Pictures

 

I was surprised nang tumapat ang kotse ni Dominic habang naghihintay ako ng taxi pauwi. It’s been a week since the ribbon cutting. Di siya nagparamdam sa akin ng buong linggo. Now he’s here!

He immediately went out and opened the door for me.

Dinner?” he asked and smiled. Pumasok nalang ako dahil may mga taxi na nakasunod sa kotse niya para kumuha ng mga pasahero.

Isang linggo kang nawala, ah!” komento ko para magbukas ng usapan. Napangiti naman siya.

“Bakit na-miss mo ako?” he teased. I smirked at him but never said anything. Hindi na rin naman siya umimik.

We stopped at their restaurant.

“Nagtitipid ka?” biro ko nang papasok na kami.

“Patronize your own!” saad naman niya saka natatawang iginiya ako sa isang table for two.

The restaurant is oriental inspired. Gray, white and brown ang dominant colors that make it look elegant and classy. May mga palms din sa mga gilid at ang bawat mesa ay may small sized potted green plants na nakapatong sa mga bamboo mats.

May mga bamboo lamp shades din na nakahang strategically to make the ambiance more relaxing. Idagdag pa ang soft music na pumapailanlang sa ere.

“Nice place!” I said nang makaupo ako.

“Ganito rin naman nung opening, di mo napansin?” he smiled. Shocks! Masyado yata akong preoccupied noon kaya ngayon ko lang na-appreciate ito.

“Well, I don’t believe in love at first sight.” Biro ko. Na-gets naman ata niya dahil tumawa rin siya ng mahina bago sinenyasan ang waiter. Agad naman itong lumapit at nagserve ng wine.

Tahimik lang kaming kumain habang panaka-nakang nagkukuwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Umuwi pala siya ng Baguio para icheck ang hotel nila kaya halos isang linggo siyang di nagpakita.

“Can you wait for a while, may kukunin lang ako sa office ko na documents?” he asked nang matapos kaming kumain ng dessert. May tig-isa silang maliit na office ni Lionelle dito sa restaurant, nakita ko nung blessing at opening nila.

“Puwedeng sumama?” tanong ko. Napatitig naman siya pero umoo rin. Magkasunod kaming pumasok sa office niya. Dumiretso naman siya sa table niya.

I was momentarily stunned nang mapansin ang nakaframe na picture namin noong opening nila sa may wall ng office niya. Kuha iyon ng official photographer nila. We are both happily smiling on the picture. If I’m not mistaken kuha iyon bago mag-umpisa ang blessing ceremony.

“Do you like it?” he asked.

“Yeah! Do you like me?” Pati ako ay napakurap sa tanong ko. Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig ko?

“Well, very much, obviously!” He chuckled.

Shocks! Napapansin ko naman na parang may gusto siya sa akin noon pa pero iba pa rin pala ang feeling pag harap-harapan niyang aaminin. I suddenly feel awkward.

“Let’s go!” aya ko at nauna nang lumabas ng office niya. I didn’t dare see his reaction. Bigla nalang kasi akong nahiya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top