Dinner
Alia’s POV
Ang bilis lumipas ng panahon.
Halos six months na akong nagtuturo and so far enjoy naman. I’m happy that I got the chance to share my expertise.
Palabas ako ng school when my phone rang.
“Hello, Lionelle?” I immediately said.
“Hi! Tapos na ba ang class mo?” he inquired.
“Yeah, why?” Pumunta ako sa may taxi lane sa harap ng school. I don’t have a car yet but I’m planning to buy one next pay day. Makukumpleto na kasi ang iniipon ko. Good thing wala akong ginagastos dahil binibigyan pa rin ako ni dad ng allowance kahit ayaw kong tanggapin. Mom said pakunsuwelo daw dahil pinili kong tumira sa bahay kahit may work na ako.
“Dinner tayo! Diretso ka na dito sa Greenbelt. To our favorite restaurant.” Hayag niya sa kabilang linya.
“Ayoko nga baka ma-out-of-place lang ako sa inyo ni Clarisse.” Tugon ko naman. They are still together pero natutunan ko na rin namang tanggapin.
“Well, that’s actually the reason why I want you here. Kasama kasi namin tong new business partner ko at baka ma-out-of-place siya so I think it would be good if you’re here.” Mahabang paliwanag niya. Nabanggit nga pala niya na magtatayo siya ng restaurant.
“So, ibubugaw mo pa ako ngayon?” biro ko.
“Bugaw? What a word!” He chuckled. Napatawa na rin ako.
“So, we’ll wait for you. Inorder ko na lahat ng favorite food mo.”
“So you really left me with no choice, huh?” saad ko. Natawa naman siya before he ended the call.
It took me 30 minutes bago nakarating sa restaurant. Agad naman akong sinalubong ni Lionelle sa may entrance. Nakita niya pala ang pagdating ko.
Sumunod naman ako sa table nila. Nakipagbeso naman si Clarisse pagdating ko. Somehow, we are in good terms. Wala din naman kasi akong puwedeng ipintas sa kanya.
“Alia, meet my business partner, Dominic.” Pagpapakilala ni Lionelle. Agad namang tumayo ang lalaki at humarap sa direksiyon ko. Feeling ko naging slow motion ang lahat.
“Ikaw?!” gulat na tanong ko. I remember this guy. He approached me months ago. He smiled and extended his hand for a handshake.
“Magkakilala kayo?” naguguluhang tanong ni Lionelle.
“Not formally, I talked to her one time at IS but she cut the conversation right away.” Natatawang paliwanag ng lalaki.
“Baka natiyempuhan mo ang tiger mood niya.” Natatawa namang segunda ni Lionelle and they both laugh.
Inirapan ko naman si Lionelle and mouthed “Lion” na mas lalo niyang ikinatawa. Tumigil lang siya nang tumikhim si Clarisse. Tiningnan ko naman si Lionelle ng buti-nga-sayo look.
Dominic motioned me to the vacant seat beside him.
The food are already served. Ako nalang pala ang hinihintay nila.
“Lahat ito favorite food ni Alia.” Lionelle cut the silence. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Hmp! If I know favorite mo rin ito lahat. Gaya-gaya ka!” I smirked.
“Tingnan mo to parang hindi professor kung magsalita.” Biro naman niya. The two men chuckled while Clarisse remained silent.
“Ikaw din, para kang hindi Magna Cum Laude mag-isip!” ganti ko naman. Mas lalo naman siyang natawa.
“Ang sungit mo kaya ka hindi nagkakaboyfriend, eh!” biro niya ulit.
“I totally agree!” pabiro ring saad ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya. I felt offended.
“Are we close para magbiro ka sa akin ng ganyan?” I raised my brow. Si Lionelle okay lang na biruin ako ng ganun dahil matagal ko na siyang kaibigan but not this man.
“I wasn’t joking!” depensa niya na mas lalo kong ikinainis. Sasagot na sana ako kung hindi lang tumawa ng malakas si Lionelle.
“See, what I’m telling you? Nagsusungit ka na naman!” he said and pinched my cheek. Pinalis ko naman ang kamay niya but he just laughed. Hmp!
“Ehemm, let’s eat!” Clarisse butts in. I smiled at her and mouthed “Thank you!” saka inirapan ang dalawang lalaki. Di naman nagreact si Clarisse.
“So, kelan niyo balak buksan yung restaurant?” tanong naman ni Clarisse nang matahimik ang lahat. I looked at the two men.
“Two weeks from now. On the 8th para suwerte.” Lionelle answered.
“Kelan ka pa naniwala sa feng shui?” I asked.
“KJ ka talaga!” biro naman niya. Hmp! Inirapan ko nga siya.
“See, that Dominic? Kaya walang nanliligaw diyan eh!” wika niya. Natawa naman ang isa.
“Excuse me! Naiintimidate lang ang mga lalaki sa ganda ko!” I glared at him.
“Ganda? Baka sa talino mo puwede pa!” Lionelle said chuckling.
“Why? Magna Cum Laude ka rin?” Dominic asked looking at me. Natawa naman ulit si Lionelle.
“Nope, Summa Cum Laude!” he answered.
“And her course? Applied Physics!” nagmamalaking dagdag niya.
“Nerd. Pero wala sa mukha.” Dominic chuckled.
“Bakit wala bang karapatang maging nerd ang mga magaganda?” I asked with conviction. Natawa ulit silang dalawa. Bakit ba kanina pa ako pinagtatawanan ng dalawang to? Asar ha!
“Right, Clarisse? You also graduated Cum Laude. They are underestimating our beauty!” I added asking for some rescue and at the same time enjoining her in the conversation. Para kasing siya na ang na-OP.
“Exactly! Beautiful woman can be nerd, too!” tugon naman niya. Natahimik naman ang dalawa. Haha!
We continued eating bago nagyaya ang magkasintahan na mag-bar muna bago kami umuwi.
“Ayokong magpuyat.” Tanggi ko.
“Tomorrow is Saturday. Wala ka namang class, right?” Dominic asked but I didn’t answer.
“C’mon Alia loosen up a bit!” pangungulit naman ni Lionelle. Wala tuloy akong nagawa kundi umoo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top