Chapter 1
CHAPTER 1
HALOS lumipad na ang sasakyan ni Eizel sa sobrang bilis para hindi siya ma-late sa photo shoot niya. Dahil sa birthday party ng kambal niyang pamangkin na sina Ramzee at Yannah, ang anak ng kuya Ramm niya, kaya siya napuyat. Ang kukulit kasi ng dalawang ‘yon. Kailangan present ang lahat sa pagbukas ng mga regalo. At ang magaling naman niyang kuya e masyadong ini-spoiled ang mga anak.
Hindi niya ikakaila, spoiled din niya ang kanyang taltlong pamangkin. Ang cu-cute kasi e. Lalo na kapag nangungulit ang mga ito. Palagi siyang wala sa bansa dahil sa uri ng trabaho niya, kaya naman sa tuwing umuuwi siya, sinisigurado niyang may oras siya sa pamilya niya.
Napabuga ng hangin si Eizel ng makitang traffic sa unahan niya. Buwesit naman oh! Late na talaga siya! Trenta minuto na siyang late!
Tamang-tama naman na nag-ring ang cell phone niya. Agad niyang sinagot ‘yon.
“Hello, Eizel speaking.” Aniya sa kabilang linya.
“Eizel! Asan ka na bang babae ka?! Nawi-windang na ang kagandahan ko rito.” Sigaw ni Pedro sa kabilang linya. Ang baklita niyang manager.
“Hush, Pedro. I’m on my way.”
“Kanina pa ako naiinis, huwag mo ng dagdagan sa pagtawag mo sa karumaldumal na pangalang iyan! Pea ang pangalan ko! Pea!”
“Whatever, Pedro.” Tinapos niya ang tawag at itinigil ang sasakyan.
“Shit! Bakit ba ngayon pa nagka-traffic?” Galit na hinampas niya ang monabela.
Kinuha niya ang cellphone na tinapon niya sa dashboard at tinawagan si Pedro.
“Pedro, I think I’ll be late for two hours.” Balita niya dito.
Inilayo niya ang cell phone sa tenga ng tumili ito sa sobrang galit!
“Pea ang pangalan ko! At bakit ka mala-late ng ganoong katagal?”
“Traffic.”
“So? Wala akong pakialam. Basta dapat dumating ka dito after thirty minutes.”
“Thirty minutes? I can’t make it!”
“Problema mo na ‘yon! Saka wala pa naman ang photographer dito e. Kaya naman bilisan mo.” Siya naman ang pinatayan nito ng tawag.
Humugot siya ng malalim na hininga at pinaatras ang sasakyan niya. Ganoon na lamang ang gulat niya ng bahagyang nayanig ang sasakyan niya.
Anong nangyari?
Mabilis siyang lumabas ng kotse at tiningnan ang likod ng sasakyan. Napanganga siya ng makitang medyo yupi ‘yon at nakadikit dito ang isang kulay itim na kotse na medyo yupi rin ang unahan.
Pero wala siyang pakialam kung ma-chop chop man ang sasakyan na ‘yon. Walang puwedeng sumira sa Porsche niya! Galit niyang dinabog ang bintana ng kotse na sumira sa mahal niyang sasakyan.
“Get out!” Aniya na nanggigigil.
Ilang minuto na niyang dinadabog ang bintana ng kotse pero hindi pa rin bumubukas kaya naman sinipa niya ang pintuan ng sasakyan.
“Get out!” She shrieked.
Eizel knew that she’s making a scene but she doesn’t care! Patuloy niyang dinabog ang bintana ng kotse. Napasigaw siya ng biglang bumukas ang driver’s seat at lumabas ang isang mukhang amerikanong lalaki.
“You, prick! Look at what you did to my car!” Aniya sabay turo sa sasakyan niya na nayupi ang likod.
“Okay bye, I’ll wait for you.” Anito sa cell phone na nasa tenga nito at binalingan siya. “What the hell is your problem?!”
Napanganga siya ng makita ang kabuunan ng lalaki. He stood 6’2. Aqua blue eyes. His messy shaggy brown hair with blonde streaks. His inviting lips. His stubborn jaw line. His aristocrat nose. A body that was made for sin. He’s just so perfect in looks department. Marami na siyang lalaki na nakita pero ito na yata ang pinakaguwapo.
Tiningnan siya nito ng masama. “Late na ako sa appointment ko! At saka ikaw ang may kasalanan kasi nanahimik ang sasakyan ko sa likuran, bigla ka nalang umatras ng hindi tumitingin! You don’t have the right to shout and be mad at me! It was your freaking fault!”
Nanliit ang mata niya sa sobrang galit na nararamdaman. Isinantabi niya ang paghanggang naramdaman para dito at gulat na marunong itong magtagalog.
Dinuro niya ito. “Don’t shout at me you bastard! It wasn’t my fault, you ass! Malay ko ba na nasa likod ka. Don’t you know who I am?”
“You have a very dirty mouth, miss. Better wash it with soup.” Tinabig nito ang kamay niya. “And it was your fault. Kasalanan mo kung bakita nayupi ang sasakyan ko! It’s a freaking Ferrari—”
“Huwag kang magmalaki.”
“Hindi ako nagmamalaki, nagpapaliwanang lang ako at sinisisi ka.”
“Nagmamalaki ka pa rin. And my car is Porsche.”
“Sino sa atin ngayon ang nagmamalaki?”
Dinuro niya ulit ito. “Kasalanan mo ang lahat ng ‘to.”
“Bulag ka ba o bobo ka lang talaga? Alam kong alam mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat, so shut the hell up!”
“You shut up! Don’t you know who you’re shouting at? I am Eizel Nicole San Diego—”
“I don’t care who you are. I don’t give a shit. Aminin mo nalang kasi na kasalanan mo para matapos na tayo rito.”
She huffed in so much anger. “Everyone gives a shit about me! At saka wala akong aaminin dahil hindi ko naman talaga kasalanan.”
“Kasalanan mo nga e! Bakit ba ang kulit mo? Nasa likuran ako ng sasakyan mo at nanahimik dahil nakita kung traffic. Ikaw naman ‘tong nangangarap yata mapasali sa fast and furious, bigla nalang umatras ng walang sere-seremonya. Nayupi pareho ang sasakyan natin. Ikaw na ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang sigawan ako? Wow! Iba na talaga ngayon ang mundo.”
Napatingin siya sa paligid at nakitang maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Agad niyang kinalma ang sarili. Siguradong mababalita siya nito. Wala namang bago doon e. Lahat ng galaw niya, palaging naka-report sa media. Para siyang celebrity na ewan samantalang model siya.
Kalmadong tinawid niya ang pagitan nilang dalawa.
Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. “It’s not my fault.” Aniya saka sinipa niya ito sa parte ng katawan nito na hindi nasisikatan ng araw.
“Fuck!” Sigaw nito at sinapo ang alaga. “You bitch!”
She smirked at him. “Aww… masakita ba? Ayos ka lang?”
If looks could kill, kanina pa siya binuburol sa klase ng tingin nito sa kanya. Halata sa mukha nito ang sakit na iniinda dahil sa ginawa niya.
“You’re such a bitch!”
Her smirked widen. “Yes. Yes, I am.”
May narinig siyang busina ng isang motorsiklo.
“Kuya, halika na.” Wika ng babaeng nagmamaneho ng motorsiklo.
“May araw ka rin sa aking babae ka!” Paika-ika ito habang naglalakad patungo sa nakaparadang motorsiklo. Nang makitang sumakay ang lalaki doon at umalis ang motorsiklo, nagpapadyak siya sa galit.
Buwesit! Nanggigigil niyang sinipa ang sasakyan ng walang hiyang lalaking ‘yon.
TWO HOURS. Two hours siyang late. Pagkadating niya sa set, naloloka na si Pedro. Para itong aso na manganganak na hindi mapakali.
“Pedro. Nandito na ako.” Aniya na hinihingal.
“Argh!” Pabirong sinabunutan siya nito. “Bruha ka! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ng photographer?”
Tinapik niya ang kamay nito at inayos ang buhok. “Huwag mo ngang sirain ang buhok ko. Amoy alikabok na nga yan e. Alam mo bang ang layo ng nilakad ko bago ako nakatakas sa traffic at nakasakay ng taxi?”
Inirapan siya ni Pedro. “Wala akong paki sa adventure mo papunta rito.” Binalingan nito ang mga stylist na naghihintay lang sa utos nito. “Sige, ayusan niyo na si Eizel.”
Dinala siya ng mga stylist sa loob ng dressing room. Nakatayo lang siya habang abala ang mga tao sa paligid niya. May nagaayos ng buhok niya. May nag mi-make up sa kanya. May nagsusuot sa kanya ng sapatos at may nagsusuot sa kanya ng damit. Sanay na siya sa ganito. Mas malala pa nga sa fashion show dahil kailangan mabilis ang bawat galaw.
Pagkatapos siyang ayusan, agad siyang lumabas ng dressing room at nakita si Pedro na naghihintay sa kanya sa labas.
“Pedro—”
“Pea.” Pagtatama nito. ”Pea ang pangalan ko. Maganda ka na. Halika na at nang maumpisahan na ang photo shoot na ito. Kanina pa kami naghihintay sayo. Mabuti nalang at mabait si fafa Lance.”
“Sino naman itong bago mong fafa?”
“Ang photographer. Sobrang guwapo niya, girl! Nalaglag ang panty ko ng makita ko siya.”
“Gaga! Brief ang gamit mo.”
“Shh! Huwag ka ngang maingay diyan.” Saway nito at iginiya siya palapit sa isang lalaki na nakatalikod at nakaupo sa isang stool.
“Mr. Storm.” Maarteng tawag ni Pedro sa lalaking nakatalikod. “Nandito na ang model para sa front cover ng Fashion Magazine.”
Mabilis na lumingon ang lalaki.
“You?” Hindi makapaniwalang turo niya sa lalaki.
The guy smirked at her. “Yes, me. I’m Lancelott Storm. The photographer for Fashion Magazine. So, ikaw pala ang cover model?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Hindi halata.”
“Jerk.”
He tsked. “You really have a bad mouth.”
“Yes, I have. And I’m proud of it, bastard.”
He stared at her mouth. “Stop that. Kailangan mo ng sabon para linisin yang bibig mo.”
She titled her chin up. “Wala kang pakialam sa akin.”
Pinagpalit-palit ni Pedro ang tingin sa kanila ni Lancelott. “Magkakilala kayo?”
“Hindi.”
“Oo.”
Tiningnan niya ang lalaki ng masama. “Hindi kita kilala.”
“I just told you my name, of course magkakilala tayo. Ikaw si Eizel Nicole San Diego diba?”
Binalingan niya si Pedro. “Sinabi mo sa kanya?”
“No, sister. Wala akong sinabi sa kanya.”
“Nakalimutan mo na? Sinabi mo sa akin ang buong pangalan mo kanina.” Anito.
Oo, naaalala niya. “Hindi ‘yon basihan para maging magkakilala tayo. Kaya huwag kang felling close.”
Umiling-iling si Lancelott. “Pagkatapong mong banggain ang sasakyan ko, saktan ang alaga ko, tatarayan mo pa ako? Iba ka rin.”
Inirapan niya ni Lancelott. “Magumpisa na tayo.”
Naglakad siya papunta sa isang puting platform na napapaligiran ng lighting umbrella. Inilagay niya ang kamay sa bewang at nakataas ang kilay na tiningnan si Lancelott. “Anong tinitingin-tingin mo diyan? Let’s begin.” Sikmat niya kay Lancelott na nakatingin lang sa kanya.
“Lancelott!” Sigaw niya sa pangalan nito ng hindi ito gumalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang sa kanya.
Napakurap-kurap ito at ipinilig ang ulo. “Sure. Let’s begin. And it’s Lance.”
“Whatever you say…” She smirked. “Lancelott.”
He shook his head. “It’s Lance.”
Her smirk widens. “Keep correcting me and I’ll keep on calling you Lancelott.”
“Mataray na nga, makulit pa. What a woman.” Puno ng kasarkastikuhan ang boses nito.
“Maganda naman at matalino.” Puri niya sa sarili.
“Mahangin din.”
She rolled her eyes. “Hindi ‘yon kahanginan. I’m telling the truth. And I have like, millions of fans to prove it.”
Lancelott tsked. “I don’t care about your fans. Dahil sa mga mata ko, isa kang mataray, makulit at bitch na babae.”
Pinandilatan niya ito. “Huwag ka ngang makikipag-usap sa akin.”
“It’s you who’s talking to me.”
Inirapan niya si Lancelott at tumingin sa kulay asul na kalangitan na kakulay ng mata ng dumuhong lalaking ‘yon. Nakalugay ang buhok niya kaya naman nadadala ‘yon ng ihip ng hangin. Nag-i-enjoy siya sa kulay asul na kalangitan ng makarinig siya ng click ng camera.
Mabilis niyang tiningnan ang pinanggalingan ‘non. Nakita niyang hawah-hawak ni Lancelott ang camera nito.
“Did you take a picture of me?” Tanung niya.
“Yeah.” Sagot nito at ibinalik ang camera sa lalagyan.
“Bakit mo binalik? Hindi pa ba tayo mag-uumpisa?”
“Mag-uumpisa na tayo.” Naglakad si Lancelott papunta sa camera na nakalagay sa tripod.
Kumunot ang nuo niya. “Yan ang gagamitin nating camera? Hindi ‘yon?” Sabay turo sa camera nito na ginamit sa pagkuha ng larawan niya.
“We’re not using that. Personal camera ko ‘yon.”
“E bakit ‘yon ang ginamit mo kanina?”
He shrugged. “None of your business. Now, let’s start.”
“Bakit nga?”
“Wala ka na roon. Mag-umpisa na tayo.”
“Lancelott! Tell me why?”
“None of your goddamn business!”
She pouted. “I-delete mo ang picture ko roon sa camera mo. Hindi naman pala ‘yon ang gagamiting camera.”
“Bakit ba big deal sayo ang picture mo sa camerang ‘yon.”
Nginisihan niya ito. “Duh! My picture is worth a million.”
“Grabe! Ikaw na ang babaeng masyadong bilib sa sarili.”
“I’m telling the truth.”
“Oo na. Ikaw na. Huwag kang mag-alala. Buburahin ko talaga ‘yon picture mo, baka ma-virus-san pa ang camera ko.”
She rolled her eyes at him and posed. Nang mag flash ang camera nito, nag-pose naman siya ng ibang anggulo. She was changing posses for ten minutes then he stops taking pictures.
“Can you give me a seductive look?” Tanung nito na parang hinahamon siya kung kaya niyang gawin.
“Of course.”
Matiim niyang tinitigan si Lancelott na hindi nag-iwas nang tingin. Bahagya niyang iniawang ang mga labi. Ang mata niya ay nangungusap… nangaakit.
“Are you gonna take a picture of me or what?” Mataray niyang tanung ng ilang minuto na siyang naka-pose ng nang-aakit at hindi pa siya kinukunan ng literato nito dahil nakatayo lang ang lalaki at nakatingin sa kanya.
Nakita niyang umiling-iling ito at parang may sinusupil na ngiti sa mga labi.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”
Kinindatan siya nito. “Ang pangit mo.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top