The Truth

 

Alia’s POV

I was about to sleep when I my phone rings. It’s Lionelle.

“Can we talk?” agad niyang bungad. Ganito kami noon pag gabi, tatawagan niya ako at pagbubuksan ko siya ng gate para makapagkuwentuhan kami. Tinungo ko ang bintana, nasa harap siya ng bahay at nakatingin sa bintana ko.

“Okay!” I waved at him.

Nagpalit ako ng jogging pants at shirt saka bumaba. Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kalsada. Nang makalapit ako, naglabas siya ng panyo at inilatag sa tabi niya.

I smiled. Just like the old times. Naupo ako at niyakap ang tuhod ko, gabi na kasi at medyo malamig na.

“Nag-away kayo ni Clarisse?” I said opening up the conversation.

“Oo, normal lang naman yun.”tipid niyang sagot.

“Ano namang pinag-awayan niyo?” pangungulit ko. He sighed before answering.

“She’s jealous over nothing but I already assured her na siya lang.” saad niya. Napatango naman ako. I remember our picture sa opisina niya.

“Sino namang pinagseselosan niya?” I asked pero tumawa lang siya ng mahina at tumingin sa kawalan.

I guess he’s not going to tell me, I know him enough.

“May kasalanan ka pala sa akin.” I pouted at him.

“Kaya ka ba pumunta sa restau kanina?” Amused siyang napatingin sa akin.

I nodded.

“Ano yung sinabi mo kina mommy at daddy na nagkaboyfriend na ako at inilihim ko sa kanila?” sita ko sa kanya.

“Ah, yun, Eh di ba totoo naman?” he said looking at me.

“What?! Sino?”

“Si Dayvon.” He said nonchalantly.

“Seriously? Si Dayvon? Yung thesis partner ko nung third year college?” I asked with amusement. Lagi kong kasama yun noon pero never namang naging kami although he admitted na may gusto siya sa akin. He transferred on our 4th year dahil nagmigrate na sila sa London.

“Yes, di ba nga nung pumunta siya ng London, you were so broken. Nagpasama ka pa sa akin na magbakasyon sa Baguio para makalimot?”

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Is he serious? Nagpasama lang ako sa kanya nun because I was desperate to have him kaya naisip ko na maaaring tumalab ang alamat ng kambal na strawberry sa aming dalawa.

What a silly idea? I can’t help but laugh nang makabawi ako. Naguguluhan naman siyang napatingin sa akin.

“Oy, hindi ako heartbroken noon ah! At never naging kami ni Dayvon” tanggi ko.

“Anong hindi? Kaya mo nga mas ginustong mag-intern sa Taiwan para makalimot diba?” hayag niya. I looked at him. Gosh! He’s serious.

“Hindi talaga naging kami! I swear.” I tried to suppress my laugh. Ganun pala ang iniisip nila. Well, okay na rin atleast wala siyang hint na siya ang dahilan ng pag-alis ko dati.

“Talaga bang hindi?” he asked seriously. Umiling ako.

“God, I’m so stupid! Pero okay na rin siguro yun.” He  mumbled.

“What do you mean?” naguguluhan kong tanong. He looked at me straight. I waited for him to talk.

“The guy likes you tapos lagi na kayong magkasama. I thought boyfriend mo na siya.” He drew a deep breath.

“So, I started avoiding you.” Dagdag niya.

“He was plainly my thesis partner kaya lagi kaming magkasama because we were working on it.” Those were the times na akala ko lumalayo na siya sa akin. That’s why when I finished our thesis, niyaya ko siyang pumunta ng Baguio para na rin makapaghanap ako ng kambal na strawberry.

“I should have known.” He mumbled.

“What does that mean?” I hissed in between breath.

“Isn’t it obvious? I liked you more than a bestfriend.” He smiled sullenly.

Napamaang ako. Omg!

“Pero okay na rin yun because those were the times I met Clarisse, the girl, I fell in love with after you.”

I was speechless. So kung hindi lang siya nag-assume noon at kinausap ako ng maayos, may chance na naging kami?

Shocks! Wala sanang Clarisse or Taiwan. We would have been happy together. Hindi sana nakapasok sa buhay ko si Dominic.

I shook my head upon remembering Dominic. Iisipin ko pa lang na hindi magiging parte ng buhay ko si Dominic parang masakit na sa dibdib.

“Kung di ba ako naging torpe noon may chance na maging tayo?” tanong niya na nakapagpatigil sa pag-iisip ko.

I looked at him and smiled. I wanna tell him the truth now.

“Honestly, I was always waiting for you. But there came Clarisse. So I decided to go to Taiwan for my internship.”

Napailing siya sa sinabi ko.

“So, Clarisse didn’t get jealous over nothing at all.” Napapailing niyang komento.

“Ha?” puno ng pagtataka akong tumingin sa kanya.

“Pinagseselosan ka niya, kahit noon pang nasa Taiwan ka, she always claim na may something deeper sa ating dalawa other than friendship.”

I was speechless. Ako yung selos na selos noon yun pala ganun din siya sa akin.

A long silence followed.

We stared at the horizon silently.

“Si Dominic? Kayo na?” putol niya sa katahimikan. I nodded and smiled.

“I thought, so!” dagdag komento niya.

“He’s a nice person.” I mumbled.

“Do you love him?”

“I do.” I answered while looking at him.

After Lionelle’s revelations, I finally know that I love Dominic. Kasi sa kabila ng pag-amin niya, wala na yung feeling na gusto kong maging kami pa.

Now, I understand kung bakit sa kabila ng feelings namin ni Lionelle sa isa’t isa ay hindi pinahintulot ng tadhana na maging kami. I was meant for someone.

Kung hindi siguro nangyari iyon. I won’t meet Dominic. I won’t be this happy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top