Nakain ko na!

 

 

Alia’s POV

Pumunta ako sa swimming pool ng hotel.

Nalulungkot ako.

Si Lionelle malamang, masayang-masaya na sa girlfriend niya.

Umupo ako sa gilid ng pool at malungkot na pinaglaruan ang tubig gamit ang paa ko.

Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang maramdamang di ako nag-iisa. Pag-angat ng tingin ko, may lalaki ring nakaupo sa kabilang bahagi ng pool. Ngumiti ito.

“Hi!” bati niya at itinaas pa ang kamay. Ang presko!

Di nalang ako sumagot kahit sobrang guwapo niya. I don’t talk to strangers.

Ibinaba ko nalang ulit ang tingin ko sa tubig at di na siya tinapunan ng tingin.

“Ayy!!” napahiyaw ako nang maramdaman ang lamig ng tubig sa sumaboy sa mukha ko. Pagtingin ko, nakalapit na pala yung lalaki sa kabilang pool at tumatawa pa matapos akong sabuyan.

“Bastos!” bulyaw ko. Tumawa ang ito.

“Di ka kasi marunong mag-hello!” saad niya pero nakatawa pa rin.

“I don’t talk to strangers!” inis kong saad.

“Well, then let me introduce myself so I will no longer be a stranger. I’m Dominic!” cool na cool niyang hayag. Mas lalo naman akong nainis at inirapan siya. Amused naman itong napatingin sa akin.

“What’s your name?” tanong niya nang di ako nagsalita.

“Wala kang pakialam!” inis kong tugon. Di ko alam pero naiinis ako, ang yabang kasi ng dating niya.

“Ang sungit mo naman!” komento niya at umupo na sa gilid ng pool malapit sa akin.

Tatayo na sana ako ng muli itong nagsalita.

“Dahil pa rin ba ito sa strawberry kaya ka naiinis?” seryoso niyang tanong.

I looked at him in disbelief.

Paano niya nalaman ang tungkol sa strawberry?

Isa ba siya sa mga costumers kanina sa restaurant?

Nakakahiya!

“Gusto mo palitan ko nalang ng isang basket? Bibili ako bukas.” Saad niya.

Napakunot-noo ako.

Nang-iinis ba siya?

Di nalang ako umimik.

“Sorry, di ko naman kasi puwedeng iluwa dahil nakain ko na.” saad niya.

Napamaang ako.

Dominic’s POV

Kausap ko si dad sa phone kaya pumunta ako sa tahimik na lugar at natunton ko ang daan papunta sa pool.

Babalik na sana ako nang mahagip ng tingin ko ang babae kanina sa restaurant na halos maghysterical na dahil nawala ang strawberry niya sa plate.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina.

Nadaanan ko kasi iyon kanina sa table niya at agad na dinampot at kinain.

Para kasing nang-aakit yung strawberry na kainin ko. Mabilis akong bumalik sa mini-office ng restaurant. I just started to manage our hotel after graduation last month.

Papasok na sana ako sa office nang marinig ko ang malakas na boses ng babae.

“Waaah! Nasaan yung strawberry ko??!”

Bumalik ako at sinilip siya. Galit itong nagtatanong sa lahat kung nakita nila ang kumuha. Agad ko namang sinenyasan ang mga waitresses na manahimik.

Muntik pa akong mapahamak dahil napansin niya ang mga ito na tumatawa.

Tss! Para strawberry lang!

Kung gusto niya tabunan ko pa siya ng gabundok na strawberry eh!

“Sorry, di ko naman kasi puwedeng iluwa dahil nakain ko na.” saad ko nalang.

Napamaang siya.

She’s really amusing.

Medyo weird pero di naman siya mukhang baliw. In fact, she looks intelligent and she is really beautiful.

Konti nalang mai-inlove na ako sa kanya. Ano kayang pangalan niya? That I’ll have to know.

_________________End of One-Shot Story__________________

 

[A/N: Thank you for reading! Don’t hesitate to leave a comment!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top