kamay ng kapatid ko na hinahawakan ako.
"Kuya Yuki, uwi na tayo?" tawag sa akin ni Kite. Puno ng candy ang mga bulsa niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha. May binubulong siya na hindi ko gaano marinig. "Zero. Three. Zero. Two."
Marahan ko siyang binuhat. Ilang minuto lang ay nasa bahay na kami.
I put Kite to sleep matapos ko siyang paliguan. Maaga akong nakatulog noong gabing iyon. Hindi ako madalas maagang matulog dahil sa dami lagi ng iniisip ko. Pero, hindi ko alam kung anong meron sa araw na ito.
Maybe I was just physically and emotionally exhausted.
Or perhaps there's something in Ivan's last words that makes me feel at ease?
Ngayon na lang...ngayon na lang may yumakap sa akin nang ganoon.
Hindi ko sigurado. But that night, napaniginipan ko siya. Magkatabi kami sa ilalim ng puno ng mangga. He was showing me his sketchpad. He was so smiling while turning the pages. Pero nakatulala lang ako sa kanya dahil wala naman akong makita kundi mga blankong papel.
***
Kinabukasan, nagising ako sa katok sa pinto. Napatingin ako sa relo at malapit na palang mag alas-diyes ng umaga. May delivery guy na may iniaabot sa akin ng malaking balikbayan box.
"Kanino ho galing ito?" usisa ko. Wala pa akong pang-itaas. Pumupusyaw pa ako.
"Ivan Boselli ho, Sir." May inabot siyang sobre. May pinapirmahan siya sa akin at umalis na agad.
Agad kong binuksan ang malaking kahon. Puro school supplies na pang bata. May mga laruan pa na halatang mamahalin at sa mga high-end stores lang mabibili.
Kakahalungkat ko, nagising ko tuloy si Kite.
"Uy! Ang daming toys naman! Totoo nga iyong sinabi ni Kuya Ivan kagabi na marami siyang ibibigay sa akin."
Sinimulan nang halungkatin ni Kite ang mga natangap namin. Medyo nag-aalangan pa ako kung tatangapin ko ang mga ito pero ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ang kapatid ko.
"Zero. Three. Zero. Two." I heard Kite sang the numbers again. Para siyang kumakanta ng nursery rhyme. Hindi ko na lang siya pinansin.
Muli kong naalala ang sobreng inabot sa akin kasama ng kahon. I carefully opened it. It was a letter from Ivan.
Yuki,
Tanggapin mo ang mga 'yan. Huwag na huwag mong ibabalik sa akin. Also, there's a bag there for Kite. Nasa loob ang sketchpad ko. I have some drawings in there na hindi ko ipinapakita sa ibang tao. Pero you will be the only exception, Yukihero Azukawa.
Please wait for me. I won't be long.
-Ivan
Along with the envelope were some school acceptance papers for Kite sa isang private school na malapit dito.
Then, may nahulog na ATM card na kasama ng sulat ni Ivan.
Mabilis itong pinulot ni Kite at iniabot sa akin. I heard him sing again. "Zero. Three. Zero. Two..."
The hell? Was that the pin number?
Mabilis kong binusisi ang mga dokumento at labas ng kahon para mahanap ang contact details ni Ivan. But there was no trace of it.
I need to talk to him. Hindi ko puwedeng basta-bastang tatangapin 'to.
Nilapitan ulit ako ni Kite. There was more to his song, na kinakanta niya habang nakaharap siya sa akin.
"Zero. Three. Zero. Two. Sabi ni Kuya Ivan, kapag binalik mo 'yan, he will hate you too."
That darn Ivan Boselli. Coaxing my brother to take his side!
Napatingin ako sa salamin. Abot-tenga ang ngiti ko. Pinipilit kong pakurbahin pababa ang mga labi ko, pero para silang spring na bakal kung bumalik pataas.
Hinayaan ko na lang si Kite. I sat down on the bed at pinaandar ang maliit naming TV.
It was the news!
The usual news about the So family.
"The younger son of Dante So finally made his first public appearance," sabi ng news anchor.
On the screen. I saw him, cutting the ribbon of one of their newly opened buildings. Parang kailan lang ay kasama ko siya sa bubong. Ngayon ay nasa telebisyon na siya.
The news anchor introduced him on live television. He pointed at a girl beside Ivan. "And this is Emerald Heartfilia, the fiance of Ivan Boselli-So."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top