Chapter 1

CHAPTER 1

Nakangiting sumipsip ng kape si Yanzee habang nakatingin sa malawak na karagatan ng Hawaii. Nakatayo siya sa lobby ng hotel at nakatingin sa dagat na nagniningning dahil sa sikat ng araw. Napakaganda talaga tingnan ang bukang liwayway sa islang ito. Sa isang linggo na pananatili niya rito, naa-adik na siyang panuurin ang sunrise.

May kung anung lumukob na saya ng maalala kung bakit siya narito sa magandang isla na ito. Ipinangako niya sa sarili na magbabakasyon lang siya pag natupad na ang pangarap niya para sa kanyang restaurant. Mula ng maka-graduate siya sa culinary school, ginamit niya ang mana na ibinigay sa kanya ng grandparents niya at nagtayo ng restaurant na pinapangarap niya. Nag focus siya rito para lumago iyon at makilala sa buong bansa.

At nuong isang buwan nga, pinarangalan ang restaurant niya ng five star dahil sa masarap na pagkain at magandang serbisyo.

She’s the chef and owner of Yanzee’s restaurant.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Halos hindi maipinta ang kasayahan sa mukha ng magulang niya ng malamang gusto niyang magbakasyon. Agad siya binilhan ng ticket ng mga ito patungong Hawaii. Hindi pa sana siya magbabakasyon dahil nga medyo may aayusin pa siya sa restaurant niya pero kinaladkad siya ng mga magulang papuntang airport. Kaya naman heto siya at mag-iisang linggo na sa magandang isla ng Hawaii.

Umalis siya sa kinatatayuang terrace at naglakad pabalik sa hotel room na inuukupa niya.

Napatigil sa pagsipsip ng kape si Yanzee ng makakita ng isang guwapong lalaki na papasok sa lobby ng hotel. Halos lahat ng babae nakatingin dito habang naglalakad ito. Lahat nakatanga, tumutulo ang laway at kabilang siya sa mga tulo-laway na ‘yon.

Guwapo naman talaga ang lalaki. He stood six two in height. Tanned skin. He had a hair that she liked to call organized chaos. He’s wearing a see through white polo and rugged blue jeans. His eyes were covered with sunglasses.

Kung alam lang niya na makakita siya ng ganito ka guwapo na nilalang dito sa Hawaii, hindi na siya kailangan pang kaladkarin ng mga magulang. Sa buong buhay niya ngayon lang siya  na-guwapuhan sa isang lalaki. Marami na siyang nakitang guwapo pero hanggang doon lang iyon. Pero ang lalaking ito na sinusundan ng mga mata niya ay sobrang guwapo. Ni hindi nga niya matanggal ang mata rito.

Papasok ang lalaki sa elevator. Dali-dali siyang naglakad papuntang elevator. Ihinarang niya ang kamay para hindi iyon sumara. Andito na rin lang siya, ii-enjoy niya ang nalalabing isang linggo sa islang ito.

Nang makapasok siya sa loob ng elevator, tiningnan siya ng masama ng lalaki.

He opened the elevator again. “There’s four elevators in this hotel, can you leave and ride another one? I want to be alone.”

Nasuspendi ang ngiti na sana ay igagawad niya sa lalaking guwapo. Nagpakawala siya ng hindi makapaniwalang hininga. Bakit ba ang guwapong lalaking ito ay nahanay sa mga masusungit na nilalang?

Umakto siyang hindi ito narinig. Nagngingitngit ang kaluoban niya. May nakakuha nga ng interest niya masungit naman.

Tumingin siya sa kisame at umusal ng dasal para sa kasungitan nito. Sana naman pag bukas ng elevator mabait na ito.

Asa pa siya!

“Miss, can’t you hear me?” Ulit nito habang nakabukas pa rin ang pintuan ng elevator. “Are you deaf?”

Boysit! Guwapo nga masungit naman!

Tiningnan niya ito para sagutin. Pinigilan niyang mapasinghap ng makita ang mukha nito sa malapitan. Shet! Super guwapo naman ni Sungit. Ang bilis ng kabog ng puso niya ng magtama ang mga mata nila.

His sunglass is nowhere to be seen, showing his liquid brown eyes. Ang matangos nitong ilong. Ang labi nito na perpekto ang pagkakahugis. Wow! Artista ba ‘to?

A smirk appeared on his lips. “Take a picture. It last longer.”

Agad siyang tumingin sa ibang direksiyon ng marinig ang sinabi nito. Kinagat niya ang labi ng maramdamang nag-iinit ang pisngi niya.

Peste! Kahit ngayon lang makisama ka saking pisngi ka!  Please, huwag kang mag-blush!

At siyempre pa, namula siya.

Nasa ka-echosan ang utak ni Yanzee kaya naman hindi niya namalayan na nakalapit na ang lalaki sa kanya. Nang napansin niyang ilang dangkal nalang ang layo nito sa kanya, pati taenga niya, nag-iinit. Naririnig niya ang malakas na pitik ng pulso niya sa may tenga.

Oh. My. God. Gustong magtitili ng utak niya ng ipatong nito ang mga kamay sa balikat niya.

Ganoon na lamang ang gulat niya ng itulak siya nito palabas ng elevator. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa nakasarang pintuan ng elevator.

Ang kasungitan nito, tanggap niya. Pero ang kawalang respeto nito sa kanya? Hinding-hindi niya iyon matatanggap!

She huffed and started walking towards another elevator.

Sayang! Guwapo nga, masungit naman at pangit ang ugali.   

 RAMM leaned on the elevator wall. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Sana naman dahil sa pag-alis niya, may gawin ang kakambal niya para mapalapit kay Shay. It’s been a long time since he knew that Rann is in love with his best friend, Shay. Mga high school pa sila ‘non. Tatanda nalang si Rann wala pa rin itong ginagawa kung hindi gamitin ang babae para maka move on kay Shay.

Kaya naman, he takes the matter on his own hand. Umalis siya para makaporma si Rann. Pag nandoon kasi siya, siguradong siya palagi ang hahanapin ni Shay.

Napili niya ang Hawaii na pagtaguan. Siguradong hindi maiisip ni Shay na aalis siya ng bansa. Pinagdarasal lang niya na sana sa pagkawala niya, gumawa ng paraan ang kakambal niyang turpe na magkalapit ito at si Shay.

Pagkalas niya ng elevator, bumukas naman ang katabi nitong elevator at iniluwa ang babae na tinulak niya palabas ng elevator kanina. Nang makita siya nito, panandalian itong napatulala at iningusan siya kapagkuwan.

Kumunot ang nuo niya sa ginawa nito. Kanina lang halos magningning ang mga mata nito habang nakatingin sa mukha niya ngayon naman iningusan siya?

Hay! Mga babae talaga. Hindi niya maintindihan.

Hindi niya pinansin ang babae at patuloy na naglakad papuntang room niya.

Nasa labas na siya ng kuwarto niya ng makarinig siya ng boses.

“What’s your name?”

Tiningnan niya kung sino ang nagsalita. Nakita niya ‘yong babae na nakatingin sa kanya na parang may hinihintay. Tumingin siya sa paligid, silang dalawa lang naman ang tao.

Ibinalik niya ang tingin sa babae na nakatingin parin sa kanya. “Are you talking to me?”

Tumango ito.

Tiningnan niya ito ng matiim habang nag-iisip kung ibibigay niya ang pangalan. She had a very beautiful face. But not as beautiful as the women he dated. She’s beautiful al right, but he’s here to relax and not to date women. Pahinga muna siya. So, he decided…

“I don’t want to give you my name.” Rann said and entered his room.

NAIINIS na pumasok ni Yanzee sa kuwarto na inuukupa niya.

Nakakainis ang lalaking ‘yon. Pangalan lang pinagdadamot pa.

Bakit naman ba kasi niya tinanung si sungit? Hay! Nawe-weirduhan na siya sa sarili. Hindi naman siya ganito dati. Hindi naman siya agresibong babae. Hindi siya ang nauunang magtanung ng pangalan. Hindi siya nanenerbiyos pag may malapit sa kanyang lalaki. Hindi bumibilis ang tibok ng puso niya pag malapit sa isang lalaki.

Ngayon lang…

Humiga siya sa kama at nagmuni-muni.

Ano ba itong ginagawa niya? Kailan pa siya naging isang agresibong babae?

Ipinilig niya ang ulo. Malaki ang posibilidad na dito lang niya makikita si sungit sa Hawaii. Pagbalik niya ng pilipinas siguradong good bye sungit siya. Kahit man lang sana pangalan baunin niya pag-uwi.

NASA restaurant ng hotel si Ramm at kumakain.

“Can I seat with you?” Ani ng isang babaeng boses.

Napapagod na bumuntong-hininga siya. Hindi ba siya ng mga ito tatantanan? Ipinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng restaurant. Ang dami namang bakanteng mesa, sa mesa pa talaga niya?

“No, you can’t. Seat somewhere else.” Masungit niyang sagot.

Nagpunta siya dito hindi lang para magtago kay Shay kung hindi para narin ma-relax ang utak ang katawan niya. Dahil siguradong pagbalik niya ng pilipinas, madaming babae na naman ang maghahabol sa kanya. Nang pumunta siya dito sa Hawaii, relaxation ang nasa utak niya, hindi mambabae. Kaya naman kahit magaganda ang lumalapit sa kanya, pinapaalis niya.

He’s here to relax.

“Hey, can I seat—”

Tiningnan niya ng masama ang nagsasalita. “No, you can’t!”

Agad umatras ang babae na mukhang amerikana.

He rolled his eyes. Naman! Peace ang kailangan niya! Ibinalik niya ang atensiyon sa kinakaing fried fish.

Nang marinig na may umupo sa bakanteng upuan sa harapan niya, ready na siyang sungitan kung sino man iyon. Nang tumingin siya sa harapan, nasuspendi ang pagsusungit niya ng makita ang babae na nagtanung kung anung pangalan niya nuong isang araw.

Nangalumbaba ito. “What’s your name?” She asked.

Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkalipas ng ilang minuto na hindi na nagsalita yong babae, akala niya umalis na ito kaya naman ganoon nalang ang gulat niya ng marinig niya ulit ang boses nito.

“What’s your name?” Tanung ulit nito.

He looked at her with annoyed expression on his face. Ang kulit din ng isang ‘to!

“I don’t have a name.” Nangigigil niyang sagot.

“Everybody has a name. Come on. It’s just a name.”

“Yeah, I do have a name and I don’t want to give it to you.” Aniya at bumalik ulit sa pagkain.

“Why not?” Parang nagmamaktol ang boses nito.

Tumigil siya sa pag-nguya at tiningnan ito. “Because I don’t want to.”

Iningosan siya nito. “Hmp! Pangalan lang pinagdadamot pa. Para naman mamamatay siya pag sinabi niya ang pangalan niya sakin.”

Nagulat siya sa pagtatagalog nito. Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ito ng maigi. Wala sa itsura na Pilipino ito. Kung hindi pa ito nagtagalog, hindi pa niya malalaman na magkababayan sila.

For a Filipino woman, she stood maybe five nine in height. Matangkad na iyon para sa isang filipina. Then she had a pointed nose, brown hair that could be dyed. And yeah, her eyes are color gray. Not the usual Filipino eyes.

“So, you’re from Philippines?” he asked.

Nagulat ito sa tanung niya. “How did you know?”

“You speak tagalog.”

“You know our language?” 

Bakit naman hindi niya malalaman? Duh! Sa pilipinas siya lumaki. “Yeah. I do.”

“Wow. I didn’t know that a foreigner like you would know our language. That’s amazing.”

Wait? What? She thinks he’s a foreigner?

Napangiti siya. “Yeah. I understand some of your language but I don’t know how to speak it.” Pakikisakay niya.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa sinabi.

She nodded earnestly. “Oh.”

May kumudlit sa konsensya niya dahil sa pagsisinungaling niya dito pero pinagwalang bahala niya iyon. Masyado siyang nagi-enjoy sa reaksyon nito.

“From where are you?” She asked again.

Nag-isip siya ng lugar. “From Argentina.” Well, his mother has an Argentinean blood.

“What’s your name?”

“Its—” He caught himself. Muntik na iyon ah. “I don’t have a name.”

She pouted. “Please, tell me your name? ‘Yon na nga lang ang babaunin ko pag-uwi sa pilipinas.” Napatutop ito ng labi. “Hindi iyon ang ibig kong—yeah, kunti lang pala ang naiintindihan mo sa lengguwahe namin.”

Kinagat ni Ramm ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapangiti. “I don’t understand what you said.” Pakikisakay ulit niya.

Mamaya nalang niya sasabihin dito na Pilipino din siya katulad nito. Tingnan lang niya kung hindi ito mahiya sa kanya. Sa ngayon, nagi-enjoy pa siya sa mga pinagsasasabi nito.

She blew a breath. “Good. So what’s your name?”

Ang kulit talaga. “I don’t want you to know my name.”

“Why?”

“Because I don’t want to.”

“But why?”

“Because— Just because.”

Her shoulder fell. “Pangalan nalang pinagdadamot pa. Kaasar.”

Sinupil niya ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa mga labi niya. “How about you, what’s your name?”

Tiningnan siya nito ng masama. Akala niya hindi siya nito sasagutin kaya naman nagulat siya ng inilahad nito ang kamay.

“Hello. My name is Yanzee Cordova. Twenty-six years old and single.” She smiled at him happily. “How about you?”

What a smile! Nakakahalina ang ngiti ng babaeng ‘to.

He smiled back. “I’m twenty-nine years old and I’m not single.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

Natigilan siya ng magdaop ang mga kamay nila. Her hand felt soft. Parang ang sarap-sarap pisil-pisilin.

Inagaw nito ang kamay. “What’s your name?”

Umiling siya. “Nope. I don’t want to tell you my name. My mom always tells me to never tell my name to strangers.”

Tumayo siya at iniwan si Yanzee.

Yanzee. Ang ganda ng pangalan ni kulit.

NAIINIS na tumayo si Yanzee mula sa pagkaka-upo. Nabubuwesit siya! Pangalan nalang pinagdadamot pa!

Nang makita niya itong mag-isang kumakain, nakakita siya ng opotunidad na alamin ang pangalan nito. Pero ayaw naman nitong ibigay.

Ah basta! May isang linggo pa siya para alamin ang pangalan ni… Stranger. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top