CHAPTER 2
CHAPTER 2
NANGANGALIGKIG na ipinulupot ni Shay ang kumot sa nilalamig na katawan. To think na makapal ang jacket at pantalon niya. Bakit ba kasi nilagnat pa siya?
“I swear babycakes, kapag inayawan mo pa itong sopas, iiwan na talaga kita rito.” Ani ni Rann na pumasok na kuwarto niya at may dalang food tray na may lamang sopas.
Yup. Si man whore ang kasama niya ngayon. Bigla nalang kasing nawala si Best friend at hindi niya alam kung saan ito nagpamalagiw. Pinatulog siya nito sa isa sa mga kuwarto ng Hotel at iniwan siya. Tapos bigla namang dumating itong si Rann na nagsabing pinapunta ito ni Ramm dahil may importante daw itong ginagawa.
For sure inu-umpisahan na ni Ramm ang plano nitong paglapitin sila ng kapatid nito. Magugunaw muna ang mundo bago mangyari iyon!
“Paano namang hindi ko aayawan yang luto mo e mas masahol pa sa may lason ang lasa.”
Tila na insulto ito sa sinabi niya. “I beg your pardon?”
“You can beg all you want, still, lasang lason pa rin ang sopas mo.”
“Ang sama mo talaga. Ikaw na nga itong pinagluluto.” Inilapag nito sa harap niya ang umuusok pa na sopas. “Careful, mainit yan. Baka mapaso ka.”
“Nakikita ko pong umuusok kaya alam kung mainit.”
“Umuusok din naman ang malamig.”
“Bakit may nakikita ka bang ice diyan sa sopas?”
He gave out a frustrated sigh. “Nothing gets by you, does it?”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Inilapit niya ang mukha sa umusok na sopas at inamoy iyon. In fairness, mabango. Mukhang nalaman narin nito kung paano magluto ng sopas na hindi bubula ang bibig niya.
Kinuha ni Rann ang kutsara at sumadok ng sopas tapos ini-umang iyon sa bibig niya. “Say, ah.”
She rolled her eyes. “I can feed myself.”
“No, you can’t. Tingnan mo nga’t balot na balot yang katawan mo ng kumot. You can’t even stretch your arms.”
Hindi na siya nakipag-argumento rito. She knew when to fight and when to surrender.
Ibinuka niya ang bibig. Inihipan muna nito ang kutsarang may lamang sopas bago isinubo sa kanya. His gesture stunned her. She actually finds it sweet. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking ito na halos araw-araw may babaeng pinapaiyak ay mayroon palang gentleness na tinatago sa katawan.
“Why are you looking at me like that?” Tanung nito bago sumandok ulit ng sopas.
“Looking at you like what?”
“Looking at me like, I’m some kind of science experiment that had gone wrong?”
“Hindi ko lang kasi ini-expect na may gentleness ka pala sa katawan.”
He grinned. “Marami pa akong magagandang katangian na hindi mo pa nakikita. Tulad nalang ng isa kung katangian na pinag-aagawan ng kababaihan gabi-gabi.”
She wrinkled her nose. “You are such a man whore.”
“Maybe you want to see it … ” Tinaasan niya ito ng kilay. “Or not.” Bawi nito.
Mahinang napatawa si Shay. Rann looked at her with wide eyes. Like he can’t believe what he’s seeing. Well, it is really shocking to see her smiling when Rann is around.
“You … laughed.” Rann said sounding stunned.
Shay smiled. “Yeah. I did.”
“Yeah, you did.”
Shay chuckled as she looked at Rann’s still stunned face. For the first time since she met him, ito ang unang beses na naramdaman niyang komportable siya sa presensiya nito.
“Wow!” Tumingin siya sa bowl na wala ng laman. “Never thought mauubos ko ang sopas na luto mo.”
Nag-iwas ito ng tingin. “Actually, I didn’t cook it … I bought it.” Binuhat nito ang tray at naglakad papuntang pintuan ng kuwarto niya.
“Wait.” She stopped him before he can put his hand on the door knob.
“What?” He asked without looking at her.
“Why?”
He sighed. “I’m not Ramm, okay? I can’t cook anything without burning it.”
“You should’ve told me.” Nakonsensiya tuloy siya sa pang-iinsulto niya sa luto nito.
Frustration was visible on his face when he turned to her. “And let you make fun of me?”
“I won’t make fun of you. Bakit ko naman gagawin ‘yon?”
“Oh geez, I don’t know. Maybe because I know that you don’t like me?” Nag-iwas ito ng tingin. “Which I don’t care.”
“Of course I like you.” Natutop niya ang bibig at nanlaki ang mga mata niya ng ma-realize ni Shay ang sinabi niya.
How could she say that? More importantly, where did it come from? She hated his guts, then all of the sudden, she like him?
Mukhang mas lalo pa itong nainis sa reaction niya.
“Don’t worry. I won’t hold it against you.” He said irritated.
“I didn’t mean it that—”
“Don’t worry.” When he talked again, his face was void of any emotion. “I know that the idea of liking me repulse you, but please, don’t rub it in my face. I’m maybe a jerk but I still have a heart. And I assure you, my heart is not made of stone.” He opens the door and get out.
Shay was left dumbfounded by his words.
Parang ibang tao ito habang nagsasalita. Parang hindi ito ang lalaking inaasar siya sa tuwing nagkikita sila. Napatingin siya sa pintuang nilabasan nito.
Who is the real you Rann? The annoying and irritating one? Or, the man who was in front of me a while ago?
Hindi niya maitatago sa sarili na interesado siyang makilala ang tunay na Rann Nicolai San Diego.
The question is. Would he let her? And more importantly, why the hell would she like to know the real him? Hindi pa naman yata siya tinatakasan ng bait.
MAAYOS na ang pakiramdam ni Shay kinabukasan. Pagkatapos niyang mag-shower pumunta siya sa opisina ni Ramm para magluto ng agahan niya. Kompleto kasi ang kagamitan doon.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtitimpla ng kape ng makarinig siya ng katok.
Sa isiping si Ramm ang kumakatok kasi wala ito sa loob ng opisina nito ng dumating siya, She opened the door and froze…
“Breakfast delivery.” Halata sa mukha ni Rann ang pagkairita habang may dalang tray.
She should’ve known better. Hindi kakatok si Ramm dahil may sarili itong susi.
“I’m not hungry.” Isinara niya ang pinto pero ihinarang nito ang paa.
“And I don’t fucking care!”
Pilit niyang isinasara ang pintuan pero hindi niya magawa.
“Natutulog ako ng tumawag si Ramm para ipahatid ito sayo. So if I were you, I’ll just accept this, ‘coz I’m really not in the mood to deal with your stubbornness!”
Napipilan siyang binuksan ang pintuan at tinanggap ang tray na may lamang pagkain. Dumeretso siya sa kusina at inilapag doon ang tray. Kinuha niya ang mug na may lamang kape at ininom iyon.
Hindi niya namalayan na sumunod pala ang binata papuntang kusina. Saka lang niya nalaman ng magsalita ito sa likod niya.
“What time ka natulog kagabi?” Tanung nito.
“None of your business.” Ano naman ang sasabihin niya? Na hindi siya nakatulog dahil nakonsensiya siya sa panlalait niya sa luto nito?
“Sungit mo talaga babycakes. Nagtatanung lang naman ako.”
Sa halip na pansinin ang binata, kinuha niya ang cellphone at idi-nial niya ang numero ni Ramm. Nakakailang tawag na siya, walang sumasagot. Ring lang iyon ng ring.
Nanggigil na inilapag niya ang cellphone sa counter. Bakit ba hindi niya sinasagot ang tawag ko?
Napaigtad siya ng may humawak sa kamay niya.
“Akin na yan.” Kinuha ni Rann ang hawak niyang mug. “Bago pa malapnos yang kamay mo sa init.”
Agad niyang binitawan ang mug. Saka lang niya na realize na mainit pala iyon. Naka-focus kasi ang isip niya kay Ramm. Asan na ba kasi ang pektus na iyon?
Napatingin siya kay Rann na hinihipan ang kamay niya. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito. Tinitigan niya ang binata na patuloy pa ring hinihipan ang kamay niya. The gesture warmed her. She felt a strange thug in her heart but she ignored it. Inagaw niya ang kamay niya na hawak nito.
“I’m fine.”
He tsked. “Ano ba kasing iniisip mo? Mukhang wala ka sa sarili.”
“None of your business.”
He rolled his eyes. “Come on,” He offered her a very innocent look. “Tell me?”
Hindi niya alam kung bakit nadala siya sa look na iyon o sa klase ng ngiti nito. Namalayan nalang niya nagsasalita na siya.
“Si Ramm kasi hindi sinasagot ang tawag ko. kagabe pa ‘yon. Hindi man lang niya inalam ang lagay ko. Hindi man lang niya ako binisita kahit alam niyang may sakit ako.” Nagtatampo talaga siya sa kaibigan.
Nagkibit-balikat ito. “Don’t worry. For sure, nambabae lang iyon.”
She glared at Rann. “Wala ka nabang sasabihing iba tungkol sa kapatid mo kung hindi iyan?” Dinuro niya ito. “Huwag mong itulad si Ramm sayo kasi hindi siya katulad mo!” Okay, magkatulad ang dalawa pero hindi nagpapaiyak ng babae si Ramm.
May dumaang kakaibang emosyon sa mga mata nito pero agad din naman iyong nawala.
“Sige nga, alam mo ba kung nasaan si Ramm? Paano mo naman nasabi na hindi nga siya nambababae ngayon?”
Oo nga. For all she know may kasama itong babae ngayon. Pero hindi siya magpapatalo. “I don’t. Pero alam ko na hindi siya ga—”
“See, you don’t know!”
“Alam kung hindi siya ganoon kasi kilal—”
“Nope, you don’t know him.”
“Stop cutting me off!”
“Then stop talking about Ramm! It irritates the hell out of me!”
“I don’t freaking care!”
“I’m here! Bakit ba siya ang hinahanap mo!”
“Don’t shout at me!”
“Don’t shout at me too!”
She froze when she realize how close they were. She could feel his breath on her face. Napatitig siya sa mukha nito. She knew that he is handsome, but up close? Damn! His tall, sexy and so hot in every angle. And those eyes … Whoa!
What is happening to her? Am I admiring him? Hay! Tinakasan na nga yata siya ng bait.
Mukhang napansin rin nito kung gaano kalapit ang mga katawan nila kasi natigilan rin ito tulad niya. His eyes hop into her lips. She can see something in his eyes. Was it lust? Longing? Shay is not sure.
She almost sucked her breath when she felt his hands cupping her face. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Oh. My. God. Is he going to kiss her?
Malamang. Kaya nga diba palapit ng palapit ang muha niya sa mukha mo! Geez! How stupid can you get?
Yeah. She’s stupid to think that he’s not going to kiss her. Isang dangkal nalang ang layo ng labi niya sa labi nito.
Wala siyang naririnig maliban sa malakas na tibok ng puso niya.
Oh god! Why am I feeling this way towards this man? I hate him, remember?
Pero lahat ng galit at inis niya rito ay natunaw ng lumapat ang labi nito sa mga labi niya. His lips were soft as cotton. His mint breath was intoxicating her. Parang nag-spin ang paningin niya. Everything became blurry at tanging kay Rann nalang naka-focus ang atensiyon niya.
His lips started to move against hers. She was about to kiss him back when her phone rang.
Mabilis niyang itinulak si Rann para magkaroon ng distansiya ang mga katawan nila. Her heart was beating wildly inside her chest. Her cheeks and ears were so hot from embarrassment.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Ah –I better take … this c— call.” Kinuha niya ang cellphone sa counter at nagmamadaling naglakad palayo kay Rann na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito. Nakatulala lang ito sa kawalan.
She wanted to run. Kung puwede lang karatehin ang sarili ginawa na niya. Bakit ba niya hinayaang halikan siya ng Man whore na iyon! Ngayon tuloy, hindi niya alam kung paano maibabalik sa normal na tibok ang puso niya. Her heart was still hammering inside her freaking chest!
Kasalanan ‘to ng man whore na iyon! She should’ve shoved him away the moment he slowly dipped his head to claim her mouth.
Shit. Shit. Shit. Now what am I going to do? Siguradong aasarin siya nito tungkol sa halik na iyon.
Inilapat niya ang daliri sa labi niya. She can still feel his lips against hers. It was just a light kiss but it sent havoc on her—
Erase! Huwag mo ng isipin ang halik na iyon Shay. It’s nothing. Wala iyon. Tama! Kakalimutan niya ang halik na iyon as if it didn’t happen.
“It didn’t happen.” Kinompas pa niya ang kamay sa hangin habang sinasabi iyon.
BUMALIK ulit si Shay sa kusina pagkatapos sagutin ang tawag. It was her mother. Pinapauwi na siya nito. May importante daw silang pag-uusapan tungkol sa kompanya na pag-aari ng mga ito at kailangang naroon siya.
Naabutan niya si Rann na iniinom ang kape niya. Bumaling ito sa kanya.
“Yes?” Anito na parang wala lang nangyari sa pagitan nilang dalawa. And she thank god for that. Baka natunaw na siya sa hiya kung aasarin siya nito tungkol sa halik na iyon.
She bit her lip. “I’m going home. I can’t contact Ramm. Just tell him na umuwi na ako.”
Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan, sa halip, mataman siya nitong tinitigan. Na-ilang siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.
She cleared her throat. “Well, would you tell him?”
He put the mug on the sink then turn to face her. “I’ll drive you home.”
“Hindi na. Kaya ko n—”
“Ihahatid kita. It’s a long way drive home. And anyway, I won’t take no for an answer,” He grinned. “Babycakes.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Welcome back Mr. Annoying.”
“Miss me, babycakes?”
“Over my dead body.”
“Whatever you say, babycakes.” Naglakad na ito palabas ng kusina. Tumigil ito kapagkuwan at lumingon. “And by the way,” He traced the outline of his lips with his thumb. “Your lips taste so sweet.”
She gritted her teeth. It’s all she can do not to shout her lungs out! Kung pwede lang mag-teleport papunta sa ibang lugar sa sobrang hiya, ginawa na niya. Pero nunkang magpapatalo siya.
Nagmamartsa niyang nilampasan ito na nakangisi habang nakatingin sa mga labi niya.
“Screw you!” Sigaw niya nuong nasa labas na siya ng office ni Ramm.
She heard him laugh in response. Kainis!
Pumunta siya sa kuwarto niya para maghanda sa pag-alis nila. Nanggigil pa rin siya rito nang lumabas siya sa kuwarto. Mas lalo iyon nadagdagan ng makita niya si Rann na relax na relax habang naka sandal sa hamba ng pintuan. He still had that stupid grin on his face.
Nilampasan lang niya ito. Derederesto siya lumabas ng kuwarto at sumakay sa elevator.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top