Lunchdate with Parents

 

Alia’s POV

“Relax.” Marahang pinisil ni Dominic ang palad ko nang papasok na kami sa restaurant. I smiled at him.

I was awed when we finally reach their table. His parents are a good pair. Parehong guwapo at maganda sa kabila ng edad and they still look at each other sweetly.

“Ma, Dad, this is Alia. SG, my parents.” Pagpapakilala niya.

“Nice to meet you, Mr. and Mrs. Ford.” I offered my hand but instead of shaking my hand his mom gave me a hug and so is his dad.

“We are glad to finally meet you. Walang bukambibig yang si Dominic kundi ikaw. He keeps asking ano ang magandang ibigay na regalo, saan magandang magdate-” 

“Ma!” Dominic cut her. Natatawa naman itong tumingin sa kanya. His dad just laughed.

“Kain na tayo kasi kailangang bumalik ni Alia before two o’clock sa school.” Hayag ni Dominic. Napangiti naman ang parents niya. We sat opposite them.

“Are you okay?” Dominic asked. Napatango naman ako.

“Bawal magbulungan.” Biro ng mama niya. Napangiti naman ako sa kanya. May pinagmanahan pala itong si Dominic ng pagiging bibo.

Isinerve naman agad ang mga pagkain.

“I was just wondering, why of all courses Applied Physics ang napili mo.” Tanong ng mama niya habang hinihintay na makumpleto ang pagkain. Kinukuwento pala talaga ako ni Dominic sa kanila akala ko naman biro lang niya kanina at tinutudyo lang ang anak niya. Haha!

“Ahm, konti lang po kasi ang kumukuha ng ganung course and I visualize in few years time, our country will become highly industrialized at magiging in demand ang pinag-aralan ko.” I explained. Napangiti naman si Dominic sa sagot ko.

“Baka naman konti lang ang kumukuha kasi pangmatalino lang talaga ang kurso mo.” His dad joked. Napatawa naman kaming tatlo.

“Speaking of matalino, pagpasensiyahan mo na minsan yang si Dominic dahil hindi siya masyadong katalinuhan.” Biro ulit ng mama niya. Napakamot naman sa batok si Dominic.

“Hon, wag mo namang ipahiya ang anak natin.” Sita ng daddy niya. But I know they are just joking around.

“Ma, matalino ako hindi lang ako pala-aral dati.” Depensa naman ni Dominic.

“Kung matalino ka naisip mo na dapat nag-aral kang mabuti.” Giit ng mama niya. Napatawa naman ang dad niya.

“Pagpasensiyahan mo na tong mag-ina ko, Alia. Ganyan talaga silang magbiruan.” Sabad ng daddy niya.

“Okay lang po. Sanay na po ako kay Dominic. Besides I know Dominic is as intelligent if not more intelligent than me.” I looked at Dominic and he smiled.

“Uy, ipinagtanggol ng girlfriend. Kilig!” sundot ng mama niya sa braso niya na ikinatawa naming lahat. Oh my! His mother is so adorable. Ako pa tuloy ang kinilig sa kanilang dalawa.

Marami pa kaming napagkuwentuhan and just like with Dominic, I feel at ease with them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top