Date
Alia’s POV
“Hi!” napapitlag ako dahil sa bigla niyang pagharang sa dinadaanan ko.
“Hey, Dominic!” I muttered. Isang linggo siyang hindi nagparamdam tapos bigla nalang susulpot dito sa harap ng building namin.
“Heading home?” he asked. Napatango naman ako. Magsi-six na kasi ng gabi.
“Dinner muna tayo tapos hatid kita.” Saad niya at hinila ako patungo sa nakaparadang sasakyan niya.
“Is that how you ask a girl out?” I said at binawi ang kamay ko. I crossed my arms. Amused naman siyang napatingin sa akin.
“I’m not asking you out!” He smiled. Napakunot naman ako.
“I’m taking you to dinner.” Saad niya saka binuksan ang passenger’s side ng sasakyan niya.
“For me, no means yes, so hop in!” he tilted his head towards the opened door for a second and smiled.
Napailing nalang ako at sumakay na.
“Do you like Italian dishes?” tanong niya habang nasa biyahe kami.
“Not so.” I answered. Di naman kasi ako mahilig sa Pasta. Napatango naman siya.
“How about Europian dishes?” he asked again.
“Hmm, di rin masyado.” Tugon ko ulit. I looked at him. Naiiling naman siya habang nagdadrive. Seriously? Why can’t he just ask me straight kung saan ko gustong kumain?
Di na siya ulit nagsalita hanggang makarating kami sa isang Thai restaurant.
“You don’t like Europian and Italian foods, so I assume you like Asian instead.” He smiled habang papasok kami ng restaurant. Napangiti nalang din ako. This man’s really making an impression to me. Well, I don’t like men who keep asking kung saan ko gustong kumain. Minsan kasi ayokong magsabi ng restaurant at baka masyadong mahal para sa kanya, nakakahiya lang.
The waiter handed us the menu once we are seated.
“My allergy ka ba sa seafoods or chicken?” he asked.
“None.” Tipid kong sagot habang tumitingin sa menu. Mukhang masarap tong Thai chicken with shrimp.
“Okay then, we’ll have two servings of Thai shrimp soup, salmon curry, Kao pad Krapao, Chicken rama in Thai peanut sauce and Monsoon Valley wine. That would be all.” He said dismissing the waiter. Napailing nalang ako habang ibinabalik ang menu sa waiter. He didn’t even give me the liberty to order.
He is smiling at me when I looked at him.
“How sure are you na magugustuhan ko yung inorder mong food? You didn’t even ask me.” Saad ko habang nakataas ang kilay. Mas lalo naman siyang napangiti sa sinabi ko.
“Well, wala ka namang allergy. So, I think it’s just okay.” He answered casually.
“What if may gusto akong pagkain which I usually order?” tanong ko ngunit ngiti lang ang isinagot niya.
“Tsk! For a date that’s not impressive!” dagdag ko na ikinatawa niya ng mahina.
“So, you consider this as a date?” he asked teasing. Napasimangot naman ako. Minsan nakakapikon na siya. He always outwits me.
“Well, I don’t aim to impress. I aim to make a difference.” Dagdag niya.
Gosh! This man is really unbelievable. Di nalang ako nagsalita para hindi na humaba ang argumento.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top