Date

 

Alia’s POV

2PM nang kumatok yung isa naming kasambahay dahil may bisita raw ako.

Bumaba naman ako at tinungo ang gate. Hindi kasi basta nagpapasok ang dalawa naming kasama sa bahay pag di namin binibilin.

Hindi na ako nagulat nang makita ko si Dominic pagbukas ko ng gate. He is leaning on his car. He is in his casual pants and shirt.

“Hi!” bati niya at agad na lumapit.

I smiled and said “Hello!”

Naka-maong shorts lang ako at plain tee. Hindi naman kasi niya sinabi kung anong oras siya pupunta kaya hindi pa ako nakabihis. At malay ko ba kung nagloloko lang siya kagabi.

“Let’s go!” he said at hinawakan na ako sa kamay.

“What?” I looked at him in disbelief. Napatawa naman siya pero iginiya pa rin ako sa passenger’s side ng sasakyan niya.

“Wait! Di pa ako nakakabihis!” alma ko. Seriously? Ni hindi pa nga ako nakapag-ayos.

“Okay na yan! Maganda ka pa rin naman.” Saad niya at pinapasok na ako sa sasakyan. Buti nalang at nakaligo na ako or else di ako magpapatangay sa gusto niya. He immediately went to the driver’s side.

Saan ba tayo pupunta?” I asked while he is driving.

“To a place where I can stare at you the whole day!” he chuckled.

“Tss! Saan nga?”

“Sa totoo lang, niisip ko pa kung saan!” Tugon naman niya.

“Sira!” irap ko. Tumawa naman siya at di na nagsalita.

There was a long silence.

“Why do you call me strawberry girl?” I asked nang maalala ang pag-uusap namin kagabi. He glanced at me for a moment and answered “Nothing!”

Nagkibit-balikat nalang ako. Hmm, weird talaga to!

I knew we are in Fairview. He went out at saka naman ako inalalayang makababa.

“Where are we?” I asked.

“In a firing range!” he smiled.

I looked at him amused. This guy’s really something. Hindi naman siya military or somewhat like it.

“I’ll teach you how to fire a gun. So, you can shoot me when I serve a master other than you!” he winked.

Gosh! This man!

Napailing nalang ako habang nakasunod sa kanya.

Una tinuruan niya muna akong gumamit ng baril-how to load the bullets and magazine and all. We also practiced aiming and firing a piece of cardboard na may nakadrawing na tao. And then we went to a field na may mga obstacles at may lumilitaw na cardboard men na kailangang barilin. Pero ang pinakamahirap yung may pinapalipad na maliliit na parang flying saucer and firing it using a rifle. Parang bumabaril lang ng ibon.

I thought I wouldn’t like firing but surprisingly, I enjoyed. First time ko itong ginawa.

“Why did you bring me here?” I asked habang nakaupo kami sa damuhan at nagpapahinga.

“Well, I just want you to do something different with me para maalala mo ako. Okay ba?” kindat niya. Why does he look so handsome when he winks?

I just shook my head at di na nagsalita pa. Well, it’s not the first time na may nagpalipad-hangin sa akin. Most of them, I feel irritated. But this man does it so cute, I couldn’t even say a word.

“Let’s go!” aya niya matapos ang mahabang katahimikan.

“Where to?” I asked.

“Kakain.” Nakangiti niyang tugon. I looked at my watch, tatlong oras na pala kami dito sa firing range. Di ko man lang namalayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top