Strawberry

 

“Are you okay?” he asked nang nasa kotse na kami.

“Yeah…” tipid kong sagot habang nakatanaw sa labas ng bintana.

“If it’s about me liking you. No worries, I’m not rushing you.” Hayag niya. Napatingin naman ako sa kanya.

 “Please, wag mo akong iwasan after this.” He said almost pleading.

“Bakit kita iiwasan?” I asked. What makes him think na iiwasan ko siya simply because inamin niyang gusto niya ako na ako naman ang nagtanong?

“I don’t know maybe I am too fast and you don’t like it.” Mabilis ba siya? Parang hindi naman.

“Just take your time. Know me more. Know me better. Then decide later kung pasado ba ako sa standard mo.” He glanced at me and smiled.

Napatango nalang din ako. Well, for the times na magkasama kami parag unti-unti ko naman na siyang nakikilala. He’s funny and humble. He knows what he wants and decides which is which. Katulad nalang pag lumalabas kami, hindi siya magtatanong kung ano ang gusto ko. He has the power to infer. Surprisingly, wala pa naman siyang ginagawa na nakakaturn-off para sa akin.

“We’re here!” he announces. Nasa tapat na pala kami ng bahay.

“Can we see each other again tomorrow?” he asked nang makababa na kami.

“Okay, I might as well need your help.” Tugon ko naman.

“Sure! Over what?” he asked excitedly. Bumalik naman ang bubbly Dominic na nakilala ko.

“I’m buying a car. Marunong ka bang pumili?” I asked raising my an eyebrow.

“Of course! Lahat naman ng lalaki marunong pumili ng sasakyan.” Mayabang niyang hayag.

“Hindi rin.” Kontra ko. He looked at me puzzled and then smiled.

“Except of course kung wala silang pambili.” He chuckled.

“Loko!” napatawa naman ako at hinampas siya sa braso. Natawa lang din siya sa reaksiyon ko.

“Sige, umalis ka na. See you tomorrow at 10 AM.” Pagtataboy ko. Napatawa naman siya.

Papasok na sana ako nang pigilan niya ako sa kamay. I turned to look at him.

He handed me a basket of strawberries.

“Pasalubong mo.” Saad niya. I looked at it. I sighed. Bigla nalang kasing pumasok sa isip ko ang alamat ng kambal na strawberry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top