EPILOGUE
EPILOGUE
MASAMA ang tingin ni Ramm kay Marlon Aiken na tumutulong sa kanila sa pamimili ng damit na kakailanganin niya sa panganganak.
“Ramm, puwede ba, stop looking at me like that?” Naasiwang sabi ni Marlon Aiken.
“What?” Inosenteng usisa ni Ramm. “Ano ba ang klase ng pagkakatingin ko sayo?”
Napailing-iling nalang si Yanzee ng makitang sumama pa lalo ang tingin ng asawa sa pinsan nito.
“You’re looking at me like you’re going to kill me.” Ani ni Marlon na humakbang palayo kay Ramm.
“Ramm, itigil mo na nga yan.” Saway niya sa asawa. “Tantanan mo nga si Marlon Aiken, buti nga tinutulungan niya tayo mamili ng gamit para sa baby natin.”
Napasimangot ito. “Yanzee naman e! We can do it on our own. Kaya naman nating mamili ng damit ni baby na tayong dalawa lang. Bakit ba pinasama mo pa siya? At saka panay ang dikit niya sayo!”
Napailing-iling nalang siya sa sinabi ni Ramm. Kahit kasal na sila at malapit ng magka-anak, hindi pa rin nawawala ang ugali nito na masyadong seloso. Minsan natutuwa siya sa pagseselos nito pero may mga oras na naiinis siya sa ugali nito.
“Ramm. Tigilan mo na nga yan!” Naiinis niyang sabi sabay tampal sa braso nito. “Nagseselos ka na naman. Tingnan mo nga itong tiyan ko at ang laki-laki.”
Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya, agad na nawala ang selos sa mga mata nito at napalitan ‘yon ng pagmamahal. Masuyo nitong hinimas ang umbok niyang tiyan.
“Araw nalang ang hihintayin natin, lalabas na siya.” Anito sa mahinang boses.
“Oo nga.” Hinimas niya ang tiyan. “Ilang araw nalang, may-anak na tayo, Ramm.”
Niyakap siya ng asawa. “I love you, Yanzee.” Bulong nito sa tenga niya.
Agad na natunaw ang inis na nararamdaman niya sa pagseselos nito ng marinig ang sinabi ni Ramm. “Kahit malaki ang tiyan ko at hindi ka maka-score?” Tudyo niya.
Ramm chuckled. “Yes, kahit pa hindi ako maka-score sayo, ayos lang. Para naman ‘yon sa baby natin.”
Napuno ng pagmamahal ang puso niya para sa asawa. Mula ng magbuntis siya, palagi itong nakaalalay sa kanya. Palagi itong nasa tabi niya at ibinibigay lahat ng gusto niya. Hindi siya nito pinabayaan kahit pa nga ng mag-pitong na buwan ang tiyan niya e tumigil na sila sa pagtatalik.
Akala niya maghahanap ito ng iba dahil hindi niya maibigay ang pangangailangan nito. Pero ang takot na ‘yon ay agad na nawala ng hindi magbago ang asawa. Mas lalo itong naging sweet sa kanya at palagi pa rin itong nagseselos.
“Itinigil niyo na nga yan!” Naiiritang saway ni Marlon Aiken sa paglalampungan nila. “Tama na nga yan. Mag-shopping na tayo.”
Nauna itong maglakad sa kanila, dala-dala ang pinamili nila.
“Hayaan mo siyang makalayo.” Ani ni Ramm habang nakatingin sa papalayong bulto ni Marlon Aiken.
Pabirong tinampal niya ang asawa sa dibdid. “Tantanan mo nga si Marlon, buti nga tinutulungan tayo.”
“So? Naiinis ako sa kanya. Hindi tuloy kita masulo. Niyakap lang kita, sinaway kaagad niya tayo. Nakakainis naman e!”
Niyakap niya ito. “Okay lang ‘yon. Masusulo mo naman ako sa bahay.”
May pilyong ngiti na sumilay sa mga labi nito. “Oo nga. Masusulo rin kita sa wakas.”
“Inuunahan na kita, bawal ang kahalayan.”
Sumimangot ito. “Yanzee naman e. Pagbigyan mo na ako. Hindi naman ako mag-o-all the way.”
“All the way ka diyan.” Naglakad na siya at sinundan si Marlon.
Pinigilan siya ni Ramm sa paglalakad at niyakap siya mula sa likuran. “Mahal na mahal kita, Yanzee.”
“Mahal na mahal din kita, Ramm. Pero kapag hindi mo pa ako binitawan, tatadyakan kita dahil iniipit mo ang tiyan ko!”
Mabilis siya nitong pinakawalan at hinalikan siya sa pisngi. “Pasensiya na, mahal ko.” Hinimas nito ang tiyan niya. “Sorry din baby, naipit ka ni daddy.”
Napatawa siya sa sinabi nito. “Halika na nga.”
Magkasabay silang naglakad at sinundan si Marlon Aiken na pumasok na naman sa isang baby store.
“ANO ang gusto mong pangalan ng magiging anak natin?” Tanung ni Ramm sa asawa na nakahiga sa tabi niya.
Nginitian siya ni Yanzee. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Hanggang ngayon, para pa rin siyang love struck fool kapag nginingitian siya ng asawa.
‘Yon na siguro ang hindi magbabago sa kanya. Ang puso niya na patuloy na tumitibok para kay Yanzee.
“Ahm… may naisip na ako. Pero hindi ko alam kung magugustuhan mo.” Anito sa nagaalangang boses.
“Come on. Tell me?” He urged her.
“Ahm… gusto kong pangalan para sa baby natin ay… kapag lalaki, Ramzee Lohan. Kapag babae naman, Yannah Nicolette. How’s that?”
“Nice. Gusto ko yung sa lalaki. Sana lalaki ang anak natin no?”
“Yan! Kung pumayag ka lang sana na magpa ultrasound ako, e di sana alam natin kung anung gender ng anak natin. Maliban sa regular check up, wala na.”
“I want it to be a surprise for both of us.” Niyakap niya ang asawa na malaki na ang tiyan. Any day, manganganak na ito at excited na siya. “Saka, alam kung lalaki yan.” Puno ng kaseguraduhan ang boses niya.
Pinisil ni Yanzee ang tungki ng ilong niya. “Gusto ko babae. Para naman may dadamitan ako palagi.”
“Lalaki yan. Nararamdaman ko.”
“Nararamdaman ko rin na babae ang anak natin.”
“Lalaki—”
“Huwag kang kumuntra, hindi ko ito ii-iri.” Pananakot nito sa kanya na tinawanan lang niya.
“Oo na. Babae na yan.” Pagpapaubaya niya. Ayaw niyang makipagtalo na naman dito. “Pero sana lalaki no?”
Nang walang sumagot sa kanya, tiningnan siya ang asawa. Napangiti siya ng makitang pikit ang mata nito at mahimbing na natutulog. Napailing-iling nalang siya. Mula ng magbuntis ito, napaka-dali nitong matulog.
Naalala pa niya ang kasayahang nadama ng ibalita nito sa kanya na buntis ito. Halos mahimatay siya sa sobrang tuwa at mas lalo pa niyang minahal ang asawa. Nagpapasalamat siya sa may kapal na binigay nito sa kanya si Yanzee.
Ang babaeng makulit na may magandang ngiti na nagpatibok ng puso niya.
Kahit ano gagawin niya para dito. Kahit pa ang maghanap ng halo-halo sa hating gabi. Halughugin ang buong manila para makahanap lang siya ng manggang hilaw. Hindi naman sana ‘yon mahirap kung season ng mangga, kaya lang hindi. Pumunta ng Baguio kahit umuulan para lang bumili ng fresh strawberry.
Sa dami ng ginawa niya ng naglilihi ito, pakiramdam niya siya na si superman. Minsan naiinis din siya, pero sa isiping naglilihi ito dahil pinagbubuntis ang anak nila, nawawala ‘yon at napapalitan ng kasayahan kapag naibibigay niya ang gusto nito kahit parang imposible na.
May mga time sa paglilihi nito na ayaw siya nitong makita. Ayaw na makasama. Halos mabaliw siya kapag sumasapit ang gabi at sa sahig siya natutulog dahil ayaw nitong magkatabi sila. Tiniis niya ang lahat ng ‘yon dahil mahal niya ito. At nagbunga naman ‘yon dahil pagkalipas lang ng ilang lingo, hinahanap-hanap naman siya nito at ayaw pakawalan.
Tinitigan niya ang maamo nitong mukha.
“I love you so much, Yanzee.”
Kumunot ang nuo nito at wala sa sariling niyakap siya. Napangiti siya sa ginawa nito. Niyapos niya ang umbok na tiyan ng asawa at ganun na lamang ang panlalaki ng mata niya ng maramdamang may sumipa mula sa loob ng tiyan nito.
God! Umuklo siya at inilapit ang pisngi sa tiyan ni Yanzee.
“Hello, baby.” Pagkausap niya sa tiyan nito. “Sana lalaki ka. Para walang maarte sa bahay. Pero nakakatakot, baka gawin kang bakla ng mommy mo.” Napatawa siya sa sarili. “Well, bilisan mo na at lumabas ka na diyan. Para naman maka-score na ako sa mommy mo. Ang tagal-tagal ko ng tigang, pero huwag kang mag-alala, hindi naman kita sinisisi. Mahal ka ni daddy kaya naman okay lang. Pero magiging masaya talaga ang daddy kung lalabas ka na. Kung lalaki ka, siguradong maiintindihan mo ako. Kasi tayong mga lalaki, may mga panga-ngailangan tayo. Kailangan natin ng sex—” Napatigil siya sa pagkausap sa tiyan ni Yanzee ng may bumatok sa kanya.
Nang tumingala siya, masamang nakatingin sa kanya si Yanzee.
Napakamot siya sa ulo. “Sa tingin mo narinig niya ako?”
“Hindi pa nga lumalabas ang anak natin, tinuturuan mo na ng kahalayan!”
He grinned. “Hindi ‘yon kahalayan. Sex education ang tawag dun.”
“Sex education ang mukha—” Napasigaw ito na ikina-upo niya sa kama.
“Anong nangyari? May masakit ba sayo?” Hindi niya alam kung saan niya ito hahawakan dahil nasa mukha nito ang sakit na nararamdaman.
“Aray!”
Parang sasabog na ang puso niya sa kaba at pag-aalala. “Shit! Shit! Shit! What the hell is happening?!”
“Huwag mo akong sigawang lalaki ka! Huwag kang shit ng shit diyan! Manganganak na yata ako!” Hinihingal na sigaw nito.
“Okay. Okay.” Wala sa sariling luamabas siya ng kuwarto.
“Ramm! Bakit mo ako iniwan?! Buhatin mo ako!”
Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang sigaw ni Yanzee mula sa loob ng silid nila.
“Shit! Calm fucking down, Ramm! Bakit mo iniwan ang asawa mo?!” Sigaw niya sa sarili at binalikan ang asawa.
Nagmamadaling binuhat niya si Yanzee at lakad-takbong lumabas ng bahay nila. Akmang bubuksan niya ang pintuan ng sasakyan ng tampalin ni Yanzee ang balikat niya.
“Huwag mong kalimutan ang mga gamit ni baby.”
“Kailangan na kitang madala sa Hospital!”
“Huwag mo akong sigawan! Kunin mo na doon, dali!”
Ipinasok niya ang asawa sa loob ng sasakyan at patakbong tinungo ang silid nila kung nasaan ang mga damit ng baby nila na nakalagay na sa bag. Nang makuha ang bag, mabilis siyang bumalik sa kotse niya. Ng makitang tinitiis ni Yanzee ang sakit, mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papuntang hospital.
“Kasalanan mo ‘to e. Dahil sa kahalayan mo, lalabas na si baby girl.” Sikmat sa kanya ni Yanzee.
“Paano ko naging kasalanan? Sex Education ‘yon!” Dipinsa niya sa sarili. “At baby boy yan!”
“Kapag naging sex-minded itong anak natin, kasalanan mo ito, Ramm!”
“Bakit naman? Hindi ko kasalanan ‘yon. Hindi ako sex minded.”
“Ows?”
Hindi nalang siya nagsalita baka mahawa ang anak niya sa kalaswaan daw niya. Kawawa naman kung babae.
“Ramm! Magsalita ka nga para hindi ako mag fucos sa sakit.” Anito na agad naman niyang sinunod.
“Mahal kita, Yanzee.” Aniya.
Sinapo nito ang tiyan at halatang nasasaktan ito. “Iba! Huwag yan! Patawanin mo ako.”
“Patawanin?” Nag-isip siya ng joke. “Yanzee… tawa ka.”
Tiningnan siya nito ng masama. “Bilisan mo nalang ang pagmamaneho.”
“Heto na ang at lumilipad na ang sasakyan ko.”
Nagpapasalamat siya ng makita niya ang intrada ng Hospital. Itinigil niya ang sasakyan malapit sa pintuan ng Hospital at mabilis na lumabas ng sasakyan. Binuksan niya ang passenger seat at binuhat ang asawa.
Nakahinga siya maluwang ng maidiposito niya si Yanzee sa stretcher.
Tuliro ang isip niya habang nakatingin sa asawa na napapalibutan ng nurse at doctor.
Pinigilan siya ng isang nurse ng akmang susundan niya ang stretcher kung saan nakahiga si Yanzee papasok sa delivery room.
“Sir, dito po tayo. May kailangan lang po kayung permahan.” Ani ng isang nurse at iginiya siya sa nurse station.
“Pakisulat po ng pangalan ni misis.” Anito.
Wala sa sariling nagsulat siya at ibinalik ang papel sa nurse.
“Ahm.. sir, pangalan po ng misis niyo, hindi sayo.”
“Ha?” Tiningnan niya ang papel na sinulatan. Napakunot ang nuo niya sa nakita.
Mother: Ramm Nicolas San Diego
Nasapo niya ang nuo. Kailan pa siya naging mother? Nakakahiya! Nasaan ba ang isip niya?
Na kay Yanzee na nanganganak ngayon sa deliver room.
Pagkatapos fill-up-an ng maayos ang papel, nag-aalalang umupo siya sa sofa sa labas ng delivery room. Na kay Yanzee ang isip niya. Pinagdarasal niya sa panginoon na sana maging maayos ang panganganak nito. Nagpapasalamat din siya na hindi siya kasama sa loob dahil baka mahimatay siya doon.
Lumapit siya sa nurse station na mapalapit sa delivery room.
“Puwede bang makigamit ng telepono? Importante lang.”
“Sige po, sir.”
He dialed Rann’s number. After three rings, he pick up.
“Rann, nanganganak na si Yanzee.” Balita niya dito bago pa ito makapagsalita.
“Good evening to you too, brother, and congratulations. Sa wakas, mararanasan mo na ang naranasan ko kay Shanon.” Anito na tinutukoy ang anak na lalaki na dalawang taong gulang na.
“Can you come here?”
“Sure. Alam kung nagpa-panic ka na ngayon. Ganoon din kasi ako ng manganak si Shay. I’m sure namimilipit na sa sakit si Yanzee. Sabi ni Shay, masakit daw ang panganganak kaya nga hindi na nasundan si Shanon—”
“Pumunta ka nalang dito. Ang dami mong satsat!” Binabaan niya ito ng telepono.
Ayaw niyang marinig o malaman ang pinagdadaanan ngayon ng pinakamamahal niyang asawa.
He was pacing back and fort when Rann arrived. At may kasama pa itong mga kutong-lupa.
“Anong ginagawa niyo dito?” Inis niyang tanung kay Marlon Aiken at Alexus na nasa likod ni Rann.
Alexus shrugged. “Nakiki-usyuso lang ako.”
Tiningnan niya si Marlon Aiken. “Ikaw?”
“Dapat lang na nandito ang Ninong.” Anito na ikinataas ng kilay niya.
“Sinong nagsabing ninong ka ng anak ko?”
“Self-proclaimed ninong ako. Huwag kang umangal. Sumama ako sa pamimili ng damit ng baby mo.” Sagot ni Marlon Aiken. “May utang na loob ka sa akin.”
“Whatever.” Ramm grumbled under his breath and sit on the sofa outside the Delivery room.
“Ramm, not that I’m worried or anything, pero, bakit boxers lang ang suot mo? Hindi ko alam na nagboborles ka na pala ngayon. Nagka-free viewing pa tuloy ang mga nurse dito. Anu nalang ang sasabihin ng asawa mo?” Umiiling-iling na sabi Alexus.
Napatingin siya sa sarili. Nanlaki ang mata niya ng makitang naka-boxer nga lang siya at pinagtitinginan siya ng mga nurses.
Nagtago siya sa likod ni Rann. “Itago mo ako, kapatid.”
Nilingon siya ni Rann. “Kanina ka pa naka-boxer, ngayon ka lang nagtago.”
Tumawa ng malakas si Alexus. “Isusumbong kita kay Yanzee. Dapat niyang malaman na nagboborles ka for free.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Alis! Hindi ka welcome dito!”
Umupo si Alexus sa sofa. “Kailan mo pa naging pag-aari ang Hospital na ‘to?”
Inungusan niya ito at nanahimik nalang. Kahit naiinis nagpapasalamat siya sa mga ito dahil kahit papaano medyo nawala ang isip niya kay Yanzee. Masyado siyang nagaalala sa asawa, kailangan niyang kumalma.
Napalingon silang apat ng may marinig silang tikhim.
“Kaino, anung ginagawa mo dito?” Tanung niya.
Isa ito sa mga ka-close niyang pinsan.
“Iniwan mo ang bar ko?!” Tanung ni Marlon Aiken. “Paano kung may mag-away dun?”
Kaino rolled his eyes. “I’m a police office not your bouncer, nandoon lang ako sa bar mo dahil sa personal na kadahilanan.” Anito at umupo sa sofa.
“Magpapanggap nalang ako na na hindi ko alam ang personal mong dahilan.” Ani ni Marlon Aiken.
“Wala ka ng pakialam doon.” Sagot naman ni Kaino.
Inungusan ni Marlon si Kaino. “Ano bang sabi ko?”
“Kung ayaw mo ibalibag kita diyan—”
Naputol ang pagsasagutan ni Marlon at Kaino ng luamabas ang isang babaeng Doctor sa Delivery room.
“Sinong sa inyo si asawa ng nanganak?”
Agad siyang lumapit dito.
“Kumusta ang asawa ko? Ang baby ko? Okay lang ba sila?” Sunod-sunod na tanung niya.
Ngumiti ng malapad ang Doctor. “Congratulation, sir. It’s a healthy baby boy—”
“Yes!” Sigaw niya sa narinig sabay talon.
“—and a healthy baby girl.”
Napatigil siya sa pagtalon at napanganga sa Doctor. “A-Ano?”
“Kambal ang anak mo.” Imporma ng Doctor sa kanya.
Bigla siyang nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top