Chapter 12
CHAPTER 12
GABI na ng magising si Yanzee. Ng bumangon siya sa higaan at tumingin sa labas ng bintana, madilim na ang kalangitan.
Hinanap kaagad niya si Ramm, hindi niya ito makita sa loob ng silid. Pagkatapos ayusin ang sarili, lumabas siya ng kuwarto nila at bumaba sa lobby ng hotel. Hindi pa rin niya doon makita si Ramm.
“Asan naman kaya ang lalaking ‘yon?” Naiinis na tanung niya sa sarili.
Naglakad siya patungong bar ng hotel. Napangiti siya ng makita si Hanford. Naaalala pa kaya siya nito?
“Hi.” Aniya dito.
Agad itong ngumiti ng makita siya. “Yanzee! It’s nice to see you again.”
“Yeah. It’s nice to see you too.” Umupo siya sa katabi nitong stool.
“Are you here alone?”
“Nope. I’m here with my boyfriend.” Nakangiting wika niya na agad din namang nawala ng maalala ang huli nilang paguusap ni Ramm. Naiinis siya dito.
“What happened to your smile?” Tanung ni nito ng mapansing nawala ang ngiti niya.
“Nothing. I have to go. I was looking for my boyfriend.”
“Okay. Pity that you already have a boyfriend. He’s a one lucky guy to have you.” Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Are you happy with him?”
She nodded. “Yes, I am.”
“Then I’m happy too.” Binitiwan nito ang kamay niya. “I hope you and your boyfriend have a happy life.”
“Thanks Hanford.” Nginitian niya ito at iniwan ang lalaki sa bar.
Nasa labas siya ng elevator at naghihintay na bumukas iyon ng may nagsalita mula sa likuran niya.
“So…’yon ang ginagawa mo kapag wala ako?” Ang boses na ‘yon ay puno ng hinanakit.
Nilingon niya si Ramm na nakatayo isang metro ang layo sa kanya.
“Ramm…”
“Bakit ka nakikipag-usap sa lalaking yon?” Usisa nito na puno ng selos ang boses.
She rolled her eyes at him. “Ramm, nagseselos ka na naman ba?”
“Dapat lang naman ako na magselos. Shouldn’t I be jealous? I saw my girlfriend holding hands with another man! Gusto mo magsaya ako?”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Ayaw niyang makipag-away kay Ramm kaya naman ng bumukas ang elevator agad siyang pumasok doon. Nang makitang pumasok din si Ramm, itinirik niya ang mga mata.
Hay! Mag-aaway talaga siya. Nararamdaman na niya iyon sa mga kalamnan at buto-buto niya.
“Ramm—”
Naputol ang sasabihin niya ng mahigpit siyang yakapin ni Ramm. “I’m sorry I’m always a jealous bastard.”
“Ramm, palagi nalang ito ang issue nating dalawa. Stop being so jealous all the time. Dapat alamin mo muna ang side ko bago ka magselos. Hindi naman kita niloloko at wala akong balak na lokohin ka. Paano ko ba mapapatunayan sayo na mahal kita at hindi na ako maghahanap ng iba?”
Malamlam ang matang tinitigan siya ni Ramm. “Wala naman. Madali lang talaga akong magselos pagdating sayo. I’m sorry I have this kind of attitude. I know this attitude of mine is starting to annoy you, and I’m afraid. It scares me to think that because of this, you’ll leave me. Please, Yanzee, bear with me. I’ll change, I promise. Medyo nahihirapan lang ako ngayon, pero darating din ang araw na magba—”
“Ramm—”
“Magbabago ako. I’ll change for you. I’ll do that. Basta ngayon, please, understand and bear with me—”
“Ramm—”
“Please, Yanzee… Please I’ll do—”
She crashed her lips against his to shut him up. “Please, stop rambling and shut up.”
“Okay…”
“Diba sinabi ko na sayo na okay lang sa akin yang pagseselos mo? At ayokong magbago ka.”
“Yeah, pero—”
“Wala ng pero-pero. I love you and that’s what important.”
“I love you more.” Anito at hinalikan siya.
Nang bumukas ang elevator, agad na inayos nila ni Ramm ang sarili. Namula ang pisngi niya ng makitang may naghihintay sa labas ng elevator.
Nakatungong lumabas ng elevator si Yanzee, habang nakasunod ang nakangising si Ramm.
Siniko niya ito. “Huwag ka ngang ngingisi-ngisi diyan na parang magnanakaw.”
“Oo, magnanakaw ako. Magnanakaw ako ng puso mo.”
Napanganga siya sa ka-cornihan nito. “Yuck, Ramm! Ang corny mo.”
“What?” Natatawang tanung ni Ramm habang binubuksan ang pintuan ng kuwarto nila.
Nang makapasok sa loob, agad siyang niyakap ng kasintahan.
“I’m sorry kanina. Alam ko namang nasaktan ka doon sa tanung ko tungkol sa kasal. Hindi ko lang pinahalata na nahalata ko.” Anito na ikinagulat niya.
“N-Nahalata mo?” Nauutal niyang tanung. Nag-iinit ang pisngi niya sa isiping alam pala nito. “B-Bakit hindi mo sinabi na nahalata mo? Saka hindi naman ‘yong kasal ang rason kung bakit ako nagtampo, doon sa joke mo. Nakakainis kasi e. Ang seryuso ko tapos ikaw ngabibiro lang pala.”
“Kasi may kailangan akong gawin. At alam kung makakabawi ako sayo kapag natapos ko ‘yon. And I hope you answered correctly.”
“A-Anong answered correctly?”
Iginiya siya ni Ramm sa malapad na bintana na kita ang malawak na karagatan. Madilim sa labas at ang tanging nakikita lang niya at ang maliliit na ilaw na nasa dalampasigan.
“Ramm, anong—” Napatigil siya sa pagsasalita ng abutin nito ang telepono na malapit sa kanila.
“Light it up.” Anito sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.
“Ramm, sino ba ang kausap mo. Anong light it up ang sinasabi mo diyan?”
Ramm grinned at her. Puno ng pagmamahal ang mata nito. “Look outside and I hope you say ‘yes’.”
Sinunod niya ang sinabi nito at ganun na lamang ang gulat niya sa nakita. Nasapo niya ang nakaawang na labi. Namalisbis ang mga luha niya habang paulit-ulit na binabasa ang mga salitang nakasulat sa maliit na light bulb na kulay red at pink.
Naluluhang bilingon niya si Ramm. “I-I don’t know what to say.”
Ramm smiled lovingly at her then kneel on one knee. He pulled out a color black velvet box.
He looked deep into her eyes. “Yanzee, I’m not the most amazing guy on earth. I don’t have the best attitude. I’m possessive and jealous all the time. I can be a little annoying and irritating sometimes. I’m not good looking enough that’s why I like it when you praise my looks and I know I don’t deserve a woman like you. Knowing all those negative things about me, I’m here, kneeling on one knee in front of you, asking you with all my heart and my soul…” He opens the velvet box, showing a very beautiful diamond ring. “Will you marry me?”
Kinagat ni Yanzee ang pang-ibabang labi para pigilan ng hikbi na gustong kumawala sa labi niya. Halos hindi na niya makita si Ramm dahil sa luhang walang patid sa pagtulo.
Mabilis niyang pinahid ang mga luha at tumingin sa labas ng binata kung saan naroon pa rin ang salitang ‘Yanzee, will you marry me?’ na nakasulat gamit ang maliliit na bulb. Kung paano ‘yon napalutang ni Ramm sa dagat, hindi niya ma-imagine.
“Yanzee…” Pukaw sa kanya ni Ramm. “I’m still kneeling on one knee. I’m sweating bullets here.”
Kinuha niya ang sing-sing sa box at sinuot ‘yon.
“Is that a yes?” Kinakabahang tanung ni Ramm sa kanya.
Matiim niyang tinitigan ang singsing na suot.
Ibinalik niya kay Ramm ang tingin. “Ramm, you are the most amazing guy I met. I know you don’t have the best attitude but that’s what makes me love you. You are not perfect and I like it like that. You are not Ramm if you’re not annoying and irritating. You are the most handsome man I ever seen in my life and I know wala ng mag gu-guwapo sayo, well, maliban kay Marlon Aiken at Alexus pero sa puso ko ikaw ang pinaka-guwapo. You deserve me, Ramm. And with all my heart and soul, it’s a super duper ‘yes’.”
Masayang tumayo si Ramm at sumuntok sa hangin. “Yes!” Niyakap siya ni Ramm ng mahigpit. “I love, Yanzee. My soon to be wife.”
Para siyang timang na nakangiti ng malapad ng marinig ang sinabi ni Ramm. Kinikiliti ang puso niya. At nilukob ng sobrang kasayahan ang buong pagkatao niya.
“I love you too, Ramm. My soon to be husband.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top