Mommy
Alia’s POV
I saw Lionelle’s car na dumating nang paalis na si Dominic. Bumusina pa sila sa isa’t-isa nang magkatapat sila.
I waited for him to come out from his car nung nasa loob na siya ng bakuran nila. Magha-hi lang sana ako kaya lang ang tagal niyang lumabas kaya pumasok nalang ako ng bahay.
“Another bouquet of roses!” biro ni Mommy pagkapasok ko. Nakaupo ulit sila ni dad sa sofa. Are they waiting for me?
“It’s normal para sa magaganda ang makareceive ng flowers.” Ganting biro ko. Napatawa naman sila pareho.
“Normal ring yakap-yakapin ang magaganda, ganun ba?” biro niya ulit. Shocks! They saw us hugging. Buti nalang at di nagsasalita si dad. Pangiti-ngiti lang sa amin ni mommy.
“Anak, hindi bawal magboyfriend pero ipakilala mo naman sa amin.” saad ni Mommy.
“Mommy naman eh,” malambing ko siyang nilapitan at niyakap. Alam ko namang di niya ako pinapagalitan pero parang naguilty ako. Eh kasi naman feeling ko ang aga pa para ipakilala si Dominic sa kanila.
“Ikaw talaga! Ang secretive mo pagdating sa nagiging boyfriend mo.”
“Ma, di pa naman ako nagkakaboyfriend noon ah. Kahit itanong niyo pa kay Lionelle.” Depensa ko. Saan naman kaya niya nakuha ang ideya na nagkaboyfriend na ako. Good girl kaya ako. Hehe!
Napatawa naman si daddy sa sinabi ko.
“Bakit dad?” nagtataka kong baling.
“Eh si Lionelle nga ang nagsabi dati na may boyfriend ka na.” sagot niya na nakapagpamaang sa akin.
“Oo nga!” kurot ni mommy sa tagiliran ko.
What? Of all people siya ang may alam na never pa akong nagkaboyfriend. May mga nanliligaw pero wala ako ni isang sinagot sa kanila. He was even the one who joked infront of Dominic dati na di ako nagkakaboyfriend kasi masungit ako. Tsk! Baka biniro lang sila ni Lionelle at naniwala naman sila.
“Baka naman biniro lang kayo, ma.” Depensa ko.
“I don’t think so!” dad replied.
Lokong yun! Napaniwala talaga niya ang parents ko. Mapuntahan nga bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top