Chapter 11
CHAPTER 11
“Ramm! Kunin mo na ang bagahe natin!” Sigaw ni Yanzee kay Ramm ng hindi gumalaw ang binata at tumingin lang sa malawak na karagatan.
“Ramm!” Naiinis na tawag niya dito ng hindi parin ito gumalaw.
Nilingon siya nito na parang hindi alintana ang galit niya. “What?”
Tiningnan niya ito ng masama. “Buhatin mo ang luggage natin!”
“Oh.” Mabilis nitong binuhat ang luggage nila na may ngiti sa mga labi.
“Bakit ngiting-ngiti ka diyan?” Usisa niya.
Ramm smile widens. “Nuong unang pumunta ako dito, single ang status ko. And now, I’m back, at may girlfriend na ako.” Puno ng pagmamalaki ang boses nito.
Agad na nawala ang pagkainis niya dito at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng Hawaii. Yes. Bumalik sila kung saan sila unang nagkakilala. Kung dati mahirap para sa kanya na iwan ang restaurant, ngayon ng ayain siya ni Ramm na bumalik at magbakasyon sa Hawaii, agad siyang pumayag at iniwan ang pamamahala ng restaurant kay Galen, ang very trusted niyang chef.
Pagkapok nila sa loob ng hotel agad nilang tinungo ang information desk.
Malapad na ngiti ang naka-plaster sa labi ng receptionist ng makita si Ramm. Agad na nag-ngit-ngit ang kalooban ni Yanzee.
“Room for two?” Tanung ng Receptionist kay Ramm.
Ramm smiled back and held her hand. “Nope. Room for one with king size bed. And My girlfriend wants a terrace that over looks the ocean.” Anito at nginitian siya ng matamis.
Agad na nawala ng ngiti ng Receptionist. Hah! Ano ka ngayon?
“Your girlfriend?” Anito na parang nang-uuri ang boses nito.
Tumaas ang kilay niya. “What? Got a problem with that?” Mataray niyang sikmat.
“No, ma’am.” Anito at ibinalik ang paningin sa computer na kaharap nito.
“Ang taray mo.” Bulong ni Ramm tenga niya. “Nagseselos ka na naman.”
Kinurot niya ang kasintahan sa tagiliran. “Hindi ako nagseselos. Nakakairita lang siya! Buwesit. Hmp!”
Ramm grinned. “One way to make her see that you are my girlfriend and I love you.”
“Ano—”
Biglang siyang siniil ng halik ni Ramm sa mga labi. Agad niyang tinugon ang halik. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang epekto ng halik ni Ramm sa kanya. Para parin siyang inililipad sa kahanginan.
Someone cleared their throat, causing them to stop kissing.
It was the receptionist. “Room 407, fourth floor. Cash or card?”
Ibinigay ni Ramm ang credit card nito na kulay itim. “Card.” Anito at inabot ang susi ng room nila.
Ibinalik ng receptionist ang credit card ni Ramm. “Do you need someone to carry your luggage?”
“Nope. We’re good.” Sagot ni Ramm at iginiya siya papuntang elevator. Ang parehong elevator kung saan siya itinulak ng binata palabas.
Napailing-iling siya ng maalala ‘yon.
“Bakit ka umiling-iling?” Usisa ni Ramm sa kanya ng makapasok sila sa elevator.
“Wala. Naalala ko lang ang unang beses na hinabol kita.”
Napatawa ng mahina si Ramm. “Yeah, I remember that. And I also remember this.”
Ramm pinned her on the wall and kissed her left cheek. “You smell good, Yanzee.”
“Hala, magsinungaling ka pa. Alam kung amoy-araw ako.”
Ramm buried his face on her shoulder. “Alam mo ba kung anung iniisip ko ng halikan kita sa pisngi dati?”
“Ano?”
Parang may kung anung nagliliparan sa tiyan ni Yanzee. Sa klase ng boses ni Ramm, alam na niya ang iniisip nito. Sa tatlong buwan na pagiging magkasintahan nila, alam na niya ang ugali nito at kung anung iniisip nito sa timbre palang ng boses ng binata.
“Ramm…” Mahigpit siyang napahawak sa balikat nito ng halikan siya nito sa leeg. “A-anong g-ginagawa mo…”
Ramm slowly trailed kisses from her neck down to her collarbone.
Ramm whispered. “This is what I want to do with you when I first kiss you on the cheek and I smelled your intoxicating scent.” His mouth went up from his collarbone, back to her neck and to her chin.
Yanzee moaned and tighten her grip on Ramm’s shoulder.
“S-Stop it, Ramm.”
Nakahinga ng maluwang si Yanzee ng tumigil si Ramm.
He grinned like a Cheshire cat. “Like it?” He wiggled his eyebrow.
Pabirong tinampal niya ito sa braso. “Ikaw na lalaki ka! You promised!”
Tumawa ng malakas si Ramm. “Wala naman akong ginagawa sayo ah. I was just kissing you.”
“Hmp!” Inungusan niya si Ramm na tumatawa pa rin at humakbang palayo dito.
Tumigil ito sa pagtawa. Pinigilan siya nitong makalayo at niyakap siya ng mahigpit. “Huwag kang lalayo sa akin, Yanzee. Dahil hindi ko kakayanin ‘yon.”
Parang may kumiliti sa puso niya, pero hindi niya ‘yon pinahalata. “Ramm, isang hakbang lang ang layo ko sayo.”
“Kahit na.” Humigpit ang pagkakayakap nito. “Basta huwag kang di-distansiya sakin. Baka maagaw ka ng iba. Mababaliw ako.”
Bago pa siya makasagot, bumukas na ang elevator. Binuhat ni Ramm ang luggage nila, hinapit siya sa bewang at iginiya siya patungo sa room nila.
Nang makapasok sa silid na inuukupa, parang gustong niyang mag back out. Agad na tumingin ang mata niya sa malapad na kama. Napalunok siya ng maglumikot na naman ang isip niya sa puwedeng mangyari sa kamang ‘yon.
“Shower lang ako tapos ikot tayo sa beach.” Narinig niyang sabi ni Ramm at pumasok ito sa isang silid na hinuha niya ay banyo.
Nakahinga siya ng maluwang ng mawala si Ramm sa paningin niya. Umupo siya sa kama at ipinilig ang ulo na kung saan-saan lang pumupunta.
“Ano ka ba naman. Yanzee, sooner or later mangyayari ‘yon sa inyo.” Pagkausap niya sa sarili.
“Alam ko naman ‘yon e. Pero maaga pa para doon.” Sagot niya sa sarili. “At saka kung mahal niya ako maghihintay siya!”
Ewan ko sayo. Basta kapag hindi mo na satisfy ang pangangailangan ni Ramm at iniwan ka, huwag mo akong sisihin!
Napasimangot siya sa sinabi ng isip niya. Pati ba naman ang sariling isip niya, ‘yon din ang sinasabi? Nakakainis naman. Saka, hindi naman ganoon si Ramm. Alam niyang makapaghihintay ang kasintahan ng tamang panahon para doon.
Kinalma niya ang sarili at humiga sa kama. Idinapa niya ang mga braso at tumingin sa kisame. Kahit anung gawin niya, kinakabahan parin siya. Silang dalawa lang ang nasa silid na ‘to. Lahat posibling mangyari.
Lahat…
Naiinis na ginulo niya ang buhok. “Argh!”
“If sharing a room with me really bother you so much, sa ibang kuwarto nalang ako.”
Mabilis siyang bumangon ng marinig ang boses ni Ramm. Nakita niyang nakasandal ang binata sa hamba ng pintuan ng banyo at nakatingin sa kanya.
“No, Ramm. Okay lang ako. Napagusapan na natin ‘to diba?”
“Yanzee…” Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. “I can see that you are having an argument with yourself. Kanina pa ako natayo sa labas ng banyo at tinitingnan ka. If you don’t like this setup, it’s okay with me. I understand.”
Mataman niyang tinitigan si Ramm. Walang halong galit o pagtatampo ang mukha nito.
Ang suwerte talaga niya sa lalaking ‘to. Napanatag ang kalooban niya sa mga sinabi nito at ang pag-intindi sa kanya.
Naglakad siya papuntang maleta niya at kinuha doon ang tuwalya na dala pati na rin ang mga gagamitin niya sa pagligo.
Nginitian niya si Ramm na kunot ang nuong nakatingin sa kanya. “Ligo lang ako tapos sasamahan mo akong bumili ng swimsuit kasi wala akong dala, okay?”
“What about the room setup? Ayos lang kung mag-iiba ako ng kuwarto.”
She smiled lovingly at him and gives him a peck on the lips. “I trust you. Ayoko ding mag-iba ka ng kuwarto, gusto ko magkasama tayo.”
Ramm smiled. “Thank you for your trust, Yanzee.”
She gives him another peck on the lips. “No problem.”
Nagmadali siyang tinungo ang banyo at naligo.
“ITO ang gusto kong isuot mo bukas.” Ani ni Ramm at itinuro ang kulay itim na bikini.
Nasa loob sila ng isang maliit na shop na nagtitinda ng bikinis at kung anu-anu pang kasuotan sa paglalangoy.
“Yan!” Nagtaasan ang mga balahibo niya. “Ayoko nga!”
Sinuri niya ang itinuro nitong bikini. Kulay itim iyon at talaga namang napakaganda. Pero nunkang magsusuot siya ng ganoon. Swimsuit nga sapilitan pa kung isuot niya, ito pa kaya na halos kita na pati kaluluwa niya?
“Well, on second thought huwag nalang. Ayokong may makakitang ibang lalaki na ganyang ang suot mo. Baka makapatay ako. Heto nalang.” Anito sabay turo doon sa conservative looking na kulay itim na swimsuit.
“Kaya ko pang isuot yan.” Aniya at kinuha yun sa pagkaka-display.
“Miss, can I try this on?” Aniya sa nagbabantay ng store.
“Sure miss.” Sagot nito na nakangiti.
Iniwan niya si Ramm sa labas ng fitting room at sinukat ang swimsuit. Napangiti siya ng makita sa salamin ang itsura niya. Binabawi na niya ang sinabi kanina, hindi conservative looking at swimsuit na ito pero ayos lang sa kanya. Mas okay naman ito doon kaysa sa bikini.
Nang lumabas siya ng fitting room, nakatalikod si Ramm at tumitingin doon sa mga swimming trunks na naka-display.
She cleared her throath. “Okay lang?”
Mabilis na lumingon si Ramm. Nakita niyang umawang ang labi nito.
“Ramm, okay lang ba ito?” Tanung niya ulit ng hindi ito magsalita at nakatitig lang sa katawan niya.
Napakurap-kurap si Ramm at napalunok. “Y-Yeah. You look freaking hot.”
Namula siya sa komento nito. “Hot ka diyan. Ano ako, araw?”
Lumapit sa kanya si Ramm at hinapit siya sa bewang. “I like it but I don’t want you wearing it in the beach. For sure maraming lalaking titingin sayo dun. Ayokong may ibang lalaking tumitingin sa katawan mo, Yanzee. Dahil exclusive lang yan para sa mga mata ko.”
Napipilan siya sa mga sinabi ni Ramm. Parang may nagrarambulang paru-paru sa tiyan niya sa mga sinabi nito. Sa tatlong buwan na kasintahan niya ito, alam niyang seloso ito. Pero hindi nila alam na possessive din pala ito.
Tiningnan niya ang suot na swimming suit. “Fine. Hindi ko na po bibilhin.”
Ramm grinned. “Sinong maysabing hindi mo yan bibilhin. Of course you’re going to buy that. Pero ako lang ang dapat makakita sayo kapag suot mo yan.”
She glared at Ramm. “Ang sakit mo din sa ulo e! Ano ba talagang gusto mo. Bibilhin tapos ikaw lang ang makakakita? Ano yon? Ginawa mo pa akong model. Malamang, kapag binili ko ito, susuutin ko sa pagligo ko sa dagat.”
Ramm sighed. “Kasi naman e. Ayoko ko ngang makita ka ng mga lalaki na ganyang ang suot mo. Akin ka lang!”
“Wala naman akong sinabing hindi ako sayo. At bakit may nakita kabang print ng swimsuit na ito na nagsasabing ‘I’m not Ramm’s girlfriend’? Wala naman ah.”
“Fine.” He grumbled. “Bilhin mo na. Hindi ako magrereklamo kung isuot mo yan sa beach. Pipikit nalang ako para hindi ako magselos.”
Walang sere-seremonyang siniil niya ng halik ang binata. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero agad din namang itong nakabawi at tinugon ang halik niya.
“Stop being so jealous all the time.” Aniya ng tapusin ang halik. “Ikaw ang boyfriend ko, at kahit hindi yun naka-lagay sa swimsuit ko, naka lagay naman ‘yon dito.” Ani niya sabay turo sa puso niya.
Ramm smiled lovingly at her. “I love you, Yanzee. I love you so much. Pasensya na at palagi akong nagseselos, natatakot kasi ako na iwan mo ako para sa ibang lalaki. Hindi ko alam kung anung mangyayari sa akin kapag iniwan mo ako. Hindi man ako mag suicide, pero siguradong mamamatay ang puso’t kaluluwa ko.”
Niyakap niya ng mahigpit si Ramm. “Mahal din kita, Ramm. Minsan nakakainis yang pagiging seloso mo, pero kinikilig din ako. It only means that you love me. Mas okay naman sa akin ‘yon kaysa sa walang pakialam.”
Ramm hugged her back then pulled away. “Sige, hubarin mo na yan at bilhin mo na. Kanina pa ako nagtitimpi, baka ma-molestya kita.”
Pabiro niya itong tinampal sa braso. “Ikaw talagang lalaki ka. Minsan maypagka-manyakis ka din e.”
“Lahat ng lalaki manyakis.”
“Oo, pero mas manyak ka.”
Kinurot ni Ramm ang pisngi niya. “Medyo lang.”
Inirapan niya ito at pumasok ulit sa fitting room. Pagkatapos hubarin ang swimsuit, lumabas siya at naglakad patungong counter. Nasa likod lang niya si Ramm at nakasunod sa kanya. Pagkatapos bayaran ang swimsuit, bumalik sila sa silid nila.
“Hay! Nakakapagud.” Sumalampak ng upo si Ramm sa sahig.
“Ramm, umupo ka nga sa sofa.”
“Ayoko.”
“Hay, ewan ko sayo.” Kinuha niya ang baon na tagalong pocketbook sa bag niya at umupo sa sofa.
Tumayo mula sa pagkaka-upo si Ramm sa sahig at lumapit sa kanya. Inagaw nito ang pocketbook niya at ihinagis yun sa kung saan.
“Ramm! Bakit mo ginawa ‘yon?!” Walang sino man ang puwedeng magtapon ng pocketbook niya! “Alam mo ba kung ganno yun ka-importante sa akin?”
Akmang hahanapin niya ang pocketbook na ihinagis nito ng pigilan siya ni Ramm na makatayo.
“Diyan ka lang.” Anito at pinulot ang pocketbook at ibinalik sa kanya. “Hayan. Enjoy reading.”
Inirapan niya ito at nag-umpisang magbasa. Nasa mga chapter 2 na siya ng maramdamang may humahalik sa balikat niya.
“Ramm—”
”Okay, okay. I’ll stop.” Anito at inilagay ang ulo sa balikat niya.
Bumuntong-hininga siya at inilapag ang binabasa. She encircled her arms around Ramm’s waist and pulled him closer. Napangiti ito sa ginawa niya.
“Hindi ka na magbabasa?”
“Mamaya na.” She snuggled close to Ramm.
Katahimikan ang namagitan sa kanila.
“Yanzee?“
“Hmm?”
“What’s your dream wedding?”
Tiningnan ni si Ramm ng matiim at inaanalisa ang expression ng mukha nito. Kaso wala siyang makita kung hindi ang kagustugan nitong malaman kung ano ang pangarap niyang kasal.
“Why do you want to know?” Usisa niya.
Narinig niya kasi na kapag nagtanung daw ang lalaki tungko sa kasal, may balak ‘yong pakasalan ka. Pero totoo ba? O pinapaasa lang niya ang sarili na baling araw darating din sila ni Ramm sa simbahan.
”I’m just curious.”
“Ahm…” Umasta siyang nag-iisip. “Gusto ko ng garden wedding.”
“Hmm. Why?”
“Mas homey looking kasi. Saka pakiramdam ko kapag sa simbahan, siguradong matatapilok ako o madadapa. Nakaka-pressure kasi e.”
“Ganun?”
“Yap.” Tumango siya. “Bakit mo ba tinatanung?”
He shrugged. “Ano naman ang dream marriage proposal mo?”
“I don’t know. Wala naman akong set na pangarap para sa bagay na ‘yon. Ang importante naman e mahal ako nung tao at totoo ang inaalok niyang kasal.”
Tumango-tango si Ramm na parang dina-digest ang sinabi niya.
Matiim siyang tinitigan ni Ramm sa mga mata. “Kapag ako nag-propose ng kasal sayo, tatanggapin mo?”
Napanganga siya at nanigas ang panga niya sa narinig. Parang tinatambol ang puso niya sa sobrang lakas ng tunog.
Tumawa si Ramm sa nakitang reaksiyon niya. “Relax, Yanzee. Binibiro lang kita.”
Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita ang disappointment sa mga mata niya. Letchey naman e! Bakit ba ang puso niya napakadaling umasa? Saka, tatlong buwan palang silang magkasintahan. Hindi naman siya nagmamadali.
Hindi nga ba? Ngayon-ngayon lang handa kang sumagot ng ‘oo’.
Ipinilig niya ang ulo at tumayo. “Matutulog na ako.”
“Ha? Ang aga-aga pa, matutulog ka na?”
“Yeah.” Nahiga siya sa kama at nagtakip siya ng unan sa mukha.
Ilang minuto lang ang nagdaan, may kumuha sa unan na nakatakip sa mukha niya.
Si Ramm ‘yon.
“Yanzee, labas muna ako ha? Magpahinga ka muna dito.”
Nilabanan ni Yanzee ang sarili na hindi singhalan si Ramm sa kamanhiran nito.
“Okay.” Aniya at ipinikita ang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top