Chapter 8

CHAPTER 8

HINDI alam ni Yanzee kung ano ang dapat na isagot sa tanung ni Ramm. Para siyang itinuhog sa kinatatayuan at hindi maibuka ang bibig sa sobrang gulat at kaba.

Ano naman ang isasagot ko—

Napamulagat si Yanzee ng may tumulak sa pinto mula sa labas kaya naman napasubsub siya sa labi ng binata.

“Oh my god!” Tinutop niya ang labi. “I didn’t mean that!”

Malalaki ang mata na tumingin sa kanya si Ramm, kapagkuwan ay napangiti ito ng pilyo. “Well, puwede na sa akin ‘yon.”

“Puwede ba akong pumasok? Naka-borles ba kayong dalawa diyan? Sabi ni Rann nag you-you know daw kayo. Papasok naman, insan. Kukunin ko lang yung file na kailangan ko diyan sa office mo.”

Napanganga si Yanzee sa narinig. Mabilis niyang binuksan ang pintuan na nakaawang na.

“Hindi! Wala kaming ginagawa!” Mabilis niyang paliwanag sa bagong dating na lalaki.

Napaawang ang bibig niya ng makita ang mukha ng lalaki na tumulak sa pintuan. Napaka-guwapo ng lalaki. Para itong super model sa sobrang ka-guwapuhan.

“What’s your name?”

Ipinalibot ni Ramm ang isang braso sa balikat niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Tumama ang likod niya sa dibdin ng binata. Agad na nag-init ang mukha niya ng maramdaman ang mainit nitong katawan.

Oh my god! Baka mamatay ako sa sobrang kaba. Sasabog na yata ang puso ko!

“Ramm. Ano ba!” Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap ng binata pero hindi niya magawa.

“Still.” Bulong ni Ramm sa tenga na ikinataas ng balahibo niya. “Ano naman ang ginagawa mo dito ha, Marlon Aiken?”

Kunot-nuong pinaglipat-lipat ni Marlon Aiken ang tingin sa kanilang dalawa. “Sabi ni Rann nag you-you know daw kayo. Nakaka-isturbo ba ako?”

Iwinagayway niya ang kamay. “Wala! Walang ‘you know’. Saka dalagang pilipina ako.”

“Ows? E bakit nakabukas ang polo ni insan?” Anito sabay turo kay Ramm.

Nilingon ni Yanzee ang binata. Napatanga siya ng makitang totoo ang sinabi ni Aiken.

Mabilis niyang ibinutones ang polo nito. “Hindi kita hinubarang hinayupak ka. Ayusin mo nga yan! My god, Ramm! Aatakihin ako nito sa puso!”

Natatawang tinulungan siya ni Ramm na ibutones ang polo. “Relax, Yanzee. Wala naman masama kung hinubaran mo ako.”

Nanigas siya at dahan-dahang tumingin sa mukha ni Ramm na bukas ang bibig sa sobrang gulat sa sinabi nito.

“A-Ano? H-Hindi kita hinubaran…”

“It’s cool.” Sabat ni Aiken na pumasok sa loob ng opisina. “I’ll just pretend that I didn’t see anything.” May kinuha itong folder sa ibabaw ng magulong mesa at tumingin kay Ramm. “Hihiramin ko lang ‘to, I’ll return this tomorrow. Sayonara, cousin. Have fun with your girlfriend.” Pagkatapos ay umalis na ito.

“Hindi niya ako girlfr—” Hindi natapos ang sasabihin ni Yanzee dahil tinakpan ni Ramm ang bibig niya.

Malakas niyang tinanggal ang kamay nito na nakatakip sa bibig niya.

“Ano bang problema mo?!” Naiinis na sigaw niya dito. “Una nagalit ka dahil sinabi kung mas guwapo ang kapatid mo—”

“Mas guwapo naman talaga ko sa kanya. I have the right to be mad. At dapat ako lang ang guwapo sa paningin mo at wala ng iba.”

Tinarayan niya ito. “—pangalawa, naghubad ka tapos ako ang inaakusahan mong nag-borles sayo? Hoy! For your information, hinding-hindi kita huhubaran—”

“Wanna bet? Alam ko namang naglalaway ka sa matipuno kung dibdib.”

Napatitig niya sa dibdin nito at lihim siyang napalunok. Sheyt! Hindi nito dapat malaman na apektado siya sa dibdib nito.

“—p-pangatlo, bakit ba palagi akong pinagkakamalang girlfriend mo?! Please lang, pakitama naman. Dahil walang katutuhana ‘yon.”

Tinitigan siya ng matiim ni Ramm. “Ayokong itama kasi ayokong pagkamalan ka nilang single.”

“At bakit naman? I think I have the right to be single whenever I want.”

“Not in my watch.”

“Sino ka? Tatay ko?”

“Hindi. Ako si Ramm Nicolas San Diego. Ang pinaka-guwapong lalaki na nakilala mo sa balat ng lupa.”

Inirapan siya ito. “Hala, managinip ka pa.”

“I’m not dreaming, Yanzee. I know that I’m freaking handsome. Dahil hindi ako huhubaran ng mga mata mo kung hindi.”

“That’s a lie!”

Hinatak siya nito palabas ng silid.

“Saan mo na naman ba ako dadalhin?”

“Sa restaurant sa baba ng hotel.”

“E bakit dinala mo pa ako dito?”

Ramm shrugged. “Gusto kitang masulo e. Malay ko ba may isturbo na mga burloloy sa atin.”

“M-Masulo?” Gagad niya.

“Yep.” He smiled at her then guide her towards the said restaurant.

Nang makarating doon, agad silang nilapitan ng waiter.

“Sir Ramm, kumusta ho? Matagal-tagal din kayong hindi napadpad dito.” Ani ng waiter na nakangiti.

Ramm smiled back. “Yeah. Na-busy kasi ako e.” Pinagsiklop ng binata ang kamay nila.

Hindi siya umiwas dahil nahihiya siyang agawin ang kamay dahil marami ang matang nakamasid sa kanila. At saka, gusto niya ang pakiramdam ng kamay nito sa kamay niya.

Bumaba ang tingin ng waiter sa magkasiklop nilang palad ni Ramm.

“Ano pong order niyo, Sir Ramm?” Anang waiter ng maka-upo sila.

“The usual.” Nakangiting sagot ni Ramm at binalingan siya. “Ikaw?”

She shrugged. “You order for me. Mukha namang avid fan ka ng restaurant na ‘to.”

Ramm grinned. “Of course. I own this hotel. Dapat lang na magustuhan ko ang pagkain dito.”

Hindi na nagulat si Yanzee sa sinabi nito. May hinuha na siya na pag-aari nito ang gusali.

“Halata naman na pag-aari mo ‘to.”

Ramm tsked. “May bago ka na namang alam sa akin, ako wala pang alam tungkol sayo maliban na Yanzee ang pangalan mo at pagma-may ari mo ang Yanzee Restaurant.”

“Ramm, maliban sa nabanggit mo, wala ng interesante sa akin.”

“Yanzee, I want to know you more. Gusto kitang makilala. Gusto kung malaman ang lahat ng bagay na tungkol sayo. Lahat-lahat, Yanzee. Masama man o mabuti.”

Yanzee was hyperventilating. Hindi nakakatulong ang matiim na titig sa kanya ni Ramm. Pinagpapawisan ang kamay niya at parang sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba.

“Ramm, anu ba ang pinagsasasabi mo diyan?”

Ginanap ni Ramm ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa.

“Yanzee… can i cour—”

“Ramm, insan! Kumusta ka na?” Putol ng isang lalaking boses sa sasabihin ni Ramm.

Mabilis niyang inagaw ang kamay na hawak-hawak ni Ramm at tumingin sa bagong dating na lalaki.

The man standing beside their table was stunningly gorgeous. That word alone can’t describe how much handsome he is. His slightly chinky eyes. His stubborn jaw line that was covered with day growth of whisker. His heart shape lips.

Woah! He is freaking gorgeous. Yanzee can’t look away. Pero sa isiping magagalit na naman si Ramm kapag pinuri niya ang lalaki, ibinalik niya ang paningin sa binata na magkasalubong ang kilay at nakatingin sa lalaki.

“Ano bang ginagawa mo dito, Alexus?” Tanung ni Ramm na parang naninita.

Alexus shrugged. “Nothing. I just want to meet your girlfriend.” Anito at tumingin sa kanya.

“Hindi niya ako girlfriend.” Aniya.

“That’s not what I heard.” Ngumisi si Alexus kay Ramm. “I heard from someone na girlfriend ka nitong pinsan ko.”

“Sino naman ang someone na ‘yon?” Usisa niya. “At nang ma-explain ko sa kanya na hindi ako girlfriend ni Ramm.”

“Ouch, cousin.” Tinapik ni Alexus ang balikat ni Ramm na parang pinapakalma ang binata. “Well, Yanzee, Insan, ako’y aalis na. Nandito na ang agahan ko.”

Alexus smiled at them one more time then left with a woman with a skimpy skirt. Hindi na magtaka si Yanzee kung habulin ng babae si Alexus. Sa mukha ng lalaki, hindi iyon imposible.

“Babaero yan kaya huwag kang maakit sa guwapong mukha ‘non. Halimaw yan pagdating sa babae.” Komento ni Ramm na ikinatitig niya dito.

“Ano naman ang kinalaman ‘non sa akin?”

“I can tell that you’re smitten by him.” Madilim ang mukha nito.

“Ramm, kaguwapuhan na naman ba ang issue mo kaya madilim yang mukha mo?”

“Ano sa tingin mo?”

Yanzee sighed . “Ramm, why are you so insecure about that matter? Kung sa kaguwapuhan lang naman ang pag-uusapan hindi ka papatalo. You are handsome in your own way—”

“Ayokong may lumalapit sayong guwapo kasi pakiramdam ko mas pipiliin mo siya. Ayokong may guwapong lumalapit sayo kasi ayokong maakit ka sa kanya. Dapat ako lang ang guwapo sa paningin mo. Ako lang.”

“Ramm, bakit mo ba yan sinasabi—”

“Well, let’s eat.” Anito ng dumating ang pagkain.

Tiningnan niya ang binata na maganang kumakain.

Halatang umiiwas ito sa iba pa niyang sasabihin. Hinayaan ni Yanzee na makawala ito. Sa ngayon. Ayaw rin niyang ipagpatuloy ang pinaguusapan nila. May pakiramdam siya na mag-aaway na naman sila.

At ayaw niyang makasagutan na naman ang binata.

“TANTANAN mo na ako, Ramm.” Aniya ng makalabas sa sasakyan nito.

Pilit siya nitong hinatid papuntang restaurant niya. Ayaw niya pero makulit at mapilit ang binata. Hindi din siya makatanggi dahil malapit ito sa kanya.

“Come on, Yanzee. Gusto lang naman kitang makasama mamaya e. Wala naman akong gagawin mamaya. Please?” He pouted.

“Nope. Ayoko.”

“Yanzee naman—”

“Umalis ka na.” Nagmamadaling pumasok siya sa restaurant. Hindi niya nilingon ang binata.

Binuhos ni Yanzee ang buong araw sa pagta-trabaho sa kusina. Hindi siya nagpahinga maliban sa pagkain. Ayaw niyang maisip si Ramm kaya naman inukupa niya ang oras at utak sa pagta-trabaho.

Pagka-uwi sa bahay, parang may kung anung paghihinayang na naramdaman ng hindi nakita ang sasakyan ni Ramm sa labas.

Mukhang nakinig sa kanya ang binata. But how she wish na hindi ito nakinig sa kanya. Na sana nangulit na naman ito. May kung anug damdamin sa kaloob-looban niya na hinahanap-hanap ang presensiya ni Ramm.

Parang nami-miss niya—

Napatigil siya sa paglalakad sa naisip. She missed Ramm? Bakit naman niya mami-miss ang lalaking ‘yon e kasama palang niya ito kanina?

Buwesit naman ang isip na ‘to!

Napabuntong-hininga siya at pumasok sa bahay. Ilang minuto palang siya sa loob ng may nag-door bell.

Binuksan niya ang pintuan at nakita si Ramm na nakatayo at nakangiti.

Nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga. “Ano na naman ang ginagawa mo dito? Ha?”

Ramm grinned. “I’m here to see you.”

“Oh, nakita mo na ako, alis na.” Pagtataboy niya sa binata.

He pouted. “Yanzee naman eh!” Para itong bata na nagmamaktol.

“Ramm, pagod ako sa Restaurant. Please, huwag mo ng dagdagan. Okay? Kaya umalis ka na para makapag-pahinga na ako.”

“Ayoko.”

“Ramm!”

“Ayoko nga e.” Pumasok ang binata sa bahay niya ng walang pahintulot at nagtuloy-tuloy sa kusina.

“Hoy! Ano ba Ramm, anu ba ang ginagawa mo diyan sa kusina?” Sinundan niya ang binata sa kusina. “Umalis ka na nga sa bahay ko.”

Naabutan niya ang binata na hinahalungkay ang refrigerator niya.

“Wala kang mahahanap na pagkain diyan.” Aniya sa pagod na boses.

Iisinara nito ang ref at bumaling sa kanya. “Ipagluto mo ako. Please?”

“Ayoko nga—”

Biglang tumunog ang tiyan nito na ikinatigil niya sa pagsasalita.

Yanzee sighed in defeat. “Fine. Ipagluluto na kita.”

Sumuntok ito sa hangin. “Yes! Sige, gusto ko Bicol express. Yung sobrang anghang ha?” Request nito.

Napailing-iling siya. “Oo na.”

“Yum! Masarap na naman ang pananghalian ko.”

Yanzee ready the ingredients. “Hindi ka ba kumain ‘nong lunch?”

“Kaunti lang.”

“Bakit naman?”

“Kasi wala ang appetizer ko e.”

Nilingon niya ang lalaki na may pilyong ngiti sa mga labi.

“Ramm, hindi mo puwede e basi sa appetizer mo ang dami ng kinakain mo. Masama ‘yon sa katawan. Baka magkasakit ka ng ulcer.” Pangaral niya.

Ramm just shrugged. “I’m fine. Ipagluluto mo naman ako e.”

Napailing-iling nalang si Yanzee sa tinuran ng binata.

Habang nagluluto, kinukulit siya ni Ramm. Ayaw sana niyang pansinin ito pero ang kulit talaga.

“Ramm, shut up.”

“I just want to know everything about you.”

She sighed loudly. “Ano ba ang gusto mong malaman?”

“Slum book tayo.” Suhestiyon ni Ramm na ikinangiti niya.

Kahit napapantastikuhan, sinakyan niya ang kalukohan nito. “Ano naman ang una mong tanung sa akin?”

 “Ahm…favorite color?”

“White and Black.”

“Favorite food?”

“I love all foods. Kaya nga may restaurant ako diba?”

“Okay. Ahm, last crush?”

Kunot-nuong nilingon niya si Ramm. “Last crush? Isn’t it ‘first crush’?”

His playful aura disappeared. “Ayokong malaman kung sino ang first crush mo.”

She rolled her eyes at him. “Whatever. Ang last crush ko? Si Alexus.”

“Ay, nakalimutan ko, hindi pala yun kasali sa tanung ko. Erase. I’ll change that to, ‘who was your crush when you were in the island.’?”

Napatawa siya ng malakas sa tanung nito. “Hay, ewan ko talaga sayo Ramm. Baliw ka din e.

“Baliw ako sayo.”

Natigilan siya sa sinabi nito. Ayaw niyang tingnan ang lalaki baka hindi niya magustuhan ang bakas ng mukha nito.

“Ramm, please, kung isa na naman ito sa mga pangungulit mo. Stop. Hindi ko na gusto ang pinagsasasabi mo.”

Napaigtad si Yanzee ng may humawak sa magkabilang braso niya.

Lumapat ang dibdid ni Ramm sa likod niya. May kung anong kuryente siyang naramdaman sa pagkakadikit ng katawan nila.

“I’m not kidding, Yanzee. Nababaliw na talaga ako sayo. Hindi mo lang napapansin.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top