Anong Nangyari?

 

Alia’s POV

Napakahirap maghanap ng kambal ng strawberry tapos mawawala lang bigla?

Kainis talaga!

“Oh, ba’t nakabusangot ka?” napatingin ako sa tagiliran kung saan nakatayo ang taong nagsalita.

Mas lalo tuloy akong nalungkot nang makita si Lionelle. Crush ko na siya noon pa pero dahil magbestfriend kami simula pagkabata ay di ko maamin sa kanya hangga’t hindi siya ang unang nagtatapat.

Nakatanaw ako mula dito sa veranda ng hotel kung saan kami pansamantalang naka-check-in. Sinamahan pa talaga niya ako dito sa Baguio pero di ko sinabi ang dahilan kung bakit nais kong pumunta dito. Sinabi ko lang na gusto kong mamasyal.

“Oy, smile na!” untag niya.

“Arayyy!” napahawak ako sa kamay niya dahil pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at pinipilit na ngumiti.

“Ano ba! Lion ka talaga!” irap ko sa kanya. Pero sa totoo lang kinikilig ako pag ganito siya sa akin. Tumawa lang ito saka inakbayan ako. Napangiti nalang ako at tumingin sa kalawakan.

“Akala ko ba sa restaurant tayo sa baba magkikita?” tanong niya at tumingala na rin sa langit. Ang ganda kasing tingnan dahil asul na asul ito. Idagdag pa ang samyo ng malamig na hangin. Ang sarap talaga dito sa Baguio lalo na kung kasama mo ang taong gustong-gusto mo.

“Oi, ba’t di ka na sumagot?” untag niya. Napatingin naman ako sa kanya.

“Di pa kasi ako gutom.” Palusot ko. Ayoko namang sabihin ang totoong dahilan kung bakit bigla akong nainis at nagwala dun sa restaurant baka sabihin niya baliw ako.

“In that case, kami nalang ang kakain.” Saad niya.

I looked at him puzzled.

Sinong sila?

Wala naman kaming kasamang umakyat ng Baguio ah?

He chuckled at my reaction.

“May ipakikilala ako sa’yo.” Saad niya nang nakangiti. Siya namang paglapit ng isang magandang babae sa amin. Kilala ko siya. Siya ang nanalong Ms. IS at ka-department niya ito sa university.

“Alia, meet my girlfriend, Clarisse.” Pagpapakilala niya. The girl smiled at me saka inabot ang kamay niya.

Biglang tumahip ang kaba sa dibdib ko.

What???

My girlfriend na siya???

“Clarisse, she’s my bestfriend, Alia.” Pinisil niya ako sa balikat. Natauhan naman ako at inabot ang kamay ng babae saka nakipagshake hands.

“Kayo na pala, congrats!” pinilit kong ngumiti sa kabila ng panibugho. Tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Lionelle.

“Sige, una na ako sa inyo.” Paalam ko at di na muling lumingon pa.

Ang sakit lang.

Kung sana lang kasi walang kumuha ng strawberry. Eh di sana nakain yun ni Lionelle bago pa dumating ang babae.

Never akong tumanggap ng manliligaw dahil hinihintay ko siya tapos malalaman ko may girlfriend na pala siya.

Sino ba naman kasi ako?

Isang hamak na bestfriend lang!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top