Chapter 9
CHAPTER 9
NAKANGITI si Clover habang binabasa ang wedding invitation galing kay Marlon Aiken at Marj. Masaya siya para sa dalawa. Sa wakas, ikakasal na rin ang mga ito. Masaya siya para sa kaibigan, alam niyang magiging masaya ito sa piling ni Marlon Aiken.
Nagtaas siya ng tingin ng dumaan siya sa mesa ng sekretarya niya. “Good morning, Sally.”
“Good morning po, Miss Clover.” Nakangiting bati nito sa kanya. “Miss Clover, your appointment for two PM has arrived. Nasa loob na po siya ng opisina niyo.”
“Okay, thanks. Anyway, after this client aalis muna ako ha? Makikipagkita kasi ako ngayon sa mga kaibigan ko. Marj is getting married.” She said giddily while waving the wedding invitation in the air.
“Pakisabi nalang po kay Miss Marj na congratulation.” Ani ni Sally na nakangiti.
She rolled her eyes. “Anong pakisabi?” Inabot niya ang isa pang imbitasyon na para rito. “Marj sent you an invitation too.”
Nanlaki ang mga mata ng sekretarya niya. “Oh my god! Imbitado ako?”
“Of course. Para namang makakalimutan ka ni Marj.” Inayos niya ang pagkakasukbit ng shoulder bag niya sa balikat. “Anyway, papasok na ako. Baka kanina pa naghihintay ang kliyente natin.” She smiled at Sally one last time and enters her office.
“Hello, good morning.” Bati niya sa kung sino ang nasa loob ng opisina niya.
Clover was expecting a fat bald man waiting for her in her office, but she saw an opposite of what she’s expecting. A gorgeous man was sitting on the sofa comfortably, his amber eyes were staring at her like he’s about to devour her. Shit! Not this man again. Bakit ba ito nandito? She thought he’s gone… for good. Isang linggo niya itong hindi nakita kaya naman nagulat siya ng makita ito.
“What are you doing here?” She asked, shocked.
“Well, my Doctor says that I’m lacking Vitamin U. How about you? Aren’t you lacking Vitamin ME? We haven’t seen each other for a week.”
“What are you doing here, Alexus?” Tanung niya ulit sa matigas na boses.
“I’m here to ask you to match make me with someone.” Anito habang titig na titig sa kanya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Match make him with someone? Sino ba ang someone na ‘yon? Ito ba ang bagong babaeng gusto nito? Ang bagong babaeng kinukulit nito? Parang may pumiga sa puso niya. Peste! Palagi nalang bang masasaktan ang puso niya dahil sa lalaking ‘to? Akala niya kapag nawala ito sa buhay niya, mawawala na rin ang nararamdaman niya para rito, pero doon siya nagkamali. Mas lumala pa nga yata e.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mesa niya. “Match make you with whom?”
“Matchmake me with Clover Cinnamon Perez.”
She froze on her step. Slowly, she turns her head to Alexus. “W-What?”
“I said, matchmake me with Clover Cinnamon Perez.” He stands up from the sofa and walked to her. “Kaya mo ba?”
Tumawa siya ng pagak. “Nagbibiro ka ba? Gusto mong i-matchmake kita sa sarili ko?”
He nodded and reached for her face. “Yeah. Can you do it?”
Tinabig niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. “Is this is joke because it’s not funny.”
“I’m not joking, Flower. I really am here to—”
“Oh, please. Stop it! Bakit ka ba nandito, ha? At sa opisina ko pa.”
“Flower, isang linggo lang ang usapan natin. Mawawala ako ng isang linggo kapag sumama ka sa akin sa birthday ng mommy ko. Hindi kita kunulit ng isang linggo. At saka gusto kitang surpresahin kaya naman nandito ako ngayon sa opisina mo. That reason and of course, the matchmaking me with you thing.”
Pinandilatan niya ito. “Bakit ka ba talaga nandito? Akala ko ba hindi ka na sa akin magpapakita kasi natatakot ka na mahalin ako … blah blah blah. So, bakit nandito ka ngayon?”
“I can’t stay away.” Anito sa seryosong boses na ikinataas ng kilay niya.
“Can’t stay away? Bakit naman?” Umupo siya sa swivel chair at pinag-krus ang paa. “Alexus, bakit ka ba talaga nandito?”
“Nandito ako kasi na-miss kita. Hindi mo ba ako na-miss?”
She missed him so freaking much!
Huli niya itong nakita nuong hinatid siya nito mula sa beach. After that day, wala na. Wala nang tumira sa bahay na katabi ng bahay niya na inuukupa nito. Wala ng nangulit sa kanya. Wala na si Alexus at ang mga pickup lines nito. Hindi man niya mainin sa binata pero hinanap-hanap niya ang presensiya nito. Ang mga pickup lines nito na kinaiinisan niya. Ang flirty words nito na palaging dahilan nang pamumula ng pisngi niya. Hinanap-hanap niya ito sa loob ng isang linggo na nawala ito, tapos ngayon, nandito ngayon ang binata sa harapan niya.
She looked at him in the eyes with blank expression on her face. Kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Minsan na siyang sinaktan nito, ayaw na niyang maulit pa yon.
“Na-miss? Nagpapatawa ka ba Alexus? Nang mawaka ka, naging masaya ako. Kaya umalis ka na, para maging masaya na ulit ako. Ilang minuto palang kitang nakakausap, naiinis na ako, kaya umalis ka na.”
Hindi nakinig ang binata at lumapit sa kanya. Inilagay nito ang kamay sa ibabaw ng mesa niya at inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Flower, I want you back.”
“You want me back? Alexus, I wasn’t yours in the first place. And I don’t want to be yours. Ayoko sa mga playboy na katulad—”
“I’m not a playboy anymore.”
“Yeah and people in hell want ice water. Lumayo ka nga sa akin. Wala ka namang kwentang kausap. Bakit ba nagpakita ka pa ha? Hindi kitang gustong makita—”
Bigla nitong sinakop ang labi niya na ikinaawang ng bibig niya sa sobrang gulat. She wants to bash her head on the table when she felt a tingling sensation on her lips. Mabilis niya itong tinulak palayo sa kanya na para bang napaso siya.
Clover glared at him. “Why did you do that for?!” She shrieked.
Alexus smiled, showing his very cute dimples. Gusto niyang panggigigilan ang pisngi nito pero pinigilan niya ang sarili.
He shrugged, still smiling. “I miss you, kaya naman hinalikan kita.”
“Hindi porke’t na-miss mo ako e hahalikan mo na ako!” Dinuro niya ito sa dibdib. “Pagkatapos mong umalis dahil naduwag ka bigla ka nalang babalik na parang walang nangyari? Tapos ano? Sasabihin mong na-miss mo ako blah blah blah? Ano ba ang tingin mo sa akin, Alexus? Laruan mo?! Na sa tuwing nababagot ka paglalaruan mo ako!? Alexus, may damdamin ako—”
“At sa tingin mo ako wala?!” Sigaw ni Alexus a ikinatigil niya sa pagsasalita. “I have feelings too and I felt shit when I left you for a week. Araw-araw ikaw ang nasa-isip ko. Kung ano ang ginagawa mo? Kung sinong kasama mo? Ikaw palagi ang laman ng isip ko at naiinis na ako. Akala ko kapag iniwasan kita, kapag hindi na kita kulitin at makita matatahimik na ako, akala ko matatahimik na ang puso ko, pero kabaliktaran ang nangyari. I missed you so freaking much!”
Mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya. “My heart yearns for you, Clover. Hindi ko alam kung paano nangyari ito basta nagising nalang ako isang araw na gusto na kita. Na nahuhulog na ang loob ko sayo. Yes, I was just playing and flirting with you at first, pero ng tumagal, nag-iba na. You are the first woman that makes me feel this kind of emotion and I was scared. Scared of what you’ll do if you find out about my growing feelings for you. Wala ka ng ibang ginawa kung hindi tarayan ako, natakot ako na walang katugon ang nararamdaman ko para sayo. I’m a playboy, Clover, but because of you, I don’t want to be a playboy no more.”
Clover was shock to the core. “I… I’m a-always in your m-mind?” She stuttered.
“Yeah.” He rub his nape like he’s shy or something. “You’re kinda, sorta, basically, pretty much on my mind.”
“Y-You don’t want to be a p-playboy no m-more?” She stuttered again.
“Yes.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng pasukin na naman ng pagdududa ang puso at isip niya. “Alexus, please, stop lying to me.”
Pinigilan niya ang puso na gustong mag-party dahil sa sinabi ng binata. Natatakot siya na maramdaman niya ulit ang sakit na naramdaman niya ng mawala ito sa buhay niya. Hindi niya inakala na makakapasok ito sa puso niya dahil naiinis nga siya rito, pero tulad nito, nagising nalang siya isang araw na nagkagusto na siya kay Alexus. Pinigilan niyang lumalim ang nararamdaman para rito kasi alam niya ang history nito sa mga babae pero ang baliw na puso niya, hindi nagpapigil kahit kinadenahan na niya.
“I’m not lying. You can even ask god.”
She opens her eyes and looked at him. “Oh, gusto mo tanungin ko si god? Sige, pahinge ng cellphone number niya at ite-text ko.” Puno nang sarkasmo ang boses niya. “Alexus, nakakalimutan mo yatang out of coverage area si god.”
Alexus sighed in frustration. “Ano ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka sa mga sinasabi ko?”
“Wala.” Mabilis niyang sagot at isinukbit ang shoulder bag sa balikat at tumayo.
Pinigilan siya nito sa braso. “Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap.”
“Bitawan mo ako, Alexus. Hindi ba ako puwedeng umihi at mag-retouch muna bago natin ipagpatuloy itong— kung ano man ang tawag dito? God, ilang minuto palang kitang nakakausap, stress na kaagad ako sayo!”
Ipiniksi niya ang braso na hawak nito at naglakad patungo sa banyo. Nang makitang sumunod sa kanya si Alexus, hinarap niya ang binata. “Alexus, sa CR ako pupunta. Hindi ka welcome roon.”
He shrugged. “Wala namang ibang tao roon.”
“O wala, kaya nga bawal ka sa CR eh.”
“Bakit may nakasulat ba na female CR only?”
Inirapan niya ito. “Huwag mo nga akong pilosopohin, Alexus.” Nagmamadali siyang pumasok sa CR at mabilis na isinara iyon. Ang totoo gusto niyang makalayo kay Alexus, hindi siya makapag-isip ng tama kapag malapit ito. Ang mga sinabi nito sa kanya, hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi.
Napailing-iling nalang siya ng marinig niyang may tumayo sa labas ng pintuan. “Alexus, puwede ba, umalis ka riyan sa labas ng pintuan. You are creeping me out.”
Alexus chuckled from outside the door. “I’m not creepy, ayoko lang na bigla mo nalang akong takasan. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Marami pa akong sasabihin sayo.”
“Saan naman ako tatakas? Gamitin mo nga yang utak mo, Alexus. Anong tingin mo sa akin, isang daga na puwedeng makatakas sa pamamagitan ng pagpa-flush sa CR?”
Tumawa ito ng malakas. “See? This is what you do to me. Sa isang linggo na hindi kita nakita at nakasama ang tamlay ko. Ngayon, ilang minuto palang tayong magkasama at magkausap, para na akong full charge na battery.”
“Huwag mo akong gawing charger.” Seryusong sabi niya pero ang totoo gusto niyang tumawa ng malakas. Alexus and his flirty lame pickup lines.
“Bagay talaga tayo, Flower, I’m the battery and you are my charger.”
“Tumigil ka riyan, Alexus. Hindi lumalabas ang ihi ko dahil sayo.”
“Flower, alam kong guwapo ako at sobrang talented, pero hindi ko naman yata kaya iyang ibinibintang mo.”
Hindi na niya napigilan, pinakawalan niya ang tawa na kanina pa niya pinipigilan.
“Aww… you laughed. Does it mean that you’re going to matchmake me with Clover Perez?”
Tinapos niya ang pag-ihi at lumabas ng CR. Naabutan niya si Alexus na nakapamulsa at nakasandal sa tabi ng pintuan. Nang marinig nito ang paglabas niya, kaagad itong umayos ng tayo.
Tinitigan niya ang binata sa mga mata. “’Yong pinapagawa mo sa akin, hindi ko ‘yon kayang gawin.”
Kumunot ang nuo nito. “Why not?”
“Kasi ayaw ni Clover Perez na makipag-date sayo.”
Inisang hakbang nito ang pagitan nila. “Kapag pinakita ko ba sa kanya na seryoso ako at gusto ko talaga siyang maka-date, would she reconsider?”
“I don’t know.” Nagbaba siya ng tingin. “Hindi rin alam ni Clover kung mapagkakatiwalaan ka ba niya.”
Inilagay ni Alexus ang hintuturo sa baba niya at pilit na itinaas ang mukha niya. “Ano ba ang dapat kung gawin para maniwala sa akin si Clover?”
“Patunayan mo na hindi ka lang puro salita.”
“’Yon lang naman pala e. Okay, ipapakita ko sayo na hindi lang ako puro salita.” Niyakap siya nito ng buong higpit. “Sisiguraduhin kong maniniwala ka sa akin Clover.”
“Okay. Patunayan mo, Alexus.” Marahan niya itong itinulak palayo sa kanya. “Aalis na ako. Magkikita pa kami nila Marj at Gilen sa Shay’s café.”
“Halika, ihahatid na kita.”
Tiningnan niya ang binata na malapad na nakangiti. Magpapahatid ba siya rito? Why the hell not? She’s giving him a chance to prove himself anyway.
“Sure.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top