Chapter 10

CHAPTER 10

SABADO, ang araw kung kailan ang engagement party ni Ramm at ang fiancé nito.

Walang laman ang isip ni Yanzee kung hindi si Ramm lang. Puno iyon ng ala-ala mula nuong nasa Hawaii pa sila hanggang sa pangungulit nito sa kanya ng magkita sila ulit. Ang paghahabol niya dito at pangungulit sa pangalan nito. Ang hindi niya makakalimutan ay ang init na hatid ng katawan nito kapag niyayakap siya. Ang mabilis na pag tibok ng puso niya tuwing malapit ang binata sa kanya.

She can’t forget his smile. His eyes. His mischievous remarks. His annoyingly cute attitude that never fails to make her mad and smile at the same time.

Lahat ng tungkol sa binata ay mami-miss niya. Ngayong ikakasal na ito, siguro naman hindi na siya nito kukulitin. Sa isiping ‘yon, sumakit na naman ang puso niya.

Ang saklap naman ng buhay pag-ibig niya. Isang beses pa nga lang siyang nai-in love, ikakasal naman.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi sa naisip. Kahit naman anung gawin niyang kadi-deny sa nararamdaman, alam niya at ng puso niya ang totoo. Hindi lang niya maamin kasi natatakot siya na masaktan. Pero kahit anu naman pala ang piliin niya, masasaktan pa rin siya.

Mas mabuti na siguro ito. Mas mabuti ng hindi niya sinabi kay Ramm ang tunay na nararamdaman. Ikakasal na pala ito sa iba, mabuti at nalaman niya. Mas nasaktan pa sana siya lalo kung nagpadala lang siya sa emosyon niya.

Yes, love is a crazy emotion. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin niya maintindihan ang love. Kahit nasasaktan siya, sa isiping masaya ang lalaking mahal sa piling ng iba, masaya na rin siya para dito. Kahit pa nagdurugo ang puso niya. Ayos lang. ang importante, masaya si Ramm.

Naputol ang pagmu-muni muni ni Yanzee ng tumunog ag cell phone niya. Kinalma muna niya ang sarili bago sinagot ang tawag nito.

“Hello?”

“Yanzee! May emergency dito sa Restaurant!” Boses iyon ni Galen. “Bilis! Pumunta ka dito ngayon din!”

“Anong—” Hindi natapos ni Yanzee ang sasabihin dahil nawala na si Galen sa kabilang lanya. End tone nalang ang narinig niya.

“Shit! Ang restaurant ko!” Sa isiping may nangyaring masama sa mahal niyang restaurant, agad siyang nagbihis at tumungo doon.

Halos lumipad na ang kotse sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya. Wala siyang pakialam kung sobra siya sa speed limit, ang nasa isip lang niya ay ang restaurant niya. Wala na nga si Ramm, pati ba naman ang kaisa-isang bagay na nagpapasaya sa kanya mawawal din?

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan ng makarating sa Restaurant niya. Habol ang hiningang nagmamadaling pumasok siya sa loob.

“Anong nangyari?!” ‘Yon ang unang lumabas sa bibig niya ng makapasok.

Ipinalibot niya ang paningin ng makitang walang taon sa loob. Asan ang mga trabahante niya? Ang mga tao na kumakain? Nagpa-panic na tinungo niya ang kusina.

God! Please! Huwag niyong pong hayaan na may mangyaring masama sa kanila!

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kusina at nakitang walang ring tao sa loob. Aalis na sana si Yanzee ng may narinig na pamilya na boses.

“Ang tagal mo dumating. Namumuti na ang mata ko dito.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Imahinasyon lang niya ito. Hindi si Ramm ang narinig niyang nagsalita. Nasa engagement party ang binata at nagpapakasaya. Wala ito dito sa kusina ng restaurant niya—

“Yanzee! Pinaghintay mo ako dito ng matagal at tatalikuran mo lang ako?!” Naiinis ang tuno ng boses nito.

Dahan-dahan niyang nilingon ang nagsasalita.             

And there he is, comfortably sitting on her cooking station, eating green apple.

“Ramm…”

He motioned her to walk closer to him.

Parang may sariling utak ang mga paa ni Yanze at naglakad palapit kay Ramm.

Tumigil si Yanzee sa harap ni Ramm. At dahil nga naka-upo si Ramm sa cooking station niya, mataas ito sa kanya. Hanggang balikat lang siya ng binata.

“A-Anong ginagawa mo dito?” Tanung niya sa mahinang bose. “Hindi ba dapat nasa engagement party ka ngayon at nagpapakasaya?”

He shrugged. “Hindi naman ako masaya doon e. Kaya pumunta ako dito. Nandito kasi ang kaligayahan ko.”

“Ramm, bumalik ka na doon—”

He leaned in and kissed her fully on the lips. Nanigas siya sa kinatatayuan ng maramdamang gumalaw ang labi ni Ramm. It’s sending thingling sensation over her body.

Malakas niyang itinulak ang binata. “Bakit ka ba nahahalik—”

“Could you please shut up and listen to me before you make me leave.” Anito sa mahinahong boses.

“Okay, fine.” Gusto rin niyang marinig ang paliwanag nito kung bakit nandito ito at hindi sa engagement party. Kung bakit hinalikan siya nito kahit may fiancé na ito.

Matiim siyang tinitigan ni Ramm bago nagsalita.

“I went to Hawaii to give my twin brother a chance to be happy and also to relax from work and women. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako mambababae sa Hawaii. Lagi kong tinatanim sa isip ko na nandoon ako para magpahinga sa busy kong buhay dito sa Pilipinas. ‘Yon ang nasa-isip ko, hanggang sa may isang magandang babae na pumasok sa elevator.”

“That woman is me?”                                                 

Ramm nodded.

Umingos siya. “Puwede ba Ramm, huwag mo akong pinaglololoko. As far as I remember, plain looking ang itinawag mo sa akin.” Pagpapaalala niya dito.

“And I’m very sorry I said that. You’re not plain looking. You have the most beautiful smile I have ever seen. Kaya naiinis ako sa pangungulit mo kasi palagi kang nakangiti. Alam mo ba kung anung epekto ng ngiting mong ‘yon sa akin? Hindi ako makatulog dahil sa matamis mong ngiti na palaging nasa isip ko. Naiinis ako sa sarili ko. Nandoon ako para magpahinga pero nawawala yun sa isip ko sa tuwing naiisip ko ang nakakahalina mong ngiti.”

“Hindi ko sinabi sayo ang pangalan ko kasi gusto kong ma-curious ka sa akin. Pakiramdam ko kasi ‘yon lang ang dahilan ng paghabol-habol mo. Pero ako rin naman ang sumuko. Sinabi ko rin. Kasi ayokong tinatawag mo akong Stranger. May pangalan ako at gusto kung marinig na banggitin mo ‘yon. Para akong hinihili sa langit ng mga anghel sa tuwing naririnig kitang pinupuri ang ka-guwapuhan ko. Akala mo hindi ko naiintindihan.” Ramm chuckled.

“Sige pagtawanan mo lang ako.” Namumula niyang sabi. Naaalala niya ang pinagsasasabi niya dito nuong hindi pa niya alam na nakakaintindi ito ng tagalog.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagsalita.

“At first, I don’t believe in love. I’d been with hundreds of women and I didn’t feel that certain emotion. Naririnig ko lang na bibilis daw ang tibok ng puso mo kapag nakita mo na ang ‘the one’. Hindi ako naniniwala dun. I don’t believe in love at first sight, that’s bullshit. But I fell in love with you the first time you smiled at me. My heart skips a beat and for the first time in my life, I felt it. That crazy little thing called love. At sa unang pagkakataon, nagselos ako. Nagselos ako doon sa bulaklak na natanggap mo. I was like ‘what the hell! That should be me giving you flowers, not some anonymous man!’ Ako ‘yong hinahabol-habol mo! Kaya naman nagpa-deliver ako ng bulaklak sayo. And yes, your smile is more amazing than your eyes.”

Napamulagat si Yanzee. “Galing sayo ang bulaklak na ‘yon? Kaya naman pala ang saya mo ng pinuri ko ang bulaklak na ‘yon.”

“Yeah. At nakita rin kitang may kausap na lalaki doon sa bar ng hotel. Ang sarap pilipitin ng leeg ng lalaki na kausap mo. Nakaka-buwesit! Tapos nalaman ko pa na siya yung nagbigay sayo ng bulaklak—”

“P-Paano mo nalaman?” Gulat niyang tanung.

“I heard you two talking.”

Inirapan niya ito. “You mean eavesdropping?”

“Fine. Nakinig ako sa usapan niyo. Kaya naman ng malaman kung uuwi ka na, I was happy and a bit irritated at the same time. I was happy because that anonymous man can’t give you flowers anymore and irritated because you’re freaking leaving me. Hindi ko matanggap na ang babaeng gusto ko ay iiwan ako na parang wala akong halaga sa kanya samantalang siya naman ang dahil kung bakit nagugulo ang isip at puso ko. I tried to stop you and when you didn’t, I promise to myself that I will see you again, one way or another.”

Sinapo ni Ramm ang pisngi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. “I love you, Yanzee. I Love you so freaking much.”

Lumapat ang labi nito sa mga labi niya. Tutugunin sana niya ang halik nito ng maalala niya na may fiancé na ito.

Itinulak niya ang binata palayo sa kanya. “Ramm, bumalik ka na sa engagement party mo. Umalis ka na.”

He sighed in frustration. “Wala ka bang naintindihan sa mga sinabi ko? My god! Yanzee naman e! I was telling you how crazy in love I am with you pero heto ka at tinataboy na naman ako! Don’t you get tired of pushing me away? Kasi ako pagud na pagud na ako sa kahahabol sayo!”

“Pagod na pagod narin ako sa kakulitan mo!” Balik niyang sigaw. “Ayoko nga sayo! Ayoko—”

He angrily crashed his lips on hers. Nang maramdaman niya ang pag galaw ng mga labi nito, parang may kung anung insekto sa tiyan niya na nagliliparan. Unti-unting napalitan ang uri ng paghalik nito. Naging masuyo iyon at puno ng pagmamahal. And the next thing she knew, she was kissing him back with the same ferocity. When Ramm deepened the kiss, Yanzee was more than willing to accept it. Their tongue battled in sync and all she could do was moan in pleasure.

When Ramm pulled away, Yanzee’s eyes was still close. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya o pagsisisihan niya ang pagtugon sa halik nito.

“Now tell me that you don’t love me.”

Nagmulat ng mata si Yanzee at napatitig sa guwapong mukha ng binata. “Ramm… I can’t. You’re getting married—”

“’Yon ba ang dahilan mo kung bakit hindi mo ako pinapapasok sa puso mo?”

Siguro nga oras na para magpakatotoo siya.

“Yes.” Walang takot na sabi niya.

“I’m not getting married. The woman I was with when I saw you crying was not my fiancé but my cousin, Cinnamon. She’s getting married.”

“P-Pero sabi niya ‘enggement party natin’.” Naguguluhang wika niya.

Nag-uumpisa ng umasa ang puso niya.

Napakamot si Ramm sa ulo. “Actually, kinutsaba ko siya na pagselosin ka. Handa akong patunayan na mahal mo din ako. Hindi ko matanggap na ang babaeng mahal ko ay hindi naman ako mahal. I know what I did was stupid. Pero ‘yon nalang ang huling baraha ko. Nang makita ko ang selos sa mga mata mo, gusto kung magsaya pero agad naman yong wala dahil sa mga luha mo na ako ang may kagagawan. I made you jealous, I made you cry and I’m an idiot for hurting you. But I only did that because I love you so damn much! I love you so much I can do crazy and idiotic things for you to see me. For you to love me.”

Ramm pulled her into a tight embrace. “Please, Yanzee. Please… say that you love me too. I can feel it but I need to hear it.”

Nanigas yata ang panga niya kasi hindi siya makapagsalita sa mga nalaman. ‘Yon lang naman diba ang problema niya? Hindi naman pala ito ikakasal. Hindi ito mawawala sa kanya kung sasabihin niyang mahal din niya ito. Nilukob ng kasayahan ang puso niya.  

Nang lumipas ang ilang minuto na hindi siya nagsalita, nanghihinang binitawan siya ni Ramm. Umatras ito ng dalawang hakbang at tinitigan siya. Walang buhay ang mga mata nito.

“Ramm—”

“Don’t.” Humakbang ito palayo sa kanya. “If you’re just going to push me away. Please, stop. I don’t want to hear it.”

“Ramm—”

“Don’t. Please, Yanzee.”

“Ramm—”

“Don’t push me away, Yanzee.”

“I—”

“Stop pushing me—”

She glared at him. “I love you, you dimwit! So shut up and listen to me!”

Napatigil si Ramm sa paghakbang palayo sa kanya.

“What?”

Yanzee heave a deep sighed and walk to Ramm. “I love you and yeah, I’m an idiot too for pushing you away.”

“Y-You love me? As in… m-me? Ramm?”

Yanzee chuckled. “Yes, you. Ramm Nicolas San Diego, I love you. I love your mischievous remarks. I love your smile. I love how your forehead wrinkled when you’re irritated. I love how your eyes darkened when you’re mad and I love you because you’re you. You’re the only man who can make my heart beat go crazy. You are the only man I ever chase. You’re the only man I want and you are the only man a need. I love you and only you.”

Bumukas ang kasiyahan sa mukha ng binata. “Really? Mahal mo talaga ako? Walang halong biro. Walang halong awa?”

Itinirik niya ang mga mata. “Ramm, hindi ako naawa sayo. And like you, I don’t believe in love at first sight. But I fell in love with you the first time you kiss me in the cheek on the elevator.”

Ramm grinned. “Yeah, I remember that. I was sweating bullets after that. Kaya iniwan kita sa elevator e. Kailangan kung kumalma. And that was freaking awkward. I acted like I haven’t kiss hundreds of women before.”

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa binata. “Really? Ipagmamalaki mo talaga sa akin ang sobrang isang daang babaeng nahalikan mo? Gusto mo bawiin ko ang ‘I love you’ ko?” Pananakot niya.

Nawala ang ngiti ni Ramm at napalitan yon ng takot. “No! I didn’t kiss those women.”

“That’s it! You’re lying! Binabawi ko na ang ‘I love you’ ko.”

“No!” He imprisoned her in a hug. “They kiss me and I kiss them back but not all of them. Just one hundred or so—”

“Keep lying.”

“Yanzee, dammit!” Hindi ito mapakali. “My past is past. What we have now is important. And if you don’t believe me, call my brother.” Ibinigay nito ang cell phone sa kanya. “Call Rann. And ask him if I ever had sex with someone after I met you.”

“Ano naman ang alam ni Rann sa sex life mo? Binabantayan ka niya? CCTV lang ang drama ng kakambal mo?” Sarkastiko niyang tanung.

 “Yanzee… just— just— I didn’t even kiss a woman ever since I met you! You have to believe me. Yanzee, come on—”

Hindi na kayang pigilan ni Yanzee ang tawa na kanina pa pinipigilan. Napahawak siya sa braso ni Ramm para hindi siya mabuwal dahil nanghihina na siya sa sobrang kakatawa. Halos maluha na siya.

Ramm was gaping at her; his face was full of confusion and disbelief. “What the hell?”

“I was just kidding you.” Yanzee said when she sobered up. “I don’t care if you dated thousands of women before. You love me and that’s all I need. That’s all I want.” She gives him a peck on the lips. “I love you and I trust you. I just have one thing to ask from you, Ramm.”

“What? I’ll do whatever you want.”

She smiled softly at Ramm and moves her face closer to his. “Huwag mo na akong paseselosin ulit. Masakit e.”

Ramm grinned like a Cheshire cat. “Sabi ko na e. Hindi masakit ang ngipin mo, nagselos ka talaga. Damn, Yanzee! You are so freaking in love with me!”

She smiled smugly at Ramm. “Said the guy who is head over heels in love with me.”

“True.”

She rolled her eyes then remembered why she’s here in her restaurant.

“Nasaan si Galen? He called me and said that there’s an emergency.”

“I ask him to help me. And that was the best alibi he can come up with. Mabuti nga hindi ka nadesgrasya papunta dito. Kung nasaktan ka, siguradong bugbug sarado na sa akin ngayon si Galen.”

“Wala kang utang na loob.” Natatampong ani ni Galen na kapapasok palang sa kusina. “Nagsara pa kami para masulo mo si Yanzee dito sa kusina!”

“E kasi naman e, bakit ‘yon pa ang idinahilan mo?”

“Kasi ang restaurant ang first love ni Yanzee at alam kung pupunta siya dito kapag ‘yon ang idahilan ko. Ikaw, second love kalang.” Sagot ni Galen at naglakad papuntang cooking station nito.

Yanzee rolled her eyes. “Tama na nga yan. Okay ako, walang nangyaring masama sa akin.”

“Sige, umalis na kayo at magbubukas na ulit ng kami.” Pagtataboy sa kanila ni Galen. “Love birds.”

Napangiti nalang si Yanzee at iginiya si Ramm sa back door. Nang makalabas sila, niyakap siya ng mahigpit ni Ramm.

“What?”

He smiled lovingly at her. “Nothing. I just love you so much.”

Parang kiniliti ang puso niya sa tinuran nito. Hindi niya napigilang halikan ang binata sa mga labi. “I love you too, Mr. Ramm Nicolas San Diego.”

“Buti naman at hindi na ako Mr. Stranger sa paningin mo.”

“Yeah, but truthfully speaking, I fell in love with Mr. Stranger. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kita hahabol-habulin. Dapat magpasalamat ka sa kanya.”

Ramm laughed and kissed her on the cheek. “I already did.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top