Ribbon Cutting

 

Alia’s POV

“By the way, sa Sunday na pala ang opening ng restaurant.” Hayag niya habang kumakain kami. Napatango naman ako.

“We’ll expect you there kasi ikaw ang magcucut ng ribbon.” Saad niya. Napatigil naman ako sa pagkain.

“Bakit ako?” I looked at him puzzled. Napangiti naman siya.

“Mas swerte daw kasi kapag babae.” He chuckled.

“At talagang naniniwala na kayo sa ganyan?”

“Ikaw din naman naniniwala sa suwerte.” Tudyo niya. Hay naku! Naalala ko na naman yung pagpunta namin sa casino. Napaniwala pa niya ako na alam niya ang sikreto para manalo doon.

“Si Clarisse, puwede naman ah.” I looked at him hesitantly.

“Letter A daw dapat ang start ng pangalan para nangunguna.” Tugon niya ulit. Hay naku! For sure ginugoodtime na naman ako ng isang tao, wala namang ganun sa feng shui.

“What did Lionelle say?” I asked.

“Well, he agreed when I suggested you.” Tugon niya. Napatango nalang din ako.

____________

5 P.M. ang start ng ribbon cutting kaya pumuwesto na ako sa harapan. Pinagitnaan ako nina Lionelle at Dominic habang si Clarisse naman ay nasa tabi ni Lionelle. Nandito rin ang ilang relatives ng dalawa at ilan nilang kaibigan.

Pagkatapos ng maigsing seremonya ng inimbitahang pari ay saka ko ginunting ang ribbon kung saan nakakabit ang maliit na palumpon ng bulaklak.

Nakihawak din si Lionelle sa bulaklak at nang tuluyan na itong magunting ay pumalakpak na ang mga tao. Nag-thank you siya sa akin saka humalik sa pisngi ko. Kasabay ng pagflash ng camera ang pamumula din ng aking mukha. Pareho kaming nagkatitigan. Matagal na panahon na kasi nang huli siyang humalik sa pisngi ko.

I heard Dominic faked a cough saka lang ako natauhan. I looked at Clarisse, her expression is formal. Sabagay, kanina ko pa napapansin na mailap siya sa akin. Naiinis ba siya dahil ako ang pinili ng dalawa na magcut ng ribbon?

Ito namang si Lionelle humalik pa kasi sa akin. Normal naman iyon sa amin kaya lang siguro kahit ako ang girlfriend maiinis rin ako. Bahagya akong lumayo sa kanila habang papasok kami ng restaurant at nakasunod sa pari na nagbabasbas.

“Congrats!” bulong ko kay Dominic nang matapos ang blessing. Ngumiti naman siya ng tipid. Shocks nakahalata ba siya na namula ako kanina nung halikan ako sa pisngi ni Lionelle? Kasi naman, minsan ko rin namang naging crush iyon kaya natural lang na pamulahan ako ng mukha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top